Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

IJL (Bonus Chapter: The Proposal)

Blessie.... I'm so happy na umabot ako. This is for you. Happy birthday! <3 (PS. Ang fail ko lang... feeling ko 26 ngayon. Hahahaha.... anyway...)


--



*Rico*

 

Matagal ko nang pinag-isipan 'tong gagawin ko eh. Nakadagdag pa sa kagustuhan kong pakasalan sya nung nagpunta ako sa bahay nila.

They thought I was Toby. -_-

Well... technically, akala nila ay si Toby ang iuuwi ng mahal ko. Mukhang gulat na gulat pa ang parents nya pagkakita sa 'kin.

Nakita ko na rin yung napakaraming pictures ni Toby na pinilit nilang itago. Eh nung paakyat kami ng kwarto ni Gale (at wala po kaming ginawang kababalaghan), nadaanan namin yung isang room dun na bukas ang ilaw at nakaawang ang pinto.

Ayun... nakita ko yugn pictures ni Toby.

Ang sakit! TT^TT

Alam ko namang past na yun eh kaso... hindi ko pa rin maalis sa isip ko na sya yung minahal ng mahal ko for 6 years. Imagine that?

Six years!

Kalahating dekada din yun... ang tagal.

Kaya bago pa man sya magbago ng isip tungkol sa 'kin, itatali ko na sya sa 'kin. Hehe...

So eto nga, I'm on my way sa mall ni Author na talagang pinaayos pa nya para sa gagawin kong proposal. Ang lakas ko talaga dun noh? Wala eh... gwapo ako. Haha...

Wag nang magreklamo... kinakabahan kase ako. Pampabawas lang ng kaba.

Saka gwapo naman talaga ako. ^^v

--

After I've parked my car, naglakad na ako sa supposedly ay meeting place namin. Akala nya kase, ordinaryong date lang 'to. Ayoko naman kaseng sabihin sa kanya na magpo-propose ako kase baka matakot sya at mag-back out.

Natatakot akong mangyari yun. Baka mabaliw ako...

As I was walking, may narinig akong tumawag sa pangalan ko. I looked around and saw a bunch of girls giggling. Nakatingin silang lahat sa 'kin...

And you know what? Hindi ko na ikikwento ang mga napag-usapan namin dahil tamad si Author. Sabi nya pumunta na daw tayo sa proposal.

And by the way, if you want to read about that meetup... may one-shot naman about that... Meeting Rico (that's me!) ang title. May gagawan pa kaseng UD si Author kaya nagmamadali. Haha...

At ako talaga ang spokesperson noh? Di bale... sponsor ko naman sya sa proposal ko kaya okay lang. :)

So after the meetup, I asked the girls for help. May number kase akong inihanda para sa mahal ko. Simpleng flash mob lang. She's fascinated with those kase at feeling ko, kung ganun ang gagawin ko eh maku-compel sya na sagutin ako.

Sana.

A choreographer taught them the step to our little dance number. To the tune of LALA by The Cab. Kase alam nyo ba? Kuhang-kuha nun yung nararamdaman ko tuwing kasama ko sya.

Come feel my heart,

it's beating like a drum

And I confess

When you're around

It's like an army's

Marchin' through my chest

 

See? Lyrics pa lang ng kanta saktong-sakto na sa 'kin. My heart always beats faster and slower at the same time. How's that possible? Ewan ko rin. Basta ganun ako kapag malapit sya.

Tapos ngingiti pa yan...

Imagine when we kiss... para na akong hihimatayin. Paano pa kaya kung...

Ikasal kami?

O bakit? Ano ba'ng nasa isip mo? Hahaha... 'wag munang ganun. Darating din tayo dyan. Hindi naman ako nagmamadali for I know that she'll be worth the wait.

Okay... so ano pa ba? Ready na rin yung cardboards na may nakasulat. Pati yung singsing—wait—where's the ring?!

"Kuya Rico!" patakbong lumapit sa 'kin si Blessie dala-dala ang isang tarheta. Aish Rico... singsing nga ang importante kung saan-saan mo lang iniiwanan?

 

"Blessie!" Bilang pasasalamat, niyakap ko sya. "Thank you!"

Namula ang bata. "O-Okay lang po kuya. Eto po oh..."

"Thank you talaga! And happy birthday na rin."

Nagulat sya sa sinabi ko. Then she started squealing. "Kuya!! Bakit alam mo na birthday ko ngayon?!"

Napakamot ako ng ulo. Eh pano'ng hindi ko malalaman eh kanina pa pinapaalala sa 'kin ni Author na birthday nya? Haha... makailang text na nga yun na yun lang ang sinasabi.

"Sinabi sa 'kin ni Author."

"Eeee... si Author talaga. Thanks kuya!"

I just smiled. Teka... ano na bang oras na? I looked at my phone. Kase yung relo ko pamporma lang. Sakto tumatawag si mahal.

Agad kong sinagot yun.

"Mahal! Nasan ka na?"

"Nandito na. Teka, asan ka ba ha? Akala ko ba aantayin mo 'ko sa entrance?"

 

"Eh sorry mahal. Change of plans. Punta ka na lang sa gitna ng mall. Alam mo naman yun di ba? Yung may round ceiling."

"Tsk. Hindi mo na nga ako sinundo tapos papaglakarin mo pa ako?"

 

"Sorry na... babawi naman ako eh."

"Yeah you better."

 

Napangiti ako. "Sige. See you. I love you mahal..."

"Hmp. I love you too."

 

Ayan... inspired na naman ako. Sana talaga umayon lahat sa plano...

*Gale*

Ano na naman kayang kaartehan ng lalaking yun at talagang ako pa ang kelangang sumalubong sa kanya?

Tsk. Kung di ko lang sya mahal...

Kahit pa mahirap maglakad sa madulas na floor ng mall with my heels on eh naglakad pa ako ng pagkalayo-layo para lang mapuntahan sya.

Tapos pagdating ko, hindi ko naman sya makita. Asar! Ang dami kaseng tao! Eh malamang noh? Mall kaya 'to. Pero kahit na. Bakit kase hindi pa kami sa restaurant mag-date? Talagang sa mall?

Pinagtitinginan tuloy ako. Ano ba naman 'tong mga taong 'to... di sanay makakita ng maganda.

Mas maganda sana ako kung may katabi akong gwapo eh. Nasan na ba kase yun?

Come feel my heart...

 

There's this song again. Ugh. Fave ni Rico yan eh. Palagi nyang kinakanta sa 'kin yan. Okay naman yung song... I mean—kapag yung mismong band yung kumakanta. Ang tendency kase eh ma-murder ni Rico yung kanta.

Haha... I'm so bad...

Speaking of... nasan na ba kase ang lalaking yun?

I took out my phone and dialled his number. Nang may biglang humablot ng phone ko!

"Hoy—" at sa di ko malamang dahilan... nagsimulang sumayaw yung guy. Tapos nagsimula na ring magsayaw yung iba.

Ano ba 'to?

Eeee... flash mob?!

Ang swerte ko naman! I've been wanting to be in one. Kaso dapat alam ko yung step... ayan—parang itinuturo na ng nila. Nakakahiya... pagsayawin ba 'ko?

Pero keri lang, magaling naman akong sumayaw.

Halos lahat na ng mga tao sumasayaw. At yung cellphone ko... hindi ko na alam kung san napunta. -_-

Muntik na 'kong mapasigaw sa gulat ng mamatay lahat ng ilaw. Dere-deretso pa rin ang kanta sa background at nagsasayaw pa rin yung mga tao. Napatabi na lang ako kase nababangga ako nung iba.

Then there comes these two spotlights. Yung isa, tumutok sa 'kin. Tapos yung isa sa taas.

O.O

Teka si Rico yun ah? And walanyang yun! Sya kaya may pakulo nito? Aww... hindi ko naman birthday ah? Di din namin monthsary... ano'ng meron? Trip trip nya lang?

Pero kung ano man yung dahilan nya, isa lang ang masasabi ko.

Lalo ko syang mamahalin dahil dito.

Effort kung effort eh!

The lights opened one by one and I saw his face clearly. Nakangiti sya sa 'kin at feel na feel ang pagsayaw. Bawing-bawi na sa moves nya yung hindi kagandahan nyang boses.

Ang galing nya kaseng sumayaw.

Kakainlove.  ^^

After the dance, bumaba sya sa first floor to meet me. Pinaikutan pa kami nung mga nag-flash mob kanina. Wow ha... mga tsismoso/tsismosa lang?

"Ano na namang pakulo 'to ha Enrico?"

He smiled at me. "Wala naman Corrine Gale... bakit?"

"Wala lang din. Magkano nagastos mo?"

Tumawa sya bigla. "Secret."

"Psh. Baka nagastos mo na lahat ng savings mo ha."

"Hindi ah. Para kaya sa kasal natin yun," sagot nya.

"Sus. Kasal your face." Pero kinikilig naman si ako. Haaay nako.

He looked around. I followed his gaze. Nine girls encircled us. May hawak silang cardboards. Yung nasa kaliwa ni Rico ang nag-flip.

WILL

Then the next...

YOU

And the third said...

BE

The fourth...

MY

Fifth...

MRS.

Oh God...

NIŃO

This can't be...

ENRICO

Is he—

GUTIERREZ

? :)

 

Napatingin ako sa kanya at napailing... Hindi naman sa ayaw ko pero...

"Rico..."

"Alam kong wala pang 3 months since naging tayo... but I've been loving you for six years and I'm sure na ikaw na ang gusto kong makasama habang buhay... Gale—"

Lumuhod sya sa harap ko.

"Will you marry me?"

I stopped myself from crying.

"No..." sagot ko.

Nahulog ang panga nya. Pati balikat. Lungkot na lungkot.

"Eh kase naman, bawal pa akong ikasal hanggat hindi kinakasal si kuya. Family tradition kase eh. Oldest first. Sorry... Hindi naman ibig sabihin na ayoko. It just that—hindi pa pwede..."

"I understand."

Malungkot pa rin sya. :(

"But I'll take the ring," mabilis kong bawi. "Willing ka bang maghintay mahal?"

He sighed. "Nahintay nga kita ng six years eh."

He stood up saka isinuot ang singsing sa 'kin.

"Just so you know... if my parents would agree, I'd readily say yes to you."

Ngumiti sya kahit pilit. "Thank you."

Yumakap ako sa kanya. "No. Thank YOU. I've never felt so loved..."

"Sana 'wag tumagal ng six years bago ikasal ang kuya mo." Malungkot nyang sabi.

I smiled at him. "Yaan mo... gagawan natin ng paraan. Kahit ipapikot ko pa si kuya, makasal lang sya agad."

He kissed me on the lips. "Pasaway ka mahal. Kaya mahal kita eh..."

"Alam ko..."

Kinikilig naman sila sa 'min. Hahaha... ang daming witness!

"There's another problem though..." I said to him.

"Ano?"

"How will we tell Femi?"

xxxx

AN: Ganto talaga ang format nito. I don't want my story to appear inconsistent so don't bash the emoticons and childish format. Nasimulan ko na eh... panindigan na. :)


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro