IJL (The Talk)
Toby on the right-->>>
------------------------------------------------------------------------------------------------------
*Author*
Naalala nyo ba yung pinag-usapan ni biep nung isang linggo? Oh 'wag ng itangging hindi alam. Alam ko namang nakikinig kayo eh. Mga chismosang dakila kayo eh. Haha... So anyway...
Ayun nga, sabi ko mag-joint force kami. Eh walei pa din!
Halos lahat ata ng paraan ginawa na namin pero wala... sablay ang mga matchmaking antics namin. Kaya naisipan na lang namin na...
Why don't we sit down and talk?
Yan. Simpleng simple. Pero naisip namin na siguro hindi kailangang complicated ang methods kase complicated na yung aayusin eh.
So we divided them into groups.
Rico-Jazz
Gale-Toby
Biep-Femi-Ako
Ayan... ^_^
Flashbacks lang 'to. Pakita ko yung mga pinag-usapan namin. Nila. Saka namin. Hehe.. Basta...
FLASHBACKSSSSS>>>>>>>
*Gale*
Grabe... I'm so happy! Kami ni Toby ang partner!!!! Weeeee!!! ^___^
Pero as usual, nakairap lang sya sa 'kin. Nakalayo pa nga ng 2 meters eh. Oo sinukat ko. Dalawang haba ng braso ko ang layo nya eh. Hapit lang. Parang may restriction order ako. -_-
Tumayo ako at lumapit sa kanya. Tumayo naman sya at lumayo sa 'kin. Mainam.
"Toby... please naman oh. 'Wag ka namang lumayo... di naman ako nangangagat eh..."
He sighed. Tapos tumingin sa 'kin. Yung pa-suplado effect. Eh nadadala ako dun. Kinilig na naman ako.. hehe...
Tapos tumayo ako at unti-unting lumapit sa kanya. Tinitingnan ko lang yung reaksiyon nya kung lalayo ba sya o ano pero nakadikit na 'ko sa kanya eh hindi sya lumayo so I guess it's okay. ^^,
"Lumayo ka naman ng konti." Mahina nyang sabi. Lumayo ako. Mga one inch. Grabe humahalimuyak yung natural scent nya. Kilig! XD
"Ano... ano'ng gusto mong pag-usapan?"
He shrugged. "Ewan. Ikaw?"
"Ah.. ano'ng gusto mong malaman tungkol sa 'kin?"
"Tsh. Baliw. Tinatanong ko lang kung ano'ng gusto mong pag-usapan."
"Ah.. hehe.. sorry naman." Pahiya naman ako dun pero konti lang. Mambabara kase 'tong si Toby eh. 'Pag sa ibang girls.
Nag-isip-isip ako kung ano bang magandang i-topic. Habang nag-iisip ako, tahimik lang sya at nakatingin kung saan. Hindi ko na sana papansinin pero bigla syang napamura ng mahina. Pagtingin ko sa tapat namin, dumaan yung naglalakad na sina Jasmine at Rico.
Ewan ko pero parang gusto ko ring magmura.
"Mukhang masayang-masaya ah..." Pabulong kong sabi. Tapos di ko alam narinig din pala ni Toby.
"Nagseselos ka rin?" Taas-kilay nyang tanong.
"What?! Of course not!" Bakit naman ako magseselos di ba? Eh sya lang naman yung gusto ko. Sya nga lang ba? Aish. Ba't parang may doubt? Bah yan!
"Bakit parang inis ka? Nagseselos ka eh!" Amused na sya. Parang nawala bigla yung irritation nya towards me.
"Hindi nga! Hindi pwede... Imposible naman eh. Ba't ako magseselos? Pakialam ko ba kung masaya syang nakikipag-usap kay Jasmine? Hindi ako nagseselos noh. Hindi ko naman ata sya gusto. I mean—HINDI NGA AKO NAGSESELOS!" Ewan ko pero parang habang humahaba yung explanation ko, parang lalong lumalabas na nagseselos ako.
Ay ano ba!
Ngumiti sya. Oo ngumiti nga sya! Sa 'kin! Anakng—pero wala naman akong na-feel! Ah ewan! Baliw 'tong puso ko! Baliw!
"BAKIT NAKANGITI KA DYAN?!" At bakit bigla ata akong nainis sa kanya? Lol naman.
"Nagseselos ka nga."
"HINDI NGA SABI EH!"
"Sige nga... kung hindi eh bakit para kang mangangain ng tao dyan? Kanina lang kalma ka ah. Tapos dumaan lang sila—"
"OKAY FINE! I'M JEALOUS! SATISFIED?!" Nakakapanggigil!!! Ewan ko! Hindi ko sure pero para kaseng kanina kumukulo ang dugo ko nung nakita ko yung dalawa. I mean like—hello! Sya ang may gusto sa 'kin pero bakit ganito ako makareact? Na para bang ako yung patay na patay sa kanya...
"Sabi na nga ba eh... parang simula nung dumating tayo dito, nahahati na yung tingin mo sa 'kin at kay Rico." Sabi nya. Whoa—eh teka di ibig sabihin—
"TINITINGNAN MO 'KO?!"
"Minsan. Syempre kelangan alam ko kung malapit ka o parating para makaiwas ako agad." Tapos tumawa sya. I punched his arm. Aba nagiging comfortable naman ata kami masyado sa isa't isa?
"You're mean."
"I know. Sorry. Nagmamahal lang..."
Napatungo ako sa sinabi nya. Talagang hanggang ngayon si Jasmine pa rin eh...
"Toby... can I tell you something?"
"Sure. Basta 'wag I LOVE YOU."
"Psh. Yun sana ang sasabihin ko eh... bawal ba?"
Tumawa sya. Aba nakuha yung joke ko.
"Seryoso na. Ano yun?"
"Kase—kase feeling ko..." Aish panu ba? Pano ko ba sasabihin sa taong minahal ko ng 6 years na parang nagkakagusto na 'ko sa taong matagal na 'kong gusto? Specifically—6 years???
"Feeling mo nagugustuhan mo na si Rico?"
I nodded. "Pero alam mo yun... hindi pa rin ako sure kase... kase di ba ikaw nga yung gusto ko for six years tapos bigla bigla na lang akong magkakagusto sa kanya? Parang ano weh... mali."
He frowned. "Ano namang mali dun?"
Napabuntong-hininga ako. "Ganto... can you see yourself falling for me?"
Mabilis syang umliing.
"See?! That's my point. Parang feeling ko nagtataksil ako sa 'yo..."
"Sira. Pano ka magtataksil sa 'kin eh hindi naman tayo?"
"Yun nga eh! Ewan ko... hindi na lang siguro ako sanay."
"Baka nga."
Silence.
"Corrine."
O.O
He called me by my name?! Seriously??? Aba big deal sa 'kin yun... Never pa nya ata akong tinawag sa pangalan ko since umamin akong gusto ko sya...
"B-Bakit?"
"Gusto mong malaman kung gusto mo sya talaga o hindi?"
"Pano?"
He sighed. "Ganto. Next week... I'll give you one day to prove that. I'll be nicer to you. Yung parang in love na ako sa 'yo. Pero 'wag kang madadala ah. Sinasabi ko na sa 'yo.. loyal ang puso ko!"
"Oo na. Tapos?"
"Tapos check mo yung puso mo kung ano'ng status."
"Ay ganon?"
He smiled. "Oo. Ano payag ka ba?"
"Oh sige."
*Rico*
Anakngtipaklong na tinapakan ng elepante.
Napadaan lang naman kami ni Jazz dun sa harap nung dalawa kase gusto kong i-check kung ano ng ginagawa nila eh. Kilala ko si Toby. Talagang kahit pagbali-baliktarin yung bituka nya eh hinding-hindi sya magkakagusto kay Gale. Pero ang problema, kilala ko rin si Gale! Aggressive yun eh! Hindi titigil hangga't hindi nakukuha yung gusto.
Tapos pagdaan namin ni Jazz, nakita ko yung galit na mukha ni Toby tapos si Gale naman inis... Alam ko naman kung bakit naiinis sya eh. Kase nagseselos sya.. ^^v Wooooo... asa kayo! Haha... Oo. Nagseselos sya. Pero hindi sa 'min ni Jazz. Nagseselos siguro sya kase nakatuon lang yung mga mata ni Toby kay Jazz. Eh di ga nga't patay na patay yun kay Toby?
Nung makalampas kami at medyo mawawala na sila sa paningin ko, lumingon ako. At ako naman ang nasaktan sa nakita ko. Nagngingitian yung dalawa. Tapos pabiro pang sinuntok ni Gale yung braso ni Toby.
Oh? Anyare dun? Divine intervention?
Kaasar. -_-
"Rico?"
"Oh?"
"Ah wala..."
Tss. Napansin ata nyang nakatingin ako kina Gale. Oo nga't magkasama kami ngayon. Magka-usap. Pero as friends lang. Nilinaw ko na yun sa kanya. Talagang basted na sya sa 'kin guys...
*Femi*
Kailangan ako yung walang kapartner? Kailangan itong dalwang 'to talaga ang kakausap sa 'kin? Asar naman oh... feeling ko sabit lang ako.
"Uy Fems."
"Ano?"
"Wala lang. Ang tahimik mo eh. Kanina pa kami nagdadaldalan dito, poste ka langdyan."
"Hindi kase ako makarelate sa topic nyo eh." Kase naman, usapan nila eh yung mga nangyayare sa Duplex o kaya eh yung summer camp sa H20. O kaya yung King o Nico. Minsan sumasama pa yung Wendy na pinsan daw ni Author.
Eeee... malay ko ba kung sino yung mga yun. -_-
"Oh sige. Change topic. May gusto ka kay Rico noh?" Sabi ni biep.
"W-Wala noh!" Nyemas! Help! Gusto ko ng umalis. Baka kase sabihin nila kay Rico lalo lang magkagulo eh.
"Haynaku Femi. Bulag lang ang hindi makapansin. In short, si Rico." Sabi naman ni Author. So... ganun ba 'ko ka-obvious?
"P-Please lang ah... 'wag nyo sasabihin sa kanya."
"Bakit hindi? Aba... karapatan naman siguro nung tao na malaman yun noh?"
"Eee... kase... magkakagulo lang."
"Magulo na." Biep.
"Tama. Kung sasali ka sa gulo, wala ng makakapansin kase magulo na sadya." Author.
"Tingin nyo dapat sabihin ko?" Tumango sila pareho. "Tapos ano?"
"Tapos ewan. Ano ga pagkatapos nun biep?" Tanong ni biep kay Author. Kunwari nag-isip-isip si Author. Naghimas-himas pa ng baba.
"Hmmm... siguro ending na lang ulet para maguluhan ang readers. Hehe..."
"Uy seryoso? Akala ko ba happy ending na?"
"Eh kase! Sumasakit na ulo ko sa inyo! Alam mo yun? Parang ang hirap hirap ayusin ng mga buhay pag-ibig nyo. Masyadong buhol-buhol eh. Kaya mabuti pang putulin na lang..."
"Wag biep. Magagalit na sa 'yo ang readers. Alam mo naman na happy endings ang gusto nila di ba?" Sabi ni biep kay Author.
"Yun na nga eh. Sa kakahabol ko sa happy endings na yan... hindi ko alam kung kaninong ending ang gagawin kong happy. Kahit sino piliin ko sa kanila... may masasaktan."
"Okay lang yun. Basta 'wag si Rico bebe ah?!" Sabi ni biep tapos tumawa sya. Whew. Mabuti pa si Rico andaming nagmamahal. Isa na ako dun. -_-
"Hmmm... tingnan natin... pero Fems... dapat talaga aminin mo na kay Rico na gusto mo pa rin sya. Para at least may closure di ba?"
"Kailangan pa ba talaga ng closure?" Tanong ko.
Si biep ang sumagot.
"Aba syempre! Saka malay mo naman may mabago di ba? Di pa kase tapos ang kwento eh. Hindi pa ending. Baka nga nasa bandang gitna pa lang tayo. Malay mo... si Rico pala at ikaw sa huli..."
"T-Tingin nyo?" They nodded. Sabay pa. Hindi ko alam pero bigla bigla akong nagkalakas ng loob. Tingin ko nga may pag-asa pa... Siguro dapat nung una ko pa 'to ginawa. Siguro kung ganun, baka masaya na kami ni Rico ngayon.
Try and try lang...
Malay ko ba kung... may mabago nga.
End of flashbacks>>>>>>>>>
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro