IJLT 11 - Chet
"Ahn! Magsabi ka ng totoo... nililigawan ka ba ni kuya Ken?!" tanong sa kanya ni Chet isang araw. Napamulagat siya sa kaklase.
"Ha? Hindi a!"
"E bakit nasa 'yo yung paborito nyang jacket? Suot-suot mo raw last week! Tapos dun sa IG ni ate Iya, may picture dun na suot mo rin 'yon!" reklamo nito.
She sighed. Kahit talaga kaliit-liitang bagay, basta sabit ang pangalan ng kuya Ken niya, nagiging big deal.
"Binigay lang sa 'kin 'yon ni kuya Ken kasi ayaw na raw nya dun," paliwanag niya.
Ito naman ang namilog ang mata. "O?! Binigay nya ng ganon lang?!" hindi nito makapaniwalang tanong.
"Oo."
Mukhang hindi ito naniwala sa kanya.
"Hiningi mo ba?"
She shook her head. "Pinahiram kasi sa 'kin ni ate Iya tapos huwag ko na raw isauli kasi binibigay na ni kuya Ken."
Chet leaned on the armrest of her chair. "Close ba talaga kayo?"
"Tingin ko. Medyo, siguro."
Sumeryoso ito. "Pwedeng mahingi ang number nya?"
Agad syang umiling. "Bawal. Kabilin-bilinan kasi nya na huwag kong ipamimigay e. Baka magalit sya sa 'kin."
Chet pouted. "Hindi ko naman ipagkakalat e."
"Kahit na."
Bumuntong-hininga ito. "Sige. Pahiram na lang ng jacket nya."
"Hala ayoko!"
"Sige na! Ibabalik ko rin sa isang araw. Please!" pakiusap nito.
Napaisip siya. Yung jacket na bigay ng kuya Ken nya o si Chet, na 'best friend' niya?
"Pag-iisipan ko," sagot niya.
That night, she wore the jacket before going to bed. Gustong-gusto niya ang jacket na 'yon. There's something about it that makes her feel warm. Mabango pa ito! Ayaw niyang ipahiram iyon kay Chet o kahit kanino. Baka kasi hindi maingatan kagaya ng pag-iingat niya. Baka maiwala o hindi na ibalik.
Isang araw lang naman, naalala niyang sabi nito. Pa-experience lang!
Sighing, she wrapped the jacket tightly around her and slept.
Kinabukasan, iniabot niya kay Chet ang jacket. Halos maluha ito sa sobrang tuwa!
"Bukas ha," paalala niya.
"Oo, bukas!"
--
Bihirang-bihirang magtampo si Ken. Nang makita niyang suot-suot ng kaklase ni Ahn ang jacket niya, sobra-sobrang pagkadismaya ang naramdaman niya. Lalo na nang mag-post ito sa IG tapos naka-tag pa sya.
chetlee: OMG! Ang bango! Nakakahimatay sa kilig! Parang yakap na din ako ni kuya @kendrickeusebio! <3 <3
Agad niyang kinumpronta si Ahn sa text.
To: ......Ahn
Bakit mo naman pinahiram ang jacket ko?
Maya-maya'y nagreply ito.
From: ......Ahn
Kuyaaa, pinilit po kasi ako e. Sorry po. Galit ka ba? :((
Hindi naman siya galit. Inis lang. Inis na inis na inis. He just gave his favorite jacket to his favorite girl. He expected more. Sana man lang ay iningatan nito iyon. He didn't like the idea na basta na lang nito ipinahiram ang jacket niya. Para kasing hindi importante rito iyon.
Para tuloy hindi na rin siya importante.
Nang kinse minutos na ay hindi pa siya nagrereply kay Ahn, nakatanggap ulit siya ng text mula rito.
From: ......Ahn
Kuya! Sorry na! Babawiin ko talaga bukas! :(
He threw the phone away. Natulog na lamang siya.
--
Kinabukasan, agad na nilapitan ni Ahn si Chet para kunin ang jacket.
"Sorry Ahn, hiniram kasi ng kaibigan ko. Crush na crush din kasi nun si kuya Ken e."
"Hala! Bawiin mo. Nagalit si kuya sa 'kin e. Kailangan kong makuha 'yon."
Nakasabay niya kanina ang kuya Ken niya sa may gate pero nilampasan lang siya nito. Parang bumalik sila sa dati na hindi nito ramdam ang presensya niya. Imposible namang hindi siya nito nakita. Ang lakas-lakas kaya ng tawag sa kanya ng ate Iya niya.
"Oo. Bukas, ibabalik ko sa 'yo. Promise!"
Pinanghawakan niya ang sinabi ng kaklase. Pero kinabukasan, hindi pa rin nito maisauli ang jacket. Naiwala raw ng kaibigan nito. Hindi na raw matandaan kung saan nito naiwan. Lulugo-lugo siyang umuwi ng bahay. Tinext niya ang ate Iya niya para itanong kung saan pinagawa ni Ken ang jacket. Hindi naman nito alam. Gusto sana niyang tanungin ang kuya Ken niya pero mukhang galit pa rin ito.
Naiiyak na siya sa inis sa sarili. Sana kasi talaga, hindi na lang niya iyon ipinahiram.
From: Ate Iya
Guys, sleep over tayo kina Rica this weekend! Ipinagpaalam ko na kayo sa mga parents nyo. Ahn, Vienna, Frances, I'll see you ha! Bonding tayo, yey!
Wala sya sa mood makipag-bonding sa magpipinsan. Mas gusto niyang magkulong na lang sa bahay buong weekend. Pero hindi siya makakatanggi sa ate Iya niya. Alam niya na iyon. Sa lahat ng tao yatang ka-close niya, yung kambal lang ang ayaw niyang sasama ang loob sa kanya.
--
"Bakit hindi na lang sila rito, para at least mababantayan natin sila?" bungad na tanong ni Jazz sa asawa. They were informed na mag-i-sleep over daw sina Iya kasama ang ilan nitong pinsan at kinakapatid sa bahay nina Rico. Akala nila noong una, magbi-baby sit lang si Iya sa dalawa nitong pinsan.
Rico and Gale planned to have their third honeymoon getaway. At gusto pa yatang magkaanak ng dalawa! Instead of going to their grandparents for the weekend, nakiusap sina Rica at Emily na pabantayan na lang sila sa kambal.
"Ayaw mo no'n? Pwede rin tayong mag-honeymoon," nakangisi nitong sabi, wiggling his eyebrows.
Natawa naman siya. "Ikaw talaga, ang hilig mo!"
"Nagsa-suggest lang naman. Sina Toby nga, nakaapat pa e!"
"Ayoko na kasi. Tama na yung dalawa."
Yumakap ito at humalik sa pinsgi niya.
"Sayang talaga yung genes ko," reklamo nito. "Ang konti lang ng anak ko e."
"Nahiya naman yung genes ko sa genes mo. Kasali rin ako sa pagbuo. Don't forget that."
"Mas malakas yung genes ko. Kaya nga maganda at gwapo ang mga anak natin."
"Aray ha!" Hinampas niya ang asawa sa braso. "Nanlalait ka na naman!"
Tumawa ito saka humalik ulit sa kanya. "Biro lang. Good night."
--
Weekend na pero problemado pa rin si Ahn. Wala pa rin kasi sa kanya ang jacket. Lagot talaga sya. Kasama pa naman ang kuya Ken niya sa sleepover!
Sinundo siya ng kuya Paris niya nang alas otso ng gabi, Biyernes. Pagpasok niya ng kotse, nandoon na sina Frances at Vienna.
"Hi, Ate Ahn!" bati ni Vienna sa kanya.
"Hello." Bumaling siya sa kuya Paris niya. "Kuya, sina ate Iya po?"
"Nando'n na," sagot nito. "Di kasi kayo kasyang lahat dito kaya nagpahatid na lang sila."
Madadaldal ang magkakapatid na De Luna. Hindi mapagkakamalang anak ng mga magulang nitong ubod ng tatahimik. Maingay sa backseat dahil panay ang kwentuhan ng magkapatid. Siya naman ay dinaldal ng kuya Paris niya habang nasa byahe.
Nang makarating sila sa bahay ng mga Gutierrez, nasa kusina na ang mga ito, kumakain ng pancakes habang abala sa pagluluto ang kuya Ken niya.
Agad siyang kinabahan nang magtama ang paningin nilang dalawa. But he quickly turned away, na para bang ayaw siyang makita.
Sinalubong sila ng yakap ng tatlong magpipinsan. Corrine Erica and Coleen Emily share the same features. Si Emily ang younger replica ni Rica. Kuhang-kuha mula sa hawi ng buhok hanggang sa tangos ng ilong. Madalas na mapagkamalan ang dalawang kambal.
But personality-wise, magkaiba ang dalawa. Emily's quiet. Si Rica naman, gustong narito lahat ang atensyon.
She sat down next to Rica. Mahina siyang napapitlag nang pabagsak na inilagay ng kuya Ken niya ang plato ng bagong lutong pancakes sa tabi niya.
"Sorry," he muttered.
Hinabol niya ito ng tingin. Ngayon lang sya naging concerned na hindi ito namamansin. Dati-rati kasi, sanay na siya. Hindi naman sila close. Pero ayun nga, naging close na sila nitong mga nakaraang linggo. Parang may kulang na kapag hindi ito namamansin.
They played UNO cards and Monopoly until ten. Unang sumuko sina Vienna at Emily, na parehong pumasok agad ng kwarto para matulog. Si Rica ay kanina pa nakakapit sa braso ng kuya Ken niya. Hindi tuloy ito makalaro ng maayos.
She tried to concentrate on the game but later decided to just call it a night. Sa kwarto sya ni Rica matutulog, kasama ang ate Iya niya. Sa kabila naman, sina Emily, Frances at Vienna ang magkakasama. Ang dalawa niyang kuya, sa sala. Bantay daw kasi ang mga ito.
--
Kinabukasan, maagang gumising si Ken para magluto ng almusal. Sya kasi ang nakatoka sa kusina, given na masarap syang magluto. He was surprised to see Ahn on the kitchen when he came down. Nagtitimpla na ito ng kape. He looked at his watch and frowned. It's only six in the morning.
Wala talaga yatang silbi ang alarm clock na niregalo niya rito.
Natigilan din ito nang makita sya.
"G-Good morning po."
Kagabi pa siya nakokonsensya dahil sa hindi niya pagpansin dito. He had been ignoring her all night. Madali lang kasing gawin. Ang dami kasing distractions. So he could just make an excuse and pretend that he's busy with something else.
Pero ngayong dadalawa lang sila, it would be rude not to notice her.
"Morning," tipid niyang sagot.
"Kuya, o kape." Iniabot nito sa kanya ang tasa ng kapeng katitimpla lang nito.
"Kaya kong magtimpla ng akin," sagot niya.
Mukhang nasaktan ito sa sagot niya. He didn't mean to be rude. It just came out like that.
Nagyuko ito ng ulo. "Okay po."
Her sad face made him feel guiltier.
"Akin na nga," bawi niya.
He reached out for the coffee. Muntik na silang makabitaw pareho dahil nahawakan niya ang kamay nito at pareho silang nabigla. Good thing, he got the grip. To make it less awkward, he drank the coffee straight. But it was too hot. It scalded his tongue.
Agad na kumuha si Ahn ng tubig mula sa ref at iniabot iyon sa kanya. They were on that state when Paris cleared his throat.
"What's happening here?" tanong nito.
"Napaso kasi sya ng kape, kuya," sagot ni Ahn.
Paris gave him a quizzical look. Saka ito lumapit at umakbay kay Ahn. He immediately got irritated. Paris knew how to get on his nerve. Alam na kasi nito ang weakness niya.
"What's for breakfast, kuya?" nakangisi nitong tanong.
"You. Skinned and deep fried," he answered grimly.
Paris gave out a weak laugh and removed his hand from Ahn's shoulder.
"Pinsan naman, chill ka lang!"
Lito na lang na napatingin si Ahn sa kanila. Malaki talaga ang pasasalamat niyang may pagka-dense ito.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro