IJLT 3 - Paris
Dire-diretsong pumasok si Iya sa kwarto ng kakambal. Kasalukuyan itong nakadapa sa kama, naglalaro ng racing game sa tablet nito. Iya sat down on Ken's bed and gave her twin a slap on the nape.
"Aray! What was that for?" iritado nitong tanong.
"Ano ba naman 'yong gift mo kay Ahn! Alarm clock? Really?!"
"Bakit ka nagrereklamo? Ikaw ba ang niregaluhan ko?"
"Hindi. Pero kahit na! Sana man lang pinag-isipan mo 'yong gift mo!" reklamo niya.
"Nagreklamo ba sya?" tanong nito.
"No. She just told me when I asked," she replied.
"Ano naman ang problema mo dun?"
Tiningnan niya ito ng mataman. Minsan, nagja-jive ang utak nilang dalawa. Pero kahit anong titig niya rito, mukhang hindi nito nakukuha ang gusto niyang iparating.
"Clueless mo talaga!"
Ken grunted. "Lumabas ka na nga! Abala ka e."
Padabog syang tumayo sa kama at saka lumabas ng kwarto ni Ken. Minsan, masarap tuktukan ang kakambal niya. To think na ang dami na nitong naging girlfriends pero dense pa rin ito when it comes to his own feelings. She recognized that look from yesterday.
Something changed in him. Pero mukhang hindi nito pansin. Or maybe he just shrugged it off because he didn't think it was that important. But the romantic in her didn't brush it off as easily. Alam niyang may time na nagkaroon ng possibility na magkatuluyan ang mommy at ang ninong Toby niya.
But it didn't work out. And now, there's Ken and Ahn. It's like the universe is telling her that here's the second chance that wasn't given to them. It may be a bit unconventional, but weren't all great love stories unconventional?
--
Kinabukasan, pauwi na sana ang kambal nang makita nila sina Paris at Ahn sa di kalayuan. It looked like Paris was asking Ahn if he could take her home. Parang noong Linggo lang nito napansin ang dalaga. Ngayon naman ay nanliligaw na ito?
"Look at him. He's already all over her!" reklamo ng kakambal niya.
"He's just being nice," he told her. He ignored that itchy feeling in his chest, like something needs to be scratched out of his skin.
Of cource, Paris is anything but nice. He's just nice when he wants something.
Hindi siya nakareklamo sa gulat nang hilahin siya ni Iya palapit sa dalawa.
"Ahn! Paris!" tawag nito.
Napatingin ang mga ito sa kanilang dalawa.
His breathing hitched.
"Oy, cuz!" bati ni Paris.
"Hi po," Ahn greeted politely.
"Uuwi na kayo?" tanong ni Iya.
"Yeah. Kayo?"
"Oo e. Pwedeng makisabay?"
Kumunot ang noo niya kay Iya, na sakto namang tumingin sa kanya. Ngumiti ito.
"Sure," agad namang sagot ni Paris. "Hop in."
"I'll ride shotgun!" Iya declared. Umuna ang kambal niya sa passenger's seat. Siya naman ay walang nagawa kundi sumakay sa backseat. Ahn sat next to him.
--
It was awkward. Kanina pa nagdadaldalan ang dalawa sa unahan pero sila ni Kendrick ay tahimik lang. He's looking out the window. Sya naman ay kinalikot ang phone. Occasionally, she would answer Iya's questions. Pero hanggang doon lang ang pagsasalita niya.
Ahn and Ken are not close. Sikat kasi si Ken. Nahihiya syang lapitan ito sa school dahil doon. Kahit na ba close ang mga pamilya nila. Madalas siyang kulitin ng mga kaklaseng babae na ipakilala ang mga ito sa kinakapatid niya. But so far, the ice between them remains unbroken.
"Hoy, mag-usap naman kayo dyan sa likod. Baka mapanisan kayo ng laway," Paris said.
Cute din ang kuya Paris niya. Sabagay, para namang walang pangit sa angkan ng mga Eusebio at De Luna. Easy on the eyes ang mga ito. Masarap titigan o lingun-lingunin sa daan.
"Oo nga," her ate Iya agreed. "Pag-usapan nyo 'yong alarm clock!"
She blushed instantly. Ken's gift was diappointing. He clearly didn't know her enough. Maaga naman syang gumising. Never pa syang na-late sa school.
"Tss."
Nagpangalumbaba ang katabi niya. Nakatingin pa rin ito sa bintana. Apparently, he finds the road more insteresting.
--
Ken was pissed. Pero hindi niya alam kung kanino. Sa kambal ba niya, for dragging him? Kay Paris? Kay Ahn? O sa sarili niya? At bakit naman siya maiinis? Hindi niya maintindihan. Basta hindi siya kumportable kanina pa.
Si Ahn muna ang una nilang ipinahatid. Plano sana ni Paris na ihatid muna sila ni Iya sa bahay bago si Ahn, but Iya insisted on the former.
Wala pang tao sa bahay nang dumating sila. He headed to the kitchen to fix himself a meal. Pero may nakahanda na sa lamesa. There's also a note.
We went out. May pagkain na dyan. Kain na lang kayo. Maghugas ng pinggan ha. –Ma
"May date sila?" tanong ni Iya sa kanya.
"Oo."
"Ano ba'ng date ngayon?" His twin looked at the calendar on the wall. Wala namang naka-mark doon.
"Baka natripan lang."
"Hm." Iya sat down. "Ano kayang niluto ni papa?"
"Ginataang alimasag," sagot niya pagkaangat ng cover.
He tried to eat in silence. Kumuha siya ng kanin at ulam saka pumwesto sa couch. He was watching TV while eating, something na hindi allowed kapag kumpleto sila. But Iya was persistent. Sumunod ito sa kanya, tumabi at nagsimulang dumaldal. She brought up the car ride earlier.
Nawalan tuloy siya ng ganang dumamak ulit.
Nag-away pa sila dahil ayaw niyang maghugas ng pinggan. Ayaw na ayaw nya talaga iyong gawin, lalo na kapag masebo ang kinain. But it's his turn now and his mom would be angry kapag naabutan pa nitong may hugasin sa lababo.
Kaya naghugas siya ng pinagkainan nila ni Iya. Madalian nga lang.
Their parents arrived at around ten. Nasa sala pa sila noon ni Iya, nag-aagawan sa remote. Bihis na bihis ang mommy't daddy nila.
"How's the date?" Iya asked.
"It was fine," sagot ng daddy nila.
He gave his dad a quizzical look. "Just fine?"
"Mas masarap ang luto nya," singit ng mommy nila, habang nakaturo kay Kent.
"E 'yong date mismo, ma, kumusta?" pang-iintriga ni Iya.
"Okay naman," sagot ng ina.
"Okay lang?"
Their mom laughed. "Bakit ba nang-iintriga kayo?"
"Kumain na kayo?" pag-iiba naman ng topic ng daddy nila.
"Yes, pa."
"Did you wash the dishes?"
"Yes, ma."
"Good. Homework done?"
"Tapos na po."
"Bakit hindi pa kayo matulog?"
Iya scowled. "Pa, ang aga pa kaya!"
"Tulog na kayo ng eleven ha. Huwag masyadong magpuyat." Pagkasabi'y umakyat na sa taas ang dalawa. Naiwan sila ni Iya, nanunuod ng teleserye. Ayaw man niyang manuod noon, no choice naman. Na kay Iya ang remote.
His dad went down a while later. Nakapambahay na ito. He followed his dad to the kitchen.
"Pa."
"Hm?"
Tinabihan niya ito. Nagpapapak ito ng tira nilang alimasag. Mukhang hindi nga ito na-satisfy sa kinain nila kanina.
"Pwede bang pa-advance na nung kotse?"
Tumaas ang kilay ng dad nya. "Why?"
"I need it."
"Why?" he asked again.
"Kasi... kapag may lakad, ganyan."
"Mag-commute ka."
"Hassle e," dahilan niya.
"Use the family car."
"Ayoko. Masyadong pam-pamilya."
"Kaya nga family car, di ba?"
Tiningnan siya nito ng mataman.
"Malapit ka nang maka-graduate, di ba? Hintayin mo na lang."
"Advanced graduation gift mo na, pa!" he insisted.
"Gusto mo lang yatang may pang-pick up ka ng chicks e!" his dad teased.
"Hindi 'yon, pa!"
"Mangti-chicks nga lang 'yan, pa!" sigaw ni Iya mula sa sala.
"Shut up!" he retorted.
Tumawa ang daddy niya.
"I'll think about it."
"Oo na kasi. Para may gagamitin kami ni Iya pag-uwi."
"Mukhang okay lang naman sa kapatid mo ang mag-commute e."
"Ano'ng pinagtatalunan nyo?" tanong ng mommy niya na kakababa lang. nakapambahay na rin ito.
"Si Kenken, gusto na ng kotse, pang-chicks," natatawang sagot ng daddy niya.
His mom gave him a funny look. He rolled his eyes. Great. They're ganging up on him again.
"You don't need a car to do that, 'nak." She said it with pride in her voice.
"True," his dad agreed. "Mana ka kaya sa 'kin!"
Siniko ito ng mommy niya.
"Yabang mo!"
"I'm not gloating, just stating a fact," nakangisi nitong sabi. Inakbayan nito ang mommy niya saka pinugpog ng halik sa pisngi. "Kaya nga patay na patay ka sa 'kin, di ba?"
Although it's sweet, kapag magulang niya ang naglalambingan, parang nakakailang na ewan.
He grimaced. Tumakbo sya pabalik ng sala before his insides turn upside down.
"Kinikilabutan ako sa kanila," sabi niya sa kambal.
Tumawa ito. "Ang sweet kaya!"
"Tss. Palibhasa ang corny mo!"
Hinampas siya nito ng throw pillow.
"Wala ka lang romantic bone sa katawan kaya ganyan ka mag-react!" bawi naman nito.
But he knew she just said it para lang may maiganti sa kanya. Kung hindi sya romantic, e di sana hindi sya naka-ilang girlfriends. Wala namang reklamo ang mga ito sa kanya noong ka-relasyon pa niya ang mga ito.
He's very sweet, in his opinion. Very romantic. Iya knew that.
--
Mag-aalas onse na pero hindi pa rin makatulog si Ahn. She glanced at the alarm clock on her left bedside table. Totoro iyon. Yung mismong orasan ay nasa tiyan nito. It was cute, lalo na 'yong maliit na dahon na nakalagay sa ulo nito.
Kinuha niya iyon at itinaas. Hindi naman na niya kailangang mag-alarm. Palagi rin naman siyang nauunang gumising dito. But just for the heck of it, para naman may pakibang ang regalo ng kuya Ken niya, she set the alarm at 6am.
Ibinalik niya iyon sa table at saka niya pinatay ang ilaw.
She was already snuggled up and ready to sleep when her phone rang.
"Hello?"
"Ahn!"
Nailayo niya ang phone.
"Bakit?" tanong niya maya-maya.
"Balita ko kasabay mo raw umuwi si Kuya Kendrick? Totoo ba? OMG! You already!"
"Kasabay ko rin naman sina Ate Iya saka si Kuya Paris e," sagot niya.
Akala niya'y kakalma na ang kaklase dahil sa sinabi niya. Pero lalo itong nagwala.
"Grabe! Ang swerte-swerte mo naman! Bukas ba sabay kayo ulit? Isabay mo rin ako ha!"
"Nagkataon lang 'yon. Hindi na 'yon mauulit," sagot niya.
Sana nga hindi. Kung ang ate Iya lang niya siguro ang makakasabay niya, okay pa. But not Ken or Paris. Ilang siya sa dalawa. Lalaki kasi ang mga ito. She's not very comfortable with the opposite sex. Lalo na at kasingsikat ng dalawa.
Kaya nga tuwing may family gathering o event ang barkada ng mga magulang niya, nakukuntento na lang siya sa panunuod sa isang tabi. Ayos lang sa kanya ang pagiging tagapanuod. But last Sunday, that changed.
Pinansin siya ng kuya Paris niya. Talaga bang ganoon sya kaganda nung birthday niya?
"Chet, matutulog na 'ko ha. Good night." Pinutol na niya ang tawag kahit gusto pa nitong makipagkwentuhan sa kanya. Karamihan naman sa mga kaklase niyang babae, ganoon. Kakausapin lang sya para malaman kung ano na ang kaganapan sa buhay ng mga kinakapatid niya.
She didn't sleep yet though. Hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Kaya naisipan niyang pag-practice-san ang sariling mukha gamit ang makeup na regalo sa kanya noong Linggo.
Napakamot siya ng ulo nang makita ang laman ng makeup kit. Ang daming variations! Brush na nga lang ang kilala niya sa mga gamit, ang dami namang sizes. Hindi niya malaman kung alin ang para saan. Ang dami ring bilog at square na may iba't ibang kulay. Pero kung alin ang para sa mata, pisngi at labi, hindi niya mawari.
Grunting, she closed the kit. Saka niya ito itinago.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro