Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

IJL (My Piece of One Sweet Love)

Eto na po ang UD. Salamat. ^^


--



*Toby*

Taeh ba't ako yung sumunod? -_-

Ewan ko. Siguro sadyang caring lang talaga ako at ayaw kong makakita ng babaeng umiiyak. (Ibang case si Gale ah. Haha...)

"Femi..." Tinabihan ko sya. Nakaupo sya sa hagdanan dun sa entrance ng bahay. Sa tapat nun may garden na may fountain sa gitna. Nakasubsob sya sa lap nya. Umiiyak.

Ano'ng nangyari kanina?

Ewan ko din. Basta ang alam ko nagsusubuan kami ng pagkain ni Gale. Tapos gumaya sila... tapos ayun na nga... bigla na lang tumakbo palabas si Femi. Siguro dahil kanina kay Gale lang nakatingin si Rico. Hindi nga pinapansin si Femi eh.

Asa pa kase sya... alam naman nyang dun patay na patay yung taong yun...

Patuloy pa rin sya sa pag-iyak. Hinagod-hagod ko yung likuran nya.

"Tahan na..."

Nag-angat sya ng mukha. Tapos nagpahid ng luha. Tapos... tumawa.

"Haynako. Umiyak na naman ako... hindi ko kase napigil eh..." Sa boses na garalgal at parang barado na yung ilong na husky na ewan.

"Bakit ka ba umiyak?"

She shrugged. Lol. Ano yun, di alam ang dahilan?

"Feel ko lang... bumibigat na kase sa kalooban eh. Alam mo naman ang feeling di ba?"

Uh—ano bang sinasabi nya? Di ata ako makarelate... Tumango na lang ako.

"Ang tanga nya kase... bakit si Gale pa? Di ba nya mapansing mas bagay kami?" Tapos tumawa sya ng bahaw. Yung... labas sa ilong. Basta.. hindi heartfelt.

"'Wag ka na kase umasa dun. Iba mainlove yun eh..."

"Pare-pareho lang kaya tayo! For the last six years naman tingin ko may kanya-kanya tayong taong gustong makuha. And for the last six years... hindi naman nagbago yun di ba? Ngayon lang... Sana kase hindi na tayo nagkita-kita eh. Okay na eh!"

"Huh? Anong okay dun?" Eh kung di nga dahil sa pinapagawang bahay ni Author, baka hindi na kami nagkita ni Jasmine eh. Simula kase nung maka-graduate kami ng college, pasyahan sya sa paghahanap ng trabaho. At talagang ang gusto eh yung malayo sa 'kin!

Kaya mas okay sa 'kin 'to.

"Wala. Halata namang hindi ka makarelate eh. Sige..." Tumayo sya bigla tapos naglakad. Ewan ko ulet pero sumunod ako sa kanya.

"San punta?"

"Dyan lang." Sabay turo kung saan.

"Pasama."

"May magagawa pa ba ako eh nakasunod ka na?"

"Hehe.. oo nga noh."

So lumakad lang sya ng lumakad... at ako naman, nakasunod. Lakad lang kami ng lakad hanggang sa makarating kami dun sa bangin kung san ko sya nakita. Mataas na ang sikat ng araw pero para kang nasa blast chiller sa lamig.

Ang lakas kase ng hangin eh.

Naupo sya dun sa isang malaking bato na nakasalampak dun sa bandang edge. Naupo naman ako sa damuhan sa tabi nun.

"Ang hangin naman!" Nadadala yung bangs ko! Asaaaar! Nagugulo tuloy!

"Aba natural. Tabing-dagat nga eh. Magtaka kung walang hangin."

"Haha. Oo nga noh. Ang galing mo naman. Bat di ka naging cum laude?"

"Haynaku. Minsan parang ano ka rin eh—ewan!"

"At least naman napatahan kita."

At parang nananadya, umiyak na naman sya. Aba't... talagang sinakto pang kakasabi ko lang na napatahan ko sya?

"Ikaw kase..." Sabi nya sabay pahid ng luha.

"Oo na. Ako na may kasalanan."

Huminga sya ng malalim tapos tumayo dun sa inuupuan nya at lumipat dun sa tabi ko. Tapos... sumandal sya sa balikat ko. Yung braso nya nakayakap sa mga tuhod nya.

"Sorry ang drama ko."

"Ayos lang. Sanay na 'ko sa inyo."

"Asus. Di mo naman kelangang masanay eh. Di kita pinipilit."

"Hindi. Minsan kelangan mo lang talagang pilitin na masanay. Para kapag sanay ka na, hindi ka na masasaktan kapag hindi umaayon lahat sa gusto mo. Tanggap lang ng tanggap."

Iniangat nya yung ulo nya mula sa balikat ko tapos tumingin sya sa 'kin. Tapos...

Tapos dahil mahangin, natabunan ng buhok nya yung mukha nya. Bwahaha!

"Ay ano ba!" Asar nyang hinawakan yung buhok nya.

"Itali mo kase."

"Ayoko."

"Eh di magtiis ka."

"Yun naman lagi eh. Magtiis. Nyemas... kelan ba umayon sa gusto ko lahat? Lagi na lang tiis. Tiis. Minsan nga sarap ng putulin eh... para walang sagabal."

"Alin: yung buhok o yung feelings?"

Nagkatinginan kami.

"Kuha mo pala." Sabi nya.

"Oo naman."

Tapos ngumiti sya. Akalain mo yun... ang ganda pala ni Femi. ^_^ Oops teka—bago nyo 'ko pag-isipan ng masama. Nagandahan lang po ako. Walang ibig sabihin yun. Iisa pa rin ang laman ng puso ko.

DUGO.

Saka ugat. Arteries. Veins. Heart muscles. O marami-rami din pala. Hehe...

"Bawal tumitig sa 'kin, baka mainlove."

"Wehhhhh..." Natawa naman ako dun. Eh bat si Rico hindi nya madala? Palagi silang nagtititigan ah? Baka sya lang ang nadala...

Tumawa rin sya. Medyo late nga lang. Tapos sumandig ulet sya sa balikat ko at pumikit.

"Oy kung gusto mong matulog, bumalik ka sa bahay. Ang bigat kaya ng ulo mo!"

"SSSSHH!!!"

"Seryoso?! Dito ka tutulog? Aish!"

"Sarap ng hangin eh." Umalis sya sa pagkakasandal sa 'kin. Akala ko naman okay na. Kaso ag ginawa nya, inistraight nya yung binti ko tapos nahiga sa lap ko. Eh di para hindi ako mangalay eh itinuon ko yung kamay ko sa bandang likod.

Nakapikit lang sya. Grabe... gawin ba 'kong unan? Ngimay ako nito mamaya.

"Toby?"

"Hmm?" Kala ko tulog na sya. Biglang nagsalita. Pero pikit pa rin.

"Pano kaya kung—ay 'wag na."

"Pano kaya kung ano?"

"Kalimutan mo na. WRI lang."

"Ha?"

"Weird random idea."

"Imbento."

Ngumiti sya.

"May pumasok kaseng idea sa utak ko. Eh ang weird."

"Ano nga yun?"

"Wala nga."

"Tss. Ayaw pa sabihin eh."

"Saka na kapag naisip ko ulet yun."

"Okay."

*Gale*

Spell awkward?

Eh ano ba naman kaseng nakain ni Femi at bigla-bigla syang tumakbo paalis? Epekto lang ng bacon? Masama ata sa sistema 'to weh.

Tamo 'tong si Rico... nananahimik.

"Magtititigan na lang ba kayo dyan? Ang tagal nyo kumain. Ligpitin nyo na lang ha?" Tapos tumayo na si Author. Saka ko lang napansin... kami na lang pala ni Rico yung nakaupo at hindi pa ubos yung kinakain.

Kaya nga awkward eh...

Gusto ko pa sanang kumain kase sayang yung pagkain, halos kakalahati pa lang yung nakakain ko eh kaso alam mo yun... parang sa sobrang awkward nung atmosphere parang nawawalan ka na ng gana? Yun.

Yun mismo. Parang ayoko na kumain. At the same time, ayoko ring tumayo. Ay ewan! Ako na nga ang hindi alam ang gagawin.

At ang mas nakakabadtrip... nakatingin lang sya sa 'kin. Kanina lang nakatungo 'to eh. Nung nawala silang lahat, hindi na 'ko hiniwalayan ng tingin. At ako namang si malandi—kinikilig. Haynaku.. parang ano lang eh... parang wala lang yung pagwo-walkout ni Femi.

Actually parang natuwa pa nga ako kase hindi nya sinundan.

At parang feel ko din syang ngitian ngayon. Kaso ang suplado eh. Nung ngumiti ako, umirap! Aba choosy!

So okay... ayaw nya pala akong kausapin. Contest ata 'to ng papanisan ng laway. Sorry hindi ako ganun. Kaya tumayo na lang ako at nagligpit ng kinainan ko. Yung the rest... bahala na sya.

"Tapos ka na?"

Lumingon muna ako sa likod ko ata baka may iba syang kausap.

"Ako ba kausap mo?"

"Oo." Straight nyang sagot. Wala na yung mga light na banat. Nakakabanas nga yung sagot nya eh. Tapos seryoso pa sya. Di nangiti.

"Ah... di ba halata? Kaya nga nililigpit ko na eh."

"Okay." Tumayo din sya saka kinuha yung kinainan nya at dinala na yun sa kusina. Aba teka—ako pa pag-iimisin nya nito?!

Malamang Gale... alangan namang paglakarin mo yang mga plato papuntang kusina?

 

So no choice, pinagpatong-patong ko na yung mga pinggan tapos binuhat ko papuntang kitchen. Midway, sinalubong nya 'ko at kinuha yung mga plato sa kamay ko. Muntik ko pa ngang mabitiwan kase nagdikit yung mga kamay namin.

"Ako na."

"Hindi ako na."

"Ako na nga sabi."

"Eh ako na nga kase!"

At ayun nga, nag-agawan na kami sa dishes. Paki-imagine na lang na nahuhulog lahat ng plato at nabasag sa may paanan namin.

"Ayan kase!" Ang epal nya kase! Sabing ako na eh...

"Sorry." He started picking up the pieces.

Arrgh! Bat ba kase sya ganto?

"Araaaay... shit."

"Okay ka lang?!" Ayan kase! Pulutin ba naman yung mga nabasag na plato with his bare hands?! Ayan tuloy.. nasugatan sya. Ang laki nga eh.. Tsk tsk.

He sighed. Saka bumulong. "Ayos lang. Malayo pa sa puso."

"Huh?"

"Wala."

Then he resumed the picking of the broken dishes. Eh kung di rin naman sya isa't kalahating adik noh? Hindi ata nadala.

"Halika. Gamutin natin yang sugat mo." Hinawakan ko yung wrist nya pero binawi nya lang.

"Hindi 'wag na."

"Rico..."

"Hanapin mo na lang sina Toby."

I squatted in front of him. Yung closed knee.

"Nagseselos ka ba?"

Nagtama yung paningin namin. Bigla nyang binitiwan yung piece ng plato na hawak nya.

"Sa tingin mo?"

Napangiti naman ako dun. Haha... so selos nga sya? Well the feeling is mutual.

"Wag ka nga ngumiti dyan. Baka mawala bigla ang inis ko sa 'yo."

At dahil dyan... lalong lumapad yung pagkaganda-ganda kong ngiti. Whahaha...

"Tss. Sabi ng—halika nga dito." Tumayo sya at isinabay nya ako tapos nilayo nya 'ko dun sa mga nagkalat na basag na plato tapos niyakap nya ko tapos... tapos.... kinikilig na naman ako. XD

"Nakakapagtampo ka." Sabi nya.

"Bakit?"

"Iniwanan mo 'ko kagabi kay Femi. Muntik na tuloy akong ma-rape."

LOL. Haha... ang kapal talaga ng mukha nito kahit kelan.

"Oy assuming ka ha! Hindi ganyan ang best friend ko!"

"Eh totoo kaya. Ganito pa nga kahigpit yung yakap nya sa 'kin kagabi eh." Sabay higpit ng yakap sa 'kin. Gaaaah—hindi ako makahinga!

"Hoy! Papatayin mo ba 'ko?!"

He loosened his embrace bigla. "Sorry. Sandali lang, mag-iimpis lang ako." Tapos humiwalay sya sa 'kin at nagsimula na namang pulutin yung mga nabasag gamit ang kamay nya. Tss. Abnoy talaga eh..

"Gumamit ka nga ng dust pan saka walis!"

"Oo nga noh. Hehe..." Tapos umalis sya para kunin yung mga yun. Ako naman nagpunta ng CR para kumuha ng gamot. Buti na lang nga at may first aid kit kundi baka matetano sya.

Haha. Kinakalawang ba ang plato Gale?

Pagbalik ko, malinis na yung sahig. Tapos nakaupo sya dun sa stool sa may breakfast nook/bar ng bahay. Nakatingin lang sya sa kamay nyang may sugat.

Tinabihan ko sya. Tapos kinuha ko yung kamay nya at binuhusan (binuhusan ko talaga) ng Agua Oxinada. He winced a little.

"Masakit?"

"Hindi naman."

"Weh..."

He smiled. "Basta ikaw ang gagamot, hindi masakit."

Napangiti naman ako sa sinabi nya. Pero katuwaan lang, kumuha ako ng bulak at ipinagdiinan dun sa sugat nya.

"Aray aray aray!"

Napatawa ako sa reaction nya. Hindi pala masakit ha... Haha... Natural ipinagdiinan ko sa sugat. Lels lang. Pero inayos ko na din naman ang panggagamot. Nilagyan ko pa nga ng bandage. Hindi ko nga alam kung tama yung paglalagay eh... basta lagay lang ako ng lagay. At least naman natakpan yung sugat di ba?

Naramdaman kong bahagya syang lumapit. Pagtunghay ko...

Waaaaah!!!

Centimeters away na lang ang mukha nya!

>/////////<

He smiled. Nyemas. Nagpapalpitate ang puso ko. Bakit? Bakit? Ayoko ng ganitong feeling. Yung parang hindi mo kontrolado ang nangyayare... natatakot ako.

"Ang ganda mo talaga."

Waaaaah! Napatungo ako. Alam ko kaseng nagba-blush na ako ng mga oras na yun eh. But then he touched my chin and tilted my head a bit upward. Nakatitig sya. Biglang nanlambot ang mga tuhod ko. Waaaah! Di ko 'to ma-take! >_<

"I know."

"Ang ganda naman ng mahal ko... rosy cheeks." Nag-smirk sya.

"Stop that!" Sabay palis ko sa kamay nya. Nakakahiya kaya... although natutuwa ako sa sinabi nya.... eh nahihiya din ako. Nyemas.

He gave out a low chuckle. Yung medyo husky. Ang sexy pakinggan. ;)

"Naman! Ang puso ko—aaaah!"

O_O

Inaatake ba sya? Nakahawak sya sa kaliwang dibdib as if clutching his heart. Tapos mukha pa syang in pain. Hala!

"Okay ka lang?!"

"Para kaseng... nahuhulog na naman ang puso ko sa 'yo." Sabi nya tapos tumawa. Batuhin ko nga ng bulak.

"Pwede bang sa susunod kiss na lang ang ibato mo?" Nakangiti nyang tanong.

"Ang umay!"

"Umay? Baka corny. :p"

"Whatever." I rolled my eyes tapos inimpis ko yung first aid kit para ibalik sa CR. Tatayo na sana ako but he stopped me.

"Ano na naman?" Mataray kong tanong. Sorry... old habits die hard. -_-

He pouted. "Sungit naman."

"Tsk. Kase naman ikaw eh. Masyadong moody!"

"Ako daw? Ikaw kaya dyan."

"Tss. Ako pa talaga? Eh ikaw nga dyan, one moment sweet tapos bigla biglang nagsusuplado. Minsan hindi kita maintindihan eh!"

"That's just me being jealous." He stared right into my eyes when he said that. Kahit nakangiti sya parang sobrang seryoso nung pagkakasabi nya.

"Rico..."

"Yes my love?"

"I—I have a favor to ask."

"Sure. Ano ba yun?"

Huminga muna ako ng malalim. Think Gale, kapag ginawa mo 'to, wala ng balikan. Sige ka, baka tuluyan na syang mawala sa 'yo.

 

But on the other hand...

This is the right thing to do Gale. And besides, if you were really meant for each other, fate itself will find a way for you to be together.

 

My evil, selfish self scoffed.

Fate really? Will you still wait for fate to make its move? Nandyan na yan oh! Oo mo na lang ang kulang at okay na tapos ipamimigay mo pa?

 

Tama na sana eh. Nadadala na ako. But my good side (I was also surprised I have one) added..

Really? Will you be happy knowing that you didn't even give your best friend a fair chance? After all, sya ang naunang magmahal. Pinagbibigyan ka lang nya.

 

It's her fault for being so giving, said my evil self.

And that is why the world today is in chaos. The innocent once are the one who suffer. Such a cruel world.

 

Don't talk about the world, pinapalaki mo lang ang scope ng problema.

 

"Gale?"

I blinked.

"Sorry... I was spacing out."

He smiled. "Yeah I noticed. Nadala ka na ba sa kagwapuhan ko?"

I smiled at him. Ang kapal talaga ng mukha nya. Oo alam kong alam nyang aminado akong gwapo sya but does he really need to rub it in?

As sudden as that smile, the graver feeling return. I turned into my serious self.

"Rico... promise me you won't get angry."

"With what?"

"With my favor..."

"Eh ano ba yung favor mo?"

I held my breath. I tried to remember the conversation I had with myself, just to be sure that I'm doing the right thing.

"Please give Femi a chance."

He was clearly taken aback. But what he said truly shocked me.

"Okay. If that's what you want." He said without even blinking.

A part of me, the littlest part that started drowning seemed to scream...

No that's not what I want!

 

And the clearer version seemed to snort.

Wala na. Tanga ka eh.

 

Tanga nga ba ako?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro