IJLT 33 - Hots
Lunes. Lunes na lunes, absent si Hanson. Absent din daw ito kahapon sa CAT. Hindi niya alam kung paano ito nakakalusot. Para kasing hindi naman ito pumapasok tuwing linggo.
Kadalasan ay nasisira ang umaga niya dahil dito. And she should be glad dahil wala ito sa klase. Pero ewan ba niya kung bakit maya't maya siyang napapalingon sa may pintuan sa tuwing may dadaan o papasok sa classroom.
"Hi, can I sit here?" tanong ng isang lalaking hindi niya kilala.
"Uh, sure."
Usually, si Hans ang nauupo sa tabi niya. Pero wala ito ngayon.
"I'm Mico," pakilala nito, sabay lahad ng palad. "Nakiki-sit in."
Tinanggap niya iyon. "Iya. Bakit ka nakiki-sit in?" she asked out of politeness, not curiosity.
"Sabi kasi ng kaibigan ko, may maganda raw syang classmate na gusto nyang ipakilala sa 'kin."
Sa titig pa lang nito sa kanya, alam na niya ang tinutukoy nito. Syempre, hindi naman na sa kanya bago iyon. She have heard worse pickup lines.
"A, ganoon ba?"
She tried to ignore Mico to focus on the lectures pero kung anu-anong papansin ang ginagawa nito sa kanya. At a time like this, magpapasalamat siya kung present si Hanson. At least ito, kaya nyang bara-barahin.
Tiniis na lamang niya ang ilang oras na torture kesa patulan pa ito at mapagalitan siya. She felt relieved when the class before lunch finally ended.
"Uhm, okay lang makisabay pagla-lunch?" alangan nitong tanong sa kanya.
"Sorry, she's going to have lunch with me." Nagulat siya nang biglang umangkla sa braso niya si Aubrey.
"A, ganoon ba? Can I join you?"
"Hindi e. Magagalit kasi ang kakambal nya," sagot ni Aubrey. "Una na kami ha. Naghihintay na kasi sya."
"Thanks, Aubrey," sabi niya rito nang makalabas sila ng classroom.
"You're welcome," nakangiti nitong sagot. Kumalas ito sa kanya. "I'll go ahead. Paki-hi na lang ako kay Ken."
"Hindi ka sasabay sa 'min?"
Umiling ito. "Hindi na."
--
When she came back for the next class, nakita na naman niya si Mico. At mukhang maghapon pa yata nitong balak maki-sit in. Nakikipagkwentuhan ito sa isa nyang kaklase nang pumasok siya ng classroom. When he saw her, agad itong tumigil sa pakikipag-usap at kumaway sa kanya.
"Naghahanap yata talaga sya ng sakit ng katawan," narinig niyang bulong ni Aubrey, na noo'y kapapasok lang ng classroom.
Hindi niya ito pinansin. Naupo na lang siya sa bandang likuran. Dati ay madalas syang sa unahan maupo. Kaso, hinihila sya ni Hans papunta sa likod. Kaya lately, doon na lamang siya umuupo para hindi palipat-lipat.
"Dito ulit ako ha," maya-maya'y sabi ni Mico. Wala syang nagawa kundi ngumiti ng pilit. Nagbukas siya ng libro at nagbasa kunwari, para hindi nito maisipang daldalin siya.
"At sino naman ang may sabi sa 'yong pwede mong tabihan ang girlfriend ko?"
She felt a rush when she heard his voice. Akala kasi niya ay maghapon na itong hindi papasok. She looked up to find Hans glaring at Mico. He has his one hand on the strap of his bag, the other on the pocket of his acid-washed pair of jeans.
He looked cold. Naka-sweater kasi ito. Tapos sa ilalim noon, may buttoned-down polo shirt. Four buttons from his neck were open, revealing a white tee. Naka-beanie pa ito na kulay gray.
Mico stood up, but he didn't go away. He held his ground. "Girlfriend?" patuya nitong tanong. "E pinilit mo lang naman syang sagutin ka e. Ano ba 'yan, p're? Hindi mo ba nakuha sa santong dasalan?"
Hans jaw clenched. His grip on the bag's strap tightened.
"Hindi ka makasagot kasi totoo? Akalain mo nga naman, ano? Hindi pala lahat ng babae, kaya mong makuha."
The bag dropped from his shoulder and the next thing she knew, he was balling his fists on Mico's collar. Kitang-kita ang takot sa mga mata ni Mico. He knew this would happen. And he's willing to risk it because there's a bigger chance that Hanson will be expelled if he did hurt him.
Kung sa labas pa siguro ng school sila mag-aaway, labas na roon ang administration.
"Hans!" awat niya rito. "Don't."
Nakahamba na ang kamao nito, handang manuntok, nang tumayo siya at umawat dito. He looked at her, his eyebrows crossed with annoyance. Saka nito itinulak si Mico.
"Consider this your lucky day," sabi pa nito.
Mico just scoffed and walked out of the classroom. Si Hanson naman ay naupo sa upuan na katabi ng sa kanya. Pinulot niya ang bag nito na mukhang wala namang laman dahil sa sobrang gaan.
"May sakit ka ba?" tanong niya. She touched his forehead but he jerked his head away from her hand.
"Wala," sagot nito.
"Sana sinabi mo para nai-excuse ka kanina." Nang hindi siya nito pinansin ay nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Pasalamat ka nga, pinapakitaan kita ng concern dyan. Alam mo bang galit ako sa 'yo? Pinagmukha mo 'kong tanga with your Athena spiel."
"I don't have time for your nagging."
"Bakit ba ang sungit mo?!"
Instead of setting things straight, nagpasak pa ito ng earphones sa tenga. Talaga yatang ginagalit siya. Minsan na nga lang sya maging concerned, saka pa sya hindi pinansin! Sa inis niya ay lumipat siya ng upuan. Saka niya ito nilingon. He was looking at her, but quickly turned away when she noticed.
For the rest of the day, nakasubsob lang si Hanson sa desk nito. Para saan pang pumasok sya kung matutulog din pala sya sa klase?
--
Nang dumating ang uwian, binagalan niya ang pag-aayos ng gamit, giving him time to catch up with her. Pero inunahan pa siya nito sa paglabas ng classroom.
"Ano ba'ng problema nun?" tanong niya kay Aubrey.
"Hindi mo ba narinig yung sinabi ni Mico kanina?" pabalik nitong tanong sa kanya. "Malamang nasaktan si Hans."
"E? Bakit naman sya masasaktan?"
"Hindi ko alam kung dense ka ba o matigas lang talaga ang puso mo," naiiling nitong sabi. "Una na 'ko pag-uwi ha."
"Sige."
Habang naglalakad siya papuntang parking lot, she couldn't help but think about what Aubrey said. Nasaktan pala si Hanson. She's so used to the idea of him inflicting the hurt, not taking it. At kung nasaktan man ito, sapat na ba iyong dahilan para sungitan siya? Hindi naman siya ang nagbitaw ng masasakit na salita kundi si Mico.
Maybe he has his own way of coping with the hurt? Naalala niya noong in-Indian niya ito at kay Jeremy siya sumama para manuod ng movie. He was so pissed with her. He even threatened her. But no harm was done to her, at least not directly.
Could it be that he was hurt at that time kaya nito sinuntok si Jeremy? Was she a bit insensitive back then?
Oh, come on, Iya! Stop feeling guilty about it! sabi niya sa sarili.
Yes. Why would she feel guilty? He's rude. He's a jerk. Whatever he's doing, he's doing for his own satisfaction. But that doesn't mean that he doesn't get hurt, said the tiny voice inside her head.
She shook the thought off.
"Iya."
Napatigil siya sa paglalakad nang may tumawag sa pangalan niya. It was Hanson. He's leaning on his car. Nakahalukipkip ito.
Remembering his little scheme earlier, lantaran niya itong inismiran saka siya nagpatuloy sa paglalakad.
"Come on. Stop being so childish."
Nagpanting ang tenga niya sa narinig.
"At ako pa ngayon ang childish?" She stomped her way towards him. "Ikaw kaya itong hindi namamansin kanina! Look, kung anuman ang sinabi ni Mico kanina, labas na ako roon. I didn't agree with him, did I? At pinigilan lang naman kitang suntukin sya kasi conc—"
Naputol ang pagsasalita niya nang bigla siya nitong kabigin at yakapin ng mahigpit.
She's right. He's sick. Ramdam niya ang init na nagmumula sa katawan nito. Not the normal body temperature. Nakakapaso rin ang leeg nito na nakatapat sa noo nya.
"H-Hans." She tried to push him, but he wasn't budging. "B-Baka makita tayo ng papa ko."
That's when he pulled away, but not far enough.
Dahan-dahan itong yumuko. She knew he was going to kiss her. Ipinikit niya ang mga mata ng mariin. Clenching her fists, she wished her heart would stop beating so loudly. Pa, please don't be around, dasal niya. Baka ma-ground siya ng sampung taon kapag nakita ito ng daddy niya.
A few seconds later, she felt his lips on her forehead. She didn't know why but it gave her warmth, like it was the most intimate thing he ever did to her.
It ended just as quickly as it started. Nang magmulat siya ng mata ay sumasakay na ito ng kotse. He didn't even say goodbye before leaving.
Huminga muna siya ng malalim pagkaalis nito bago niya hinanap ang sasakyan ng daddy niya. Kanina pa raw ito naghihintay sa kanya.
To: Hans
Ingat sa pagda-drive. Uminom ka ng gamot.
"Iya, sakay na. Magluluto pa 'ko," sabi ng daddy niya.
She hit the send button and hopped inside the car. When she was putting on the seatbelt, nakita niyang kakaiba ang tingin sa kanya ng daddy niya. Nakakunot ang noo nito.
"What?" she asked.
"Do you feel okay? Namumula ka."
Hinawakan niya ang pisngi, saka siya sumilip sa rearview mirror ng kotse. Her dad's right. Namumula nga siya.
"It must be the heat, pa," dahilan niya. She didn't want to think that it was because of something else.
Nang makarating sa bahay ay agad siyang umakyat ng kwarto para magbihis. Humiga siya sa kama pagkatapos, at saka niyakap ang Hello Kitty na bigay ni Hans. Bakit nga ba parang nagiging concerned siya rito? E ano naman kung may sakit ito? He's old enough. He can take care of himself.
Bakit sya kinabahan kanina? Ang lakas-lakas ng pintig ng puso nya. At bakit siya namumula?!
Halos mapabalikwas siya ng bangon nang tumunog ulit ang phone niya. There's a message from Hans.
Salamat sa concern.
She felt her blood rushing to her face. Tumayo siya at tumingin sa salamin. Namumula pa rin siya. She was even redder than before. Could it be that her mom was right? If this is the stupidest idea ever, then she has to end it... before it develops into something unstoppable.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro