IJLT 10 - Movie Date
"Sama ka?" tanong ni Iya sa kanya isang Sabado. Nakabihis na ito nang dumaan ito sa tapat niya. Kasalukuyan siyang nakahilata sa couch habang nanunuod ng TV.
"Saan?"
"Manunuod ng movie."
"Ayoko," sagot niya.
"Kasama ko si Ahn."
Agad siyang naging alerto. Naiinis siya sa sarili niya. Banggitin pa lang ni Iya ang pangalan ng kinakapatid niya, nagigising na agad ang diwa niya.
"Talaga?"
"Oo nga. In-invite kasi sya ni Paris manuod ng sine. Buti nga sinabi nun sa 'kin e. Kaya sasama ako. Ikaw, ayaw mong sumama?"
Agad siyang tumayo. "Antayin mo 'ko," sabi niya sa kakambal saka siya nagmadali papunta sa banyo para maligo.
--
Paris was surprised to see Ahn wearing Ken's jacket. Kilalang-kilala niya ang jacket na 'yon. Custom-made kasi ito. Matagal na niya iyong hinihingi sa pinsan niya pero hindi nito iyon ibinibigay sa kanya. Ngayon, suot na ito ni Ahn? Hiningi kaya nito iyon sa kuya Ken niya?
"Hi, kuya," bati ni Ahn sa kanya.
"Cute ng jacket mo a," puna niya.
Ngumiti ito. "Oo nga po e. Bigay ni kuya Ken."
Kumunot ang noo niya. Kilala niya ang pinsan. Kuripot ito. Hindi rin ito namimigay o nagpapahiram ng gamit dahil masyado itong metikuloso. Ayaw nitong nasisira ang mga gamit nito. And to think that he gave Ahn his favorite jacket? He can't help but wonder if there's something going on between the two.
Pero imposible. Ang alam niya, hindi pa pinapaligawan ng tito Toby niya si Ahn. Sabi nga ng mommy nito noong birthday nito, hindi pa raw ito pwedeng mag-boyfriend. Maybe when she turn 18, they'll reconsider.
"Punta na tayong sinehan?" tanong niya rito.
"Ay, kuya, sasama raw po si ate Iya. Sorry, nag-aya kasi sya kagabi e sabi ko manunuod na tayo. Sasama na lang daw sya. Okay lang po ba?"
He groaned inwardly. Panira talaga ng moment si Iya. Pakiramdam nga niya, magka-kontsaba ang kambal e. If Ken likes Ahn, then Iya would surely help clear the way. At sa kasalukuyan, isa siya sa mga nakaharang.
Hindi na siya magtataka kung sumama sa lakad nila si Ken. Kung pupunta man ito, tama ang hinala niya.
"Okay lang," sagot niya kay Ahn.
Thirty minutes later, dumating si Iya kasama si Ken. Tama nga siya. Magkakuntsaba ang dalawa. Agad niyang inakbayan si Ahn. Awtomatiko namang naningkit lalo ang mata ni Ken.
"Kasama rin pala kayo, kuya," nakangiting sabi ni Ahn kay Ken. Tumango lang ang pinsan niya. Si Iya naman ay mabilis pa sa alas-kwatrong yumakap sa kanya.
"Ate!"
"Namiss kita, Paris!" sabi nito. Tinanggal nito ang pagkakaakbay niya kay Ahn tapos ay inilagay nito sa balikat ang kamay niya. He couldn't do anything.
"Nuod na tayong movie?" aya nito, ngiting-ngiti pa rin.
Hinila siya nito at nagpatiuna sila paglalakad papunta sa sinehan.
"Ate Iya, huwag ka namang manakal!" saway niya rito.
"Sorry!" sabi nito na may kasamang tawa.
"Kala nyo hindi ko alam a," pabulong niyang sabi.
Nilingon siya nito, kunot ang noo. "Ang alin?"
"Kunwari ka pa, ate."
"Ano nga?"
Nilingon niya ang pinsan na kasabay ni Ahn na maglakad sa likod. Ang frigid nitong maglakad. Halatang hindi kumportable. Si Ahn naman, walang kamalay-malay. Kung ibang babae na siguro iyon, baka nangisay na ito sa kilig. But Ahn's different. Hindi ito marunong mag-assume.
Or maybe she's just dense. Pwede rin.
"Halata mo rin pala," sabi sa kanya ng pinsan.
"Dead giveaway kasi yung jacket e," paliwanag niya.
Tumawa si Iya. "I gave her that, without Ken's permission. Sabi ko kay Ken bawiin nya. Di nya kaya."
Napangiti na rin siya. Ken's the type of guy na magugustuhan pa rin ng mga babae kahit wala itong ginagawang kakaiba. But he's also kind of shy. Hindi katulad niya na outgoing. Madalas nga silang biruin na nagkapalit daw sila ng tatay.
Para kasi itong ang daddy niya kung kumilos. Tahimik din kasi ang daddy niya. Hindi tulad ng tito niya na madaldal at palangiti, katulad niya.
Si Ahn ang pinapili nila ng movie since hindi sila magkasundong tatlo kung ano ang panunuorin. Nang makapili ito ay agad silang bumili ng ticket. Syempre, libre niya si Ahn dahil inaya niya itong manuod. Sa J 7-10 sila pumwesto. Kinuha ni Iya ang ticket sa kanya saka nito ibinigay sa dalawa nilang kasama yung magkatabing upuan.
"Tabi tayo ha," nakangiti nitong sabi sa kanya.
He rolled his eyes. May choice ba siya?
--
Pinagitnaan ng magkapatid si Ahn habang siya naman ay nasa gilid ni Iya. Ahn was so engrossed with the film, ni hindi nito namamalayang panay ang tingin dito ng pinsan niya. Nailing na lamang siya. Ni minsan ay hindi sila nagkasundo ni Ken sa tipo ng babaeng gusto nila.
Ngayon lang.
But he knew that Ken's feelings were deeper compared to his. Siya naman kasi, laro-laro lang. Ang pinsan kasi niya, kahit hindi masyadong mahal ang isang babae, basta naging girlfriend, siniseryoso.
He's just not ready for that kind of relationship yet.
Maybe he'll let this one go. Sayang nga lang. He adores Ahn. Simple lang ito. Walang arte sa katawan. Hindi mahirap pakisamahan. Sino ba naman ang aayaw sa babaeng hindi maarte at madaling kausap? Pero siguro, nakatadhana nang katulad ng ate Iya niya ang makakatuluyan niya. He's drawn to that kind of girl. Yung lumalaban. Yung matigas ang ulo.
Lahat yata ng naging ex niya, ganoon ang ugali. Siguro dahil na rin sa paborito niyang pinsan ang ate Iya niya.
Nang matapos ang movie, nagkayayaan silang mag-coffee since mga busog pa sila. Maya-maya raw, susubok silang mag-ice skate, another first for Ahn. And it proved to be difficult for the kid. Kung wala sila ni Ken, baka kanina pa sila napasubsob.
Ayaw sana niyang makigulo sa moment ng dalawa pero natutuwa siyang makitang napu-frustrate ang kanyang pinsan every time na lalapitan niya si Ahn. Madalas silang magkatinginan ni Iya at pareho na lang silang natatawa.
After skating, tumambay muna sila at nagkwentuhan. He couldn't help but bring up the thing about Ken's jacket.
"Alam mo ba, Ahn, favorite jacket yan ni kuya Ken. Ang tagal ko na nga nyang hinihingi e. Ayaw nyang ibigay."
Naramdaman niyang sinipa siya ni Ken sa ilalim ng lamesa. Ngumisi siya rito.
"Talaga, kuya?"
"Sawa na kasi ako dyan," paliwanag naman ni Ken.
"Hoy, wala pa tayong groupie!" sabat naman ni Iya.
"Groupie?"
Tumango ito.
"Parang selfie pero since marami tayo... groupie."
Kinuha nito ang monopod mula sa sling bag nito at saka doon inilagay ang phone.
"Compress!"
Inakbayan niya si Ahn saka niya idinikit ang pisngi niya rito. Pero bago pa man mag-zero yung timer, naitulak na agad ni Ken ang mukha niya palayo.
"Hoy Ken, Paris, umayos nga kayo!" saway ni Iya sa kanilang dalawa.
"Ito kasing si kuya Ken, nanunulak!"
"Kung makadikit ka naman kasi," sagot naman nito.
"E di dumikit ka rin!" sagot niya.
"Tama na nga yan! Game na ulit!"
Nag-pose ulit sila. Si Ahn, nasa gitna nila ni Ken. Todo ngiti siya habang si Ken naman ay seryosong nakatingin sa camera.
"Ken, smile!"
Ahn poked Ken's left cheek. Saka ito ngumiti. And just like that, his cousin smiled. Pinindot ni Iya yung camera button and then the timer went off. Three... two... one...
"Ayan!"
"Yey!"
They took some more pictures. Saka sila naglibot-libot. Nang mapagod, they decided to take a rest. Tapos ay umuwi na rin sila. Dahil siya ang may sasakyan sa kanilang apat, siya ang naatasan ng mga itong maghatid sa kanila.
Una nyang inihatid si Ahn. Tapos ay saka siya dumiretso sa bahay ng mga pinsan niya.
"You like Ahn, don't you?" tudyo niya sa pinsan na nasa backseat.
Umismid lang ito.
"Sumagot ka, kuya. Para makapag-give way na 'ko kung talaga. Baka magsisi ka kapag ako ang nakaagaw mo!"
"Amin na kasi, Kenken," Iya urged her twin. "Tayo-tayo lang naman."
Hindi pa rin sumagot ang kuya Ken niya.
"Bahala ka. Magsasabi na 'ko kay tito Toby!"
"Tss. Oo na!"
He chuckled. "See? That's not too hard to admit."
"So what's your plan, Ken? Magsasabi ka kay ninong Toby?" tanong ni Iya.
"Bakit naman? Wala naman akong planong manligaw," sagot naman ni Ken.
He raised an eyebrow. "Sigurado ka?"
"Mukha ba akong nagbibiro?"
He shrugged. "Okay."
Pumara siya sa tapat ng bahay ng mga pinsan niya.
"Gusto mong pumasok?" tanong ni Iya.
He shook his head. "Hindi na. May pinapabili pa kasi si mommy. Nakalimutan ko lang."
"Okay." Iya unbuckled her seatbelt and leaned to kiss him on the cheek. "Bye, couz!"
"Bye. Bye, kuya Ken!"
"Ge," sagot nito sabay baba ng sasakyan.
He rode back to the mall to buy his mom a facial cream. Kabilin-bilinan kasi nito na ibili nya raw ito. Originally, sasama dapat ito sa kanya pero dahil sa akala niya'y sila lang ni Ahn ang manunuod ng sine, nagpresinta siyang ibili na lang ang mommy niya ng facial cream.
Ang kaso, nakalimutan niya iyon dahil sa kambal.
Agad siyang nag-park at saka nagmadaling pumunta sa Body Shop. He bought the cream and quickly headed outside. Kakalabas pa lang niya ng mall nang may biglang humarang sa kanya.
Naka-denim polo shirt ito tapos may sando sa loob na kulay black. Naka-denim short shorts din ito saka cap na may nakalagay na kulay gold na spade.
"Kuya! Pwedeng pa-picture?" tanong nito.
Nagulat siya. It's not every day na may magpapa-picture sa kanyang hindi niya kilala. Hindi naman siya artista.
"Ha? Bakit?" takang-tanong niya.
"Kailangan ko lang kasi e. Please?" Pinagdaop nito ang mga palad nito.
"Iba na lang ang abalahin mo, miss."
"Eeee, sige na kuya! Ikaw lang kasi ang gwapo rito e!"
Gusto niyang matawa sa rason nito.
"Para saan ba 'yan?"
"Ipapakita ko lang dun sa nanliligaw sa 'kin. Ayaw nya kasing maniwalang may boyfriend na 'ko."
He frowned. "Bakit? May boyfriend ka na ba?"
"Wala."
"O, yun naman pala e."
"E kasi, ayoko sa kanya. Kaso ayaw nya 'kong tigilan!"
"And you think I can help you ward him off?"
Tumango-tango ito. "Walang panama yun sa 'yo, kuya. Sige na, please!"
He sighed. Sige na nga. Tutal, cute naman yung babae. Mukhang 16 or 17 years old lang ito. Idinahilan na lang niya sa sariling makakatulong naman siya rito.
"Okay."
"Yes! Thank you!"
Dumikit ito sa kanya saka nito itinaas ang phone to take a shot.
"Kuya, pwedeng akbayan mo 'ko?"
Umakbay naman siya. Ang bango nito.
The girl took a few shots bago ito nakuntento.
"Thank you!" sabi nito bago ito naglakad palayo.
"Hey, wait!" habol niya. "Name mo?"
Ngumiti ito. "Jasmine po."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro