Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

IJLT 13 - Kuya

Masaya na ulit si Ahn. Okay na sila ng kuya Ken niya. Ngumingiti na ito sa kanya sa hallway kapag nagkakasalubong sila. Nagrereply na ulit ito sa mga messages nya. Nakikipagkulitan na ulit ito sa Facebook.

Okay lang sa kanya kahit hindi na sila friends ni Chet. Ang lagay kasi, ginamit lang siya nito para mapalapit sa kuya Ken niya. She knew that all along. Takot lang siyang mawala ang kaisa-isa niyang kaibigan sa classroom kaya hinayaan na lang nya.

Pero simula noong maging malapit siya sa magpipinsan, pakiramdam niya, hindi na siya nag-iisa. Wala na yung awkward moments tuwing may gatherings. Palaging may nakapaligid sa kanyang Eusebio, De Luna o Gutierrez. And it's a nice feeling.

Rica even offered to be her new best friend.

Naramdaman niyang may umakbay sa kanya sa hallway. She looked up to see her kuya Paris smiling down on her.

"Hi," bati nito.

"Hello, kuya."

Ramdam niyang nakasunod ang tingin ng mga schoolmates niyang nasa hallway. Gusto niyang maglagay ng sako sa ulo para hindi niya sila matingnan sa mata. Nakakailang. Ang kuya Paris lang naman niya ang sikat sa kanilang dalawa pero dahil magkakilala sila, pati sya ay naaambunan na rin ng kasikatan nito. Yun nga lang, not in a good way.

"Don't mind them," sabi nito sa kanya. "The key is to ignore their existence. Kapag nasanay ka na, hindi mo na sila makikita kahit nakaharang pa sila sa daan."

"Grabe naman 'yon, kuya."

Tumawa ito. "Minsan kasi Ahn, nakakasama ang pagiging sobrang bait."

Tumango na lamang siya. She has always been accused of being too kind. Kahit ang mommy niya, minsan ay nagrereklamo na rin. Girl version daw kasi siya ng daddy niya. Sobrang bait. Hindi naman niya akalain na masama rin pala ang ganoon.

Madalas daw kasing maabuso.

Napatingin siya sa kaliwa niya nang may biglang tumikhim. It was her kuya Ken.

"Morning, kuya!" bati niya.

Tinanguan lamang siya nito saka ito tumingin sa kuya Paris niya. Tinanggal naman nitong isa ang kamay sa pagkakaakbay sa kanya.

"You can stop glaring now," sabi nito sa kuya Ken niya.

Kumunot ang noo niya sa kinakapatid. Ito naman ay ngumiti lang sa kanya. It wasn't even a full smile. Pero biglang kumabog ang dibdib niya.

Hanggang sa makarating sila sa tapat ng classroom niya ay isip-isip pa rin niya kung ano iyon. First time kasi niyang ma-experience. Para tuloy natakot siya. Hindi naman kaya nasobrahan lang siya sa kape?

--

Naiinis na si Ken sa pinsan. Umamin na siya't lahat pero dikit pa rin ito ng dikit kay Ahn. He was lazily walking along the hallway when he saw them ahead, nakaakbay ito kay Ahn. Not letting his emotions get the better of him, hindi niya sinugod at sinapak ang pinsan.

Sinabayan lang niya ang dalawa. And Paris imeediately got the hint. Nang makapasok na si Ahn sa classroom nito, saka niya simpleng sinapak ang pinsan.

Natawa na lang ito habang hinihimas ang batok. Masyado raw syang seloso e hindi pa nga niya girlfriend si Ahn. Yun na nga siguro ang dahilan kung bakit sobra siya kung magselos. Hindi nya kasi ito girlfriend. He doesn't have a say about the things she do and who she does them with.

Kinahapunan pa nga ay nakita niyang isinabay na naman ito ni Paris pag-uwi. Bigla tuloy siyang nainis sa daddy niya. Ayaw pa kasi nitong ibigay ang kotseng ireregalo nito sa kanya sa graduation. Wala tuloy siyang panghatid.

"O, busangot ka na naman," puna ng kakambal niya.

"Pagsabihan mo nga 'yang si Paris. He's really starting to get on my nerves."

Tinapik siya nito sa balikat. "Relax, Ken. He already gave you his word. Alam naman niya siguro kung paano ka magalit."

Binigyan siya nito ng makahulugang tingin. Alam niya ang tinutukoy nito. It was only three years ago when he and Paris had a huge fight. May ginawa kasi itong kalokohan na ikinagalit niya ng sobra. It involved a girl, who got so hurt that she chose to transfer schools. Si Zaira.

Si Paris kasi ang may pakana ng lahat. Ilang buwan din silang hindi nag-usap. Tuwing may family gatherings, ni ayaw niya itong tingnan. He spite Paris that much back then.

They just made up nang pareho silang kausapin ng mga daddy nila. They were told na hindi dapat ipinagkakaluno ang kamag-anak dahil lang sa babae. Hindi niya matanggap na nila-lang nila si Zaira. But he knew they had a point.

When he got over her, he started mending things with Paris, who in return apologized and promise to never do it again.

Sana nga lang ay panghawakan nito ang pangako nito sa kanya.

--

Later that night, he sent Ahn a random message. Just to start a conversation with her. Parang noong isang araw pa sila huling nagpalitan ng texts.

To: ......Ahn

Hi, Ahn. Need to ask you a favor.

From: ......Ahn

Flavor kuya?

Kumunot ang noo niya. Flavor? Maya-maya'y may text ulit ito.

From: ......Ahn

Ay! Hahaha. Favor pala! Sorry mali ng basa! :D Yes po? Ano po yun? :)

Napangiti siya.

To: ......Ahn

Can you stop calling me kuya?

Medyo natagalan bago ito nakapag-reply ulit. Ano kaya ang iniisip nito sa request niya?

From: ......Ahn

Bakit po? Galit ka na naman ba? :(

To: ......Ahn

Hindi. Wala lang.

From: ......Ahn

Ano na po itatawag ko sayo?

To: ......Ahn

Ken.

 

--

 

There's that erratic beating again. Ken. Parang hindi niya ma-imagine na yun lang ang itatawag niya sa kinakapatid niya. He's older so sanay siyang kuya ang tawag niya rito. Panganay siya sa pamilya kaya wala syang matawag na kuya. Mabuti na nga lang at may ilan siyang nakatatandang kinakapatid.

Hindi niya alam kung ano ang irereply dito.

From: Totoro

Hey, are you still there?

She sighed. Saka sya nag-compose ng message.

To: Totoro

Opo kuya

Na-hit na nya ang send button nang maalala niya yung favor.

To: Totoro

Sorry kuya, di pa sanay. Hehe

Napa-facepalm siya nang maisend nya ulit ang message. Kanina pa siya natataranta. Kanina pang umaga. Lalo na siyang natuliro nang makita niyang tumatawag ito.

It took her a while before hitting the accept button.

"Ahn." He sounded so serious.

"P-Po kuya?"

Narinig niya itong bumuntong-hininga.

"Di ba sabi ko sa 'yo—"

"Hindi po kasi ako sanay e. Sorry!"

Bumuntong-hininga ulit ito. "Okay lang. Forget I asked. Bye."

"K-Ken..." She bit her lip.

"O?"

"Bakit po ba?"

"Wala lang. Gusto ko lang. Feeling ko kasi sobrang tanda ko na kasi kinu-kuya mo 'ko."

"Hindi ka pa naman po gano'n katanda e."

"Ayaw mo ba?" tanong nito.

"Okay lang naman po." Kahit sobrang nakakailang.

"Great! Bukas ha, dapat hindi mo na ako kinu-kuya."

"Opo," sagot niya.

"Saka huwag ka nang manginopo sa 'kin."

"E kasi—"

"Please?"

Now it was her turn to sigh. Magic word kasi sa kanya ang please. Ang hirap tumanggi sa taong nakikiusap, kahit pa gaano ka-weird ng pakiusap na 'yon.

"Okay."

--

Ken knew Ahn doesn't have a Twitter kaya doon na lang sya nag-update ng status. Tuwang-tuwa lang kasi siya.

@keneusebio: Finally out of the "kuyazone" Hehehe.

 

--

 

Hindi alam ni Ahn kung paano masasanay. She's so used to calling Ken kuya. Para kasing may mag-iiba kapag tinanggal niya ang 'kuya' sa pagtawag niya rito. She asked her kuya Paris for help.

"E di huwag mo na rin akong tawaging kuya," suggestion nito.

"Hala. Bakit naman, kuya?" kunot-noo niyang tanong.

"Kasi..." Umakbay ito sa kanya. Ugali talaga nito ang mang-akbay. Kaya siguro hindi na siya tumatangkad. Tuwing magkikita silang dalawa, palagi itong nakaakbay sa kanya. "Para masanay ka. Kung sya, hindi mo tatawaging kuya tapos sa 'kin, magku-kuya ka, e di parang malilito ka, di ba? Dapat wala ka nang tawaging kuya sa 'ming dalawa para masanay ka agad," paliwanag nito.

Napaisip siya. May point nga naman ito.

"Kaso parang nakakailang," pag-amin niya.

"Sa una lang naman 'yan. Pag nagwo-work ka na, you don't call your officemates 'kuya' or 'ate'. Think of it as your preparation for that."

"Kasi naman!" Napakamot sya sa ulo. "Ang weird kasi ng favor ni kuy—K-Ken," reklamo niya.

Tumawa ito. "E ikaw kasi. Dapat inaalam mo muna yung favor bago ka pumayag."

"Next time, ganyan na ang gagawin ko," sagot niya rito.

"Paris!"

Sabay silang napalingon. Nakita niya ang kuya Ken niya. Ken lang, pagtatama niya sa utak. Mukhang masama ang gising nito. Umagang-umaga ay nakasimangot ito. And there it is again. Agad na tinanggal ng kuya Paris--Paris lang!—ang kamay nito sa balikat niya.

Ni hindi man lang tumingin si Ken sa kanya nang makalapit ito sa kanila.

"Let's talk," sabi nito sa pinsan.

Paris just shrugged. "Okay." Saka ito tumingin sa kanya at ngumiti. "See you around, Ahn."

"S-See you."

She took one glance at Ken. Tumingin naman ito sa kanya—sa wakas!—pero saglit lang. Bakit kaya bad mood agad ito, umagang-umaga?

--

Paris winced when his cousin pushed him. Napatama ang balikat niya sa pader. Alam niya kung bakit galit ito. Sinadya naman niya iyon.

"What was that for?!"

"You know what that is for!" mariin nitong sabi.

Pangalawang beses niyang makitang ganito kagalit si Ken sa kanya. Natakot siya bigla.

"Back off!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro