IJLA 22 - At Last
Masyadong matarik ang hagdan sa labas ng bahay. The house was built on a hill, much like most of the houses in Baguio. Many of which have steep steps. May labinlimang baitang ang hagdanan ng bahay nina Ken. May railings at hagdan-hagdang taniman sa tigkabila noon.
Ken told her that a neighbor takes care of the plants all year long. May gulayan din sa likod-bahay. Nililinis din daw ang buong bahay at least twice a month.
"Walang bayad?" tanong niya sa asawa.
Ken shrugged. "Money doesn't really matter to them. Pero sila yung umaani ng mga gulay namin. Saka naibebenta rin nila yung mga bulaklak. Sa kanila ang kita."
She sighed. "Parang ang sarap tumira rito, 'no?"
"Lamigin ka kaya," he pointed out.
"Alam ko. Gusto ko namang palaging balot na balot kaya okay lang."
"As long as you'll wear less clothes at night, it's fine by me."
Pinandilatan niya ito. He's been hinting since yesterday, but getting no action, since hanggang gabi silang gumala. Pag-uwi nila ng bahay, nakatulog agad siya dahil sa sobrang pagod.
Ngayon ay plano nilang pumunta sa Camp John Hay pagkatapos ay gagala sila sa Session Road. She didn't really know kung anu-anong lugar ang magkakatabi. But Ken's not complaining. Kahit kahapon ay dulo-dulo ng Baguio ang pinuntahan nila.
"Come on, Ahn, it's not that high."
Inilahad ni Ken ang kamay nito sa kanya. He's a few steps below her. Inabot niya ang kamay nito at saka siya dahan-dahang bumaba ng hagdan. Hindi naman siya takot sa matataas na lugar pero iba ang pakiramdam niya sa matatarik na hagdan. It's the reason why she prefers to watch concerts in Araneta than in MOA. Nalulula siya.
"Ikaw kaya ang unang bumaba, aalalayan kita."
Tumango siya at bumaba ng ilang baitang. She felt his hands on her shoulders.
"Baka naman itulak mo 'ko ha."
He chuckled. "Bakit naman kita itutulak?"
"Malay ko ba kung may galit ka pa sa 'kin."
Lumipat si Ken sa unahan niya. They're already halfway the stairs.
"Do you feel better na ako ang nasa unahan? You can push me anytime," nakangiti nitong sabi.
She smiled and tousled his hair. Saka siya kumapit sa balikat nito at sumunod sa pagbaba ng hagdan. They took a taxi to the camp. It is a popular destination, kaya hindi kataka-takang maraming sa camp nang dumating sila. May mga tent na naka set up sa parang. May mga naglalaro ng Frisbee at may nagpi-picnic.
Ken took out a blanket from his bag and laid it on the grass. Naupo sila doon. She leaned on Ken.
"Dumayo lang ba tayo ng upo rito?" tanong nito sa kanya.
"Hindi." She wrapped her arms around him. "I just want to be with you like this."
"Like what?"
"Like this. Outside. Surrounded by people. PDA."
Tumawa si Ken. "PDA?"
"Yeah. Kasi dati, kapag ganito tayo, ibig sabihin nagpi-pretend lang tayo."
"I wasn't pretending back then, just when we're alone. I was pretending that I don't love you," he said. He kissed the top of her head.
"I was doing the same thing. I guess we're both stupid, huh?"
Kinuha nito ang kamay niya. "Let's take a walk."
Tumayo siya at tiniklop ang blanket. Saka niya iyon ibinalik sa bag na nakasabit sa balikat ni Ken. They trekked the woods near the clearing. Halos puro pine trees ang nasa paligid.
"Where are we going?" she asked.
"I don't know. Let's just walk."
--
"What are you cooking?" Hans asked. He circled his arms around her waist. Kasalukuyang nagluluto si Iya ng lunch nang dumating si Hans. She's not feeling well that day so she took the day off. Pero nang magtatanghali na ay umayos na uli ang pakiramdam niya. Yun nga lang, tinatamad na siyang pumasok.
Umuwi si Hans para mananghalian.
"Fried chicken. This will be done in a few minutes," sabi niya sa asawa.
"Okay. I'll just wait here." Humalik ito sa pisngi niya at saka naupo sa may lamesa habang naghahain ang mga katulong.
Agad siyang naghiwalay ng leg parts pagkaluto ng manok. She left the breasts and wings to Hans. She then removed the chicken skin like she always do and set it aside.
"I'll take those." Kinuha ni Hans yung mga balat ng manok. She slapped his hand.
"Kakainin ko 'yan."
His eyes widened. "Akala ko ba ayaw mo ng balat ng manok?"
"Ayoko nga."
"O, yun naman pala e."
"I'd still eat it."
Ibinalik niya sa sariling plato ang balat ng manok na kinuha ni Hans saka niya iyon unang kinain. Napangiwi siya sa lasa.
"Tastes like salty cardboard."
"Then don't eat it."
She wrinkled her nose. "I like it. It's crunchy."
"Sabi mo ayaw mo?"
"Ayaw ko ng lasa pero gusto ko ng texture."
"You're weirding me out," he told her. He has this peculiar expression on his face. "What's wrong with you?"
She smiled sheepishly. "Hulaan mo."
Hans laughed. "Just let me eat first."
--
Theyspent the whole afternoon playing Frisbee and badminton with the other tourists in the camp. Ni hindi man lang siya pinawis. Si Ken naka-t-shirt na lang habang sya naka-sweater pa rin.
After the tiring stint, nagpunta naman sila sa isang sikat na museum. Wala pa silang isang oras doon dahil maaga iyong nagsasara. Then they went home for dinner.
"Ano'ng lulutuin ko?" tanong ni Ken sa kanya.
"Gusto ko ng nilaga." Pati yata bituka niya nilalamig dahil sa klima sa Baguio. "Yung may mais."
Ken nodded. Lumayo siya nang buksan nito ang maliit na ref na puro karne at isda ang laman.
"Wala tayong mais," sabi nito maya-maya. "Hihingi lang ako sa kapitbahay."
Lumabas si Ken saglit. Pagbalik nito, may dala-dala na itong tatlong mais at isang buong repolyo.
"Nilalagyan ba ng repolyo ang nilaga?" tanong niya.
"Pwede rin. But we won't be using the cabbage. Ipinahingi lang din sa 'kin 'yan."
He set all the ingredients on the table. She decided to help. Wala rin naman siyang ibang gagawin. He made her peel the potatoes while he cook the beef. He used the pressure cooker pero mukhang matatagalan pa rin bago sila makakain.
"Gusto mo ng dessert?"
Agad siyang tumango. "Anong dessert?"
"Lava cake."
"May ingredients ka rito for that?" taka niyang tanong.
"My dad's a chef," he answered as a matter of factly.
Kumpleto ang ingredients para sa lava cake. It's as if Ken's really intending to make it. Tumulong siya sa pagtutunaw ng dark and milk chocolates. Ken pre-heated the oven and mixed the ingredients. Then he asked her to pour the micture on the custard cups.
"How much?" she asked.
"Just over a half."
She nodded and did things as he instructed. He then put the baking sheet with the custard cups on in the oven.
"After fifteen minutes, okay na 'yan."
Pagkaluto ng nilaga ay kumain na rin sila at nagtulong sa paghuhugas ng pinggan.
"Ken, let's live here."
Tumigil ito sa pagsasabon ng pinagkainan (na nakababad sa maligamgam na tubig) at kunot-noong tumingin sa kanya.
"Seryoso ka?"
"Oo. Gusto ko talaga rito."
"What about our jobs, Ahn? Saka mapapalayo tayo sa kanila. Okay lang yun sa'yo?"
She sighed. "You're right. Kalimutan mo na lang yung sinabi ko."
"Pero kung gusto mo naman talaga, okay lang sa'kin," bawi nito. "Ikaw lang naman ang inaalala ko e. Baka ma-miss mo yung mga kaibigan mo dun."
"I have no friends, Ken," malungkot niyang sabi. "I lost them 3 years ago."
"Ahn..." Kinabig siya nito at niyakap. "I'm sorry."
She wrapped her arms around him. "Okay lang. At least I have you."
He kissed the top of her head. "Gusto mo bang kausapin ko si Iya?"
Umiling siya. "Huwag na. Baka lalo lang syang magalit sa'yo."
Simula nang ikasal sila ni Ken, nagalit na rin si Iya sa kakambal nito. Minsanan na nga lang silang magkita, hindi pa sila nagpapansinan. Madalas siyang makonsensya dahil doon. Para kasing lahat ng magandang relasyon, sinira niya.
--
"Hans."
Niyugyog ni Iya ang asawa. Tulog na tulog na ito.
"Hans!"
Umungot ito. "Ano?"
"Gusto ko ng dragonfruit."
Nagpungas-pungas si Hans ng mata. She turned on the lamp on the bedside table and sat upright.
"What?" lito nitong tanong. Mukhang tulog pa rin ang diwa nito.
"Dragonfruit," pag-uulit niya. "Gusto kong kumain ng dragonfruit."
"Iya, it's past midnight. Hindi ba pwedeng mamaya na lang, kapag nakasikat na ang araw? Ibibili kita kahit sampung kilong dragonfruit pa."
"Gusto ko ngayon na. Lipas na ang pagki-crave ko dun kapag mamaya pa e."
She squinted her eyes. Napasapo naman si Hans, still clueless.
"Kung lilipas din naman pala 'yang craving mo, e di mabuti. Next time, crave for something in the fridge."
Humiga itong muli saka nagtalukbong ng kumot. She rolled her eyes and sighed. Hindi naman talaga siya nagki-crave sa dragonfruit. Hindi na siya nano-normalan sa pagbubuntis niya. Bukod sa madaliang pagsama ng pakiramdam niya kahapon ng umaga, wala na siyang kakaibang naramdaman.
"You know why I have cravings?" pabulong niyang tanong. Hans didn't answer. Mukhang nakatulog na ulit ito. "I'm pregnant, you dummy. I'm finally pregnant and you still have no clue."
Naiiling niyang pinatay ang ilaw ng lampshade at saka siya nahiga.
Kapipikit pa lamang niya nang gumalaw si Hans. Nagkaroon ulit ng kaunting liwanag ang kwarto nang buksan nito ang lampshade on his side. He was gaping. Mukhang nawala ang antok nito.
"What? Buntis ka?!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro