I Have You by: Angel White Chapter 3
Paglabas ni Dhang saka naman nahimasmasan si Danielle.
"Life must live on," bulong sa kanyang sarili
Simula ng gabing iyon di na umiyak si Danielle kahit napanaginipan man niya lagi ang nakaraan pero para sa kanya isang ordinaryong naganap sa buhay niya para mag pursigi sa sarili na mag laro ng damdamin ng lalaki.
Matuling lumipas ang araw at buwan hanggang sa taon ay naging play girl na siya, nakikisabay na sa mga laro. sa relasyon at nasanay na siyang pag laruan ang mga lalaking nabihag sa kanyang kagandahan.
Gaya ngayon may apat na boyfriend's siya at ni isa sa kanila at wala siyang napupusuan.
Isang gabi kausap niya ang isa sa mga naging nobyo niya, ayaw na niya dito at gusto na niya makipag kalas sa lalaki.
" Break na tayo!" Saad niya sa isang boyfriend na ngtrabaho sa isang sikat na hotel sa manila.
"Ano 'to biro o lokohan?" Tanong ni Julios sa dalaga
"Hindi biro at walang halong lokohan, ayoko na sa relasyon na ito kaya nakipag break na ako." Matapang niyang saad
" Bakit Danielle? May iba kana ba?" Mahinang tanong niya sa dalaga.
"Walang iba at ayaw ko na talaga," wika niya
" Ano ang pag kakamali kung nagawa sayo? Bakit padalos dalos ka ng pasya?" Nagugulohang tanong ni Julios sa dalaga.
Hindi niya akalain na isang buwan pala sila'ng magkasintahan hiwalay na agad.
"Simple lang hindi kita mahal," diin nitong sabi
" What? After so many months I courted you, sinasabi mong di mo ako mahal? Akala ko na sinagot mo ako kasi may naramdaman ka sa akin," Galit na wika ng binata sa kanya.
" Eh, yon ang naramdaman ko hindi pala kita kayang mahalin at pasensya na kung nasaktan kita, ng pakatotoo lang ako sa naramdaman ko. Ayaw kung umasa ka na mahal kita pero ang totoo ay hindi pala." Mahabang paliwanag niya sa dalaga.
Tinignan siya ng binata sa mata sa mata at nakikita niyang disidido talaga ito sa kanyang sinabi at naramdaman niyang hindi na mag bago ang pasya.
"So, just like that? Kung kailan ayaw muna parang basahan na binabasura? Isang araw Danielle makakatagpo ka rin ng lalaki na iiyakan." Nakayukong saan ng binata.
" Don't worry! Naranasan ko na rin yan kaya hindi na kailangan ang banta mo!" Diin niyang wika
Habang nakayuko si Julios di niya mawari na ganon ang dalaga, sobra niya itong minahal at hindi niya akalain na pinaglaruan lang ang damdamin niya.
"Hindi ako papayag na makipaghiwalay sayo at asahan mo ako ang magpababago sa puso mong naging bato dahil sa dinaranas mo."
Umalis na agad si Julios sa kinatayuan niya at umuwi sa kanila.
Habang si Danielle ng ayos na siya sa kanyang sarili para pumunta sa disco.
Simula ng naging playgirl siya lagi na itong tumatambay sa diskohan para mag liwaliw at mag hunting ng panibagong biktimahin.
"Now I have my freedom to play, paiiyakin ko ang lalaking mabighani sa ganda ko. Noon ako ang ng makaawa at humahabol sa taong mahal ko, pero ngayon kung sino man ang mag mahal sa akin siya na ngayon ang iiyak at hahabol." Natatawang bigkas ni Danille habang tinitignan ang sarili sa salamin.
"Maganda naman ako at nasa akin na ang lahat bakit pa niya ako iniwan at pinagpalit sa iba. Dahil ba sa simpling babae ako noon na mismo mag lagay ng make up ay hindi ko alam kaya iniwan ako." Naiyak naman siya habang naalala ang kanyang kabiguan sa buhay.
Paglabas niya sa kanyang kwarto nakita siya ni Dhang na bihis na bihis.
Nilapitan niya ito at kinausap.
"Saan ang party?" Mahinang taong sa kanya.
"Walang party Dhang. Gagala lang ako sa diskohan to unwind my self." Sagot niya dito. Sinarili nalang niya ang kanyang balak para hindi na siya masabon ng sermon ng kaibigan alam niyang nag-mamalasakit sa kanya.
"Sigurado ka bang unwind lang ang gagawin mo ngayong gabi?" Duda kasi si Dhang sa mga kinokilos ng kaibigan nitong huling mga araw kasi may kutob siyang may dahilan ang laki nitong pag alis.
"Kung ano man ang mga binabalak m Danielle sana hindi masama at ayokong sa bandang huli ay pag sisisihan mo at masaktan kang muli." Nasabi nalang niya ito sa kanyang isipan.
"Have fun and enjoy you're night." Sabay kaway ni Dhang at ng umpisa nang maglakad papasok sa kanyang. Kwarto.
"I will and thank you. Good Night." Sagot niya kay Dhang at umalis na.
Hindi niya nakita ang mukha ni Dhang na nag alala sa kanya ng sobra.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro