IJLT 34 - Signs
To: Hans
Okay ka na ba?
It's as if her fingers have lives of their own. Pagkamulat pa lamang ng mga mata ni Iya ay agad na niyang hinanap ang phone para i-compose ang message na iyon. It's six in the morning. Alas otso ang pasok niya, so she had to be early. Since Ken's first class is not up until 10, ang daddy niya ang maghahatid sa kanya.
Second week pa lang ng pagka-ground niya pero pakiramdam niya'y umay na siya sa pagmumukha ng ama. Pero wala naman siyang magawa. Kapag nagreklamo siya, mag-aaway lang silang dalawa. Daddy's girl pa naman siya.
Nakapag-almusal na siya pero hindi pa rin nagrereply si Hans. Panay din ang tingin nya sa phone during the car ride to school. Naging curious tuloy ang daddy niya.
"May hinihintay ka bang text?" tanong nito.
"Sa classmate ko po," sagot niya.
"Boy or girl?"
She rolled her eyes. "Pa!"
"I'm just asking," depensa nito. "So, lalaki ba o babae?"
"Bakla po," she blurted out.
Bahagya syang natawa. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Hans kapag nalaman nitong tinawag niya itong bakla?
--
Second subject na pero wala pa rin si Hans. Kanina pa siya patingin-tingin sa phone niya pero wala namang message galing dito. Patago siyang nag-compose ng message habang nagle-lecture ang prof.
To: Hans
Hoy. Nasaan ka? Magda-drop ka na ba?
Baka naman may sakit pa? tanong niya sa sarili. Pero hindi. Kung may sakit pa ito, e di sana nagsabi ito sa kanya. O kay Aubrey kaya. Kaso hindi rin alam ni Aubrey kung bakit absent si Hanson.
Thirty minutes later, halos sabay-sabay silang mapatingin sa pintuan ng classroom nang biglang may pumasok. It was Hanson. Naka-white shirt lang ito saka denim pants.
Dire-diretso ito papunta sa kinauupuan niya. Tumayo yung katabi niya para lumipat ng upuan. Ang prof naman ay tumigil sa pagtuturo. Pinamay-awangan nito si Hanson.
"Mr. Madrigal, you're too early for the next subject," sabi ng prof nila.
"Nakiki-sit in lang, ma'am," sagot naman ni Hans.
Nailing na lang ang prof nila. Mabuti na lang at mabait ito. She resumed the lecture habang si Hans naman ay tumingin sa kanya.
"O, ano?" tanong nito.
"Wala," sagot niya.
Hindi na lang niya ito pinansin hanggang matapos ang klase. But before the third subject, basta na lamang sya nito hinila palabas ng classroom. Pinagtinginan sila ng mga kaklase at ng mga estudyanteng nasa hallway. But Hans wasn't stopping.
"Hans, may klase pa!"
Dire-diretso lang ito sa paglalakad hanggang sa makarating sila sa parking lot. Tumigil sila sa tapat ng isang SUV. It wasn't his car. May lumabas na isang middle-aged man na naka-suit and tie. Binuksan nito ang backseat. Hans pushed her inside and then he climbed in next to her.
"Saan mo ba ako dadalhin?!" iritado niyang tanong.
He completely ignored her. Sumandal lang ito at pumikit.
"Saan tayo, Sir Charlie?" tanong ng driver.
"Penthouse," tipid nitong sagot.
"Hans, may klase pa. Kung gusto mong mag-cutting, huwag mo 'kong idamay!" reklamo niya.
"Would you just shut up. Sumasakit ang ulo ko sa 'yo."
"If you don't want to hear me nag, then let me out of this car!" sabi niya.
"Shut up!" bulyaw nito.
Natahimik naman siya. It's been a while since he last shouted at her. Ayaw man niyang aminin pero nasaktan siya sa ginawa nito. All this time pala, hindi pa rin ito nagbabago.
He didn't even say sorry. Nang magsimulang umandar ang kotse ay sumiksik siya sa kabilang side ng backseat. Doon siya nagmumukok. Si Hans naman ay mukhang nakatulog.
Nang makarating sila sa building na pag-aari ng mga magulang nito, saka lang ito nagising. Pagka-park ng kotse ay agad itong lumabas. Tahimik lang syang sumunod. Maging sa elevator ay hindi sila nag-uusap. He must have known na nasaktan siya sa ginawa nitong pagsigaw kanina. And he must have thought na matatanggal ang tampo niya sa pananahimik nito.
Well, he was wrong about that.
"Ano'ng gagawin ko rito?" tanong niya pagkasarado nito ng pinto.
Bumilis ang tibok ng puso niya nang bigla itong lumapit. Kinuha nito ang kamay niya saka nito iyon dinala sa leeg nito.
"Alagaan mo 'ko."
--
It was an odd command. Ni wala man lang please. Kahit kailan talaga, hindi ito marunong makiusap.
"Kung gusto mo ng mag-aalaga sa 'yo, pumunta ka sa ospital. Maraming nurse dun."
Binawi niya ang kamay at saka siya naupo sa couch. She crossed her arms against her chest when he sat next to her.
"Yung nurse kasing gusto ko, Tourism ang kinuha."
Pagkasabi'y kinindatan pa sya nito. Damn her cheeks for blushing!
"I'm not your sitter," she told him, indignantly refusing to admit to herself na kinilig siya sa sinabi nito. "You can't just drag me out of the class like that!"
"Nahilo kasi ako kanina," dahilan nito.
"Pumasok ka pa kasi. Alam mo na ngang may sakit ka."
"Hinanap mo kaya ako."
"Excuse me!" nakanguso niyang sabi. Kailan nya ba ito hinanap? Mas masaya nga ang araw niya kapag hindi niya ito nakikita! Mas tahimik, walang gulo.
She saw him get his phone from his pocket. He showed her a message. She knew that one. She sent it to him this morning.
From: Emilia Christina Eusebio
Hoy. Nasaan ka? Magda-drop ka na ba?
"Grabe, buong-buo naman ang pangalan ko," puna niya.
Ngumiti si Hans. "Syempre."
Napabuntong-hininga na lang siya. "May sakit ka pa ba talaga?"
Kinuha nitong muli ang kamay niya saka idinikit sa leeg nito. "O ayan, siguraduhin mo."
"Uminom ka na ng gamot?" tanong niya.
"Hindi ako umiinom ng gamot."
"Dito ka lang," sabi niya rito.
"Sa'n ka pupunta?" kunot-noo nitong tanong.
"Basta," sagot niya.
Una niyang pinuntahan ang banyo dahil doon madalas may medicine cabinet. Hanson told her that his mother crashes here from time to time. Siguro naman ay may basic amenities ang penthouse, tulad ng medicine cabinet.
Napa-yes siya ng mahina nang makitang mayroon nga sa banyo. Kaso nadismaya rin siya kaagad nang makitang walang gamot sa loob nito.
Pumunta na lang siya sa kusina at naghanap ng mainit ng tubig. Tapos ay naghanap sya ng maliit na planggana. Nilagay niya roon ang isang puting bimpo saka niya binuhusan ng mainit na tubig galing sa water dispenser. She added a little bit of cold water para maging maligamgam ang temperatura.
Nang bumalik siya sa sala ay nakahiga na si Hans at nakapikit. Kumuha siya ng maliit na upuan at inilagay sa tabi nito. Naupo siya roon at piniga ang bimpong nakababad sa maligamgam na tubig. And then she put the towel on his forehead.
Nagmulat ng mata si Hanson at saka dinama ang noo.
"What the heck is this?" tanong nito.
"Bimpo."
"Bakit basa?!" Tinanggal nito iyon pero mabilis din naman niyang naibalik.
"Sabi mo alagaan kita, di ba? Ayoko ng alagang mareklamo at matanong."
--
While Hans was resting, she rummaged the kitchen to make soup. Kahit hindi siya kasinggaling ni Ken sa kusina ay marunong din naman siyang magluto. She made a simple vegetable soup, or more accurately, carrot and lettuce soup, dahil walang ibang gulay na makikita sa buong penthouse kundi carrots at lettuce. Walang laman ang ref kundi tubig at alak. Ni walang tinapay o instant noodles.
Pagkaluto niya ng sabaw ay pinabangon niya si Hans at pinainom—since ayaw nitong kainin yung gulay.
"Walang lasa," reklamo nito.
"Natural, wala ka kasing panlasa," she told him.
"Ayoko na."
"Ubusin mo yan. Effort kaya ang maghanap ng maluluto rito!"
"Sana umorder ka na lang."
"Magsasayang pa 'ko ng pera e pwede namang magluto."
He grunted, pero pumayag na rin dahil mapilit siya. Aba dapat lang. Ito na nga ang nagpaalaga, ito pa ang maraming reklamo.
When he finished the bowl, ibinalik niya ang pinagkainan sa kusina at saka iyon hinugasan. Pagbalik niya, napansin niyang bumabakat na ang pawis sa likuran nito.
"May damit ka rito?" tanong niya.
"Sa drawer, sa kwarto," sagot nito.
Pumunta siya roon at kumuha ng t-shirt, saka niya ibinigay rito.
"Magpalit ka. Baka matuyuan ka ng pawis."
Tumayo naman ito agad at akmang maghuhubad nang makita nito ang reaksyon niya. Rolling his eyes, he told her to turned around. Tumalikod siya habang nagbibihis ito. Pagkatapos ay muli itong nahiga at pumikit.
"Pwede na ba akong umuwi?" tanong niya.
"Bahala ka," sagot nito.
He covered his eyes with his forearm. For a while, hindi niya alam kung iiwanan ba niya ito o maghihintay siya ng kaunting oras pa. She looked at her wristwatch. May isang oras pa siya bago matapos ang klase nila. Hindi na rin siya makakapasok dahil kalahati na lang ng last subject ang maaabutan niya. So she decided to wait.
May TV naman sa kwarto nila kaya doon muna sya nanuod ng kaunting oras para hindi maingayan si Hans.
Thirty minutes later, lumabas na siya ng kwarto para umalis. Natutulog pa rin si Hans. Napansin niyang umiilaw ang phone nito na nakapatong sa coffee table. Naka-silent ito at nagba-vibrate lang, kaya siguro hindi nagiging si Hans.
She picked it up. Sakto naman na natapos ang tawag at nag-black yung screen. She pushed the power button to get on the lock screen. Nagulat sya sa nakita niya.
His screensaver was her picture, taken during the freshmen orientation. Stolen shot iyon. It was probably taken nang lumilinga-linga sya at naghahanap ng upuan. She didn't know what she would feel. Kahit naman sinabi na ni Hanson sa kanya na gusto siya nito, hindi sya naniwala.
The phone started vibrating again. Mommy pala ni Hanson ang tumatawag.
Napapitlag siya nang biglang may tumikhim.
"Can I have my phone back?" tanong nito. She couldn't read his expression, pero mukhang alam nitong nakita na niya yung screensaver nito.
"S-Sorry," she muttered, handing him his phone.
"Umuwi ka na. Ipahahatid na kita sa driver."
Pagkasabi'y pumunta ito ng kwarto. Naiwan siyang nakatayo sa sala, litong-lito. Dapat ba siyang matuwa dahil mukhang gusto talaga siya nito o matakot dahil ayaw nyang magustuhan nya rin ito?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro