Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

IJL (Shots)

Toby on the right-->>>>


--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------



*Femi*

Ang adik ni Author. Kakasabi lang kanina na be professionals tapos biglang babanat ng inuman?

Kaya ngayong gabi... (at oo gabi na ulet)... eto kami. Nakaupo sa nakalatag na banig dito sa terrace. Kakatapos lang naming maghapunan. Nakaikot kami sa limang bote ng alak. Yes. Limang long neck.

"Ako na lang ang tanggera." Nakangiting sabi ni Author. Walang nag-react.

"Umiinom naman kayo di ba?"

Silent nods. Gale grimaced. Alam ko kung bakit. Hindi kase yun umiinom ng hard. Sosyal yun eh. Pa-wine wine lang...

"Okay." Nagsalin si Author sa tagayan. "Ako muna." She grinned saka tumungga.

Tapos nagsalin sya ulet. At iniabot kay Gale.

"Oh Gale."

"Pwede bang magkanya-kanya man lang ng baso?"

"Sus arte! Tagay na!" Author shoved the shot glass to Gale. Sumimangot si Gale pero kinuha yun at... ininom. Whoa. Hanga na 'ko kay Author! Haha...

After maubos ang isang bote>>>

"Let's play a game!" Suggest ni Author.

"Anong game?"

"Eh malay ko kung anong tawag." Sagot nya. Adik lang noh? -_- "Basta. Ganto. Papaikutin natin 'tong bote. Tapos yung nagpaikot ang magtatanong sa matatapatan nung tip nung bote. Kelangan ang tanong eh answerable lang ng yes at no ha? Kapag YES ang sagot, yung TINANONG ang iinom. Kapag NO, yung NAGTANONG ang iinom. Game?"

"Eh teka... pano mo malalaman kung totoo yung sagot nung tinanong?" Tanong naman ni Rico.

Author shrugged. "Who knows? Pero alam nyo... if you guys want to really resolve this conflict, magiging honest kayo sa isa't isa di ba?" Well said Author. Haaay... pero kinakabahan ako...

"Ako una magpapaikot." Sabi ni Author. Tapos pinaikot nya yung bote. Napatapat kay... Rico. Nagsalin muna si Author sa shot glass. Punuan na. Kanina lang ang baba pa nun eh. Pero habang tumatagal, pataas na ng pataas yung tagay.

Nilagay ni Author sa gitna yung shot glass.

"Rico..."

"Yes?"

"Have you ever considered... loving someone else?"

Parang... the air went still. Walang gumalaw for a moment. At antay ako ng antay na kunin ni Rico yung shot glass pero...

He smiled and shook his head.

Aray.

*Jasmine*

Aray...

Femi's reaction echoed mine. Kita kong pareho kaming nasaktan sa sagot ni Rico. Saklap noh? Yung gusto ni Rico, binabalewala sya. Kami itong nagmamahal sa kanya, binabalewala nya...

Unfair ang buhay. Para sa 'ming lima.

"Okay. Ikaw naman ang magpaikot."

Pinaikot ni Rico yung bote habang si Author naman ang nagsasalin ng tagay.

Tapos tumapat yung bote sa—a—sa 'kin?

Napatingin ako kay Rico. Nakatingin sya sa 'kin. Kinabahan ako bigla.

"Jazz..."

"A-Ano?"

"Wala pa rin bang pag-asa si Toby?"

Lahat sila nakatingin sa 'kin. Hala...

Dali-dali kong kinuha yung shot glass at... tinungga.

Aray. Ang sakit sa lalamunan. >_<

*Toby*

Araaaay... Tama bang madaliin ang pag-inom? Talaga bang walang-wala na?

Kaasar si Rico eh! Yun pa talaga ang tinanong?! Oo alam ko naman na yun ang sagot ni Jazz pero in denial pa rin talaga ako.

Bulag-bulagan.

"Jazz ikaw na magpaikot."

Nagpaikot si Jazz at tumapat kay Author.

"Author may bf?"

Tungga agad si Author.

"Yun oh! Ang bilis!" Natatawang sabi ni Rico. Ngumiti si Author.

"Mabilis talaga. Baka bukas dadating yun."

"Ayeeee! Ikaw ha!"

"Heh!"

"Ayeee! Namumula!"

"Whahaha! Magtigil ka Rico!"

=_=

"Paikot na. Tagal!" Sabi nung babaeng may gusto sa 'kin. Ayoko banggitin ang pangalan baka... basta! Ayoko lang.

Pinaikot ni Author. At sa 'kin tumapat.

"Toby."

"Oh?"

"If you could ever go back... would you still choose love... over friendship?"

.

.

.

.

.

HANUDAW? PAKITAGALOG?

Haha. Dejoke.

Napaisip ako dun ah. Akalain mo... kahit aadik adik 'tong si Author eh may kalaliman din magtanong.

"Ang tagal! No ba yan?" Inip na tanong ni Author. Sabay kuha dun sa shot glass. Ako naman... di ko alam pero—napasunggab ako.

Nagulat sya. Sila.

Tapos parang gusto kong ibalik kay Author yung baso pero nung nakatingin si Jazz parang—ha ewan!

Tinungga ko na.

*Gale*

Ouch. TT^TT

So hindi pa sya nadadala?

"Next na!"

Pinaikot ni Toby-my love-na hindi nadadala yung bote.

At tumapat sa—

Sa 'kin! Napatingin si Toby sa 'kin. Hahay! Kinikilig ako!

"Ano—ahm..." Napakamot sya sa ulo nya. I just smiled at him, encouragement ba.

Ano? Pwede akong maging girlfriend? ­–TUNGGA!

Mahal kita? –TUNGGA!

Ask away...

"Ano—kumakain ka ng balot?"

=_=

ANAKNGTOKWA!

Napaka-walang sense naman ng tanong!

I shook my head.

"Ah..." Sabi lang nya. Sabay tungga. Asar!

*Rico*

Whahaha! Natawa ako dun sa last question ah! Si Toby—aakalain mong napaka-deep na tao kase palaging seryoso pero... hindi. Seryoso lang yan pero may kababawan. Haha...

Inis na pinaikot ng mahal ko yung bote. At tumama kay Femi.

"Femi..."

"Oh?"

"Hanggang ngayon... gusto mo pa rin sya di ba?"

Biglang nag-blush si Femi.

"Oy sinong sya? Kayo ah! May di kayo sinasabi!" Sabi ni Author. Parang kinabahan ako bigla.. Yung parang sumikad lang ng saglit yung puso ko tapos nawala na.

Tumingin sa 'kin si Femi. Tapos sa baso. Tapos kay Gale.

Tapos balik na naman.

Arrgh! Ano ba Femi? Sumagot ka na lang!

Tapos aabutin na nya yun shot glass. Tapos bigla nyang binawi. Si Gale, mukhang nainip, kinuha na lang yung shot glass saka tinungga yung laman.

Weird.

Hindi naman nasagot yung tanong sa utak ko!

Eh di ba kung GUSTO PA RIN ibig sabihin ako yun di ba? Di naman ako manhid.

Tapos dapat kukunin na ni Femi yung shot glass... ibig sabihin OO. Pero binawi nya yung kamay nya... so HINDI? Ano ba talaga? OO? HINDI? EWAN???

Nalilito ako!

TT_TT

*Author*

Tingnan mo sila...

Oo nga. Sabi ko nga di mo kita. Haha...

Pero natutuwa ako kase... at least some of them are honest. At some point. May mga in denial pa eh. May takot magpakatotoo. May ayaw masaktan.

Kelangan pa ng konting persuasion...

After maubos ang third bottle>>>

*paikot ng bote*

"Rico!" I announced. SI Femi ang magtatanong.

Femi:Nagka-girlfriend ka na before teens?

Rico: *tungga*

Toby: Whoa! Ang aga lumandi! Haha!

Me:Aba tumatawa si Toby!

Toby: Shut up! *make face*

*paikot ng bote*

Si Gale ang natapatan.

Rico: Wala ba talaga akong pag-asa sa 'yo?

Gale: *tungga*

Rico: *sad face*

*paikot ng bote*

Kay Femi tumama.

Gale: Does it hurt to lie?

Femi: *tungga*

Me: Ang dali naman ng tanong mo.

Gale: *dila*

*paikot ng bote*

"Toby!"

Femi: Nagmahal ka na ng iba?

Toby: *tungga*

Jazz: *blush* *iwas ng tingin*

Gale: *glare at Femi*

*paikot ng bote*

"Ako! Whahaha!"

Toby: Author, nagda-drugs?

Ako: *tungga*

Silang Lima: O_O

Me: Whahaha! Joke lang! Gusto ko lang tumagay, mauhaw eh!

At nagtanungan pa kami ng nagtanungan hanggang sa maghating-gabi na pala at ng lasing na lahat, kanya-kanyang exit papunta sa kwarto nila.

Ang pinakalasing? Si Rico! Haha... eh madalas kase tapatan ng bote.. ayun... nalasing.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro