Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

IJLT 17 - Watch

Ilang araw ding pinag-isipan ni Ahn kung ano ang regalong ibibigay niya kay Ken. To Iya, it's easier because she's a girl. Palihim niyang kinuha ang sukat ng sapatos nito. She bought her a pair of brown suade boots na may wedged heels.

Kay Ken naman, bumili na lang siya ng kulay black na relo. Para useful.

Ang dami nilang pumunta para sa graduation ng kambal. Bukod kasi sa immediate family, nandoon din silang mga family friends. Ang lakas ng cheer nila nang umakyat si Iya sa stage to give her valedictory address.

Nang makapagmartsa na ang dalawa ay nilapitan niya ang mga ito to give her gifts. Biniro pa ni Iya ang kambal dahil mas malaki ang regalo nito kesa kay Ken. But he didn't seem to mind. Nagulat pa siya nang yakapin siya nito.

Parang may kung anong sumasayaw sa tiyan nya nang mga oras na 'yon. She'd gladly return the hug, had it not been for her father's loud clearing of throat.

"Thanks," Ken told her. "I'll wear this everyday."

Natuwa naman siya sa sinabi nito.

After the ceremony, they all went back to their place para sa mumunting salu-salo. Sila-sila lang ang nandoon pero napuno pa rin ang backyard sa dami nila. Ken gave her a plate of spaghetti na may kasamang cake sa isang tabi.

"Thank you," she told him. He sat down beside her and began eating his own food. The paste tasted delicious. Syempre, luto iyon ng ninong niya. But she liked Ken's better.

"Pagkatapos mong kumain, usap tayo. I have to tell you something," seryoso nitong sabi.

Napatango na lang siya. Ewan ba niya. That moment, when he said that, that's when her heart beat its loudest.

--

Dahil sa hindi pa tapos kumain si Ahn, Ken decided to talk to her dad first. Pagkatapos ng bakasyon, magka-college na siya. It would be a different environment, different schedule, and different priority. He'd hardly see Ahn. At baka kapag bihira na silang magkita, may makasingit.

It would devastate him the most kung si Paris ang maniningit kapag wala na sya. So he decided to tell her how he feels. Para alam nito.

Nang makita niya ang ninong niya ay sinabi niya rito ang plano niyang pagtatapat sa anak nito.

"Sigurado ka na ba? Don't you think it's too early, Ken?"

"I'd like her to know, ninong. Hindi ko naman hihingin agad ang sagot niya. Hindi naman ako manliligaw agad. I just want to let her know. Para kung anuman ang mangyari in the next few years, at least I told her."

Napabuntong-hininga ito at tinapik siya sa balikat. "If you think it's for the best, then fine. Tell her."

When he got his ninong's approval, he searched for Ahn. Pero naharang muna siya ni Iya.

"I overheard you talking to ninong." She squealed. "Sasabihin mo na? Oh my gosh! Can I eavesdrop?"

"Huwag na."

"Eeeee dali na, Ken. Promise, hindi ako mag-iingay!"

Nag-init ang pisngi niya. "Huwag nga! Baka dagain lang ako kapag nanuod ka."

Ngumuso ito. "Hmp. Sige na nga. But be sure to tell her tonight ha! Tatanungin ko sya mamaya!" banta nito.

"Oo. I'll tell her."

--

"Ahn!"

Ken motioned her to follow him. Ito na yung talk na kanina pa niya kinatatakutan. What will he tell her? Nahalata kaya nitong may crush siya rito? Will he reject her this early?

Lumabas sila ng bahay tapos ay naglakad sila ng ilang blocks bago ito tumigil. Naupo ito sa edge ng raised sidewalk ng subdivision. She sat next to him, not too close though, sa takot na marinig nito ang dagundong ng dibdib niya.

"Ahn... I like you."

Parang binunutan siya ng tinik sa lalamunan. Akala naman niya ay kung ano.

"I like you too," nakangiti niyang sagot. Gustong-gusto talaga niya ang kambal. They've been very nice to her. And it's a relief na gusto rin pala siya ng mga ito. Nakakapanatag ng loob.

Seryoso itong umiling. "No, not like that."

She frowned. "E ano pala?"

"Gusto kita. Yung gustong higit pa sa kaibigan." Humarap ito sa kanya. Napapitlag siya nang hawakan nito ang kamay niya. "Yung gustong gawing girlfriend balang-araw."

--

Pulang-pula pa rin si Ahn pag-uwi nila. Kanina pa siya hindi nagsasalita sa kotse kahit ilang beses na siyang sinubukang kausapin ng daddy niya. When Ken told her that he likes her like that, parang gustong pumalakpak ng tenga niya. But she remained silent.

"Yun lang," sabi pa nito kanina, mukhang disappointed dahil hindi sya nag-react.

"T-Thank you," she said, flustered.

Bumalik sila sa bahay nang hindi nag-iimikan. Hanggang sa mag-uwian na, hindi na sila nag-imikan pa. Naghulihan na lang sila ng tingin hanggang sa makasakay siya ng kotse.

Pagdating niya sa bahay ay agad siyang umakyat sa kwarto niya at nagkulong. She checked his Facebook account. Baka may status ito patungkol sa nangyari kanina. Something to make her believe na nangyari nga yung nangyari kanina.

Pero tahimik ang timeline nito. Puro congratulations lang. Kahit nga karamihan sa mga bumati rito ay mga babae, hindi na siya masyadong nainis. Ken likes me, she told herself. They all like him and he likes me!

Tinakpan niya ng unan ang sariling bibig para harangin ang tili na kanina pa gustong lumabas sa lalamunan niya. Naalala niya ang disappointment nito kanina. She wanted to let him know that she somehow feels the same.

So, she took a picture of the Totoro alarm clock saka nya iyon pinost sa IG.

lizahnlegaspi: Hi, Mr. Totoro, I like you too. <3

 

--

Kanina pa tili nang tili si Iya sa kwarto ng kapatid. Kanina pa niya ito hinahampas-hampas. Pulang-pula na ang tenga nito nang ipakita niya rito ang IG post ni Ahn.

Mukhang tanga si Ken na hindi matanggal ang ngiti sa labi. Samantalang kanina ay lulugo-lugo itong bumalik sa bahay.

"O, ano? Bakit nakasimangot ka?" tanong niya rito kanina.

Umiling lamang ito. Hanggang sa makaalis sina Ahn ay hindi pa rin maipinta ang mukha nito. Akala niya ay nireject na ito ng kinakapatid niya. She was surprised as well, when she saw her post on IG. Alam niyang si Ken ang tinutukoy nito. Kay Ken kasi galing ang alarm clock na nasa picture nito.

"Sayang talaga, bawal pa kasing ligawan si Ahn!" nakanguso niyang sabi sa kapatid.

"Okay lang. Three years na lang naman."

Napataas ang kilay niya sa sinabi nito. Usually, Ken would take it negatively. Imagine, three years pa! Pero mukhang wala na yatang makasisira sa mood ng kapatid. Abot-langit ang ngiti nito, masayang-masaya.

--

From: Ate Iya

Ohmygosh Ahhhhhhhhhhhhhhhn!!! Welcome to the family! HAHAHAHA. I love you, little sister! :D

Napangiti siya sa text ng ate Iya niya. Kaya lang, masyado naman itong advanced mag-isip. It's not as if ikakasal na sila ni Ken. Nagka-aminan pa lang. Ni hindi pa nga siya nililigawan nito. Sabagay, sabi kasi ng parents niya, bawal pa raw.

She remembered her conversation with her dad. Ano raw ang gagawin niya kapag may ka-close syang biglang nag-confess sa kanya. Ngayon lang niya naintindihan ang gusto nitong iparating. Malamang ay alam na nito na gusto siya ni Ken.

So, all this time pala, nagwo-worry sya sa wala. She likes him and he likes her. Ganito pala kasarap sa pakiramdam kapag gusto ka rin ng taong gusto mo.

From: Ate Iya

I've been waiting for him to confess to you. Grabe! Kung alam mo lang, mag-like ka pa lang sa status nya, kinikilig na sya! Hahaha!

Natawa siya bigla. Ang hilig talagang manglaglag ng ate Iya niya. Kahit sarili nitong kapatid, hindi nito pinapalampas.

To: Ate Iya

Talaga, ate? Haha. Ganun pala syang kiligin.

Naaalala pa niya yung mga pinopost nitong pictures sa IG dati. So, sya pala ang dahilan ng pamumula ng tenga nito?

May nag-text ulit. Akala niya ay ang ate Iya niya na naman. Turns out, it was Ken.

From: Totoro

Huwag kang maniwala kay Iya. :(

Mukhang ipinakita ng ate Iya niya ang reply niya rito kanina. She reminded herself not to reveal too much kapag si Iya ang kausap niya, mapa-online, text o personal. Nakakahiya kasi kapag sinabi nito lahat ng sinabi niya kay Ken.

To: Totoro

Bakit naman hindi? Hindi ba totoo? :)

From: Totoro

Nakakahiya kasi.

To: Totoro

Cute kaya. :D

He replied with a heart sign. And then he sent her another message. Tulog ka na. Sleep tight.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro