IJLT 24 - In-like
Nangingiti na lang si Paris habang naaalala ang conversation nila ni Jasmine noong Sabado.
"Nasa bucket list kasi kita," paliwanag nito sa kanya. "I have this list of things to do before I'm thirty. Hinati-hati ko sila. Merong mga bagay na kailangan kong gawin before I turn 16, and then 18 and then 21 tapos yung mga nasa huli, before I turn thirty.
"Birthday ko kinabukasan nang magkita tayo. Yun na lang kasi yung hindi ko nagagawa. Yun na lang ang kulang. Akala ko nga hindi na matutupad yun e. Kaso nakita ka raw ng kaklase ko sa mall. Sabi ko sa sarili ko, it's now or never. Pinasundan kita sa kanya. Tapos ayun, nang makita kita, hindi ako nakalapit agad. Nag-iisip kasi ako ng magandang dahilan para makapag-papicture sa 'yo."
"Sana nilapitan mo na lang ako sa school."
"Hindi mo nga ako mapapansin sa school."
He frowned. "Bakit naman hindi?"
"Kasi ilang beses na tayong nagkasalubong sa hallway pero lampasan lang ang tingin mo sa 'kin."
"Hindi nga?" hindi niya makapaniwalang tanong. She has that face that's hard to ignore. Yung stand out from the crowd. Imposibleng hindi niya ito makikita.
"Iba kasi ang hitsura ko sa school. Plain and simple lang."
"You don't look plain to me."
Ngumiti ito. "Kasi nag-ayos ako. Nag-aayos ako kapag wala sa school."
"Bakit hindi ka mag-ayos kapag nasa school ka?"
"Ayaw kasi ng kuya ko. Pero baka magsimula na rin akong mag-ayos since graduate na sya."
"Ka-batch ni kuya Ken?"
Tumango si Jasmine. "Hindi lang ka-batch, kabarkada pa."
"Sino dun?"
"Si kuya Zanjo."
Paris looked surprised. Who knew na may itinatagong magandang kapatid ang kabarkada ng pinsan niyang si Zanjo Manalang?
--
Ayaw ng pumasok ni Iya nang mag-Lunes. She could still feel his lips. And she could still smell the smoke. She could still taste the cigarette.
Dahil wala syang choice kundi pumasok, napilitan siyang pumasok. Sinabi na lang niya sa sarili na iindahin niya ang presence nito. Sana nga lang ay huwag na siya nitong guluhin. She will act as if the kiss didn't happen. And that he didn't say that he likes her.
When she entered the class room, agad siyang pumwesto sa unahan, sa may bintana. Never pa syang naupo sa hulihan simula nang i-claim ni Hanson na pag-aari nito ang back part ng lahat ng classrooms nila.
Nananahimik siya noon nang may biglang umupo sa tabi niya. Ngumiti ito agad nang lingunin niya ito.
"Hi," he greeted.
She adjusted the chair to face the window.
"Nahalikan na kita't lahat, masungit ka pa rin."
Nilingon niya itong muli at pinandilatan. "Huwag mo na ngang ipaalala!"
Ngumisi ito. "Kunwari ka pa. Alam ko namang nagustuhan mo yun."
"Excuse me! Lasang sigarilyo kaya! Nakakadiri!"
Biglang nawala ang ngiti nito. Umirap naman sya.
"Next time kasi, mag-toothbrush ka muna bago ka manghalik. Or better yet, stop smoking."
Napapitlag siya nang padabog itong tumayo at saka lumipat sa likuran. She saw a few pair of eyes looking at them. Mukhang nakikiusyoso ang mga ito. Narinig kaya ng mga ito ang usapan nila ni Hanson?
Speaking of the devil, she saw him glaring at her from the back of the class. She shuddered. Mukhang nagalit ito sa sinabi niya.
Buong araw na uneasy ang pakiramdam ni Iya. Ramdam niyang nakasunod ng tingin si Hanson sa bawat galaw niya. Madalas niya itong mahuling nakatingin. At kapag nagtatama ang mga mata nila, hindi ito umiiwas. It's as if to say that he got his eyes on her.
But he didn't come near her again. Siguro ay napahiya na rin ito. Basta buong araw lang itong nakatingin.
Kinabukasan, walang nagbago. Hindi naman sila nagkakausap pero palagi na lang itong nakatingin ng masama sa kanya.
--
"Ma'am, good morning po," bati ni Paris sa isang teacher. Napalingon ang mga estudyante nito sa kanya.
"Yes? May kailangan ka, hijo?"
"Pinapatawag po si Jasmine sa principal's office."
"Sinong Jasmine? Dalawa kasi ang Jasmine dito."
"Manalang po," sagot niya.
"Ma'am, nagpunta pong CR," sabi ng kaklase nito.
Nadismaya siya. Ang ganda naman ng timing niya.
"Papapuntahin ko na lang sya pagbalik nya," sabi ng teacher.
"Okay po. Thank you."
Wala syang nagawa kundi umalis. Pero hindi siya dumiretso sa classroom. He waited for her near the principal's office.
Maya-maya ay dumating ito.
"Pinatawag daw ako ng principal?" tanong nito.
"Hindi. Pinatawag kita."
"Bakit?"
"May gagawin ka mamaya?"
Kumunot ang noo nito. "Meron. May group project kami."
"Ganun ba? Ihahatid na kita."
"Hindi pwede. Hatid-sundo ako ng kuya ko."
Sumimangot siya. "Sa weekend, available ka?"
Ngumisi ito. "Are you asking me out on a date?"
"If you say yes, then it's a date."
Pero bago pa man ito sumagot ay may teacher na nakakita sa kanila. Nasita silang dalawa dahil nasa hallway sila kahit hindi breaktime.
"Give me your answer later!" habol niya rito bago siya bumalik sa classroom.
--
"Iya, may nagpapabigay."
May nag-abot kay Iya ng isang papel na kulay pink. May design iyon na Hello Kitty. Scented pa!
Hi Iya!
Do you still remember me? Thought I'd refresh your memory by sending you a letter on a Hello Kitty paper. Hehehe. Pwede ka ba ulit ayaing lumabas? If yes, my number's written below.
Hope to hear from you soon!
Jeremy
"Ano 'yan, love letter?" pang-uusyoso ni Aubrey.
Ngumiti lamang siya. Same number pa rin ang nakalagay sa papel. Sini-save nya in case na kontakin siya nitong muli. She had fun the last time they went out, kahit na ba muntikan na iyong isabotahe ni Ken.
She took out her phone and was about to send him a message when someone suddenly grabbed the paper from her hand. Pagtingala niya, nakita nyang si Hanson ang kumuha.
"Hello Kitty?" he scoffed. "Baduy."
"So? Ano ngayon sa 'yo?" taas-kilay niyang tanong.
"Bakla ba 'tong Jeremy na 'to? Sa dami naman ng pwedeng sulatan, Hello Kitty pa!"
She stood up and tried to level his gaze kahit na ba di hamak na mas matangkad ito.
"For your information, hindi bakla si Jeremy. Being nice doesn't make him gay. And I happen to like Hello Kitty."
Kinuha niya ang papel mula sa kamay nito at saka siya lumipat ng upuan. Akala niya ay titigil na ito. Hindi pa pala. Lumipat din ito ng upuan. Pinatayo nito yung nakaupo sa tabi niya saka ito naghari-harian. Tatayo pa sana siya kaso saktong dumating yung prof nila.
Bago mag-lunch, tinext niya si Jeremy para mag-confirm sa invitation nito. He must have been excited, because he readily asked her out for lunch. So, nagpaalam siya kay Ken na hindi na muna siya sasabay dito sa pananghalian.
Nagmamadali siya paglabas ng gate dahil nag-aabang na roon si Jeremy. Malapit lang kasi ang STI sa school nila.
"Where are you going?"
"Ikaw na naman?!"
"I asked first," Hanson said.
Umirap siya. "Lunch," she answered curtly.
"Where? This is not the way to the cafeteria," he pointed out.
"Bakit? Sa cafeteria lang pwedeng mag-lunch?"
"Hindi ka sasabay sa kakambal mo?"
Tumigil siya sa paglalakad at binalingan ito. "Bakit ba ang dami mong tanong?"
"Because I'm curious."
"Why?"
"Do you like hearing from me that I like you?"
Biglang naumid ang dila niya. Bakit ba kasi sobrang vocal nito pagdating sa feelings nito?
"Ngayong kinilig ka na, pwede mo na sigurong sagutin ang tanong ko?"
She scoffed. Ayaw na sana niya itong kausapin pero malamang ay hindi ito titigil sa pangungulit kapag hindi sya sumagot.
"Hindi ako sasabay kay Ken. Happy?"
"Kanino ka sasabay?"
"Kay Jeremy," kaswal nyang sagot. Nakita niyang para itong natigilan. "O, ano? Kung wala ka nang itatanong, aalis na 'ko. He's already waiting for me."
When he didn't budge, she resumed walking. Nasa may gate na siya nang biglang may humila sa kamay niya.
"Ano ba!"
"Have lunch with me," he said with a smirk.
"Ayoko! May kasabay na 'ko!"
"Then cancel with him."
She grunted. "Hindi pwede!"
"Pwede. Ayaw mo lang gawin."
Tinanggal niya ang kamay nito sa pagkakahawak sa kanya.
"Ayoko ngang gawin. You know why? Because I don't like you. Now, will you stop bugging me?" Pagkasabi'y dali-dali siyang lumabas ng school to meet with Jeremy.
--
Jasmine said yes, but Paris was already expecting that. Syempre, siya na ang nag-aya, tatanggi pa ba ito? Ito ang pumili ng location kung saan sila magkikita. Ayaw kasi nitong magpasundo kasi baka raw hindi pumayag ang kuya nito.
He arrived earlier than expected. First time kasi nyang ma-excite sa isang date. Bumili muna sya ng coffee at tumambay sa Starbucks para magpalipas ng oras. Nang sakto na, sumilip siya sa restaurant. Wala pa rin ito.
Hay, mga babae talaga, palaging late!
Nagbigay pa sya ng konting allowance. After fifteen minutes, pumasok na siya ng restaurant. He wanted to send her a text message kaso hindi naman nito ibinigay ang number nito sa kanya. He didn't really think it was necessary at the time.
Now, he wished he did get her number, para matawagan man lang niya ito, just to check on her. Baka kasi hindi ito nakaalis ng bahay dahil sa kuya nito.
--
Mahigit dalawang oras na siyang naghihintay pero wala pa ring Jasmine na dumarating. Nainis siya rito. Sana man lang ay sinabi nito agad kung hindi siya makakapunta. Alam naman nito ang number niya.
Nang biglang tumunog ang phone niya, bigla siyang nabuhayan ng pag-asa. Pero notification lang pala sa Facebook. May nag-tag sa kanya sa isang shared post.
Napakunot ang noo niya nang makita ang sarili sa picture. It was taken from outside the restaurant. Tumingin siya sa labas, pero wala naman syang nakitang kakaiba.
Tiningnan niya yung post. Napamura siya sa caption.
Jasmine Manalang
Paris the Great, while waiting for a girl who will never come. :)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro