Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

IJLT 16 - Deal

Ken made a deal with Ahn. For every 5 times na tatawagin niya itong kuya, kailangan niya itong ilibre ng isang meal. And for every 10 times na manginginopo siya rito, she will do the same. Sinabi nito iyon sa kanya to prevent her from calling him Kuya, which she often does, kasi hindi pa rin siya sanay na tawagin itong Ken.

The situation with Paris went a lot smoother kasi kumportable siya rito.

Ilang araw na lang, malapit nang makapagtapos ang kambal. She had been looking for a suitable gift since malaman niya ang exact date ng graduation. Malapit na ring magbakasyon. To top that off, halos hindi na rin siya natutulog nitong mga nakaraang araw dahil malapit na ang final exams nila.

Habang ang mga schoolmates niya ay abala sa pagtunganga sa mga nagpa-practice ng martsa tuwing free time, sya naman ay nasa library, sinasamantala ang katahimikan ng lugar para makapag-aral.

Valedictorian ang ate Iya niya habang si Ken naman ay kung anu-anong extra-curricular awards ang nahakot. It was still weird to call him Ken kahit sa isip lang niya. Para kasing nawalan siya ng galang dito.

"Ahn."

Agad siyang napatunghay nang marinig ang pamilyar na boses ng kinakapatid.

"K-Kuyen!"

She blushed profusely at her blabber. Mahina naman itong tumawa.

"Mix ups are counted. Panglima mo na 'yan."

Sumimangot siya. Pansin niyang madalas siya nitong ginugulat para magkamali siya ng tawag dito.

"Ang daya mo."

"Bakit, ako ba ang nagkamali?" nakangisi nitong tanong. He pulled her book away. "Halika, ilibre mo 'ko."

"Nag-aaral ako."

"Take a break. Wala ka nang ibang ginawa kundi mag-aral. Pahinga ka naman."

"Malapit na ang final exams," dahilan niya rito.

"Malapit na rin akong maka-graduate. A few days from now, wala nang manggugulo sa 'yo. Hindi mo pa ba ako pagbibigyan?"

She sighed. Ang lakas talaga nitong mangonsensya. Silang magkapatid talaga, kapag may gusto, hindi pwedeng hindi mo pagbibigyan.

"Di ba may practice pa kayo?"

Ang alam niya, nasa social hall ang lahat ng fourth year. Malapit na kasi ang final rehearsal ng mga ito. Kailangang perfect na. Kumpleto na ang mga grades e. Alam na kung ilan talaga ang mamartsa. OC pa naman ang principal nila lalo na pagdating sa mga big events. Gusto palaging perfect ang execution.

"We've been practicing nonstop. Kahit nakapikit ako, makakarating ako ng stage," sagot nito.

Napangiti siya. Ang kulit ni Ken nitong mga nakaraang linggo. Halos palagi silang magkasamang dalawa. Setting aside the rumors and the snide remarks, it was actually fun to spend almost every day with him. Ngayon pa lang ay nalulungkot na siya. College na ang kambal habang siya ay bago pa lamang magsi-senior high. She could not imagine high school without Ken and Iya. It would surely be less fun.

Mabuti na lamang at nandyan pa si Paris.

Sabagay, hindi na rin siguro masama. Hindi naman masyadong lalayo ang kambal kasi ayaw din ng mommy ng mga ito na sa malayo ang mga ito mag-aral. Iya would be taking up Tourism habang si Ken naman ay mag-a-IT. Gusto sana ng ninong niya na mag-Culinary Arts ito pero ayaw ng kinakapatid niya. Magaling nga itong magluto pero hindi naman nito iyon hilig gawin.

Maging sya man ay nanghihinayang din.

"Mamaya na lang uwian," sabi niya rito. Hindi lang naman kasi sila sa cafeteria pupunta kung sakali. For sure, mag-aaya itong lumabas ng school kahit bawal.

Ken grunted. "Ang KJ mo."

"Bumalik ka na sa practice nyo. Baka hinahanap ka na nila. Saka ayaw kong mag-cut class, 'no."

Naupo ito at nagpangalumbaba sa tapat niya.

"Ayaw mo talaga?" pangungulit nito.

"Mamaya na nga kasi."

Ken sighed. "Fine. Later."

Tumayo ito at akmang aalis na. Pero bago siya nito tuluyang iwan, he leaned on the table and said.

"You should pass all your exams with flying colors, since you spend every ounce of your time studying. Deal?"

She smiled at him. "Deal."

--

Nang mag-uwian ay agad siya nitong hinanap. Medyo nasasanay na rin si Ken ng pag-akbay-akbay sa kanya. Mas naging close nga sila nitong mga nakaraang araw, but that doesn't mean na naging kumportable na siya rito. Pakiramdam niya'y mas lalo siyang kinakabahan tuwing magkakatabi siya. Palaging kumakabog ang dibdib niya kapag ngumingiti ito. At nanghihina ang tuhod niya sa tuwing aakbayan siya nito.

But she tried her best to hide her uneasiness. Paris had been teasing her nonstop. Crush daw niya si Ken. Noong una, ayaw niyang aminin sa sarili na totoo ang mga tukso nito. Baka kasi lalo siyang mailang. But as days went by, tinanggap na rin niya.

Crush lang naman, pangungumbinsi niya sa sarili. Normal naman ang magka-crush kapag high school. Hindi naman ibig sabihin noon na mag-aasawa na siya.

"Sa'n tayo?" tanong niya rito. She thanked herself for getting the words out properly. Madalas kasi siyang mag-blabber kapag kinakabahan siya.

"Bistro," nakangisi nitong sagot.

Napangiwi siya. Ang mahal kaya sa Bistro. Two hundred halos ang isang plate ng pasta. Halos singkwenta ang isang glass ng iced tea. At ang desserts ay hindi bababa sa 150. Halos memoryado na niya ang menu dahil doon niya paboritong kumain ng pasta.

Ken's pasta comes close to that of Bistro's. Kung wala nga lang silang usapan, magpapaluto na lang siya rito. Malaking tipid pa! Marami naman silang stocks ng pasta dough sa bahay dahil mahilig din sa pasta ang mommy nito.

Hindi na siya nakatanggi nang nag-commute sila papuntang mall. Nakasunod lamang siya rito habang ito naman ay nakapamulsang naglalakad. He would occasionally turn around to check on her and he would catch her off guard every time.

Palagi siyang namumula kapag ngumingiti ito. Ewan ba niya. Minsan, iniisip niyang sana ay hindi na lang sila naging close na dalawa para hindi siya magka-crush dito. Ang hirap kasi. Nai-insecure siya sa sarili niya dahil alam niyang mataas ang kaledad ng babaeng magugustuhan ng kinakapatid niya. Someone very beautiful and smart and has a good sense on everything.

She's not that girl and it kinda saddens her, because sometimes, she'd wish he'd look at her differently. Hindi iyong parang nakababatang kapatid lang.

They sat down on a table for four. Nasa tapat niya ito. Kilala na siya ng waitress kaya naman agad itong ngumiti pagkakita sa kanya.

"Good evening, ma'am, sir," bati nito sa kanila. "For two lang po ba?"

She nodded.

"Oorder na kami," Ken told the waitress. "Mine's molto meatball spaghetti, lemon iced tea and an order of herb chicken."

Napalunok siya. Usapan nila, isang meal! Isang meal ang inorder nito. At mukhang may kasama pang dessert! Sana pala, nagbigay siya ng quota sa presyo.

"Bolognese spaghetti lang po sa 'kin," sabi niya sa waitress.

"Drink nyo po, ma'am?" tanong naman nito habang naglilista.

"Water na lang po."

"Ano ba 'yan, ang dami-dami kong inorder tapos ikaw—" Umiling-iling na lang si Ken. "Order anything you like. It's my treat."

Napamulagat siya rito. "P-Pero di ba 'yung deal..."

"Next time na yung deal natin. Order ka na bago magbago ang isip ko."

She just shrugged.

"Okay." She looked at the waitress. "Lemon iced tea rin po ang inumin ko. Saka tiramisu."

"Share na po ba kayo sa tiramisu? Good for two na po kasi 'yun."

Ken smiled. Ayan na naman ang puso niya. Parang laging aatakihin. How she managed to not faint until today every time he smiles, she doesn't know.

"Share? I'd like that."

"Okay na po," sabi na lang niya.

--

Halfway na siya sa pagkain ng pasta nang biglang tumunog ang phone niya.

"Hello, dad?"

Napansin niyang biglang tumigil sa pagkain si Ken.

"Ahn, where are you?" tanong ng daddy niya.

"Nasa mall po."

"Kumain ka na?"

"Kumakain po."

"Saan? Pasabay na 'ko. Nasa mall rin kasi ako e."

Alam niyang iisang mall lang ang tinutukoy nilang mag-ama. Iyon lang kasi ang puntahan na malapit sa school, sa church at sa bahay.

"P-Po? May kasabay po kasi ako."

"Sino?"

Tumingin siya kay Ken. "Si kuya Ken po." Napapikit siya. Plus one na naman. Kasi, hindi naman niya sinabi sa daddy niya ang deal nilang magkinakapatid. Baka magtaka ito kapag biglang nawala yung kuya.

'Si ninong?' he mouthed. Nang tumango siya'y bahagya itong namutla.

"Can you give the phone to him, anak?"

"Okay po. Wait lang." Iniabot niya ang phone sa kinakapatid. "Kakausapin ka raw."

Nag-aalangan itong kunin ang phone. Kumunot naman ang noo niya. Bakit parang takot na takot naman yata ito? It's not like they're doing anything wrong. Family friend naman ito. Wala namang masama kung kumain silang magkasama.

"Yes, ninong. Okay po." Nakita niya itong umiling saka sumulyap sa kanya. "Hindi po. Kakain lang. Opo. Okay po."

Iniabot nitong muli sa kanya ang phone.

"Anak," may paglalambing ang tono ng daddy niya. "I-order mo 'ko ng pizza ha? Saka pesto."

"Okay, dad."

"I'll be there in ten minutes. Love you."

"Love you too."

--

Napaka-punctual talaga ng daddy niya. It's one of the many things na namana niya rito. Eight minutes pa lang ang nakalilipas, nakita na niya itong papalapit sa kanila. When her father sat down, sinenyasan nito ang isa pang waitress para ipaglagay ito ng paper na papatungan ng plato at saka ng mga kubyertos. Iniorder na rin niya ito ng iced tea.

"What's the occasion? Bakit kumakain kayo sa mamahaling restaurant?" nakangiti nitong tanong kay Ken. May kakaiba sa ngiti nito. Pansin niya. It was a forced smile.

"Wala lang po, ninong. Naisipan lang," dahilan ng kinakapatid niya.

"Whose treat?"

"Mine."

"Tamang-tama pala ang punta ko. Libre na rin yung sa 'kin, right?"

"Dad!" saway niya sa ama. Dagdag 400 para sa order ng pizza, 200 for the pesto and 50 for the iced tea. Tapos umorder pa ito ng gelato for dessert. Lampas dalawang libo kung isasama pa yung order niya saka order ni Ken.

"Oo naman, ninong," nakangiting sagot ni Ken. There's something weird about his smile too. Parang napipilitan din. Ano ba ang nangyayari? It's like this with Paris and Ken noong minsang nag-slumber party sila. Something's weird, she just couldn't point her finger on it.

--

Halos dalawang oras din silang kumain dahil sa dami nilang inorder. Her dad's unusually talkative. Si Ken naman ay isang tanong, isang sagot ang drama. Nagpapalipat-lipat na lang ang tingin niya sa dalawa, iniisip pa rin kung ano ang mali.

Pagkatapos nilang kumain, inaya na siyang makauwi ng daddy niya. They also orderd ravioli to take home.

"Sabay ka na sa 'min?" tanong niya kay Ken.

Umiling ito agad. "No. May pupuntahan pa kasi ako."

Nadismaya siya bigla. "Okay."

"Let's go, Ahn. Thanks, Ken, sa libre."

Tumango lang ito saka umuna nang umalis.

Nang nasa kotse na sila ng daddy niya, he asked her a weird question. He didn't mention any name but she immediately thought of Ken. Hindi niya alam kung bakit.

"Anak, what will you do if someone close to you confesses that he likes you?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro