IJLT 19 - Kiss
"Paris, huwag kang lalayo ha!" paalala ng daddy niya sa pinsan. Paris just waved at them and swam further. Matigas talaga ang ulo nito. Ang sarili lang kasi nitong ama ang pinapakinggan nito.
"Ken," his dad called him. "Keep an eye on them. Tuturuan ko lang lumangoy ang mommy nyo."
Nakita nyang hinampas ng mommy niya ang braso ng dad niya. "I don't need your lessons!" she said stubbornly.
"Matanda ka na, hindi ka pa marunong lumangoy. What if another time like this, I happen to not be here at may nalulunod?"
"Ken can save them."
"E paano kung wala si Ken?"
"E di si Iya."
"Paano kung wala si Iya, si Paris, si Rica or si Ahn?"
Tuluyan nang napasimangot ang mommy niya. "Fine!"
His dad smiled. "Good." Bumaling ulit ito sa kanila ni Iya. "Take care of the others. Dito lang naman kami sa malapit. Just shout if you need anything."
Lumayo ang mga ito ng ilang metro. Sila naman ay lumangoy na rin. Wala naman talagang kailangang bantayan dahil halos lahat sila ay marunong lumangoy. Sina Jennifer at Carmel naman, dahil hindi marunong, ay nag-stay sa mababaw. Hindi kasi hilig ng pamilya ng mga ito ang magpunta sa beach.
Hikers ang mga ito. Mahilig kasi sa trekking ang ninong JT at ninang Femi nila.
Kasama ni Iya sina Frances, Rica, Carmel, Jennifer at Vienna sa may babaw. They left him with Ahn. Nasa medyo malalim sila. Sa lampas tao. Ahn's a very good swimmer. Ito pa ang nanguna sa may lalim. Sumunod lang siya.
"Saan kayo una: sa lolo o sa lola?" tanong niya rito.
"Kina lola. Pupunta raw kami sa Hogwarts!" nakangisi nitong sagot. He could hear excitement in her voice. Fan na fan kasi ito ng Harry Potter. Recently lang niya nalaman. Kung noon pa, sana ay naibili niya ito kahit customized wand lang.
"Pasalubong ha."
"Sure. Ano'ng gusto mo?"
"Butterbeer."
Ahn chuckled. "Hindi na sya masarap pagdating dito. Order ka na lang ng Butterbeer sa Starbucks."
He wrinkled his nose. "Ayoko nun. Hindi masarap."
"Yung tuyo kasi ang hingin mo."
Nag-isip siya. May isa siyang gustong ipabili pero hindi niya alam kung ano ang tawag.
"Alam ko na. Yung beans na lang. Yung iba-iba ang flavor."
"A! Alam ko yun! Sige."
"KEN!"
Pareho silang napalingon kay Iya.
"Ano?!" malakas niyang tanong.
"Nasa'n si Paris?!"
Agad siyang lumingon sa kabila niya, to the deeper part of the sea where Paris was swimming earlier. Walang tao doon.
"PARIS!" sigaw niya.
"Pa! Si Paris, nawawala!" Iya went ballistic. Pinaahon nito sina Rica sa dagat.
"Ayun sya!" Ahn shouted, pointing at the vast sea. He saw Paris' hand. Mabilis pa sa alas kwatrong lumangoy papunta roon si Ahn. He followed. Mabuti na lang at lumutang si Paris bago ito nawalan ng malay.
They were able to pull him to the shore. He knew Iya could perform CPR. He expected her to. Pero nagpa-panic pa rin ito. It's the first time na nakakita ito ng nalulunod. Ngayon, walang pakinabang si Iya. To his surprise, Ahn did the CPR.
She pushed twice against Paris' chest then she opened his mouth and covered his nose. Then she blew some air in his lungs. He just sat there, watching. He didn't try to stop her. At that moment, all he cared about was Paris.
Ahn repeated the process three times bago lumabas ang tubig sa bibig ng pinsan niya. Itinagilid nila si Paris sa buhanginan. Namumula ang mga mata nito.
"I told you to not go far!" paasik na sabi ng daddy niya. Iniangat nito si Paris, with his help, and lead him back to the house. "That's it, no more swimming for everyone!"
Hulog ang balikat ng mga pinsan at kinakapatid niya nang magsisunod sila pabalik sa bahay. Nagsipagbanlaw na sila. Nang makapagpalit ng damit, nagtipon-tipon sila sa sala. His dad looks so angry. Nakapamay-awang ito habang isa-isa silang tinitingnan. Nakahiga si Paris sa mahabang couch. Naka-jogging pants at sweater ito.
"I am very inclined to sending you all home right now. Ang ayoko sa lahat, e yung matigas ang ulo. Paano na lang kung may masamang nangyari sa 'yo, Paris, ha? Ang tigas kasi ng ulo mo!"
Napatingin sila kay Paris. Nakatingin lang ito sa sahig.
"Tito, ang unfair naman kung papauwiin mo kami lahat," reklamo ni Rica. "We followed the instructions naman e. We stayed near the shore."
"She's right, dad," pagsang-ayon ni Iya sa pinsan.
"Kent, don't you think not allowing them to swim anymore is punishment enough?"
His dad sighed.
Paris sat up. "Ako na lang po ang uuwi. Sorry, tito."
"Kuya!" Nakasimangot si Vienna, mukhang ayaw pauwiin ang kapatid. Kumapit din si Frances sa kapatid nito.
"Kung uuwi ka, uuwi na lang din kami."
His dad rolled his eyes.
"Pa, just make him promise not to go near the sea again," he suggested.
"I don't trust his word. He just broke a promise earlier," sagot ng daddy niya.
"Sabihin mo na lang kay Tito France na bawiin ang kotse nya kapag hindi sya ulit nakinig sa 'yo, pa," suggestion naman ng kapatid niya.
Napamaang si Paris kay Iya. "Ate naman!"
Tinaasan lang ito ng kilay ng kakambal niya. "O? Aangal ka na naman? Remember, Paris, you almost ruined this vacation for everyone."
Wala ng nagawa ang pinsan niya nang pagtulong-tulungan nila ito.
--
Paris did not join them for dinner. Pagkatapos nilang maghugas ng pinagkainan ay hinanap niya ito. Ahn found him outside. Nasa may dagat ito. He was just sitting on the sand. Tinabihan niya ito.
"Uy, hinahanap ka nila kanina."
He sighed. "Sorry."
Kumunot ang noo nya. "Bakit ka nagso-sorry sa 'kin?"
"Because you did the CPR."
"I did that to save you."
"Pero para mo na rin akong hinalikan nun. I know you're reserving your first kiss for someone special. I'm sorry it had to be me."
Inakbayan niya ito. "Ano ka ba, I'd rather lose it to you than let you drown."
He finally smiled. "Thanks, Ahn. You'll be a great cousin-in-law someday."
Bigla siyang pinamulahan. "Bakit ang a-advanced ninyong mag-isip?"
Tumawa ito. "Kasi dun din naman ang punta nyo."
"Huwag nyo muna kasing isipin yun. Maraming pwedeng mangyari sa 3 years."
"You're right. Pwede ka pang magkagusto sa iba."
She shook her head. "That's not what I was afraid of."
"E ano pala?"
"Si Ken. Pwede pa kasi syang magkagusto sa iba."
"Then don't let him."
--
Kanina pa agitated si Ken. Almost thirty minutes nang wala si Ahn sa bahay. Baka lumabas lang ito, nagpapahangin. But the fact na wala rin si Paris sa bahay made him uneasy. It would be logical to think na magkasama ang dalawa.
Kahit pa assured siyang gusto siya ni Ahn, he couldn't help but worry kapag nai-involve ang pinsan niya. He managed to get Zaira confused before. Girlfriend na niya ito noon but Paris made his way between the two of them. When he learned that he's dating her behind his back, he broke up with Zaira.
The latter didn't take it well and tried to blame it all on him. She then tried to get together with Paris, pero takot si Paris sa kanya kaya hindi nito in-entertain si Zaira.
Kumalat ang balita noon na nanunuhog ito ng magpinsan. At yung magpinsan pang sikat sa school. Zaira instantly became a hot commodity, but in the worst way. Nang hindi na nito makayanan ang mga paninira ng mga schoolmate nito, nag-transfer ito ng school.
Ayaw niyang mangyari iyon kay Ahn. He doesn't want to hate her. He doesn't want to hate Paris again. Nakakaubos kasi ng lakas ang hatred. Nakakapanghina. Lalo na't mag-best friend ang mommy niya at ang daddy ni Ahn tapos ay magpinsan naman ang daddy niya at ang daddy ni Paris. The only way to untangle yourself out of an intricate web is to sever ties. At ayaw nyang mangyari iyon. Sabihin man ng iba na mababaw, pero karamihan sa mga pagkakasira ay nag-uugat sa mabababaw na dahilan.
Nang hindi na siya makatagal ay naisipan niyang lumabas ng bahay. Pero nasa may pintuan pa lang siya nang biglang magkasunod na pumasok ang dalawa. Ahn gave him a tight smile habang si Paris naman ay nakaiwas ng tingin.
"Paris," tawag niya sa pinsan.
Bumalik ito sa labas at saka siya nilingon. "Come on."
Tumango siya at sumunod dito.
--
"Ken, for the nth time, I'm not trying to steal her away from you," Paris said exasperatedly. "Huwag ka kasing paranoid."
"Masisisi mo ba 'ko? I let you get close to Zaira before, di ba? Binalewala ko lang kasi akala ko mapagkakatiwalaan kita. Tapos ano'ng ginawa mo?"
Paris sighed. "Akala ko ba okay na tayo doon?"
"Yes, but you're doing it again."
"I'm not!" tanggi ni Paris. "Pwede bang kausapin mo muna ako bago ka mag-conclude? 'Yan ang hirap sa 'yo e. Masyado kang tamang hinala."
"Kaya nga kinakausap kita ngayon, di ba? Magpaliwanag ka."
"Okay. Gusto mo bang simula sa simula?"
He scowled. Paris raised his hands defensively and laughed.
"Fine. I'll give you the gist. I said sorry to Ahn because she did the CPR."
Kumunot ang noo niya. "Why would you apologize to her for saving your life?"
Paris smirked. "She asked me the same thing. I guess you're more the same than you know."
"E bakit nga kasi?"
"Because I counted it as a kiss."
--
Ken somehow wished that he didn't confront Paris. Ngayon, gusto niyang sisihin ang kakambal sa timing nitong pagpapanic. Si Ahn tuloy ang nag-perform ng CPR kay Paris. At ang nakakainis, nilagyan ng pinsan niya ng malisya ang ginawang pagliligtas sa buhay nito ng kinakapatid niya.
"Ano, hindi mo pa rin malimutan yung sinabi ko kanina?" tanong ni Paris sa kanya. Pareho na silang nakahiga sa kama nito, patulog na. Pero mag-aalas dose na ay hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Tumalikod siya rito.
"Don't worry, she doesn't count it as her first kiss kasi hindi naman ako espesyal sa kanya," dagdag nito.
"Tumahimik ka na lang," he replied.
Kakapikit lang niya nang may biglang kumatok sa pinto. Hindi niya iyon pinansin. Nang may kumatok ulit, nilingon niya si Paris, uutusan sana niyang bumangon para buksan ang pinto, pero nakapikit na ito. Mukhang katutulog lang.
Grunting, he got up and opened the door. Napagbuksan niya si Ahn na nakataas ang kamay, kakatok ulit sana.
"Ahn!"
"K-Ken!"
"May kailangan ka?"
"A-Ano..." Nagyuko ito ng ulo saka umiling. "S-Sorry naabala kita."
Tumalikod ito at akmang aalis nang magsalita siya. "Hindi pa naman ako tulog nang kumatok ka. Ano ba kasi yun?"
He was taken by surprise when she turned around suddenly, kumapit ito sa balikat niya at nag-tiptoe. Then she kissed him on the cheek. Saka ito tumakbo.
He was left there standing, stunned. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. He suddenly felt warm. Alam niyang namumula na siya.
She just kissed him! Out of the blue!
Natigil lang sya sa pagtunganga nang akbayan siya ni Paris.
Nakangisi ito sa kanya. "Ano, masaya ka na?" tanong nito.
He didn't know what to answer.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro