Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

IJLT 1 - Kenken and Iya

"Akin na lang yung chicken skin!"

The twins waited for their father to take the skin off his roasted chicken to give it to their mom. Well, Kent did take off the skin but he didn't give it to Jazz. Instead, he ate it.

Hinampas ni Jazz si Kent sa braso.

"Susot ka talaga!" sabi nito sa asawa.

Nangiti na lamang si Ilia. Madalas ganito ang eksena sa bahay nila, lalo na tuwing dinner. Alaskador na raw simula pa noon ang daddy niya. At ang mommy niya ang madalas nitong alaskahin. Now, after so many years later, it seems like nothing has changed.

"Ma, you can have mine," Kendrick, her twin, volunteered. Kinuha nito ang balat ng manok at ibinigay sa mommy nya.

"Thanks, anak!" nakangiting sabi ng mommy niya sa kapatid. "Mabuti ka pa, considerate. Di tulad nitong daddy nyo."

"You can have mine too, ma," sabi niya.

"Akin na lang!" sabat ni Kent.

"Pa, ang susot mo talaga!" reklamo niya sa ama. "Here, ma!"

"Thanks, Iya!" Kinain agad ng mommy niya ang balat ng manok bago pa maisipang mang-agaw ng daddy niya.

Kenken doesn't like chicken skin. Isa iyon sa mga similarities nilang dalawa. Fraternal twins sila, Ken being the older one. Ilan lamang sila sa mga kambal sa angkan nila. Nasa lahi ng mga Eusebio, pero sobrang dalang lang. Parang one every other generation lang yata ang nagiging kambal.

"I give your mom the toastiest toast, the crispiest fried chicken, the biggest slice of cake. Chicken skin na nga lang, hindi nyo pa ako mapagbigyan," kunwari'y may pagtatampong sabi ng daddy niya.

"Hindi na bebenta 'yan," kontra naman ng mommy nila.

Sumimangot si Kent at tumigil sa pagkain.

"Hala, nagtampo na," puna niya.

Her mom looked at her dad. Mukhang nakonsensya naman ito. Jazz took the rest of the skin from the roast chicken and gave them all to Kent.

"Ayan, sa 'yo na 'yan."

"Hindi na pala bebenta ha!" natatawa nitong sabi, sabay subo ng balat ng manok. Gusto niyang mailing. Parang timang lang ang parents niya. But it makes the meals more enjoyable.

Her dad leaned to kiss her mom at the cheek.

"Thank you!"

Her mom grimaced. "Yuck! Ang oily ng labi mo!"

Ilia wanted that kind of relationship. Hindi lang mag-asawa. Parang magkabarkada pa. Hindi siguro nakakaumay ang isang relasyon kapag ganun.

"Iya, hugasan agad ang mga pinggan ha," paalala ng mommy niya.

"Ma, hindi ko schedule ngayon. Si Kenken ang maghuhugas," she replied.

"Naghugas ako kaninang umaga!" tanggi ng kapatid niya.

"Ilang plato lang naman 'yon!"

"Kahit na! Counted 'yon!"

"Ma!"

"Pareho na lang kayong maghugas para walang talo," her father suggested.

"Pa, kakatapos ko lang kanina!" reklamo ng kapatid niya.

"Ken." Her dad gave Kenken a stern look. Sumimangot lang ang kapatid niya but he did as he was told. Naimpis na ng mommy nila ang lamesa. Nasa lababo na ang mga hugasin.

"Ako ang magbabanlaw."

"Fine!"

Every dinner, nakatoka sila sa paghuhugas ng pinggan. But her brother would often was the dishes after breakfast para makaligtas sa paghuhugas ng plato sa gabi. Minsan kasi, nagkakape lang sila kaya kakaunti ang hugasin sa umaga.

Every other day ang toka niya. Halinhinan naman silang magkapatid buong araw ng weekends.

Their parents refused to buy a dishwasher. Ayon sa daddy niya, hindi raw nakakalinis ng maayos ang dishwasher. So they have no choice but to do the dishes while their parents watch TV.

Pagkatapos nilang maghugas ng pinggan, nag-unahan pa silang dalawa sa banyo para mag-toothbrush. It's not like she's competing with her brother. It's just that, madalas na nagkakasabay sila dahil sabay nilang naiisipang gumawa ng isang bagay.

Halos sabay silang gumigising sa umaga. Nag-uunahan palagi sa banyo. Gusto palaging nasa passenger's seat ng kotse. Stuff like that makes everyday life a little complicated. But she wouldn't trade it for anything.

After brushing her teeth, she headed off to her bedroom. Magkatapat sila ng kwarto ni Kenken. Up until they were 10 years old, magkasama sila sa kwarto. Bunk beds ang higaan nila. Sya ang nasa itaas. When they turned eleven, they gave Ken a separate room, across hers.

She liked the change. May pagkakaiba rin kasi sila ng mga hilig. She likes pink, Ken hates it. He likes rock, punk and heavy metal, the sort of music na masakit sa tenga. Kapag nagpapatugtog pa naman ito ay palaging full volume. Hindi na sya makapag-isip!

Nang lumipat si Ken ng kwarto ay agad niyang pinapalitan ang pintura ng kwarto niya. Nilagyan din niya ng mga posters ng mga paborito niyang artists. Ken would sometimes go inside her room to laugh at her choices. But she didn't mind. Not always, anyway.

Dear diary, she wrote on her Hello Kitty diary. I wish I could have a relationship like my mom and dad have. I want a guy who can cook, just like dad.

Nasa huling taon na siya ng high school pero wala pa rin siyang boyfriend. Yung mga kaklase niyang babae, naka-isa, dalawa o marami na. Sya, wala pa rin. Marami namang nanliligaw sa kanya. Wala lang siyang magustuhan.

At kung mayroon man, inaayawan ni Kenken. Her dad made him swear to scrutinize every guy who will show interest on her. Kapag pasa sa kambal niya, pwede na niyang ipakilala sa daddy niya.

So far, wala pa ring nakakalusot hanggang ngayon.

Hindi naman sya nagmamadali. Gusto niyang maging boyfriend yung lalaking gusto talaga niya, hindi lang dahil iyon ang nanligaw. Pero minsan, hindi niya maiwasang isipin kung ano ang feeling ng may boyfriend.

Napag-iiwanan na kasi siya ng mga kaklase.

Kendrick, on the other hand, had a lot of relationships already. Simula pa lang yata ng tumungtong ito ng high school, may naging girlfriend na ito. He wasn't even that manly back then. Mukhang totoy pa ito at kung itatabi sa kanya ay mapapagkamalan silang identical twins na magkaiba ang ayos ng buhok at pananamit.

But the years have been good to him. He grew taller and is still growing. Hanggang balikat na lang siya nito. Maganda ang mga mata nito, parang sa daddy nila. May pagka-singkit pero nangungusap. Matangos ang ilong. Angular ang mukha. May cleft chin pa nga ito.

Kendrick easily became the most popular guy at school. Kabi-kabila ang nagkakagusto rito. Ang iba pa nga ay nakikipagkaibigan pa sa kanya para mapalapit lamang dito.

That must be the reason why she has so many friends.

--

"Hi, Iya!" salubong sa kanya ng isang kaklase pagkababang-pagkababa niya ng kotse.

"Iya, good morning!"

"Good morning."

Araw-araw, ganito ang eksena. Mistulang may bandwagon na nakaabang sa gate ng school nila. But she knew they're all waiting for Ken, like always.

When Ken stepped out of the car, she was certain she heard muffled squeals from her friends. She rolled her eyes. As if naman papansinin sila ng kapatid niya. She already gave him the letters na galing sa mga ito. He didn't even bother opening them.

"Have fun, you guys!"

She waved at her mom before they sped off. Madalas silang hinahatid ng mga ito sa school. Pagkahatid sa kanila, her dad would drop her mom off to work bago ito dumiretso sa restaurant. Sa hapon, namamasahe na lang silang magkapatid.

Ken had been asking for a car of his own pero ayaw pang pumayag ng parents nila. Sa college na lang daw. Mas tipid nga naman kung family car ang gamit, since lahat naman sila, naihahatid.

"Good morning, Kendrick!" bati ng isa niyang kaklase kay Ken.

Ken adjusted his sunglasses and gave a slight nod before going inside the school. Nakasunod pa rin dito ang mga mata nila.

She sighed.

"Morning, ate Iya!"

"Ahn!"

Niyakap niya ang kinakapatid. Si Ahn ang panganay na anak ng ninong Toby at ninang Jae niya. Tahimik ito at tipid magsalita, parang ang daddy nito. Ahn was small and fragile-looking. Hindi ito maayos. But she likes Ahn. Wala kasi siyang kapatid na babae. Mabuti na nga lamang at may mga pinsan at kinakapatid siyang babae.

Alam nila ang kwento ng mga magulang nila dati. Every time na may gathering silang magkakaibigan, they make sure na mapagkikwentuhan nila ang mga nangyari sa nakaraan.

It wasn't awkward for them because they were over it. Pero para sa kanilang mga anak, medyo nakakailang. For one, nag-iba ang tingin niya sa tito Rico niya nang malaman niyang nagkagusto rito ang mommy niya. Pati ang ninang Femi niya.

Masiyahin ang tito Rico niya. Palagi itong nakangiti. Malapit din ito sa mga bata. Contrary to her aunt Gale, na madalas nakaismid sa hindi kakilala at nakataas ang kilay sa hindi kasundo. Her ninang Femi is usually quiet. Tipid itong ngumiti at hindi makikipag-usap hanggat hindi kakausapin. Ang asawa naman nito, ang ninong JT niya, ay masayahin din katulad ng tito Rico niya.

Dati raw, naging mag-boyfriend ang mommy niya at ang ninong Toby niya, who also turned out to be her mother's best friend. But they didn't last long. She likes her ninong. Sobrang bait nito. Her mom used to say that he was too kind for his own good. Pero complement naman iyon sa ninang Jae niya, na medyo may pagka-brat.

Kasundo naman ito ng tita Gale niya na halos ay kaparehas nito ng ugali. Her aunt used to be in love with her ninong Toby. But she got over it and eventually fell for her tito Rico. Her ninang Femi, who was then in love with Rico, soon fell for JT.

Akala niya, wala nang kinalaman ang daddy niya sa complicated relationships ng mga iyon but it turned out that he was once in love with her tita Mira, na asawa ng tito France niya.

Her mom didn't go into the details and was made sure to dodge certain questions when asked. Pero so far, iyon ang alam niyang kwento.

France and Mira have three children: Paris, 17; Frances, 15 and Vienna, 14. Ang isa pa niyang tito at tita ay may dalawang anak naman: si Erica, or Rica as she is commonly known, 15 and Emily, 12. Ang ninang Femi at ninong JT naman niya ay may dalawa ring anak: si Jennifer, 14 at si Carmel, 13. Ang ninong Toby at ninang Jae niya ang may pinakamaraming anak. Si Ahn, 14, ang panganay. Sinundan ni Sabrina, 12; Darius, 9 at si baby Angelo, na hindi pa lumalabas.

Halos magkaka-age ang mga pinsan at kinakapatid niya kaya magkakasundo ang mga ito. Sila naman ni Ken ay kay Paris lang madalas makipag-usap, since magkaka-age sila halos.

Masaya tuwing may gathering sila. Minsan, barbeque. Minsan, picnic. Sa dami nila, napapagkamalan tuloy na may family reunion kahit hindi naman sila lahat magkakamag-anak.

And this weekend nga, may salu-salo na naman sila. Fifteenth birthday ni Ahn sa linggo. They were all invited to come.

"Ano'ng isusuot mo?" tanong niya sa kinakapatid.

"Para saan, ate?"

"Sa linggo."

"Ano... shorts saka t-shirt."

"Ha?"

Kumunot ang noo nito. "Bakit? Kakain lang naman tayo, di ba?"

"Kahit na. Birthday mo 'yon. Dapat maganda ka that day."

Pinamulahan ito. "Ayoko, ate. Nakakahiya."

"Ano ka ba!" Iniangkla niya ang kamay sa braso nito. "Basta, dapat maganda ka that day. Bibilhan kita ng dress. Gift ko na sa 'yo!"

--

Napatitig si Kendrick sa kulay pink na papel na nakapatong sa desk ng armchair niya.

"Lupit mo, tsong! May love letter ka na naman!"

He sighed. It's the third time this week. Kaka-break lang nya last month. Ayaw na muna niyang mag-girlfriend ulit. But these girls are persistent. Ang ilan sa mga ito'y sa kapatid pa niya lumalapit. He used to like the attention. Pero ngayong nasa huli na siyang taon ng senior high, nagsawa na rin siya.

Walang makatagal sa kanya dahil marami ang naiinggit sa kung sinoman ang girlfriend niya. Kahit si Zaira, nakipaghiwalay din. Lumipat pa ito ng school makalayo lang sa kanya!

"Dear oppa, please notice me!"

Nakadaop ang palad ni Zanjo sa harap nya. Nagtawanan ang mga kaklase niya.

"Loko!" kinuyom niya ang papel at ibinato sa alaskador na kakase.

"Ano 'yong 'oppa', Ken?" tanong ni Mikey.

"Tawag 'yon ng girls sa older brother, crush o boyfriend nila sa Korea," paliwanag ng kambal niyang kakapasok lang ng classroom.

"Hi Iya, mylabs!"

Agad na umakbay si Zanjo sa kakambal niya. Naningkit naman ang mata ni Iya at siniko ito.

Bahagya syang natawa.

"Give it up, Zanjo. Hindi ka type ng kapatid ko."

"Ano ba kasing type mo, Iya?" tanong ng isa pa niyang kaklase, si JL.

"Basta hindi kayo," sagot ni Iya.

"Ouch! My heart!" JL playfully clutched his chest.

"Corny mo, JL!"

"Bahaginan mo man lang ng pagka-player mo ang kapatid mo, Ken. Para naman sagutin na kami," sabi sa kanya ni Zanjo.

"Hindi ako player," sagot niya. "Saka mataas ang standards ng kapatid ko. Hindi talaga kayo papasa."

"Grabe! Parang hindi tropa kung magsalita!"

"Tropa mo nga ako, JL, kaya sinasabi ko na ang totoo."

"Kanino galing 'yong sulat?" tanong ni Iya. Pinulot kasi nito ang papel na ibinato niya kay Zanjo kanina.

He shrugged. Madalas namang walang pangalan ang letters na natatanggap nya. Paano naman kaya nya maliligawan yung nagbigay kung sakali? E ni pangalan, ipinagdadamot!

"Mukhang first year yung nagbigay. Naabutan ni Abby kanina. Di ba, Abby?"

Tumango ang class president nila. "Ang nene pa. Twelve years old! Jusme!"

"Ano ka! May nag-confess nga kay Ken na grade 5 e!" natatawang sabi ni Zanjo.

"Age doesn't matter kasi," saad ng kambal niya.

"Pero kung sinagot 'yon ni Ken, magma-matter 'yon. Pedophilia kasi," sabat ng isa niyang kaklase.

Madalas na siya ang topic ng mga kaklase kapag umaga. Pinagtatawanan na lang niya ang biro ng mga ito. He was aware na tatlo hanggang pito sa klase nila ang may crush sa kanya. Sa kabilang section, paniguradong meron din.

Minsan kasi ang babaw ng mga babae. Nagwapuhan lang, crush na. E nagkataong gwapo sya.

Iya gave him a look, as if she knew exactly what he was thinking. Nagtaas ito ng kilay.

Ang creepy rin ng may kambal. Kahit pati thoughts niya, parang hindi pribado.

He was thankful when the teacher came in. At least, natahimik na rin ang mga ito. Tuwing umaga, kapag dumarating sya ay umiingay ang klase. Lately, napapansin niyang madalas nasasama si Iya sa usapan. Huling taon na nila sa senior high pero wala pa rin itong nagiging boyfriend.

Many have shown interest. May mga lumalapit din sa kanya para magpalakad, pero sya na mismo ang nambabasted sa mga ito. May permiso naman siya ng daddy niya so it's okay with Iya.

Things went just like always. When it was time to go home, sabay na silang umuwing pagkapatid. Mommy pa lang nila ang nasa bahay. Their dad would probably arrive later. Kapag Biyernes kasi, mas maraming kumakain sa restaurant dahil start ng weekend.

"Hi, ma," bati niya sa ina na kakatayo lang sa couch. Nakabihis pa ito, mukhang kararating lang din at kasalukuyang nagpapahinga.

"Ang aga nyo a," puna nito. Usually 6:30 – 7pm sila nakakauwi. Ngayon, wala pang alas sais ay nasa bahay na sila.

"Wala kasing practice."

"Ma, ano'ng ulam? Gutom na 'ko," bungad naman ng kambal niya. And as if on cue, he felt his stomach grumble.

"Ako rin, ma."

"Wala pa akong luto. Ano ba'ng gusto nyong kainin?"

"Adobo!" sabay nilang sagot.

Their mom laughed. "Too bad I can't cook adobo like your dad."

"Si Kenken ang magluluto, ma," sabi ng kambal niya.

"Sige. Ikaw ang magsaing, Iya."

"Opo."

Umakyat muna sila para magpalit ng damit. When they went down the kitchen, nakahanda na ang pang-adobo. Tuwing mali-late ng uwi ang daddy nila, sya ang nakatoka pagluluto. They told him that he can cook just like his dad, food's just as delicious.

Wala syang kinuhang cooking lessons. Ni hindi niya hilig ang pagluluto. Pero mukhang namana niya sa ama ang pagkakaroon ng instinct pagdating sa pagkain. He only need to see a picture of a certain dish and know the ingredients and the process on how to cook it, then he can already cook it.

He started cooking adobo habang si Iya naman ay nagsaing na.

Nang matapos na sila, tinawag na nila ang mommy nila para kumain. Iya set the table. Saktong kakain na sila nang biglang dumating ang daddy nila.

"Kent! Kain na!"

"Dad! Welcome home!"

Yumuko ang dad nila to kiss their mom on the cheek. Saka nito inilahad ang kamay para makapagmano sila.

"Sino'ng nagluto?" tanong nito nang makita ang adobo.

"Si Kenken!" turo ni Iya.

He could see the pride on his dad's eyes. Alam niyang gustong-gusto nitong matuto silang magkapatid na magluto. Pangarap kasi nitong ipamana sa kanila ang restaurant. It would be a feat to see his twins run his restaurant. Too bad that Iya didn't share the gift.

Siya lang sa kanilang dalawa ang magaling magluto. Magaling lang kumain ang kapatid niya, mana sa mommy nila.

"Nga pala, sa Sunday ha. We'll go to your ninong Toby's house," paalala ng mommy nila.

He remember. Araw-araw na namang ipinapaalala ng mommy niya. It's Ahn's 15th birthday.

"Ma, may lakad ako," reklamo niya.

"Hindi pwede, Ken. Nakapangako na tayo sa ninong mo. They'll expect us to be there."

"Pero kasi—" Nakapangako na rin siya sa mga kabarkada. And truth be told, he likes their company more than Ahn. He barely know the girl!

"We're going and that's final," giit ng dad nya. "Once a year lang ang birthday. Pwede namang i-move nyo ang lakad nyong magbabarkada e."

He grunted. "Fine."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro