Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

IJLA 21 - Sooner, Later

Iya was so excited to see Hans. She's an hour early at the airport. Kanina pa siya aligaga. She wished she had someone with her, pero wala si Aubrey, nasa Canada. Si Rica, may trabaho. Si Abby, nag-aaral pa rin hanggang ngayon. Hindi nga niya alam kung paano pa nagkakaroon ng time ang kaibigan niya para kay Zanjo. Aral kasi ito nang aral. Abby actually brought an academic book once, during their date.

Zanjo had been very patient and understanding with her though. Hindi niya inakalang may ganoon palang traits ang kaibigan niya. He's really matured a lot. Unfortunately, she couldn't say the same about JL. Simula nang mangibang-bansa ito ay masyado na itong naging liberal.

Napahawak siya sa tiyan niya. She wished there's someone here with her so she could not get bored waiting. Pero mabuti na rin sigurong mag-isa siya. She wanted to tell Hans about the news first. Saka na niya sasabihin sa parents niya ang tungkol sa baby.

Ano ba yan, nagugutom na naman ako! Napabuntong-hininga siya. She's not exactly craving for anything. Hindi rin siya pihikan sa pagkain. Basta ngayon, gusto lang niyang kumain dahil nagugutom siya. She told the driver to wait for Hans while she search the nearby area for restaurants.

Pero nang nakakita naman siya, hindi niya gusto ang mga pagkaing nasa menu. Nagpagala-gala siya until she came about this one store na nagtitinda ng desserts. Tuwang-tuwa siya nang makakita ng chocolate muffins at smores sandwiches.

She bought a pack each which contains 6 pieces. Bumili rin siya ng chocolate truffles at shortcakes. She ordered them to go, but she also bought something to eat. A lava cake. Animo'y bata siyang non lang nakakain ng lava cake. She almost squealed when the molten chocolate oozed out of the cake.

Tapos na siyang kumain at naghihintay na lang ng bill nang tumawag sa kanya si Hans. Nakababa na pala ito ng eroplano at hinahanap siya. Ni hindi niya namalayan ang oras dahil kanina pa siya paikot-ikot sa paghahanap ng pagkain.

Pagkarating ng bill ay agad siyang kumuha ng isang libo mula sa purse niya at inilapag iyon sa mesa. Hindi na niya pinasuklian dahil nagmamadali siya. Ang dami pala niyang napamili. Aakalaing siya ang dumating dahil sa mga bitbit niya.

When she came back, nasa tapat na ng kotse si Hans. His bags were already in the trunk of the car. Siya na lamang ang hinihintay. When he saw her, he immediately opened his arms. Patakbo siyang yumakap dito.

"Hey!" salubong niya.

"Hey yourself." He kissed her. "I missed you."

"I missed you too."

"Where have you been?"

Itinaas niya ang mga pinamili. "I was hungry so..."

He raised an eyebrow but didn't say anything. Pagkasakay nila ng kotse ay agad itong sumandal sa kanya at pumikit.

"Tired?" she asked.

"Nag-meeting pa kasi kami kanina bago ako umalis. Wala pa akong tulog."

She wanted to tell him the good news pero mukhang worn out na ito. So she let him rest first. Mamaya na lang niya sasabihin kapag nasa bahay na sila.

--

Sinundo si Ahn ni Ken after work. They need to buy some stuff for Baguio. Aalis sila sa Biyernes ng gabi para mahaba-haba ang bakasyon nila. Hanggang Linggo sila doon, next week.

"Would you also consider buying lingerie?"

"H-Ha?"

He smirked. "Ahn, it's our honeymoon. I think it would be appropriate."

"Ano ka ba! Ang lamig kaya sa Baguio!"

Kaya nga gusto niyang mag-Baguio, to pile clothes on. Mas gusto niyang balot na balot kaysa sa naka-bikini lang at nakababad sa init ng araw.

Ngumuso si Ken. "Pero honeymoon natin..."

"Ayoko."

His face fell. "Ahn..."

"Kung gusto mo ng lingerie, ikaw na lang ang mag-Baguio."

She started walking away. Heto na naman kasi. Pini-pressure na naman siya. If she's confident enough to wear lingerie, then she'll wear one. Yung pagdi-dress nga, it took her 22 years to finally have the guts to take initiative. What more sa pagsusuot ng lingerie?

"Ahn!" habol nito. He immediately caught up to her. "Uy, sorry. Hindi na kita pipilitin."

"Hindi naman kasi ako ganoon ka-confident sa katawan ko," sabi niya rito.

"Well, you should be. Have you seen yourself in the mirror?"

Pinamulahan siya sa sinabi nito. "B-Basta. Ayoko."

He sighed. "Okay. I'll respect that. Basta tuloy tayo ha?"

"Oo, tuloy tayo."

--

Ipinagluto ni Iya si Hans ng dinner dahil tulog pa rin ito. He's been asleep for four hours already. Pinuntahan niya ito sa kwarto para gisingin, but he's already awake. He was sitting upright against the headboard when she walked in.

"Had a good sleep?" she asked.

Humikab lang ito bilang sagot.

"Dinner's ready."

"I'll be right there," sabi nito sa kanya.

Bumaba siya sa kusina kung saan naghahanda na ng lamesa ang mga katulong. She wasn't exactly keen on having maids because she was raised without one, but Hans insisted. Siguro kapag nalaman nitong buntis siya, baka magdagdag pa ito ng ilan kahit hindi na kailangan.

She was about to tell him during dinner, pero panay kwento naman ito ng mga nangyari rito sa Hongkong. He droned about his endless meetings.

Pagkatapos nilang mag-dinner, ipinakita naman nito sa kanya ang mga binili nitong pasalubong. Napu-frustrate na siya dahil hindi siya makasingit.

Nang matutulog na sila, siya naman ang pinagkwento nito. Magkwento raw siya ng mga pinaggagawa niya since he flew to HK. So she started telling him stories about that day. She didn't hold back with the details. Kaya naman nang nasa parte na siya na nagpunta siya sa doktor, nakatulog na ito.

"Hans?" Tinapik niya ito ng mahina sa pinsgi. Napabuntong-hininga siya. Sasabihin na lang siguro niya paggising nito sa umaga.

Yumakap siya rito and planted a kiss on his chin. "Your baby says good night," bulong niya.

--

Ken and Ahn took the bus to Baguio. Naka-simpleng sweatshirts lang silang dalawa pero may nakalabas na silang jackets para mamaya. Alas onse na ng gabi nang magpunta sila sa terminal. Pinilit ni Ahn na mag-bus na lang sila instead na magdala ng sasakyan para raw sa experience. Before he went to Canada, halos taon-taon silang pamilya sa Baguio tuwing summer.

Kaya medyo sawa na rin siya sa lugar. Palagi kasi sila roon. Sa vacation house ng pamilya nila sila tutuloy. His parents were eager to lend them the house for their honeymoon.

"Pagbalik ninyo, dapat may apo na kami ha!" paalala sa kanya ng daddy niya. Umaasa rin siya na sana ay ganoon nga. It would have been more perfect. Okay na sila ni Ahn ngayon. And if he could ask for more, he would ask for a child. Their child.

Nasa Tarlac pa lang sila ay nag-jacket na ito. Lamigin kasi si Ahn kaya gusto nitong palaging balot na balot ang katawan, which is such a shame.

Madaling-araw na nang makarating sila sa Baguio. Kumapit si Ahn sa braso niya. It wasn't even that cold, pero naka-mittens pa ito. Humiwalay lang ito nang makasakay sila ng taxi, dahil mas warm sa loob ng sasakyan.

Nang makarating sila sa bahay ay inilapag lang nito ang mga dala nitong gamit at saka ito dumiretso sa kwarto para matulog. He set the temperature of the house before following her inside. Tulog na ito nang pumasok siya ng kwarto. He removed his sweater and lie down next to her.

--

Balot na balot si Ahn ng makapal na kumot nang magising siya. Wala na si Ken sa kama. It was warmer than when they arrived. May heater daw kasi sa bahay.

Gusto pa sana niyang matulog pero kumalam ang sikmura niya nang malanghap ang amoy ng ginigisang bawang at sibuyas galing sa kusina. Agad siyang bumangon para sundan ang amoy.

Ken's just wearing a shirt and sweatpants. Sanay na kasi ito sa Baguio, hindi katulad niya na dadalawang beses pa lang yatang nakakapunta sa lugar. Bata pa siya noong huli niyang punta.

"Good morning," bati niya sa asawa. "Morning pa naman, ano?"

"Yep." He kissed her cheek. "Nilalamig ka pa?"

"Hindi na masyado. Ano'ng niluluto mo?"

"Omelette at sinangag."

Kumuha siya ng mga plato at saka naghain sa lamesa. Then she went to the bathroom to wash her face. Pagbalik niya ay naglalagay na si Ken ng sinangag sa plato niya.

"Sa'n tayo pupunta mamaya?" tanong nito.

"I made a list of places na pwede nating puntahan."

Pagkakain nila ay pinauna nya na itong maligo habang siya naman ay naghanda ng bihisan at ng mga dadalhin nila para mamaya. Planado na ang isang linggo niya. She didn't know some places in her itinerary. Basta pinaglalagay niya yung mga sikat na lugar na gusto niyang puntahan saka iyong mga napuntahan na niya noong bata pa siya.

Napatigil siya sa ginagawa nang lumabas si Ken sa banyo. She quickly averted her gaze. He's just wearing a towel around his waist, water trickling down his body.

"T-Tapos ka na?" tanong niya.

"Hindi pa." He yanked her up. "Care to join me in the shower?"

She blushed profusely. "May ginagawa ako."

"Bakit? Di ka naman tatakbuhan nyan e."

"E kasi—"

"Ano, nahihiya ka?" He wrapped his arms around her.

"Halatang-halata ba?"

Ken chuckled. "Masasanay ka rin."

"Hindi ka ba nilalamig?" paglilihis niya sa usapan.

"Nope. You're very warm. And flushed," he teased.

"Maligo ka na nang makaligo na rin ako."

"E di sabay na tayo."

"Ken..."

He sighed and loosened his grip on her. "Okay, okay. I'm sorry."

He kissed her then he went back to the bathroom. She sat on the edge of the bed and rummaged her luggage. Sa pinakang-ilalim ng hand-carry niya nakalagay ang isang black lacy lingerie na binili niya bago sila pumunta ng Baguio.

She was thinking twice about using it pero dinala nya pa rin to surprise him. Ang tanong, magkalakas kaya sya ng loob na suotin iyon bago matapos ang honeymoon nila?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro