IJL (Stupid Selflessness)
Femi--->>>>
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
*Gale*
"Gale okay ka lang?"
"Huh? Ah.. yeah." Nasa kwarto ako nina Author. Palit muna kami ni Femi eh.
"Sure ka?"
I sighed.
"Yeah." Ano'ng oras na ba? Malapit na atang sumikat ang araw pero hindi pa rin ako makatulog. Nakakapagtaka... kase di ba karaniwan kapag lasing mas madaling makatulog? Pero hindi eh...
Kanina nung kami ni Rico yung magkatabi... ang sarap sarap ng tulog ko. Kaso naalimpungatan. Tapos ngayon si Author na ang katabi ko. Tingin nyo ba natutuwa ako? -_-
Pero... for Femi...
Haaay...
I just hope na walang mangyari dun sa mga kinatatakutan ko... Ayokong dumating yung time na... sarili kong best friend ang makakaaway ko. Baka hindi ko kayanin. Iba kase akong magmahal ng kaibigan eh. Higit pa sa pamilya...
Parang kapag nawala sila... mapuputulan ako ng braso or something.
Mas malala kapag si Femi... kase feeling ko kapag sya ang nawala, pati kalahati nung puso ko mawawala rin.
Akala nyo masyado akong petty noh? Maarte and all? Kakagulat bang may puso rin ako ng normal na tao? :)
Oo nga eh.. ngayon ko lang narealize...
"Ayos lang sa 'yo na magkasama sila? Sa iisang kwarto? Si Rico at Femi? Sure kang ayos ka lang dun?"
-_-
Gusto nya bang sa kanya ko ibunton ang inis ko? Sinabi ko ng okay lang ako eh... hindi pa tigilan.
"I'm fine."
"Weh? Ayos lang sa 'yo na may possibility na maagaw ni Femi si Rico?"
"Pwede ba! Matulog ka na lang kase!" Asar. -_-
*Author*
Haha! Asar sya eh. Pero hanga din ako dun... handang pagbigyan yung best friend... kahit ang ibibigay eh yung taong gusto nya. At oo... gusto na nga ata nya si Rico. Hindi mahiwalayan ng tingin eh!
Tuwing nagtatama yung mga mata nilang dalawa... napapangiti sila pareho. Oh di ba ang sweet?
Tinamaan ata ng kidlat si Gale. Haha...
Pero pano ba 'to? Sino ang mas deserving sumaya?
Si Gale na natutunang mahalin yung taong nagmamahal sa kanya at handang magparaya para sa best friend nya o si Femi na six years ng nagpaparaya at ngayon eh napag-isip-isip na mag-stand up at ipaglaban yung nararamdaman nya?
Hirap namang pumili eh...
Pero kung si Rico ang pagbabasehan ko... kay Gale na 'ko syempre.
Mutual na yung feelings eh.
Pero kawawa naman si Femi di ba? Wala naman syang kasalanan eh... nagmahal lang sya... ng maling tao.
Mali pa sa ngayon kase hindi naman sya yung gusto.
Haaay... ewan. Sa totoo lang... sa totoong buhay. Yung totoong buhay na Author... sumasakit na ang ulo kakaisip. Ano ba kase 'tong pinasok ko? Akala ko kase mabibigyan ko sila ng happy ending eh.
Pero hindi ko alam kung kaninong happiness yung iga-grant ko.
Bakit ba kase dadalawa lang ang lalaki sa kwento?
At bakit ginawa kong magulo? Pwede namang patner patner na lang di ba? Pero—where's the thrill in that?
At higit sa lahat...
Wala namang love story ang madali eh. Tingin nyo fulfilling yung gusto ka nya at gusto mo din sya, walang obstacles along the way?
Pano mo malalaman yung true happiness kung wala kang mapagdadaanang sadness di ba?
Haaay.. malalim ba?
Medyo nga ata. Ahon na tayo.. haha...
*Rico*
Si Gale dapat ang kayakap ko hindi si Femi. :/
Si Gale dapat yung nandito... hindi si Femi.
Pero bakit sya pumayag? Oo na. Alam ko na na-trauma sya nung biglang nawala si Femi. Alam ko na pinagbibigyan lang nya ang best friend nya pero..
Bakit yung feelings ko hindi nya kinonsider?
Ichapwera lang ako? Nakakapagtampo talaga.
"Rico gising ka pa?"
"Oo. Bakit?"
"Ah wala." Lalong humigpit yung yakap ni Femi. Halos hindi na nga ako makahinga eh.
"Rico..."
"Oh?"
"M-M-Mahal kita."
O_O
"Rico..."
"H-Ha?"
Tumunghay sya. Nakita ko yung mugtong-mugto nyang mata. Nakatutok sa 'kin.
"Mahal kita Rico... hanggang ngayon."
"A-Ah..." Leche. Ano'ng sasabihin ko? Ayoko ng ganito! Baka kung ano'ng masabi ko na ikagalit nya. Ayoko syang saktan. Syempre dikit kami eh! Parang magkapatid na...
Ayoko syang saktan pero... si Gale lang ang mahal ko.
"Rico..."
"Femi..."
She smiled. "Okay lang naman sa 'yo di ba?"
Napalunok ako. Anong okay? Masakit sa ulo! Ayoko ng ganito! Arrrgh!!!
"F-Femi..."
"Why don't you try loving me instead Rico? I assure you... mas mahal kita kesa kay Gale."
Nagulat ako sa sinabi nya. How can she say such things? At ikinumpara talaga yung capability nilang magmahal ni Gale? So what kung mas kaya nya akong mahalin di ba? It's not as if kaya ko syang mahalin pabalik.
"Femi matulog ka na."
She pouted. "Rico... bat di mo subukan? Baka marealize mo na ako pala yung mahal mo. Tapos marerealize ni Toby na gusto nya si Gale. Kase pansin mo ba—nagiging close na sila? Oh di ba? Happy ending lahat..."
Nainis ako. Anong karapatan nyang pangunahan ang takbo ng istorya?
"Matulog ka na pwede? Lasing ka lang eh..."
"Oo lasing ako. Lasing sa pag-ibig!" At ngumiti pa. Talagang may tama na 'to... sa 'kin. Haaay... nakakasakit talaga sa ulo ang pagiging gwapo. Pinag-aagawan na naman ako. -_-
"Adik ka."
"Sa 'yo!" At lalo pa ngang lumapad yung ngiti nya.
"Sira ka talaga. Matulog ka na nga." Lasing lang sya. Siguradong bukas... mahihiya 'to sa pinag-gagagawa nya. :)
Kinabukasan>>>
"Rico gusto mo ng bacon?" Sabay lagay ng bacon sa plato ko. -_- Si Femi. Si Femi yung naglagay. Nakakaasar.... umaga na. Umaga na't hulas na sya pero bakit parang lasing pa rin syang kumilos? Ang nakakaasar pa—ayaw nyang humiwalay sa 'kin!
Tuloy si Gale ang umiiwas.
Haaay...
"Uy Rico kumain ka na! Lalamig ang pagkain mo eh. Gusto mo bang subuan pa kita?" Femi smiled at me saka inihaya yung pagkain.
"Corrine."
Napatingin ako kay Toby. Asar. Bakit Corrine ang tawag nya? Special? Dapat ako ang tumatawag ng Corrine kay Gale eh. Para ako yung kakaiba. Asar naman, naunahan ako.
At nakakaasar lalo... kase sinubuan nya ng pagkain si Gale! >_<
"Thanks Toby." Aaaah! Ba't nya nginingitian si Toby! Asar talaga! Asar!
*Gale*
"Corrine." Natanggal yung atensiyon ko kina Rico ng tawagin ako ni Toby. Nakataas yung kutsara sa may level ng bibig ko. Kutsara nya, may lamang pagkain. Isusubo ata sa 'kin...
Tiningnan ko sya ng parang nagtatanong. Ngumiti sya saka bumulong.
"Naiinggit ka kase."
Halata?
Sa totoo lang kanina ko pa gustong dumukwang sa table para hilahin si Rico palayo kay Femi. Asar eh... parang nalalandian ako kay Femi ngayon. Kainis eh... aagawan pa ata talaga ako...
Tinanggap ko yung pagkain.
"Thanks Toby." I said sabay ngiti. Sayang... sana si Toby pa rin ang gusto ko. Eh di sana apaw ang happiness ko ngayon! Kase naman eh... kung kelan hindi ko na sya gusto saka nya ako kinlose. Parang nananadya lang...
Siguro hindi nya ako malapitan dati kase nga... patay na patay ako sa kanya eh. Mukha siguro akong obsessed na ewan nun. Parang fan girl...
*Author*
NP: Change Partners
Whahaha... anyare sa mga 'to? Haynaku. Sige kung ganyan sila ng ganyan eh di sila na lang ang pagpapartner-in ko. Madali naman akong kausap eh...
Nung magsimulang magsubuan ng pagkain sina Toby at Corrine—este—Gale... mukhang nakumbinsi na rin ni Femi si Rico na magsubuan din sila ng pagkain. Ayan... inggitan ata ang labanan. Ang mag-walk-out.... talo.
Ang kawawa eh si Jasmine. Walang partner! Haha... Kanina pa nga kuhit ng kuhit si biep at tinatanong kung anong nangyayare.. kaso wala akong maisagot. Kase hindi ko rin alam.
Weird nga eh...
Hindi sila yung ideal partnership ko... pero kung dito sila sasaya eh....
"Biep."
"Ano?" Kumuha ako ng bacon at kinain yun. Bacon lang kase ulam namin. Taghirap.
"Hindi ka naaawa kay Jasmine? Walang kausap oh." Si Jasmine, nasa kaduluhan ng table at mag-isa. Nakatingin lang dun sa apat. Nao-OP na ata. Hehe.. eh kase hindi makisali. Ayaw nya makigulo. Basta ang sa kanya... makuha kayo sa titig ang mantra.
Kaso hindi naman sila naititinag.
"Yaan mo sya."
"Eh sino ba kase partner nyan? Di ba pwedeng papuntahin na dito ng hindi sila nahihirapan?"
"Secret." Pasimple kong sabi. May nakaplano na ako para dyan kay Jazz. Ayan... spoiler... wala syang partner. Haha... sa ngayon yan ang naiisip ko... pero pwede ring mabago depende sa mood.
Tapos... tapos nangulit ng nangulit si biep. Tapos hindi namin agad napansin na...
Basta—hindi nga namin napansin di ba?
Basta bigla na lang tumakbo palabas ng dining area si Femi. Tapos gulat lahat. Si Gale hindi ko mawari kung natutuwa ba o naiinis sa nangyari. Si Rico nakatungo. Si Toby, naiiling na tumayo. Susundan ata si Femi.
"Oh ano'ng nangyare?"
"Shooting biep."
Tiningnan ko sya ng masama.
"Ayos ka ring sumagot eh.." Sabi ko. Tumawa lang sya.
"Wag kase ako ang tanungin mo. Ayan naman sila oh.." Sabay turo dun sa dalawa. Eh pagkatingin ko pa lang kay Gale, umirap na sya. Okay. Para bang sinasabing 'wag syang tanungin. Si Rico naman, nakatungo pa rin. Si Jazz... uh—don't mind her. Extra lang sya sa story... whahaha!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro