IJL (Final Bow)
READ NEXT: STITCH BY STITCH----------------------------------------------->
bata... dedicated sau ang last chapter kase kung hindi ko nakita na dumaan ka man lang sa profile ko, niadd mo pa 'tong story ko, nagfan ka pa.. eh hindi ko magagawa yung chapter before this. Kaya salamat ^_^
--
*Author*
"I remember years ago, someone told me I should take caution when it comes to love. I did. I did." –Shontelle
CAUTION. There should be a sign that says DANGER: YOU ARE ABOUT TO FALL IN LOVE. Beware of the pain and heartaches that are attached to it.
Kaso wala eh.
Hindi mo mamamalayang nagmamahal ka na. Probably, that hurt that it will bring is the wakeup call for you na magsasabing... teka, hinto muna. Nasasaktan ka na.
I promised you a happy ending... and I gave you one. Pero hindi ko sila kayang bigyan ng happy ending lahat. Kailangan talagang may magpaparaya. Sa kwentong ito na para sa kanilang lima, dalawa lang ang nakatakdang sumaya.
Don't pity the other three. Hindi lang dito matatapos ang kwento nila. Sa kwentong ito lang sila hindi masaya pero darating ang panahon na darating din yung kaligayahang para sa kanila. Ganun naman sa totoong buhay di ba? Kapag nasaktan ka, choice mo yun kung magmu-move on ka ba o hindi.
Huwag mong sisihin ang taong naging dahilan ng sakit na nararamdaman mo. People can't hurt you without your consent kaya 'wag kang mag-inarte dyan. Hindi lang sila ang may kasalanan.
Sana po may natutunan kayo sa kwento kong ito. Proud ako dito. Hindi man ako ang pinakamagaling, natutuwa pa rin ako kase may mga taong naniniwala sa akin. Salamat po sa lahat ng nagbasa, bumoto at nag-comment. Natutuwa akong may mga taong natuwa sa kwento ko. (o nainis. Haha..)
Ang hilig kong mangaral tungkol sa love noh? Wala lang... hindi pa man ako nagkaka-boyfriend, sapat na ang karanasan ng mga tao sa paligid ko para makakatha ako ng ganitong kwento.
Aaminin kong kulang pa rin yan kase iba yung naoobserbahan mo lang sa nararanasan mo. Pero kahit na. Hindi ako bulag. Sana kayo rin. Wag mabulag sa pag-ibig. Wag manghusga sa mga taong nagmamahal lang.
There is no right and wrong in love. There is just love. Ang tao ang nagkakamali. Selfishness, desperation... the need to covet... those are just few of the things that pollute love. But love itself is pure. Love itself is simple. Ang tao ang magulo. Ang tao ang nagpapakumplikado.
Nakakaawa si Femi noh? Pero anong magagawa ko... ginusto nya yan eh. Sabi ng bawal, sinabi ng hindi pwede pero ginawa nya pa rin. Minsan talaga kailangan mong masaktan para matuto. Ang mga taong hindi natututo ay walang patutunguhan sa buhay.
We learn from our mistakes. Kahit yung mga paulit-ulit ang pagkakamali... natututo sila. Kaya lang hindi nila isinasabuhay yung natutunan nila kase mas gusto nilang masaktan ng paulit-ulit.
Tanga sila sa iba pero nagmahal lang sila.
Masisisi ba natin sila?
Hindi lahat ng tao pwede mong turuan. Kailangan nilang turuan ang sarili nila. Ang magagawa mo na lang ay umunawa.
Sabi nga ng pinsan kong in love: "You don't beg for love." Tama sya. You shouldn't beg for love because love is free. It is free but it can't be available to everyone. Ang mundo ay isang malaking Quiapo. Maraming snatcher... san na nga bang movie yun? Haha...
Totoo yun. Una-unahan lang yan. Pero hindi mo kailangang mang-agaw. Naniniwala pa rin akong lahat tayo ay may nakalaang tao na mamahalin natin ng buo. At susuklian din tayo ng pagmamahal.
Hindi porket nasasaktan ka eh mali na ang ginagawa mo. Minsan mahirap lang talaga. At hindi rin naman porket easy lang ang lahat ay tama na ang ginagawa mo. Minsan may mga bagay na sadyang madali lang gawin.
Ang haba na ba ng Author's note ko? Hehe...
Sa totoo lang edited na 'to eh. Sayang yung mga una kong naisip. Di ko nai-type agad kase may pasok ako. Haha...
So anyway, salamat po ulit!
Sana may natutunan kayo sa kanilang lima.
Do not judge them because they just loved.
They took a leap of faith... it didn't work out. But they will move on. They have to.
Kung tatanungin mo sila kung masaklap ba ang experience na 'to? Isasagot nila—SYEMPRE OO!
Kung nagsisisi ba sila? Tingin ko hindi.
Kung may gusto ba silang baguhin? MARAMI.
Kung tingin nila nagkamali sila? HINDI DIN.
There is no right and wrong in love. There's just love.
I Just Loved.
--
SA LAHAT NG NAGBABALAK:
Do not plagiarize, steal or copy my work. (Kung may magtangka man.)
BABIES ARE TO MOTHERS AS STORIES ARE TO WRITERS
Please DO NOT steal my baby. Or hell will break loose. ^_^
Ciao!
*u*
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro