Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

IJL (Unwanted Reunion)

I changed my mind. Just took down the on-holds. Mabitin na ang mabitin. -_-

RICO on the right--->>>>

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Hi guys! Taka siguro kayo kung sino ako noh? Hehe... call me Author. Ayy hindi! Hindi ako ang nagsusulat ng kwentong 'to. Ako yung nagbabasa. Lol.

Wala... trip ko lang makisali. Haha.. May angal? 'Wag ka magbasa. Bleh...

Nagtataka rin siguro kayo kung bakit nandito sila noh?

Ganito kase yun...

MAGPAPAGAWA AKO NG BAHAY!

Haha.. Oo. Sa katabing lote nitong mansion na 'to. Eh... hindi ko gusto yung isa lang ang magdedesign. Maarte ako eh. Gusto ko collaborative effort. Gusto ko halo-halong ideas. Gusto ko.. magulo.

Oo. Magulo din kase ang utak ko. Masyado akong fickle kaya minsan gusto ko tapos maya-maya ayaw ko na. O kaya di ko talaga alam kung anong gusto ko hangga't di ko pa nakikita...

So...

I hired them.

ALL OF THEM.

Eh malay ko bang may back story 'tong mga 'to...

Hehe... Actually alam ko talaga. Ako nga si Author di ba?

"Is this some kind of a joke?! I don't find it funny!" Englishera pa rin si Gale. Tsk. Nasakit ulo ko sa kanya...

"Author naman... pwedeng—PAHUG!" Tapos tumakbo sa 'kin si Rico at niyakap ako. Haynako. For sure nagpapalakas sa 'kin 'to. Haha... Tapos bumulong pa.

"Thank you ah... nakita ko sya ulet..."

I patted his back. "Welcome..."

At sina Jasmine at Toby... di maipinta ang mukha. Haaaay... magbest friends sila dati di ba? Ba't ganyan? Parang walang pinagsamahan.. tsk tsk.

"I'm going home." Deklara ni Gale.

"You can't."

"And why is that? Prisoner mo ba 'ko? Alalay? Master ba kita? Who are you to stop me?!" She crossed her arms. Taray talaga. Tsk. I glanced at Rico. Ayun, nanginginang ang mata. Manghang mangha.

"Employer mo." Maikli kong sagot.

"Eh di fire me!"

Timpi lang... sabi ko sa sarili ko. Baka masabunutan ko yung character nya. Sayang ang ganda...

"Gusto mong makain ng pating? Hello! Isla po kaya 'to! Kaya nga nag-chopper kayo papunta dito di ba? Gusto mong maging fish food? Fine sige! Magsimula ka ng lumangoy!"

If glares could kill, malamang double dead na 'ko. Haha... but anyway, since hindi sya mananalo sa 'kin, padabog na lang syang umalis sa harapan ko. Lumabas sya ng mansion. Maglalangoy nga ata.

"Susundan ko lang sya." Sabi ni Femi. Nandito nga din pala 'to. Nakalimutan ko. Wala kaseng imik eh.

*Gale*

Shit! What's with that twisted Author anyway?! Tama ba namang pagsama-samahin kaming lima?! Akala ko kami lang ni Toby?

Flashback>>>

Dear Miss Eusebio,

I am hiring you to make my dream house alongside Mr. Legaspi. You know each other right? I'd pay you well if you finish the job. Just bring in your work materials and a week's worth of clothing and some personal stuff. Please go to ***** at around 9am. A chopper awaits you there.

See you!

Miss Author

End>>>

FCK! And I fell for that! Last week kase may nag-refer sa 'kin about this job. Nangangailangan daw ng interior designer ang isang certain Author para sa dream house nya. The salary is good. No—great actually. I've never known anyone who's in their right mind that will pay that well for a house. But the salary is not the reason why I submitted my resume.

Si Toby. Si Toby daw kase ang architect! Kaya ayan...

Damn! Kung alam ko lang! Ugh—I wanna strangle that Author!

*Femi*

Asan na kaya si Gale? Haaay.. mamaya nagpakalunod na nga yun eh... Kainis.... bakit kase nandito silang lahat? Akala ko ba ako lang... saka si Rico?

Flashback>>>

"Oy Femi!"

"Tita? Bakit po?"

"May sulat ka. Nakita ko kanina dyan sa mail box mo."

Si Tita ko nga pala.. pakialamera -_- Nakita kong bukas na yung envelope. Tss. Eh di nabasa na nya? Pano kung personal 'to?

I took the paper out of the envelope saka ko ini-unfold. Tumabi sa 'kin si tita. Tamo 'to... nakibasa talaga?

"Ano'ng sabi?" Chismosa. -_-

I read the paper.

Dear Miss Salcedo,

Need a job? I need an interior designer who'd help me make my dream house possible. I pay well. And besides, you will be working with Mr. Gutierrez. Niño Enrico Gutierrez to be exact. I was informed that you two are friends so I assume that you are comfortable working with him, right?

Btw, I'll see you at ******. Around 9 am. I'll be waiting.

Miss Author

End>>>

Kakagaling ko lang mula sa paghahanap ng trabaho nun. Hindi naman kase araw-araw may nangangailangan ng interior designer eh. Ang dami pang kakompitensya. So I accepted the job. Tapos malaman-laman ko... andito rin sila!

*Jasmine*

"Pwedeng uminom ng tubig?" Tanong ko kay Author. Ngumiti lang sya at itinuro ang kusina.

"Help yourself."

Nagpunta ako sa kitchen. Haaay... sa totoo lang, nung nakita ko si Toby, gusto ko ng mag-U turn at lumangoy pabalik!

Akala ko ba kami lang ni Rico?

Nakatanggap kase ako ng sulat...

Dear Miss Damian,

Your former client, Mrs. Benitez, referred you to me. She said that you are an excellent architect and I believe her. So... I am hiring you as a co-architect for my dream house. You will be working with Mr. Enrico Gutierrez.

I'll be expecting you at *****. A chopper will take you to the location. Be there at 9am. Do not worry about the expenses. You don't have to spend anything. I'll take care of the costs.

Bring a week's worth of clothes, okay?

See you!

Miss Author

Pero hindi ko talaga inaasahan na sa pagdating ko...

Gale: What the hell is this?

Toby: Ano ba 'to? Gaguhan?

"Well... this is awkward..."

Femi: Ano'ng meron? Bakit nandito kayo?

Rico: Wow! Reunion? Hello guys! Hi Gale!

*Toby*

Asan ang camera? Asan na yung host na sisigaw ng YOU'VE BEEN PRANKED? Leche! Is this her way of making fun of people? Asar yung Author na yun ah! Akala ko ba kami lang ni Jasmine ang kailangan nya?

Last week, I received a letter from this anonymous author. Hindi ko na sana papansinin. Itatapon ko na nga sana pagkabasa ko eh. Kaso may nakita akong pangalan...

Jasmine Leigh Damian—co-architect.

At akong si tanga at uto-uto, napapayag.

Excited pa akong nag-impake ng mga damit ko. A week with her? With her alone... on a secluded island?! Tapos babayaran pa 'ko ng malaki?

Di ba? Bakit ko tatanggihan yun?!

Tapos pagdating ko...

Nakita ko si Jasmine. Unang-una. Gulat pa sya ng makita ako. Tapos nung tuluyan akong makapaok dun sa loob ng mansion... fck!

Nandun din sya... yung babaeng pinaka-ayaw kong makita...

*Rico*

Masaya!

After almost two months na hindi ko si Gale nakita... since birthday nya... nakita ko sya ulit! Kaasar nga lang kase nandito rin si Toby. Tapos si Jasmine. Okay lang naman si Femi eh. Dikit kami nun eh...

Ang masama talaga... sina Jasmine at Toby. Mga asungot sa love story ko!

Pero ayos na rin... sana lang more than a week kami dito. Birthday ko na kase next week eh. Hehe...

Oops teka... kelangan ko rin bang mag-flashback? Eee... kase naman, alam nyo na naman siguro na pinadalhan din ako ng sulat noh? Kaso mas special yung akin.

*whispers* Ako kase favorite ni Author. Hehe...

Yung sa 'kin may down payment na. Tapos sabi pa dun sa sulat, andun daw si Gale. Yun pa lang solve na solve na 'ko weh. ^_^

"Nangingiti ka dyan?" Tanong ni Author.

"Wala wala... ilan nga palang rooms meron dito?" Ang laki nung bahay eh. Mansion kase. Malaking bahay. Teka—bahay ba ang mansion? Hehe. Ba't di ko alam? Architect ako ah. Haha... Wala lang, gusto ko lang kayo tanungin...

"12." Patay-malisya nyang sagot. Syempre namilog ang mata ko. 12 eh! Kayo ilan ang kwarto sa bahay nyo? I mean, yung bed rooms? Kami kase ahm... 3? Kung isasama siguro ang kitchen, 2 banyo, sala, foyer, terrace, attic saka basement baka—oh wait—ilan na yun? 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9, 10, 11. Hanep. Kitams kinapos pa? Sama ko pa backyard at front yard! Haha...

"Pero 3 rooms lang ang available."

"Eh? Bakit naman?"

"Hindi ko naman bahay 'to noh. Nakikitira lang ako pansamantala. Pinahiram na nga sa 'kin 'to for a week tapos aabusuhin ko pa..."

"Eh pano yan? Eh di—" Share share kami ng kwarto?

She smiled. "Oo. Share share tayo."

Hala psychic?

"Hindi ako psychic. Makabulong ka naman kase dyan..."

"Ah.. hehe... bulong pala yun. Ang ingay naman ng utak ko..."

"Oy Tobias. Nananahimik ka?" She grinned at Toby. Oo nga pala. Nandito pala 'to. Di kase nagsasalita. Si Jasmine? Ayun, nalunod na ata sa tubig. Haha. Tagal eh... kanina pa yun sa kusina. Baka nagutom?

"Wag mo 'ko kausapin." Cold. Ang cold talaga ni Toby kahit kanino... except for Jasmine. Eh—what's new? Di ba?

"Haynako. Sungit. Tss." Sabi ni Author. Sakto naman, biglang pumasok sa pinto yung love of my life saka yung best friend namin.

Tapos sakto din na lumabas ng kitchen si Jasmine. Ano 'to? Nag-usap-usap? Hehe...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro