IJLT 30 - Amends
Bwisit na bwisit si Iya nang ipagkalat ni Hans sa buong klase na sila na. She was so worried, lalo na with Aubrey. But Hans assured her that she won't tell a soul outside class. Pero kahit na. Alam niyang it's only a matter of time bago makarating kay Ken ang balita. And then he would tell their father. And then... hindi na niya alam kung ano'ng mangyayari.
"Ang sabi ko sa 'yo huwag mong ipagkalat, di ba? And that's the first thing you did!" panunumbat niya rito.
"Did you really expect me to be mum about it?" natatawa nitong tanong. "Dapat nga matuwa ka at ipinagkakalat kong girlfriend kita. Yung iba nga, itinatanggi ko pa e."
Pinamay-awangan niya ito. "A, ganun? So, dapat ma-flatter ako?"
He nodded, his face painted with amusement. "Yeah. Aren't you?"
"And if my dad finds out?"
"E di patay ka."
Huminga siya ng malalim, nagpakalma. "Alam mo, mabuti pa sigurong mag-break na lang tayo. Gusto mo lang namang sagutin kita, di ba?"
Hanson scoffed. "You think I'd let you dump me?" He stood up and leered down at her. "No one dumps me, Iya. I always do the dumping."
Napamaang siya sa sinabi nito. Mukhang namali yata siya ng strategy. Akala naman kasi niya, madali lang magsasawa itong si Hanson. She's just another challenge. She already let him conquer her. Akala niya ay magmu-move on ito agad.
Siguro ay kailangan niyang gumawa ng paraan para ayawan siya nito.
--
"Did you like the teddy bear?" nakangiting tanong ni Paris kay Jasmine during lunch. He managed to corner her. Saktong wala itong kasama. Pagkalabas nito ng classroom ay hinarang niya ito agad.
Mukhang nagulat pa ito nang magtanong siya. She wasn't expecting him to approach her personally. Simula kasi nang nalaman niyang galit ito sa kanya, hindi na siya nito binigyan ng chance na makalapit dito. Kaya nag-lie low muna sya ng ilang araw.
"U-Uhm..." Tumikhim ito. "E-Excuse me."
She tried to get away from him but he managed to grab her arm.
"Jas, let's talk."
"G-Gutom na 'ko."
"I'll buy you lunch."
Agad itong umiling. "N-No thanks."
"I insist."
She wanted to say no. He could see it in her eyes. Pero hindi niya ito hinayaang makatanggi. People looked when they entered. Napansin niyang yukong-yuko ito paglalakad, probably embarrassed.
Nang maka-order siya ng pagkain nila ay agad niya itong dinala sa usual spot na kinakainan niya. He's usually with his gang, but not today. Today, he's with her.
"Look, Jasmine, I'm sorry for what happened before," panimula niya. "I admit that I was a bit superficial. Maybe I still am. But you can't take that away from me because that's just what I am. I usually like the outside first."
Nakatitig lang ito sa pagkain. He pushed the tray of food towards her.
"Aren't you going to eat?" he asked, to which she answered, "No."
He sighed. "Come on. Please. I'm trying to make amends here."
"Tapos na yun e. Hindi mo na mababawi yung mga sinabi mo sa 'kin dati," sagot nito.
"Alam ko. Tama ka, tapos na yun. Hindi ko kayang bawiin ang mga sinabi ko. Pero, hindi ka na rin naman tulad ng dati, di ba? So why hold on to your grudges?"
"Because I was led into believing that people can be appreciated for who they are."
"Do you still believe in that?"
Tumango ito.
"I think you're lying."
She finally looked at him, eyes wide with surprise.
"A-Ano'ng sabi mo?"
"You're lying. You don't believe that people can appreciate you for who you are. Kaya nga inayos mo ang sarili mo, di ba? Para matanggap ka ng ibang tao."
Mukhang tinamaan ito sa sinabi niya. But of course, she won't admit that. She will never admit that he made sense, because it's like admitting that he's right and she isn't.
"Jasmine, people can be blinded by the physical appearance. They can also be disgusted by it. Hindi pwedeng sa kanila mo na lang iasa ang pag-appreciate sa 'yo. You also have to appreciate yourself."
"Are you trying to make an excuse for me to forgive you?" kunot-noo nitong tanong.
He shook his head. "I think you've already forgiven me. You just couldn't forgive yourself, because you can't let go of an old hate."
Tumayo siya at hinawakan ito sa baba. "I know it's too early for this, pero sasabihin ko na para mapag-isipan mong mabuti. I want you to go to the dance with me... next year."
With that, he left the cafeteria.
--
From: Totoro
Hi, did you receive the flowers earlier?
Napangiti si Ahn nang mareceive ang text ni Ken.
To: Totoro
Yes, thank you. <3
Naalala niya kanina. Biglang nag-excuse sa klase nila si Paris. May dala-dala itong bulaklak. Agad siyang pinamulahan nang tawagin siya nito. Tinudyo-tudyo siya ng mga kaklase dahil doon. Hiyang-hiya naman siyang tumayo para kunin ang ibinibigay nito.
"Pinabibigay ni Ken," sabi nito sa kanya.
First time niyang makatanggap ng bulaklak. Kahit hindi siya mahilig doon, natuwa pa rin siya. Iba rin pala talaga ang pakiramdam tuwing nakakatanggap ka ng kahit ano galing sa taong gusto mo. Parang gusto mong lumipad sa sobrang saya.
From: Totoro
Sorry, wasn't able to give it to you personally.
Naiintindihan naman niya. Bawal kasing magpapasok ng outsiders sa school nila kung wala namang event. Kahit na ang mga galing sa sister school nila, na halos katabi lang. That's why the college students don't have uniforms. Para madaling ma-distinguish from the high school students. Dati kasi, may nakakalusot.
Pareho kasi ng tela ang uniporme ng magkatabing schools, naiba lang ang tabas.
To: Totoro
Bakit mo ako binigyan ng bulaklak? Anong okasyon?
"Si Ken ang katext mo?" tanong ni Paris sa kanya.
"Oo."
Mabuti na lamang at inihatid siya ni Paris. Hiyang-hiya siyang magbitbit ng bulaklak. Buti sana kung Valentine's Day para marami syang katulad. Kaso wala namang okasyon.
From: Totoro
Wala lang. Naalala lang kasi kita. :)
Even without him around, he can always make her blush.
"He asked me to give them to you. Nalaman nya kasing bumili ako ng teddy bear," paliwanag ni Paris.
"Ikaw ang bumili?" tanong niya.
"Yeah. I hope you don't mind. Pera naman niya ang ipinambili ko."
"Okay lang naman." She smiled at him. Kahit sino naman ang bumili o nagbigay sa kanya, basta kay Ken galing, matutuwa siya.
Nang makauwi siya ng bahay, nagulat siya nang nandoon na rin ang daddy niya. Nakahiga ito sa couch, nagpapahinga. Judging by his office clothes and his things at the table, mukhang kararating lang din nito.
"Dad, are you okay?"
Nagmulat ito ng mata. "Masakit lang ang ulo ko." Bumangon ito at napakunot ang noo nang makita ang hawak niyang bulaklak. "Kanino galing 'yan?"
"K-Kay Ken po."
Mukhang hindi nito nagustuhan ang sinabi niya.
"Is he courting you already?"
Mabilis pa sa alas kwatro siyang umiling. "No, dad. Hindi pa po."
Nakahinga naman ito ng maluwag. "Good. But next time, huwag ka na munang tumanggap ng kahit ano galing sa kanya."
"Bakit naman po?"
"Because he might expect something in return, anak."
--
"Di ba sabi ko, tuwing weekends lang ang date?!" paasik na tanong ni Iya nang kaladkarin siya ni Hanson papunta sa kotse nito.
"Bakit? Sinabi ko bang pumapayag ako?"
"We had a deal, Hans!"
"I didn't agree to it." Binuksan nito ang passenger's seat. "Sakay."
"Ayoko," pagmamatigas niya.
"Sakay sabi!"
"Ayoko nga sabi!"
"Sasakay ka ba o hahalikan kita?"
Pinaningkitan niya ito. Sasagot pa sana siya, kundi lang sa panakot nito. Napilitan siyang pumasok ng kotse nang bigla itong yumuko para halikan siya.
She wanted to be kissed, but by someone she likes. Parang sa true love's kiss lang. Yung feeling na para kang nasa alapaap. Yung ang gaan sa pakiramdam. Yung parang ayaw mo nang matapos pa.
Hanson kisses like a jerk, which clearly fits his personality. Kung humalik ito, palaging pwersahan. Ayaw niya ng ganoon. She's not his to begin with. Hindi naman kasi dapat inaari ang affection ng isang tao. It should be given freely, not taken by force.
And that's one of the many reasons why she finds him disgusting and pathetic.
She crossed her arms against her chest when he entered the car.
"Put on your seatbelt," utos nito.
She begrudgingly obliged.
"Saan na naman tayo pupunta?"
"We're going on a roadtrip," nakangisi nitong sagot.
--
Kanina pa nagwo-worry si Iya. Kanina pa sila sa SLEX dahil traffic sa Alabang. Mag-aalas syete na. She had to tell her parents via text na gagabihin siya ng uwi. Sana nga lamang ay hindi siya umagahin. Hindi niya alam kung saan sila pupunta dahil binabara ni Hanson ang bawat tanong niya.
"Hans, iuwi mo na lang kasi ako. Papagalitan ako ng parents ko e."
"Malapit na tayo," sagot naman nito.
"E saan ba kasi tayo pupunta?"
"Basta."
She groaned. May practical exam pa sila bukas. Baka mawala sa utak niya ang mga itinuro sa kanilang lecture kapag napuyat siya.
Nang sa wakas ay makaalis na sila sa bandang ma-traffic, the destination became clear to her. Lumiko sila sa may papuntang Sta. Rosa.
"Tagaytay?!" bulalas niya nang madaanan nila ang signboard papunta sa nasabing lugar. "Ano naman ang gagawin natin sa Tagaytay ng ganitong oras?"
"Kakain ng bulalo," kaswal nitong sagot.
"Tapos?"
"Yun lang."
"Ano?! Nag-aksaya tayo ng dalawang oras na byahe para lang sa bulalo?!"
Inis na inis siya. Pwede naman syang kumain ng bulalo sa bahay nila. Konting lambing lang sa daddy niya ang kailangan. Pero yung dadayo pa ng Tagaytay para doon? Aksaya na sa oras at gas, baka mapagalitan pa sya.
"Trust me, it'll be worth it."
Ayaw pa niyang kumain nang ihain sa kanila ng tindera ang isang pot ng bulalo. Hanson dig in instantly. Wala itong pakialam kung hindi sya kumain. Bukod sa order na bulalo, umorder din ito ng isang plato ng pritong tawilis saka lechong kawali.
"Walang sisihan kung sumakit man ang tiyan mo sa gutom ha," sabi nito sa kanya.
Grunting, padabog siyang kumuha ng pagkain. Masarap naman ang mga ulam, lalo na yung bulalo. Hindi nga lang nito ibinigay sa kanya yung bone marrow. He gave her the leafy vegetables instead. Inis na inis siya habang ito naman ay tuwang-tuwa sa sarili nito.
They didn't go straight home. Tumigil pa sila sa Starbucks along the way para magkape. Wala yata itong pakialam na kanina pa siya tingin nang tingin sa relo niya. Kanina pa rin tunog nang tunog ang phone niya. Hinahanap na siya ni Ken. Gabing-gabi na raw.
It's almost eleven in the evening. Hindi pa man siya napapagalitan ay natatakot na siya.
"Can we go now?" tanong niya kay Hans.
"Mamaya na. It's still early."
Tumayo siya. "Kung ayaw mo akong ihatid pauwi, then fine. I can commute."
"Mahirap makasakay dito."
"Wala akong pakialam."
Lumabas siya ng Starbucks at nagsimulang akyatin ang napakataas na hagdan papunta sa kalsada.
"Iya!" habol ni Hans sa kanya.
"Ano!" she snapped.
Binuksan nito ang pintuan ng kotse nito. "Hop in. I'll take you home,"
Padabog siyang bumaba ng hagdan at sumakay sa kotse nito. She finished her coffee and tried to sleep during the ride para hindi sya nito kausapin. She'll be grounded for sure.
--
"Iya."
Napapitlag siya nang tapikin ni Hanson ang pisngi niya. Her eyes widened when she saw his face. It was so close to her.
Ngumiti ito sa kanya. "We're here."
Tumingin siya sa orasan na nasa dashboard nito. It's already 12.04am.
"Shit!"
Agad niyang tinanggal ang seatbelt at pataklab na isinara ang pintuan ng kotse ni Hanson. Dali-dali siyang pumasok sa bahay nila. Ingat na ingat ang bawat hakbang dahil mukhang tulog na ang mga ito. Mukha lang...
Biglang bumukas ang ilaw sa sala, just as she was about to head upstairs.
"Saan ka galing?"
"P-Pa!"
--
Galit na galit ang daddy ni Iya. Unang beses kasi niyang inumaga ng uwi na hindi kasama si Ken. Okay lang kapag kasama ang kambal niya dahil alam ng parents niya na para sa pag-aaral ang dahilan ng pagpupuyat niya. Pero ngayon, wala syang maibigay na matinong dahilan dito.
Ang resulta, she was grounded for a month. School-bahay lang siya. Ihahatid siya ni Ken sa umaga at susunduin siya ng daddy niya sa hapon o gabi. During weekends, daddy niya ang maghahatid-sundo sa kanya at bawal siyang lumabas ng bahay.
Lulugo-lugo siyang pumasok dahil doon. At una niyang hinanap si Hanson para mapaglabasan ito ng inis dahil kasalanan naman nito lahat. Pero absent ito.
"Uy, Iya, may plano ba kayo ni Hanson mamaya?" tanong ni Aubrey sa kanya.
"Plano? Para saan?"
Aubrey frowned. "Hindi mo alam? Birthday nya kaya ngayon."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro