IJLT 27 - Testy
From: Ate Iya
Ahn! Nakauwi na ko! :)
Nakahinga ng maluwag si Ahn nang mag-text ang kinakapatid. She was about to send Ken the picture that Iya sent to her three hours ago. Sabi nito, isend daw niya iyon kapag dumating ang 11pm at hindi pa ito nagtitext sa kanya na nakauwi na ito.
Mabuti na lang at binasa muna niya ang dumating na message bago siya mag-send.
She remembered Charles Hanson from Paris' birthday. Ito iyong lalaking mahaba ang buhok na buong gabing nakasunod ang tingin sa ate Iya niya. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya rito. Mukha kasi itong mabait. Maamo ang mukha. Pero masama itong makatingin. Saka nahuli niya itong naninigarilyo.
Alam niyang hindi ito type ng ate Iya niya. Kaya naman takang-taka siyang nag-date ang dalawa kanina. Having said that, sabi nito sa text, wala raw itong tiwala sa kasama. So what's really happening?
From: Totoro
Hi :)
Napangiti siya.
To: Totoro
Hello :)
From: Totoro
Busy ka?
To: Totoro
Hindi naman. Bakit?
From: Totoro
Wala lang :)
Wala na siyang mai-reply sa huli nitong text, but she wanted to keep the conversation going. Hindi kasi sila madalas mag-usap sa personal dahil palagi silang nauunahan ng hiya. Hindi rin sila madalas mag-usap online dahil maraming nakikiusyoso. Kaya sa text na lang sila nagdadaldalan.
To: Totoro
Ikaw? Busy?
From: Totoro
Yep. Kinda.
To: Totoro
Ay sorry. Nakakaabala yata ako.
From: Totoro
Hindi naman.
To: Totoro
Anong ginagawa mo?
From: Totoro
Katext ka. ;)
Hindi niya alam na pwede pala syang kiligin sa isang taong pamilyar sa kanya. Para sa kanya kasi, mahirap nang i-breach yung friendship once it's built. Pero hindi pala imposible.
To: Totoro
Ah. Haha. Akala ko kung ano na.
From: Totoro
Ikaw? May ginagawa ka?
To: Totoro
Wala. Katext ka lang din.
Napapitlag siya nang biglang bumukas ang pinto. Ngumiti ang mommy niya bago pumasok. She sat at the edge of her bed.
"Anak, it's almost twelve. Bakit gising ka pa?"
"Patulog na po ako."
Kumunot ang noo nito at tiningnan siya ng malapitan. Saka nito dinama ang noo niya gamit ang palad nito.
"May sinat ka ba? You're very red."
She shook her head. "No, mom. I feel fine."
"Are you sure?"
"Yeah."
Tumingin ito sa hawak nyang phone. Sumilay ang ngiti sa mga labi nito, yung ngiting nanunudyo.
"Katext mo si Ken, ano?"
Her cheeks turned redder. Lalo na nang tumunog ulit ang phone niya. She tucked the phone beneath her pillow. Mamaya na lang niya ito rereplyan pagkalabas ng mommy niya.
"Anak, he's nice and all, but don't get too carried away, okay? You're still very young."
"Opo."
Her mom cupped her face and kissed her forehead.
"Good night."
"Good night po."
"Matulog ka na ha? Maaga ka pa bukas."
"Yes, mommy."
Nang lumabas ng kwarto ang mommy niya ay agad niyang kinuha ang phone mula sa ilalim ng unan. Saka siya nag-good night kay Ken. He, in return, replied with a heart sign. Like he always do.
--
Kanina pa pabaling-baling si Iya sa higaan. Hindi siya makatulog. Hindi niya matanggap na nalilito siya. Why did Hanson—Hans—become nice all of a sudden? Para itong chameleon, paiba-iba ng kulay. Hindi tuloy niya malaman kung ano ang tunay nitong pagkatao.
It would be better if he would just stick to one personality, para hindi sya nalilito.
Thanks for the date.
Hindi nya na binura ang text message na iyon. Hindi na rin niya nireplyan. Inilagay niya ang phone sa bedside table at saka niyakap ang stuffed toy na bigay nito. Amoy male cologne ito. Parang ang lagay e niyayakap nya ang bagay na yakap-yakap din ni Hanson bago ibigay sa kanya.
Pinangilabutan siya. Bumangon siya at kinuha ang perfume sa bag, tapos ay ini-spray niya iyon sa stuffed toy hanggang sa mawala ang amoy ni Hanson.
Nang yakapin niya ito ay saka lang siya nakatulog.
--
Kinabukasan, buong araw niyang iniwasan si Hanson. He didn't make any move though. Pero alam niyang tuloy pa rin yung movie date nila. He kept on reminding her through text. Bago mag-uwian, nakatanggap na naman sya ng text message.
Binuksan nya iyon at plano na sanang burahin nang mapansin niyang galing pala kay Jeremy ang mensahe.
From: Jeremy
Hi Iya, may gagawin ka ba mamaya? Invite sana kitang manuod ng sine. Pwede ka ba?
She was about to reply when another message came in.
From: Hans
Seven pm ha.
She composed a new message. Para kay Ken.
To: Twin
Ken, what time uwi mo?
From: Twin
Seven pa. Bakit?
To: Twin
Ah, wala. Una na lang akong umuwi.
From: Twin
Okay. Ingat.
Nang mag-dismiss ang teacher ay isa siya sa pinakaunang lumabas ng classroom. Ayaw na niyang hintaying masabayan pa sya ni Hanson.
When she got home, agad niyang nireplyan si Jeremy.
To: Jeremy
Wala akong gagawin. I'll see you at seven.
Tumawag pa ito sa kanya para i-confirm na okay syang lumabas. Pinag-usapan nila kung saan sila magkikita at kung anong movie ang panunuorin. Then, she hung up to get dressed.
Hindi ko naman gustong sumama kay Hanson, sabi niya sa sarili. She was forced to come, that doesn't mean that she will go. Ang ayaw niya sa lahat ay iyong pinipilit siyang gawin ang mga bagay na hindi naman niya gusto.
Fifteen minutes before seven, umalis na siya ng bahay, leaving a note to her parents na manunuod siya ng movie. Hindi na niya sinabing may kasama siya dahil baka hindi pumayag ang daddy niya. Saktong alas syete nang makarating siya sa meeting place. Nandoon na si Jeremy nang makarating siya.
Ngumiti ito agad pagkakita sa kanya.
"Gusto mo bang kumain muna?" tanong nito.
"Hindi na. Bili na lang tayo ng food para kainin sa loob."
"Okay."
They bought burgers, fries and popcorns. Tuloy hapunan na rin. Nakabili na ng ticket si Jeremy nang dumating siya so diretso na sila agad ng sinehan pagkabili ng pagkain. She turned off her phone para hindi sya maabala.
She wasn't able to enjoy the movie though. Maya't maya niyang naiisip si Hanson. Alam niyang magagalit ito dahil hindi niya ito sinipot. But can he really blame her? He's not exactly Mr. Congeniality.
Nang matapos ang movie, inihatid siya ni Jeremy hanggang sa bahay nila.
"I had a great time. Thanks, Iya."
"You're welcome."
"Okay lang ba kung ayain ulit kita?"
Ngumiti siya at tumango. "Sure, pero sa weekend na lang ha? Baka pagalitan ako nina mama kapag weekdays ako labas nang labas."
"Okay."
"Bye."
Dumiretso sya sa kwarto para magpahinga. Hindi na sya kumain since busog pa rin naman sya dahil kanina. She turned her phone on, to check if there's any threatening message from Hanson. Kunot na kunot ang noo nya nang wala itong message sa kanya. Siguro tumawag ito?
She waited until twelve for his call or text, pero wala. Mukhang wala lang dito na hindi niya ito sinipot. Somehow, nakahinga siya ng maluwag.
Kinabukasan, hinintay niyang lapitan siya nito. But Hans kept his distance. O, ngayon naman, aloof sya? Hindi nya na talaga ito maintindihan. Si Jeremy na lang ang inintindi nya dahil panay ito ng pag-text sa kanya. Napaka-thoughtful nito. Umaga, tanghali at hapon, may greeting ito sa kanya.
She likes Jeremy. Mabait kasi ito, hindi katulad ni Hanson. Maalalahanin, hindi katulad ni Hanson. AT may respeto sa babae, hindi katulad ni Hanson.
Natigilan siya nang marealize kung ano ang nasa isip. Bakit ba kahapon pa yata sya naba-bother kay Hanson?
Nang mag-uwian ay hindi agad siya lumabas ng classroom. She looked at the back of the class, nakapangalumbaba pa rin ito.
Kakausapin ko kaya? She bit her lip. Baka mamaya, bigla na lang itong sumabog sa kanya. Mas natatakot siya kapag tahimik ito. Kapag maingay kasi ito, at least alam niya ang nasa isip nito.
Her heart skipped a beat nang salubungin nito ang tingin nya.
"What?" tamad na tamad nitong tanong.
"A-Ano... are you angry with me?"
"I am."
"Bakit parang hindi naman?" Naupo siya sa tapat nito. "Sorry, I wasn't able to come. I—"
"I know."
"Alam mo?"
"Yeah."
Tumungo sya. "Sorry."
"Is that supposed to make me feel better?"
"Look, Hanson—"
"Hans," pagtatama nito.
"Hans. Pinilit mo lang kasi ako. E ayaw ko naman talagang makipag-date sa 'yo. Ayoko kasing napipilitan lang ako," paliwanag niya.
"But I like you!" giit nito.
"Hindi naman kita pinilit na gustuhin ako, di ba? Bakit mo ako pinipilit na gustuhin kita? Hindi porket ideal guy ka ng iba ay ideal guy na rin kita. I don't just go for thrills, Hans. If I am, magba-bungee jumping na lang ako. And maybe you're like fireworks, spectacular and all, but you don't last. I want a guy who will treat me well. Other guys treat me better than you do, so why would I settle with you?"
Tumayo ito at dinuro-duro siya.
"Alam mo, masyado kang pakipot. Why? Tumataas ba ang tingin mo sa sarili mo dahil isang katulad ko ang humahabol-habol sa 'yo? Kung makapagpa-hard-to-get ka, akala mo sobrang ganda mo a!"
Nagpanting ang tenga niya sa sinabi nito. She stood up and slapped him hard in the face. Napangiwi ito habang hawak-hawak ang namumulang pisngi.
"Ano, nasaktan ka ba?" paasik niyang tanong dito. "Kasi yung kamay ko, nasaktan sa pagsampal sa 'yo. Ang tigas kasi ng mukha mo!"
"You'll pay for this!" pahabol nitong banta nang nag-walk out siya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro