Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

IJL (Femi's Move)

Femi on the right--->>>


----------------------------------------------------------------------------------------------------


*Author*

Now... fast forward naman tayo sa time na nawala bigla si Gale at Rico. As you all know, naiwan kami nina Toby, Femi, biep at Jazz sa sala, nag-iinuman kami. Si Toby... pinuputakte namin ng tanong.

Pero pang-asar talaga sya, hindi nasagot ng maayos!

Ang sagot nya eh 'MALAY', 'EWAN', 'TRIP', 'TANONG MO SA KANILA', 'ABA AKO BA AUTHOR NITO?'

Oh di ba?

Tapos nasa kalagitnaan kami ng interrogation ng biglang tumayo si Femi.

"CR lang ako."

*Femi*

Actually hindi naman talaga ako magsi-CR eh. Gusto kong hanapin si Rico. Gusto kong magtapat. Ngayon na siguro yung time. Tamang-tama... may tama na ako. Hehe...

Totoo palang nakakalakas ng loob ang alak?

Ngayon, feeling ko kaya ko ng sabihin kay Rico ang lahat.

Si Gale? Hindi ko alam kung san nagpunta. Bigla na lang umalis kanina eh. Pero I'm really dreading the possibility na magkasama sila.

I know Gale... alam kong hindi nya gusto si Rico. DATI. Ngayon? Hindi na ako sigurado. Feeling ko unti-unti... baby steps ika nga... pero parang dun na sya papunta. At hindi matatanggap ng sarili ko kung hahayaan ko na lang na maagaw nya si Rico sa 'kin.

'Wag naman sana kayong magalit.

Intindihin nyo din naman ang feelings ko. Six years akong nagmamahal kay Rico. Kung tutuusin nga, ako pa ang mas may karapatan kesa kay Gale na makatuluyan ni Rico eh.

Ako yung palaging nagpapasintabi kase alam kong hindi ako yung mahal. Pero wala namang nangyare sa kanila for the last six years eh. Nung maisipan ni Rico na magtapat, nasampal lang sya at namura. Oh di ba?

Eh kung ako ba yung minamahal nya eh... hinding hindi ko sya sasaktan kagaya ng pananakit sa kanya ni Gale.

Siguro it's not exactly accurate to say na si Gale ang obsessed. Kase feeling ko lahat kami na-obsessed na. Kaya siguro hindi kami sumaya-saya. Nakatuon lang yung atensiyon namin sa isang tao. Hindi na namin nagawang tumingin sa iba... na siguro may possibility rin na makapagpasaya sa 'min.

Sorry naman... kami na nga ang matigas ang ulo.

Teka... asan na ba 'ko? Hangdilim naman dito! Wala na kase yung mga poste ng ilaw eh. Nalampasan ko na yun. Akala ko naman buong isla lighted. May hangganan din pala ang budget ni Author. -_-

Pero parang...

Ayy.. may bangin pala dito?

*Author*

"Oy wala pa ba si Femi?"

"Nandito nandito. Kita na ngang wala, tinanong pa." Nakairap na sabi ni Toby. Sayang talaga 'to weh... type ko sana kaso... aynako. Di ako makakatagal sa barahan.

"Alam mo Tobias, di mo naman kelangang sumagot kung labag sa loob mo eh."

"Sa gusto kong sumagot eh."

"Baka naman jumijebs?" Sabi ni biep.

"Nah! 30 minutes na kaya!"

"Aba talagang inorasan?" Natatawa nyang sabi.

"Eh syempre... baka kase hinanap nun sina Rico eh. Gabing-gabi na pa naman—ay mali, umaga na pala..."

"Ano'ng oras na?" Tanong ni Jazz.

"Quarter to one." Sabi ng relo kong sponsored ng Swatch.

"Umaga na nga ano? Hmm... baka nga hinahanap nun sina Rico." Sabi ni biep.

"Hala... baka kung san mapunta yun! May bangin pa naman dun sa bandang—"

Nanalaki yung mga mata nila sa sinabi ko. Tingin ko pare-pareho kami ng iniisip. At nararamdaman. Kinakabahan kami syempre... lasing kaya yung tao! Tapos madilim... at mag-isa pa. Mabuti nga sana kung nasa CR lang yun... eh panu kung hindi at kung san na napadpad?

Biglang tayo ni Toby at parang medyo nahilo pa ata. Kase bigla nga syang tumayo.

"Sa labas ako maghahanap. Ikutin nyo ang buong bahay." Sabi nya sabay alis.

"Samahan kita!" Pahabol ni biep saka tumakbo kasunod ni Toby. Wala man lang silang flash light. Hala...

"Tara Jazz, isa-isahin natin ang mga kwarto sa bahay!"

Tumango lang si Jazz saka sumunod sa 'kin. Pumunta kami sa master bedroom para kunin ang mga susi. Nyemas na yan... sabi ko di ba wala sa 'kin yung susi? Nabubuko ako ng wala sa oras eh...

Mga pasaway kase gala ng gala!

*Rico*

"Rico! Rico gising!"

Tsk. Ano ba yan... gigising na?

Ang ganda-ganda pa ng panaginip ko eh...

"Hmm?"

"Gumising ka na! Nawawala si Femi!"

O_O

Napabalikwas ako ng bangon. Tapos parang may nadala ako sa pagbangon ko.

"GALE?!"

She opened her sleepy eyes saka kumunot ang noo sa 'kin. What the hell happened? At bakit nakayakap ako sa kanya?

ANO'NG NANGYARE???

"Rico bakit? Why did you wake me up?"

"B-Bakit nandito ako?"

She gave me a look that seems to say: Are you stupid or something?

"Malamang dahil wala ka sa sahig."

"B-Bakit? Sorry... hindi ko talaga alam kung bakit ako nandito. 'Wag ka magagalit please..."

She frowned. "Ano ba Rico? Wala kang matandaan?"

"Ha? Saan?" Hala hala... ano ba kaseng ginawa namin? Baka ginawa na namin yun eh hindi pa 'ko kasal! Waaah! Wala pa naman ako matandaan masyado kapag nalalasing ako. >_<

Sumimangot sya. Pero bakit ganun? Parang hindi sya galit. Ni hindi nga sya uncomfortable na magkatabi kami eh. Tapos magkayakap pa...

O_O

Sayang lang talaga, di ko maalala yung nangyare!—kung may nangyare man.

"Aish. Mamaya na kayo magpaliwanagan! Nawawala si Femi!"

"WHAT?!" Dali-daling umalis ng kama si Gale. Sumunod na din ako. Nawawala si Femi? Bakit sya mawawala? San naman yun pupunta?

*Toby*

"FEMI!FEMI!"

"Dead end na ata dito eh. Balik na tayo." Sabi ni biep. Asar naman kase... umabot na kami dito sa last na poste ng ilaw. Madilim na yung kasunod. Eh cellphone ko lang ang dala ko.

"Alam mo ba kung san yung bangin dito?"

Umiling sya. "Balik na tayo. Baka naman hindi sya nagagawi dito weh..."

"Sige mauna ka na. Hahanapin ko lang sya sa banda dun." Itinuro ko yung madilim na part ng dinadaanan namin. Nag-alangan si biep.

"Eee... sure kang okay ka lang?"

Tumango ako. Kahit pa medyo takot ako sa dilim. >_< Eh alangan namang sabihin ko yun sa kanya eh di pinagtawanan nya 'ko...

"Tingnan tingnan mo na lang yung mga nadaanan na natin. Baka nandun na sya. Kapag walabumalik ka na sa bahay."

She gulped but nodded her head with hesitation. Saka naglakad pabalik. Napatingin ako sa madilim na kawalan.

Femi asan ka na ba kase?

*Jasmine*

Grabe.

Kanina pagpasok namin nung kwarto nina Rico, hindi na lang ako nakapagsalita. Ang dalawang yun—magkayakap! Ewan ko kung dala lang ba yun ng kalasingan or something else pero... one thing is clear. Nasasaktan ako.

Hindi ko magawang maging happy for Rico. Gusto ko ako yung makakapagpasaya sa kanya... Grabe talaga yung kanina... torture!

"Uy Jazz!"

"H-Ha?"

Nahuhuli na pala 'ko. Busy kase sa pag-iisip eh. Asan kaya si Femi?

Naghiwalay kaming apat. Ako yung kasama ni Author. Tapos magkasama sina Gale at Rico. Usapan namin every thirty minutes ng paghahanap, babalik kami dun sa harap ng bahay.

"Okay ka lang Jazz?" Tanong ni Author. Binagalan nya ang lakad para masabayan ako.

"Okay lang." Pero sa totoo lang, hindi pa ata ako nagiging okay. Simula nung unang pagtatapat ko kay Rico tapos unang basted ko yun. Nasundan ng akala ko makakalimutan ko sya kapag si Toby yung ginusto ko.

Pero hindi ko naman nagustuhan si Toby. Lalo lang lumalim yung pagkagusto ko kay Rico... Haaay... bakit kase iisa lang ang Rico na yun eh?

*Rico*

Waaah! Totoo ba 'to? Magkahawak kami ng kamay ni Gale habang hinahanap yung best friend namin na nawawala??? Sorry! Sorry kung kinikilig ako kahit dapat ngayon nag-aalala na 'ko kay Femi.

Kase...

Ang tagal ko ng hinihintay 'to weh...

Tapos unti-unting nagkakatotoo na.

"Asan ka na ba kase Femi? Kapag may nangyari sa 'yo... *sniff* I'll kill you myself!"

"Umiiyak ka ba Gale?" Hinila ko sya sa isang tabi. May dala kaming pareho ng flashlight. At kita ko sa sinag nung flashlight... namamasa na yung mukha nya kakaiyak.

"Kase naman.. *sniff* kapag may nangyaring masama kay Femi *sniff*" Yumakap sya sa 'kin at umiyak ng umiyak. Hindi halata sa kanya pero mahal na mahal nya si Femi. Nag-iisang babae kase sya sa kanila at hindi nya naranasan yung feeling ng sisterly love.

Nung college kami wala syang kaibigang babae maliban kay Femi. Everyone else either envies her or hates her. Si Femi lang... si Femi lang yung tumagal sa tabi nya. Kaya hindi na nakakapagtakang napamahal din si Femi sa kanya..

"Sssh... it'll be alright. We'll find Femi... promise."

*Toby*

Umaygulay... ito pala yung bangin na sinasabi ni Author? Nakakatakot nga! Tss... Kanina sobrang kaba ko nung akala ko sala yung tapak ko! Konting mali lang... shoot na 'ko sa kawalan. Tinanlawan ko ng phone ko yung tubig pero hindi ko makita ng maayos. Yung ingay lang nung hampas ng alon ang parang palatandaan na nasa bangin nga ako.

O_O

May humahagulhol?

"Femi?"

Biglang tumigil sa pag-iyak yung umiiyak kanina.

"R-Rico?"

Shit si Femi nga!

"Dyan ka lang ah! 'Wag kang gagalaw, pupuntahan kita!"

Ang tanong... hindi kaya ako naman ang mahulog nito? Haaay... bahala na.

*Rico*

Wala! Hindi talaga namin makita si Femi. We looked all over the place! Minus pala yung mga hindi na naiilawan ng poste. Eh kase ako na yung nagpilit na huwag kaming pumunta dun. Okay lang sana kung ako lang. Eh kasama si Gale... mamaya kung mapano pa sya... mas ayoko namang mangyari yun...

Saka takot si Femi sa dilim. Hindi yung pupunta sa madidilim na lugar. Sana.

Bumalik na kami dito sa tapat ng bahay. Nandito na rin sila. Si Toby lang ang wala pa. Humiwalay daw kay biep kanina eh...

Kanina pa hindi mapakali 'tong si Gale. Tsk. Alalang alala talaga sya. Sana walang nangyaring masama kay Femi...

"FEMI!"

"Toby!"

Napalingon kami.

Nakita kong naglalakad palapit sina Femi at Toby. Nakaakbay si Toby kay Femi na para bang inaalo nya ito. Si Femi naman, mugtong mugto ang mata habang yakap yakap ang sarili.

"Femi!"

Tumakbo si Gale papunta sa kanila and hugged Femi. Umiiyak na naman sya. Parang nakahinga ako bigla ng maluwag. Hindi ko pansin... kanina pa pala ako nagpipigil ng hininga.

Tapos nakita kong tumingin sa 'kin si Femi. Bigla syang kumawala sa yakap ni Gale at tumakbo—papunta sa 'kin. Tapos bigla syang yumakap. Nagulat kami lahat syempre. Pero nung humagulhol na naman si Femi... parang hindi ko na pinansin yung mga malisyosa nilang tingin. Hinagod-hagod ko na lang ang likod nya.

Pinipilit syang patahanin.

*Gale*

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis sa ginawa ni Femi. But I set that aside. Ang mahalaga... ligtas sya.

Kaya kahit nung mag-request sya na dun muna matulog sa katabi ni Rico... hindi na 'ko tumanggi. Pero ewan ko ba... kinakabahan ako.

Para bang...

Aish. Hindi naman siguro. Masyado lang akong paranoid. Isa pa... mahal ako ni Rico. I don't have to worry.

Right?

Or should I worry?

After all...

Mahal nya si Rico.

Pero di ba hindi nya naman aagawin si Rico sa 'kin?

Haha... bigla akong natawa sa sarili ko. Naging possessive ata ako bigla? Dati naman kung ipagtulakan ko si Rico eh... Pero iba na kase ngayon. Saka iba ding usapan kapag si Femi.

Kase matagal ko ng alam na gusto nya si Rico. Saka... Saka baka pagdating kay Femi, baka magawa ko yung isang bagay na never ko pa ginawa sa tanambuhay ko.

Ang magparaya....

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro