IJLT 12 - Favorite
"Movie marathon tayo!" Iya announced while eating lunch. "I brought a lot of DVDs."
"Baka puro rom-com 'yan a," sabi ni Ken sa kakambal.
Umiling ito sa kanya. "May horror din, action, sci-fi, classic... syempre, alam ko namang tutulugan nyo lang kami ni Paris kapag puro romance ang pinanuod natin."
He just shrugged. "Okay."
Matapos nilang kumain ng lechong kawali at ginisang ampalaya, kanya-kanya na silang tayo para maghugas ng kamay, magtoothbrush at mag-ready ng sala para sa panunuod nila. Tanging sina Ahn at Iya ang naiwan para magligpit ng pinagkainan.
"Ako na ang maghuhugas, ate," sabi ng kinakapatid niya.
Sa kanilang lahat, si Ahn ang pinakamasipag. Nagkukusa ito sa paggawa ng gawaing bahay. It's really hard to picture her as his ninang Jae's daughter. Pero ang ninong niya ang pambalanse.
"Haynako, ang bait-bait mo talaga," puri rito ni Iya. "Ang swerte-swerte ng mapapangasawa mo!"
Inirapan niya ang kakambal nang bigyan siya nito ng makahulugang-tingin. Nagpunta siya sa sala at tumabi kay Rica. Namili sila at nag-line up ng mga papanuoring movies habang hinihintay si Ahn. Tig-iisa sila ng pili. When they asked Ahn kung ano ang gusto nito, they got the usual answer. Kahit ano na lang po. Because Ahn is not the time to make demands.
That's one of the things that he likes about her. Selfless kasi ito.
Ahn joined them later. Naupo naman ito sa tabi ni Paris. Kaya kahit comedy ang una nilang pinanuod, nakasimangot siya the whole time.
He got bored with the romance movie. Engrossed na engrossed naman ang mga babae sa panunuod, lalo na si Rica na panay ang hampas sa kanya kapag kinikilig ito. Kahit si Paris, ngiting-ngiti panunuod! Pumikit na lang siya at pinilit matulog hanggang sa matapos ang corny na movie na pili ni Iya. Next came sci-fi. Napanuod na niya iyon dati kaya natulog na lang ulit sya.
Nasabihan pa siya ng mga kasama na KJ pero wala syang pakialam. Tinatamad siyang manuod e.
Sa horror na lang sya bumawi.
--
Sa dami ng movies na pinanuod nila, hindi na sila umabot sa request niya. But Ahn didn't mind. Masaya naman syang nakasama ang magpipinsan. She's very glad that they all like her and treat her like family. Patulog na sila nang maisipan niyang magkape at tumambay sa terrace. It's almost midnight already pero hindi pa sya inaantok. Taking her favorite book with her, pumunta sya sa terrace para magbasa.
She remembered the scene earlier. When her kuya Ken accidentally touched her, she felt a shock. Parang kinuryente. Well, she was aware of static electricity. But the exchanges between her two kinakapatid were weird. Why skinned and deep-dried?
Napailing na lamang siya. Sometimes, she doesn't understand boys at all.
"O? Gising ka pa?"
Napapitlag siya ng marinig ang boses ng kuya Paris niya. Nakasalampak ito sa sahig ng terrace, holding one earplug in his hand.
"Kuya! Nakakagulat ka naman!"
Tumawa ito. "Sorry. Nagulat din kasi ako sa 'yo." He patted the space next to him. She sat there. Pareho niyang hindi ka-close dati ang kuya Ken at kuya Paris niya. Tapos madalas nya nang makausap ang mga ito. Lately, naging kumportable na rin siya. Parang nagkaroon sya ng dalawang instant kuya.
Pero mas at ease siya sa kuya Paris niya. Madalas kasi siyang nininerbyos sa kuya Ken niya.
"Ano yan?" tanong nito sabay turo sa librong hawak niya.
"Libro po," sagot niya.
Tumawa na naman ito. Hindi niya alam na nakakatawa pala yung sagot niya.
"Alam ko. Ano kamong kwento."
"Hindi mo pa alam ang kwento ng Harry Potter kuya?" gulat niyang tanong.
"Hindi. Ni hindi ko nga alam kung bakit sikat 'yan e."
"Maganda kasi. Gusto mong basahin? Kumpleto ko yung seven books."
"Seven?!" Agad itong umiling. "Ayoko. Ikwento mo na lang sa 'kin."
"Hindi ako magaling magkwento, kuya."
"O." Iniabot nito sa kanya ang isang earplug. "Makinig ka na lang ng music."
"Okay po."
Nakikinig siya ng music habang nagbabasa at umiinom ng kape. Maganda ang taste sa music ng kuya Paris niya. He sings too. Maganda pala ang boses nito, ngayon lang niya nalaman. Hindi naman kasi ito kumakanta, ngayon lang din.
Sumandal siya sa malamig na pader at pumikit. Kape lang pala ang kailangan para antukin siya.
She opened her eyes when she felt his hand on her head.
"Sandal ka sa 'kin," sabi nito.
Umiling sya. "Papasok na 'ko, kuya. Thank you," she said, handing him the earplug.
"Okay. Good night, Ahn."
"Good night po."
Pagkapasok ay nakasalubong niya ang kuya Ken niya sa hallway. Pareho silang panandaliang nagulat. Nang makabawi ay pilit siyang ngumiti.
"Good night, kuya."
He just looked away.
She didn't know why she felt bad. Masamang-masama ang loob niya. Tuloy, hindi siya nakatulog agad dahil sa pag-iyak. Pigil na pigil pa siyang makagawa ng ingay dahil katabi niya ang ate Iya niya. Siguradong hindi sya nito titigilan katatanong kapag nahuli nito siyang umiiyak.
Ayaw naman niyang malaman nito na ang kapatid nito ang dahilan. Baka mag-away pa ang dalawa dahil sa kanya.
--
Kinabukasan...
Inilapag na ni Ken ang pancakes sa lamesa pero wala pa rin si Ahn. Kakababa lang ni Iya. Akala niya'y magkasunod lang ang dalawa.
"O? Nasa'n si Ahn?" tanong ni Iya sa kanila. Lahat sila ay nakaupo na sa hapag-kainan. Maging sya rin ay nagtaka. Akala niya ay mauuna ulit itong gumising sa kanya.
"Baka naman tulog pa," sagot niya.
"Wala na kaya sya sa kwarto pagbangon ko," sabi nito sa kanya.
Napalingon silang lahat nang bumukas ang front door ng bahay. Pumasok si Paris.
"O? Ngayon lang kayo nakakita ng gwapo?" takang-tanong nito sa kanila.
"Nakita mo si Ate Ahn, kuya?" tanong ni Frances sa kapatid.
"Yeah, inihatid ko kanina pauwi."
"Ha? Bakit hindi man lang sya nagpaalam?" kunot-noong tanong ni Iya.
Paris just shrugged.
Yes, it was odd. Ahn's not the type to leave without saying anything. Impolite kasi iyon para rito. Hindi naman kaya kasalanan niya? He had been ignoring her for a few days. At kagabi, lantaran pa niya itong inirapan.
Lalo tuloy siyang na-guilty.
E ano ba naman kasi ang hinihintay niya para kausapin ulit ito?
--
Inis na inis si Ahn kay Chet nang dumating ang Lunes. Maulan kasi noon. Nakita niyang suot-suot nito ang jacket na pinahiram niya. Nang lapitan niya ito para kumprontahin, tahasan nitong itinanggi na ipinahiram niya iyon. Binigay daw ito sa kanya.
Gusto niyang manapak! Halos isang linggo na siyang hindi kinakausap ng kuya Ken niya dahil sa jacket na 'yon. Todo tanggol pa naman siya kay Chet tapos malalaman niyang hindi naman pala talaga iyon nawala!
Para tuloy lalong nagalit ang kuya Ken niya. Akala yata nito ay nagsisinungaling lang siya noong sinabi niyang naiwala ito ng kaklase niya. Nagkasalubong sila kanina sa hallway, diretso lang ang tingin nito. Nawalan na tuloy siya ng ganang makinig sa mga susunod nilang subjects.
Hindi sya agad umuwi pagkatapos ng klase. Naghanap siya ng jacket na pwedeng ipalit sa naiwala niya. Using her savings, bumili siya ng kulay gray na jacket na may tatak na maliit na logo ng One Piece sa kaliwang dibdib tapos ay one piece characters sa likuran. Mamahalin iyon pero maganda naman ang tela. Saka kumportableng isuot. She wore it just to see how it would fit. Kapag kapareho noong dati, ibig sabihin ka-size iyon.
Sana lang ay magustuhan iyon ng kuya Ken niya.
--
"O."
Pasalyang ibinigay sa kanya ni Iya ang isang regalo.
"Ano 'to?" kunot-noo niyang tanong. Nauna siyang umuwi kanina. May pupuntahan pa raw kasi si Iya. Nang bumalik ito, may dala-dala na itong regalo.
"Pinapabigay ni Ahn." Tiningnan siya nito ng mataman. "Ken, tama na ha. Mag-sorry ka sa kanya."
"Tss."
Pagkalabas nito ay saka niya binuksan ang regalo. It was a gray One Piece jacket. May note na nakasiksik sa nakatiklop na hood.
Hi Kuya,
Sorry po talaga dun sa jacket nyo. Hindi ko na po kasi mabawi e. Kaya ibinili na lang kita ng bago. Hindi ko po sure kung magugustuhan mo. Sana!
Bati na tayo kuya ha? :(
Sorry po talaga!
Ahn
Itinabi niya ang sulat at saka iyon isinukat. Amoy pabango ni Ahn. Sinukat kaya nito iyon bago ibigay sa kanya? The thought made his ears pink. Awtomatiko siyang napangiti.
He took a picture of the jacket and posted it on IG.
--
Maya't mayang nagchi-check ng phone si Ahn. Kanina pa kasi niya hinihintay ang message ng kuya Ken niya.
Naibigay ko na. :)
Yan ang text ng ate Iya niya kanina. Pero thirty minutes later, wala pa ring paramdam ang isa pa niyang kinakapatid. Hindi kaya nito nagustuhan ang bigay nya? O baka naman kulang pa iyon?
Kanina pa siya nakasimangot. She tried reading pero hindi sya maka-concentrate. Bakit ba sobrang big deal? tanong niya sa sarili. Kung tutuusin, hindi naman sila close dati. So dapat okay lang sa kanya kahit bumalik sila sa ganoon. Sanay naman na siya.
From: Ate Iya
Ahn!!! Online ka sa IG?
She frowned.
To: Ate Iya
Hindi po. Bakit po?
From: Ate Iya
Online ka dali! :D
Sumunod naman siya agad. Wala namang bago sa notifications niya. Akala nya kasi ay may naka-tag na bagong picture sa kanya. She then looked at the newsfeed.
Ilang segundo rin siyang nakatulala sa screen ng phone niya nang makita ang post na iyon. Binalot niya ang sarili ng kumot. Pakiramdam niya ay pulang-pula na ang mukha nya.
Bakit nga ba big deal? tanong niya sa sarili. Pero hindi niya mapigilan. That caption made her night.
kendrickeusebio: My new favorite jacket.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro