Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

IJLT 2 - Ahn

Sunday morning, pinakahuling gumising si Kendrick. He covered his head with a pillow while his parents and twin were busy preparing for the event later that day. Bukas ang pintuan ng kwarto niya kaya rinig na rinig niya ang pagbabalik-balik ng mga ito.

"Kenken, bangon na!" bulyaw sa kanya ni Iya. Hinampas-hampas siya nito ng unan.

"Susunod na lang ako!" reklamo niya.

"Hindi pwede! Magagalit si daddy!"

He grunted. Bumangon siya at binato ng unan ang kapatid. Saka siya dumiretso sa banyo para magmugmog. When he went down the kitchen, naghahanda na ng almusal ang mommy at kambal niya. Nakapaligo na ang mga ito.

"Ken, anak, kain na."

"Bilisan mo. Ikaw na lang ang hindi pa naliligo," Iya told him.

He ignored his sister and sat down. Kumuha siya ng sinangag saka bacon at nagsimulang kumain.

"Bakit ang aga natin?" tanong niya. "Akala ko ba hapon pa?"

"Magsisimba pa tayo. And then, we'll have to buy gifts."

"Gifts?"

"I'll buy Ahn a dress," sagot ng kambal niya. "Saka dapat ikaw din, meron."

"Aambag na lang ako sa regalo mo."

"Ayoko nga! Buy your own gift!" giit nito.

Halos mag-iisang oras na sila sa mall pero wala pa rin siyang nahahanap. Ano ba kasi ang dapat niyang bilhin? Alarm clock?

"This one?" He pointed at a book na naka-display against the glass wall of NBS.

"Does she even like reading?" tanong sa kanya ng kakambal.

"I don't know."

"Just buy her another dress," his dad suggested.

"Ayoko, pa! Sa 'kin na 'yung dress e," reklamo ni Iya.

"I doubt she'd even wear it," dagdag niya. "Isn't she the one who likes to wear shorts and overly large shirts?"

"Dalaga na sya ngayon. She'll eventually learn to wear dresses."

He just scoffed. He really couldn't imagine Ahn, the wallflower, having her one shining moment wearing a dress. Nag-ikot pa siya ng isang beses sa mall bago siya tinopak. He ended up buying the alarm clock. Agad niya iyong ipinabalot para hindi makita ng kapatid niya ang laman.

"Ano'ng binili mo?" tanong ni Iya nang magkita sila sa parking lot.

"Basta."

He threw the gift at the backseat.

Nang makarating sila sa bahay ng mga Legaspi, kakaunti pa lang ang tao. Isini-setup pa lang ang mga table. Inilalabas pa lang ang mga handa. Agad silang sinalubong ng ninong at ninang nila.

"Nasa'n po si Ahn?" tanong ni Iya sa ninang Jae nila.

"Nasa kwarto, nagbibihis."

"Can I give her my gift already?"

Ngumiti ang ninang nila. "Sure. Go ahead. Alam mo naman kung saan ang kwarto nya."

Leave it to Iya to cross the strangers' boundaries in no time. Madali kasi itong makagaan ng loob. Hindi katulad niya.

--

Iya went inside Ahn's room only to find the girl sprawled on the bed, with the contents of her closet scattered on the floor. Ahn's eyes were already red and teary.

"Ahn! What's the matter?!"

"Ate!" Bumangon ito at yumakap sa kanya. "Wala akong maisuot!" Ahn lamented.

Agad niyang iniabot ang regalo dito. "Here."

Nagpahid ito ng luha. "A-Ano 'to?"

"Gift ko. Open it."

Ahn unwrapped her gift and gasped when she saw the dress inside.

"Did you like it?"

Mukhang lalong sumama ang loob nito.

"Ate, hindi naman ako nagdi-dress e."

"That was 14 years ago, Ahn. Fifteen ka na ngayon. That has to change."

"Baka po hindi bagay sa 'kin."

"Pero baka bumagay din, di ba? Try mo lang. Ako lang naman ang makakakita," nakangiti niyang sabi sa kinakapatid.

Mukhang nahiya naman na itong tumanggi. Sighing, Ahn took the dress to the bathroom to change. Sya naman ay lumabas para humiram ng makeup kit sa ninang Jae niya.

--

"Where's your sister?" tanong ng daddy niya.

Ken shrugged. Ang alam nya ay pumasok sa loob ng bahay si Iya. Fifteen minutes later, hindi pa rin ito lumalabas. Nakasetup na ang lahat, naghihintay lang ng ilang bisita. Kahit mismong celebrant, wala pa rin.

"Hanapin mo nga," utos ng dad niya.

"Pa—"

"Ken, find your sister."

"Wala pa naman ang celebrant e."

"Hinahanap sya nina Vienna," sabi nito.

He groaned. Tinapik siya nito sa balikat.

"Dali na."

He was forced to get up from his chair. Ang sarap-sarap na pa naman ng upo niya. Pumasok siya sa loob ng bahay nina Ahn at saka hinanap ang kapatid.

"Iya?"

He went to the kitchen. Nandoon ang matandang katulong ng mga ninang niya, naghuhugas ito ng mga pinaglutuan.

"Manang, nakita nyo po ba si Iya?" tanong nito.

Umiling ito. "Hindi. Tingnan mo sa itaas. Baka nasa kwarto ni Ahn."

Tumango siya rito bilang pasasalamat saka siya umakyat. Hindi niya alam kung saan kakatok. Malay ba niya kung saan ang kwarto nito. He tried on the first door.

"Ahn?" halos pabulong niyang tawag.

Walang sumagot kaya kumatok siya sa kasunod na pintuan.

"Iya?"

Wala pa ring sagot mula sa loob.

May tatlong pintuan pang natitira. He was about to knock on the third door when it opened. Nakasalubong niya si Iya.

"Ken!"

"Iya!"

Nagkasabay na naman sila sa pagsasalita.

"What are you doing here?"

"Hinahanap ka nina Vienna sa labas."

"Okay. Balik na tayo dun." Agad nitong isinara ang pintuan ng kwarto ni Ahn saka siya nito hinila pababa.

"Si Ahn?" tanong niya.

"She'll come down later."

"Ano'ng ginawa nyo? Bakit ang tagal nyang lumabas? Gutom na 'ko e," reklamo niya.

"Lalabas na nga kasi. Huwag kang atat."

Pagkalabas nila sa bakuran, he immediately resumed his seat. Iya sat next to him.

"O? Akala ko ba pupuntahan mo sina Vienna?"

"Mamaya na," sagot ng kambal niya.

He just shrugged.

Maya-maya'y napansin niyang may ilang bisitang nakatingin sa kanila. They're probably Ahn's friends. They giggled when they saw him looking.

"They're too young, Ken," paalala ni Iya sa kanya.

"Wala naman akong balak," sabi niya sa kapatid. Ayaw niya sa ganoon kabata. They tend to be clingy and immature. Sakit lang sa ulo.

"O, ayan na pala si Ahn!" somebody exclaimed.

Napatingin siya sa may pintuan. Nakatayo doon si Ahn, nakasuot ng dress na binili kanina ni Iya sa mall. It's blue and flowery. Umaabot ang laylayan nito sa tuhod. The girl was wearing a blue wedged sandals that matches the color of her dress. Nakapusod ito kaya kitang-kita ang heart-shaped nitong mukha.

There's a natural blush on her cheeks. Nakatago sa likod nito ang mga kamay nito, mukhang nahihiya.

"She will melt like an ice cream if you won't take your eyes off of her."

Tumikhim siya. "I wasn't staring."

Ngumisi ang kakambal niya. "Okay. If you say so."

He tried to look at anywhere else. But damn, how can he not notice that? Inayusan lang ito ng bahagya at pinagsuot ng dress, hindi na niya maalis ang tingin niya rito? Ano bang magic mayroon ang blush on at lipstick?

"Ang ganda ni Ahn, ano? Pwedeng-pwede nang ligawan," kumento ni Paris, na nasa may likuran nila.

He didn't know why he suddenly felt irked by that remark. Nagkatinginan sila ng kakambal niya and there's that knowing look again, as if she knows something that he was completely unaware of.

"I think she's too young for that," Iya told Paris.

They were asked to sing Ahn a Happy Birthday. He didn't even move his lips. Nakatingin lamang siya kay Ahn, na hiyang-hiya na sa gitna. Everyone's looking at her, pleased with the change. Jae came to them and thanked his twin. Mangiyak-ngiyak ito. Akala raw kasi nito'y never na nitong makikitang naka-dress ang anak.

Pagkatapos kumanta ng mga bisita ay isa-isang lumapit ang mga ito para ibigay ang regalo kay Ahn. Gusto niyang ipaabot na lamang ang regalo but Iya wouldn't take it.

"Isasabay ko na ang gift mo, kuya," Paris volunteered.

"Ako na," sagot niya rito.

Sabay silang tumayo at lumapit kay Ahn, na noon ay pulang-pula na ang mukha. He knew she wasn't used to this kind of attention. Tahimik kasi ito at mahiyain. She'd rather hide on one corner, kesa nakatapat dito ang spotlight.

"Happy birthday, Ahn," Paris greeted. Yumuko ito at hinalikan sa pisngi si Ahn.

"Happy birthday." Simple niyang iniabot ang regalo rito.

"T-Thank you po," sagot ng dalaga.

Tumango lamang siya saka bumalik sa tabi ni Iya.

"That was cold," his twin commented.

"Hindi naman kami close," dahilan niya.

"Hindi rin naman sila close ni Paris. But he managed to smile at her."

He grunted. "Mind your own business, Iya."

After the gift-giving, nag-speech ang mommy ni Ahn. Naiyak pa ito nang mabanggit ang surprise change na nakita nito sa anak. Dalaga na raw ito. His godmother reminded Ahn to study first. Saka na raw ang boyfriend-boyfriend kapag 18 na ito.

"O, narinig mo 'yon?" Iya teased.

"Ang alin?"

Umiling ito. "Wala."

After the speech, sinabihan na silang kumain. Abalang-abala ang parents nila sa pakikiusap sa mga kaibigan ng mga ito. Iya went to Vienna and their other cousins. He followed Paris to the buffet table. Kumuha siya ng plato saka pumunta sa may parte ng table kung saan nakalagay ang spaghetti.

He was about to get the serving spoon nang may makabangga ang kamay niya.

"Sorry—"

It was Ahn.

"S-Sorry po, kuya. Kayo na muna."

"No, you go ahead," sabi niya saka ito tinalikuran. Kumuha na lang siya ng ibang pagkain. He didn't get near the spaghetti again until he was sure na wala na si Ahn doon.

He didn't know why he suddenly felt off. Sa sobrang pre-occupied niya, hindi niya namalayang puno na pala ang plato niya. But when he got to his table, he was in no mood to eat. Nagpalinga-linga siya, para bang may hinahanap ang mata.

But she was nowhere to be found.

--

Ahn was so tired from walking around in wedges, trying to avoid everyone. May ilan pang nag-stay pagkatapos ang party, nakikipag-inom sa daddy niya. She took all her gifts to her room and locked the door.

Tuwang-tuwa siya sa regalo ng ate Iya niya, though it was nerve-wracking to wear an actual dress for the first time. She was just thankful na hindi siya natapilok sa wedges na suot niya.

Her mom had gotten her a makeup kit, na hindi niya alam kung ikatutuwa niya dahil hindi naman siya marunong mag-makeup. Pero natutuwa rin siya sa tuwing titingin siya sa salamin. Maayos siyang tingnan ngayong araw, dalagang-dalaga. Far from her usual drabby look.

She continued unwrapping her gifts. Karamihan sa regalo na galing sa mga nakatatanda ay mga pampaganda. May tatlo pa siyang dress na nakuha, isang pares ng pumps at ilang accessories. Ganoon na yata katindi ang kagustuhan ng mga itong gawin siyang dalaga.

Only one gift remains.

It was from her kuya Kendrick.

He gave it to her together with Paris, isa rin sa mga kinakapatid niya. Paris even managed to smile to her but Ken didn't even lift the corners of his mouth. Parang bumati lang ito sa kanya kanina out of politeness. Now, thinking about it, he might have come to the party only because he was obliged to.

She took her time unwrapping his gift, not really wanting what was inside the box.

And when she did open it, napasimangot siya.

It was an alarm clock.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro