IJL (Boy Talk)
bata,... eto yung sinasabi kong dedicated sau. sana mabasa mo. *u*
--
*Rico*
Why does love always feel like a battlefield?
I don't listen to Jordin Sparks very often but when I do—tinatamaan ako. -.-
Bakit nga ba kapag nagmamahal ka, para kang sasabak sa gera? Hindi ba pwedeng madalian lang yun? Walang masyadong challenge? Kumukunot ang gwapo kong mukha sa tuwing napapaisip ako ng tungkol sa pag-i-pag-ibig na yan.
"Pre."
"Bakit tol?"
Naupo si Toby sa tabi ko. Nasa terrace kase ako. Alas-sais ng umaga. Tulog pa si Femi. Salamat naman...
"Musta?"
Napabuntong-hininga na lang ako bilang sagot. Kumusta ako? Eto... nasasakal sa taong hindi ko mahal.
"Mukhang ang lalim ng pinaghugutan mo nun ah."
"Oo nga eh. Ang hirap tol. Ayoko ng maging gwapo!" Toby chuckled. Aminado naman ako. Sa aming dalawa, ako ang mas makapal ang mukha.
"Musta na kayo ni Femi? Kinukulit ka pa ba?"
"Oo eh. Grabe pare... nakakasakal na! Kung hindi ko nga lang sya best friend eh..." Sinadya kong mag-trail off na lang ang boses ko. Naalala kong may best friend nga pala si Toby at yung best friend nyang yun ay inlove din sa 'kin. Haaay...
Ang gwapo ko naman! Kasakit sa ulo!
"Kayo tol?" Tanong ko sa kanya. Napabuntong-hininga din sya. Ako lang ba ang nakakapansin o pansin nyo din? Bakit parang kaming dalawa eh hirap na hirap dahil sa mga babae na yan? Kung kami na lang kaya noh?
WHAHAHAHA!
Joke lang girls. Don't cry.
Sayang ang kagwapuhan namin kung sosolohin lang namin di ba?
"Eto—ewan ko pre. Di na yata kami magkakaayos."
I patted his back. "Okay lang yan pre... maayos din ang lahat."
"Sana nga pre."
Katahimikan.
Nakatanaw na lang kami pareho sa dagat. Ang sarap mag-swimming sana kaso sabi ni Author ang dami daw pating dun eh. Baka kahit sa babaw meron. Haha..
"Morning Rico!" I received a kiss on the cheek from Femi.
"Morning." Naubos na lahat ng goodness sa umaga. Gising na sya. -.- Sumingit sya sa gitna namin ni Toby.
"Morning Toby." Bati nya.
"Morning din."
"So... ano'ng meron guys? Mukhang immersed na immersed kayo sa usapan ah..." Nagpalipat-lipat ang tingin nya sa 'ming dalawa ni Toby.
"Pinag-uusapan namin ang complications ng pag-ibig. Gusto mong sumali?" Sagot ni Toby.
"Yeah sure." She readily answered.
Napabuntong-hininga na naman ako. Konting-konti na lang talaga, mauutas na ako sa kabubuntong-hininga...
"Bakit ganun ano? Yung taong habol ng habol sa 'tin eh yung mga hindi natin gusto. Tapos yung hinahabol natin, hindi naman tayo ang gusto..."
Gusto kong matawa sa panimula ni Toby. Haha... ayos pre.
"Sa simula lang naman yan eh. If you give up too soon, maaaring hindi mo na talaga makuha yung taong gusto mo. And for that someone na hindi mo gusto pero habol ng habol sa 'yo... well, maybe you should give him or her a chance. Malay mo naman di ba?" She replied while looking at me, her smile is pasted on her face.
"Yeah but why does it have to be like that? Hindi ba pwedeng he loves her, she loves him, end of story na lang? Wala ng complications?" Pabalik kong tanong sa kanya.
"You'll never know the worth of something if you got it so easily." Nakangiti pa rin nyang sagot.
"Femi... when will you stop?" Narinig kong tanong ni Toby.
"What do you mean Toby?" She asked innocently.
"You know what I mean. Nakakasakit ka na. Tama na..."
"So ganun na lang yun? Sila bawal masaktan pero kapag ako okay lang? Wag naman sanang ganun ka-unfair palagi."
"Femi. Hindi ka ba nasasaktan sa ginagawa mo? Sumasaya ka ba knowing na nakakasakit ka na nga, nasasaktan ka pa rin?"
"Who says I'm hurting?"
Come on. Magsisinungaling ka pa talaga? I wanna ask her. Pero naunahan ako ni Toby.
"Bullshit. Tingin mo maniniwala akong okay ka lang?"
"I didn't ask you to believe me Toby."
"But do you think you're doing the right thing?" I asked her.
"There is no right or wrong in love Rico. There's just love." She answered. Punyemas. Debator ba 'to at ang galing makipagtalo?
"Konsensya mo na lang..." Narinig kong sabi ni Toby.
Katahimikan.
"Rico, do you want some breakfast? Wait ka lang ah... I'll cook something." She said then left.
"Haaay... ang tigas ng ulo." Sabi ni Toby ng makaalis si Femi.
"I never thought she'd be this stubborn." Never. As in, kung hindi siguro kami nagkita-kita... hindi ko pa malalamang may ganyan syang ugali. Stubborn. A pain sometimes. Minsan sumusobra na.
"I can't blame her fully though. Nagmamahal lang sya."
"Pero porket nagmamahal ba, kailangang palaging pinagbibigyan? Kung ganyan lang sana ang dahilan ng mga tao eh di sana wala ng mistress ngayon. Wala ng adulterer. Wala ng forbidden love..."
"Yun na nga eh. Sana kase kapag nagmamahal tayo, tayo rin yung mahal ng taong mahal natin. Sana alam na natin kung sino ang dapat at hindi dapat na mahalin."
Napatango ako sa sinabi nya.
"Pero tol, walang thrill ang buhay kung ganun."
"Bakit pare? Gusto mo ng thrill? Ayan, magtiis ka." Nakangiti nyang sabi.
"Leche pare. Magki-cliff diving na lang ako kesa ganito."
Katahimikan.
Tumataas na ang araw. Wala pa rin yata kaming balak tumayo. Sana ganito na lang muna kami. Walang mga babaeng nakikita.
Nakakasakit sila ng ulo.
"Pansin mo pre, ngayon lang ata tayo nagkausap sa buong kwento noh?"
Eh?
"Haha... oo nga noh?"
"Nice talking to you pre." Natatawa nyang sabi sabay nakipag-shake hands sa 'kin.
"Same to you pre."
"Sana sa muling pag-uusap natin, ayos na lahat."
"Sana nga tol."
Nagbitiw na kami at humarap ulit sa araw. Malapit ng mainitan yung pwesto namin.
"Good morning guys."
Napalingon ako bigla ng marinig ko ang boses ng mahal ko. A smile automatically formed on my lips.
"Morning Gale."
"Morning." Pero matabang ang sagot nya. Tapos tumingin sya kay Toby and I wanna punch this guy on my right when she smiled at him.
"Morning Toby."
"Morning Gale."
Her gaze shifted to me again and her expression became bland.
"Pinapatawag ka ni Femi. Your breakfast is waiting on the table." Sabi nya saka umalis.
Bahagyang tumawa si Toby. And I swear nagpipigil na lang talaga ang kamao ko. He hasn't done anything to me directly but seeing her smile at him and not at me, nagagalit ako sa kanya...
"Ang labo talaga ng mga babae." Naiiling nyang sabi.
"Sinabi mo pa."
At sabay kaming napabuntong-hininga.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro