Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

IJL (Happy Bliss Day)

May favoritism daw ako. Halata? :)


Rico again otr--->>>



----------------------------------------------------------------------------------------------------



*Rico*

Pucha! Leche! Tangshit at lahat na!

Bakit naman sa lahat ng araw... ngayon pa?!

Kailangan ba talagang ngayon sila maglandian? Sa harap ko pa? SA MISMONG BIRTHDAY KO?!

Tang-ina talaga! Ang sakit sakit! Woooo! Para lang naman akong tumama ng 70 million sa lotto tapos na-holdap. :/

Gago pala si Toby eh... sabi nya walang gaguhan?! Di ba nagkasundo naman kami na walang sulutan ng girlfriend? Oo alam ko—hindi ko naman girlfriend si Gale pero—mahal ko yun eh! Kaya nga si Jasmine kahit patay na patay sa 'kin hindi ko pinapatulan. Hindi ko pinapansin... kase alam kong mahal nya yun at ayokong masaktan sya.

Pero bakit... bakit ganito sila???

Magka-holding hands at masayang-masaya sa piling ng isa't isa?

Binabangungot ba 'ko?!

"Rico... tagay oh." Inabutan ako ni Author ng isang bote ng Tanduay ice. Gabi na kase. Nag-iinom kami. Nilaklak ko yun na parang tubig. Pucha. Sprite pala! Walang tama. Aish. Nevertheless, napatingin pa rin sila lahat sa 'kin kase nga nilaklak ko yun ng walang binabaan.

"Wow.. di ka rin uhaw noh?" Sabi ni biep. Biep na rin kase tawag namin sa kanya.

"Isa pa nga." Sabi ko na lang. Napatingin ako kay Gale. Nakatingin rin sya. Pero nung tumagal yung titig ko sa kanya... nag-iwas sya ng tingin at tumingin na lang kay—anakngpusa! Dukutin ko mata nito weh!

"Eto o. Mukhang kelangan mo ng mas hard." Inabot sa 'kin ni biep yung isang bote ng SaM.

"Salamat." At nilaklak ko din yun ng dere-derecho. At--*ubo ubo*--syempre pa nasamid ako. Malanit kaya sa lalamunan!

"Okay ka lang?" Femi.

"MUKHA BA AKONG OKAY?!" Bigla syang namula. Hala... nasigawan ko tuloy. Nakakagago kase yung tanong nya eh. Kita ng problemado... tatanungin pa kung okay!

"Sorry..." Mahina kong sabi.

"O-Okay lang." Pero halatang nagtampo sya.

"Alis muna ako." Tumayo ako at kumuha pa ng isang bote tapos binuksan ko.

"San punta?"

"Papakalunod lang." Nagpunta ako sa tabing dagat. Baka nga magpakalunod ako. Bahala na. Kung ano maisipan...

*Gale*

Leche! Bakit ganito? Bakit ganito ang feeling?! Hindi na ako natutuwa! Naasar ako sa sarili ko... ang tanga ko naman ata?

"Uy... okay ka lang?" Tanong sa 'kin ni Toby. Magka-holding hands kami kanina pa. Akala nyo kinikilig ako? Akala ko din eh... pero hindi... bothered na bothered ang pakiramdam ko.

Nag-aalala ako kay Rico.

I managed to smile at him pero umiling sya. Para bang sinasabi na hindi sya naniniwala... Nagtanong pa?!

"Sundan mo na..." Bulong nya.

"Tingin mo pakikinggan ako?"

He smiled. At kahit ang gwapo gwapo nya... wala akong na-feel. ASA. In love na ata ako dun sa isa eh. Naman!

"Oo naman. Mahal ka nun eh..."

Nakatingin lang sila sa 'min. Curious. Galit. At nawiwindang na sa mga ikinikilos namin. Aba eh sino ba namang hindi magtataka? Sa ilang taong pagkahumaling ko kay Toby... todo iwas lang ang ginagawa nya. Tapos ngayon biglang sweet??? O di ba? Hindi ba kayo magtataka?

Tumayo ako at nagpaalam sa kanila. Tapos naglakad ako. Papunta sa tabing-dagat. Magpapakalunod daw sya eh. San pa sya malulunod di ba? Sa gubat?

And as usual... I was right. Nandun sya sa tabing dagat. Binabato ng bato ang dagat. Ang adik...

Nung medyo malapit na 'ko... saka ko lang na-realize na parang nagha-hum sya. Tapos ang naiintindihan ko lang na word eh heartbreaker. Kanta ata ng Simple Plan yung hina-hum nya...

Humugot muna ako ng malalim na hininga. Malalim na malalim. Nung parang sasabog na ang dibdib ko, saka ko ibinuga lahat.

"R-Rico?"

Hindi sya lumingon. Patuloy lang sya sa pagha-hum at pagbato sa dagat. Aba bingi?

"HOY ENRICO!"

Ayun lumingon na sya—

O.O

"A-Are you crying?!"

Basa yung mukha nya eh.

Dahil dun sa sinabi ko, pinahid nya ng braso nya yung mukha nya.

"Aray! F—"

"Okay ka lang?" Lumapit ako. Puro buhangin pala yung braso nya. Baka napasukan yung mata nya.

"Wag kang lumapit." He said, sabay layo sa 'kin.

Ewan ko... parang nasaktan ako. Bakit?! Parang ayaw lang akong palapitin, nasasaktan na 'ko? At bakit ganto?! Naalala ko yung mga pag-iwas-iwas ko sa kanya dati... Ganito ba yung napi-feel nya dati? O hanggang ngayon?

Ganito pala kasakit? :(

"Titingnan ko lang. 'Wag mo kamutin! Baka ma-infect!"

"Hayaan ng ma-infect para mabulag. Siguro kelangan ko lang mabulag." He sniffed.

"Rico..." Hinawakan ko yung braso nya. Pinalis lang nya yung kamay ko. Aray talaga! Nakakarami na sya ah!

"Ano ba! 'Wag ka ngang ganyan!"

Hindi sya umimik. Nagsimula lang syang maglakad. Barefooted pa sya nun. Wala na rin yung bote na iniinuman nya kanina. Siguro itinapon nya lahat sa dagat. Yung likuran nya ang dumi. Kita ko kase may ilaw na nanggagaling sa mansion. Bale nasa bandang likod kami eh. Yung terrace sa likod, overlooking the seaside. Kaya maliwanag. Isa pa... maliwanag ang buwan.

Teka nga—ba't ko ba idini-describe? Aish. Sige na nga.. para maimagine nyo man lang...

"Hoy Rico sandali! Bagal-bagala—OUCH!" shit naman oh! Ba't ba kase andaming pakalat-kalat na seashells?! Nakayapak pa naman ako!

Lumingon lang sya at pinanunuod ako habang napasalampak ako sa buhanginan at iniinspect ang paa ko. Grabe... hindi ako sanay sa ganyan. Yan! Yang hindi sya nag-aalala! Para tuloy lalong sumasakit yung paa ko... Alam mo yun? Dahil sa depressing feeling... kahit ang babaw ng sugat para kang tinaga?!

"Tatayo ka na lang ba dyan?!"

"Bakit? What do you expect? Magpapanic ako at hahangos agad papunta sa 'yo? Ask if you're okay? Bubuhatin ka pabalik sa bahay at gagamutin yang sugat mo? Tapos ano? Ipagtutulakan mo lang ulit ako palayo?" Puno ng hinanakit yung statement na yun. Grabe... parang sobra ko nga syang nasaktan...

Pinilit kong tumayo tapos iika-ikang lumapit sa kanya. He didn't budge. Nakatayo lang sya dun... parang inaantay akong lumapit sa kanya.

Nung makalapit ako sa kanya... hindi ko napigilan ang sarili ko. Parang... that was the only right thing left to do.

Niyakap ko sya.

"I'm sorry..."

Hinawakan nya yung braso ko saka ako itinulak ng mahina palayo.

"Alam mo namang kahit anong gawin mo, papatawarin at papatawarin kita eh. Ganyan kita kamahal..."

"Rico..."

"Tama na Gale. Suko na 'ko..."

"A-Ano?"

"Titigilan na kita. Alam ko namang hindi mo na talaga ako magugustuhan eh. Sorry sa pangungulit ko ha? Hayaan mo... I'll always be here kung kailangan mo ako. Hindi naman ibig sabihin nito na hindi na tayo friends eh... I won't stop loving you... I'll just stop showing it... as much as possible." Tapos ngumiti sya ng mapait. Saka ako binitiwan.

"A-Ayaw mo na sa 'kin?" Para akong bata kung umiyak. Yung puro hikbi. Haha... Paki-imagine na lang. Tawa kayo! Haha... Magdiwang! Nasasaktan si Gale!

"U-Uy 'wag kang umiyak! Ano ka ba... kelan ba kita inayawan? Aish... sabi ko lang naman eh..."

Yumakap ako sa kanya.

"Tahan na... Halika dadalhin na kita kay Toby."

"A-Ayoko..."

Hinaplos-haplos nya yung buhok ko. Tapos tumawa sya ng mahina.

"Bakit? 'Wag mong sabihing gusto mo na 'ko?" Yung tonong nagjo-joke pero alam mong umaasa na idinaan lang sa joke.

I loosened my embrace and stared up at his face. Nakatungo sya sa 'kin.

"Pano nga kung... gusto na kita?"

*Rico*

Waaah! Ako na ang lasing! Siguro nakatulog na 'ko sa tabing-dagat at nananaginip na ngayon. Tama! Kaya siguro nakayakap sa 'kin si Gale ngayon at sinasabing baka gusto na nya ako.

Tama! Yun nga! Haha! 'Wag nyo na 'ko gisingin please!!!

"Ano'ng nakakatawa sa sinabi ko?" Kunot-noo nyang tanong. Ang cute nya. Ang taba-taba ng pisngi pero at the same time maganda at sexy. Kaya lalo akong nahuhumaling eh...

"Wala. Naiisip ko lang na ang ganda ganda naman ng panaginip ko. Sinasabi mo daw na baka gusto mo 'ko. Haha... Sa susunod pala magpapalasing ulit ako at matutulog sa beach."

Bigla syang kumalas sa 'kin at—

*slap!*

O_O

Sinampal ako?!

"Aray naman! Parang totoo ah! Sakit!" Baka sinasampal ako ng alon. Hala! Nalulunod na ata ako!

"Ano—nananaginip ka pa?!" Puno ng inis nyang sabi.

"Ewan ko... para kaseng totoo eh..." Hinimas-himas ko yung pisngi ko. Masakit talaga! =3=

"YOU'RE NOT DREAMING STUPID!"

"Weh?" Hindi nga? Gising ako? WHAT THE—EH DI IBIG SABIHIN—

"Haynaku... napaiyak pa 'ko yun pala—"

"Seryoso ka totoo 'to?!"

She pressed her lips.

"Oo nga!"

"Talaga? Kahit halikan pa kita?"

"Oo nga—EH?"

Oh yan. Sabi nya ah.. kahit halikan ko sya. Haha... Kung panaginip man 'to at least mahahalikan ko sya ulet. Haha... Maraming beses na kase... in my dreams. ^^,

Kaya naman hinapit ko sya at hinalikan. Hmmmm... sarap ah. Parang totoo. Ang yummy! ^___^

"R-Rico—I can't—I can't—mmm—BREATHE!"

Saka ko naramdamang itinulak nya 'ko.

"Ouch!" Napahawak sya sa labi nya.

O.O

It's bleeding...

So totoo nga? Totoo 'to? WAAAAAHHHHHH!!!! Nahalikan ko sya!

"S-Sorry!"

Sigurado ngayong sasampalin nya na 'ko at baka lunurin pa nga.

But to my surprise—she laughed.

"Grabe... ganyan ka ba talaga kasabik sa lips ko?"

O_O

"H-Hindi ka galit?"

She smiled. Yung mapang-akit nyang ngiti na nakaakit sa 'kin the first time I saw her...

"Mukha ba akong galit?" She asked, amused. Oo nga noh. May galit bang ganyan makangiti?

"So hindi ka galit?"

She rolled her eyes. "Sabi ko nga di ba? *hawak sa lips* Aish. Tinodo mo agad eh... ayan tuloy... hindi mo ako makikiss ulet. Sa cheeks na lang pwede." Then she grinned. Whoa naman oh. Sure ba kayong gising ako?

"Si Gale ka ba? Baka naman nanununo na ako..."

Tumawa sya. "Baliw!" Then she slapped my arm, tiptoed and kissed me again. Yung smack lang. PERO KAHIT NA! KINIKILIG AKO! SHEEEEEET!!!

>_<

*Gale*

Ano ba 'to? Ano'ng nakain ko? BAKIT ANG SWEET KO BIGLA?! WAAAAH!!

Pero parang fulfilled ang feeling ko nung makita ko syang mag-blush. Grabe! Pure joy! At dahil sa nahiya ata sya at nakatitig ako sa kanya, hinila na lang nya ako para yakapin.

"Oh ano? Nananaginip ka pa?" Tanong ko sa kanya. He smelled my hair saka hinalik-halikan yung tuktok ko.

"Tingin ko... pero kung panaginip man 'to... sana 'wag na akong magising."

"Baliw." Baliw ako. Waaaahhhh!!!!! Bakit ganito? Parang ang sarap-sarap nya atang yakapin ngayon? Dati naman... akbay pa lang nya asar na 'ko. Ang bigat kase ng braso nya eh. Tapos parang ang bango-bango nya din ngayon. Samantalang dati masuka-suka ako sa amoy nya...

Ganito ba kapag—ay hindi—hindi pa ako ganun. Imposible... 6 years hindi ko 'to na-feel kay Toby. Kilig oo. Pero yung ganto... yung parang sasabog ang puso ko sa sobrang saya... never pa. Ngayon pa lang. First time...

Pero hindi ko pa sya ano... alam nyo na. Hindi pa naman siguro kase... hello! Nung birthday ko lang nasimulang ma-feel 'to tapos nawala saglit tapos bumalik nung magkita kami.

Ilang araw pa lang bale... minus the days na nagte-trespass sya sa utak ko.

"I love you Corrine Gale Eusebio-Gutierrez—uy bagay!" Tapos tumawa sya. Adik. -_-

He kissed my temple, my cheeks, the top of my head. Pabalik-balik. Paulit-ulit...

Baka ako ang nananaginip?

Magkayakap pa rin kami. Ang sarap pala... ang init. Kase ang hangin dito... malamig... pero pinapainit ng yakap nya.

Yeeee! Ngiti kayo dali! Samahan nyo 'ko para hindi ako mukhang tanga. Nangingiti mag-isa...

"Rico..."

"Hmmm?"

I love you na ata.

"W-Wala..." Imposible. It's too early to say that. Kapag sure na ako, saka ko sasabihin.

We decided to go back to the house, mag-aalas dose na kase. Aba syempre inaantok din naman kami! So ayun nga, naghiwalay na kami. At dahil hindi na ako nakayakap sa kanya, nilamig ulit ako. Eh kase naman naka-sleeveless ako. -_- Ang ganda kase ng braso ko eh... wala lang... gusto ko lang ipakita.

Na-sense ata nyang nilalamig ako kaya inakbayan nya 'ko saka hinagod-hagod yung braso ko. Yung kabila naman syempre hindi lalamigin kase nakadikit sa kanya. Tapos habang naglalakad kami (barefooted pareho) hinahalik-halikan nya yung side ng ulo ko.

Oo na. Kinikilig ako. Oh yan, masaya na kayo? Inggit? Haha!

We sneaked inside the house kase nga naman, ano na lang ang iisipin nila sa 'kin di ba? Kanina pa-sweet kami ni Toby tapos ngayon si Rico naman? Di ba?

Nung makarating kami ng kwarto, agad nya 'kong pinaupo sa gilid ng kama tapos ginamot nya yung sugat ko sa paa. Tapos naligo sya saglit. Ang dumi nya kase... siguro naggulong 'to sa buhanginan kanina..

Paglabas nya ng banyo, naka-shorts lang sya tapos naka-drape yung towel sa ulo nya. Topless. Oh eh di sya na ang hot. Syempre natuwa ako. Parehas kaming hot. Bagay kami. ^_^v

Pinatuyo nya yung buhok nya with the towel. Habang ako naman, naglinis na rin ng katawan. Amoy dagat ako eh.

Pagbalik ko, naka-t-shirt na sya at nakahiga na dun sa latag nya sa sahig.

"Oh? Bakit nandyan ka?" Tanong ko sa kanya. At mabilis pa sa alas-kwatro syang tumayo at inimpis yung latag at nahiga sya dun sa kama. Assuming lang eh noh? Natawa naman ako sa kanya. Ngumiti sya saka inayos yung space sa tabi nya. Then he tapped that space na para bang pinapatabi ako.

Eh di tumabi ako.

Tapos niyakap nya 'ko. Weeee... kinikilig si Gale! :p

Ang bango nya... nakasubsob kase ako sa may leeg nya. Tapos nakayakap ako sa bewang nya. He's kissing the top of my head tapos inaamoy-amoy ang buhok ko.

Parang gusto kong ganito na lang kami. Pwede bang hindi na lang mag-umaga? Gusto ko lang yung niyayakap-yakap ko sya, tinititigan, hinahalik-halikan ng sabay-sabay... kung pwede...

"Gale?"

"Hm?"

"Goodnight."

"Goodnight din."

"I love you!"

.

.

.

"I-I... I like you..."

*Rico*

Pwede na! ^_^ At least lume-level up ako! Weeee!!! Dati kase I HATE YOU palagi yung sinasabi nya. O kaya yung I DON'T LIKE YOU. Pero ngayon nabawasan na ng DON'T. Konti na lang mapapaltan na yung LIKE ng LOVE. Whahahaha!

Samahan nyo 'ko sa countdown. ^^v

I felt her breathing on my neck. Waaah... kinikilig talaga ako. Gay ba? Haha... Whew. Kung ganto ang gay baka wala ng macho sa mundo. Basta...

Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya.

Mahal ko 'to. Hindi ko na 'to pakakawalan.

I felt her kiss my neck. Sheeeet! >_<

I groaned.

"Stop that."

She giggled. "Bakit? May kiliti ka sa leeg?" Natatawa nyang tanong.

Shete. Hindi yun. Yung... alam nyo na. Nakaka-arouse kaya yung ginagawa nya. >_< Pero hindi. Kailangang kontrolin ang sarili. Gusto ko kapag gagawin namin yun, nakatali na sya sa 'kin. Pakakasalan ko muna sya... SA SAMPUNG SIMBAHAN! Para kung makikipag-annul man sya, sampung beses din! Whahaha... wala syang takas. :)

"Matulog ka na. Baka kung ano pang magawa ko sa 'yo eh."

Hinampas nya lang ako sa dibdib. Napangiti ako. Kahit hindi ko kita, sure ako na nagba-blush 'to. Hehe.. Ang gwapo ko kase. Ano konek? Wala lang... gusto ko lang ipaalala sa inyo na gwapo ako. Whahaha...

"Manyak." Mahina nyang sabi.

"Oy! Hindi nga kita inaano dyan eh!"

"Magtigil ka nga! Puro kabastusan nalabas sa bibig mo eh!"

"Eh di takpan mo!" Natatawa kong sabi. Hinampas na naman nya 'ko sa dibdib. Lumayo ako ng konti sa kanya saka ko sya tinitigan.

Tumungo naman sya.

"Hoy Gale."

"Hoy din. Bakit?"

"I love you."

She sighed exasperatedly saka pinagulong yung mata nya.

"Ay hindi! Hindi mo 'ko love!" Sarkastiko nyang sabi.

"Hindi nga. Kase mahal na mahal na mahal na mahal—" Hindi ko na natuloy kase tinakpan nya nung kamay nya yung bibig ko.

"Shut up. Ang corny!"

Inalis ko yung kamay nya.

"Nung sinabi kong takpan mo yung bibig ko... I didn't mean withyour hand..." Nakita kong nanlaki yung mata nya at alam kong gets nya naman kung anong gusto kong iparating.

Yumuko ako and claimed her bruised lips. Gentler this time. Baka dumugo pa yung labi nya lalo, kasalanan ko pa.

At punyemas lang! She's kissing me back!

Shete! Shete itigil na 'to baka kung san pa mapunta! Lumayo ako bigla at halatang nagulat sya.

"B-Bakit ka tumigil?"

I smiled at her and kissed her forehead. "Goodnight na."

Nakakunot lang ang noo nya pero kahit ang sarap pa nyang i-kiss pinatalikod ko na lang sya ng hindi ko makita yung mukha nya para hindi ako ma-tempt. Tapos natulog na kami. Sa ulap... cloud 10! Whahaha... me ganun ba? Basta lampas sa cloud nine ang ligaya eh. Haha.. kumukorni na 'ko. Sige... good night na sa inyo! ^_^

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro