Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

IGY: Unhinged

That single date turned out to be an everyday thing. That simple friendship turned out to be a commitment. And every day, I find myself growing unworthy of her time.

Hindi ko naman sya masisisi.

I can't find any fault with Kian. Yun pa nga ang mas masaklap kase parang feeling ko unti-unti na 'kong napapalitan ng pwesto sa buhay ni Issa. Si Kian kase, he can be her boyfriend and best friend at the same time. Ako... hanggang best friend na nga lang... naagaw pa.

Like this one incident with Issa's father. Isang araw kase tinawagan nya 'ko at umiiyak sya. Ang sabi nya, nilayasan na daw sila ng papa nya. I was in the middle of an interview. But when I heard her crying, dali-dali akong umalis. Ni walang paalam sa nag-iinterview sa 'kin.

I drove like a maniac to her house to comfort her. And what did I find?

I saw them sitting on the couch. Inaalo sya ni Kian habang umiiyak sya. Hindi ko alam kung san ba ako mas masasaktan: dun ba sa nakikita ko syang umiiyak kay Kian o dun sa simpleng realization that I went all the way there only to find na hindi naman pala ako kailangan.

What did she call me for? Spectator lang?

Nevertheless, tinabihan ko pa rin sya at nakihagod ng likod nya. Pati sa likod nya, kaagaw ko pa rin si Kian. Tss.

"A-Andre..." Bigla syang yumakap sa 'kin.

"Sssh.. Sige, iyak lang."

Later that day, I found out that I was accepted on a company overseas. VP kase dun ang tito ko. And he liked my work kaya pinapapunta nya 'ko sa Seattle para magtrabaho sa company nila.

It was good news of course... pero hindi ko alam kung good time din ba.

Ngayon ako mas kailangan ni Issa eh...

The next day, I decided to talk to her. Sinakto kong may trabaho si Kian para kami lang dalawa ang makapag-usap.

"Ano ba yung sasabihin mo?" tanong nya sa 'kin. Nasa gilid ulet kami ng bangin. Hindi naman kataasan yun kaya lang nakakamatay din kapag napasama ang bagsak.

"I've got a job offer," panimula ko.

"Oh? Talaga? Ayos yan! I'm happy for you!"

Tumingin ako sa kanya. "Abroad."

 At biglang nawala yung ngiti nya. "H-Ha? San?"

 "Seattle."

Nakita kong nangingilid ang luha nya. Tapos ngumiti sya. Yung ngiting ipinapakita lang nya kapag ayaw nyang umiyak sa harap ko. It was a painful smile.

 "Hindi ka naman siguro tutuloy?" tanong nya sa tonong umaasa.

 "I'm still thinking about it."

 "Will you at least be here for the wedding?"

 Natigilan ako. "What wedding?"

"My wedding." After saying that, inilabas nya yung kwintas na binigay ko sa kanya nung high school pa kami. Nakatago kase yun sa collar nya kaya hindi ko agad napansin. May pendant yung friendship ring. Kapareho nung nakasabit sa leeg ko.

Pero... Nung nakita ko yun ulet... may ibang pendant na nakasabit.

Isang engagement ring. Nagmukhang dukha yung friendship ring ko.

"Kian proposed to me last week pero sabi ko pag-iisipan ko pa muna. Gusto ko lang sabihin sa 'yo bago ko sya sagutin."

Parang pakiramdam ko nun, hinihila ng gravity ang mga paa ko pababa. Parang gusto kong tumalon bigla. But I didn't because it'll break her heart.

"Do you want to?"

Tumango sya. I was devastated. They've only been together for at least 6 months... tapos ngayon kasal na agad?

Kinuha ko yung singsing mula sa kwintas. Ang sarap sanang itapon eh. But instead, I put the ring on her finger.

Kung may iba sigurong makakakita, they will probably be jealous of me for having this beautiful girl as my bride-to-be. But unfortunately, that wasn't the case...

Ngumiti sya sa 'kin. "Will you be my best man?"

Best man.

The best man is the best man in the world yet the most unfortunate. Bakit ba tinawag na best man kung hindi naman sya ang haharap sa altar para ikasal sa best woman? Bakit ang best man ang nakatanga lang sa tabi habang ikinakasal ang babaeng mahal nya? Sa iba...

Bakit naman masyadong ironic ang mga words na naiimbento ng mga tao?

"Of course." I will be any man for you...

Then I made my decision. I'll take the job. There's simply no place for me here. Mawawala na sya sa 'kin ng tuluyan. Wala na ring saysay kung mananatili pa 'ko sa tabi nya. Masyado ko ng sinasaktan ang sarili ko..

Tama na.

For the next few months, ako ang kasa-kasama nya sa pag-aasikaso ng kasal. Ako ang kasama pagpili ng cake, ng caterers... even the gown.

It was a slice of heaven to see her in a wedding gown yet somewhere underneath that heaven comes hell. Naisip ko nga na sana hindi matuloy ang kasal kase nakita ko na syang naka-gown eh. Kaso asa naman ako. Sa groom lang applicable yun.

Noong una nga, ayaw pang ipakita sa 'kin nung mga staff dun yung ichura nya kase nga akala nila ako yung groom. Little did they know that I'd give up anything to be just that.

"Anong mas maganda? Eto o yung kanina?" Tanong nya sa 'kin.

"Kahit saan naman, maganda ka eh."

Ngumiti sya. "Alam ko naman yun pero gusto ko sa kasal namin ako lang yung babaeng titingnan nya."

"Don't worry. Sa kasal mo, ikaw lang ang titingnan ko."

Natawa sya bigla. "Adik ka talaga. Ano nga?"

"Yan na lang," sabi ko. Simple lang yung gown na suot nya. Tube yun tapos may fine beading lang sa bandang dibdib tapos pa-balloon na yung skirt. Tapos may ribbon na maliit sa likod na pa-corset naman ang itsura.

Sana sa kasal din namin yan ang isuot nya. 

Sa next life, malay ko ba kung kami pala ang magkakatuluyan sa next life.

"Sige. Yung isa na lang ang kukunin ko," bigla nyang sabi dun sa nag-aassist sa kanya.

"Bakit yun?"

She shrugged. "Kase ito pinili mo. Wala akong tiwala sa taste mo bleh."

"Nagtanong ka pa eh..."

She grinned. "Syempre..."

The wedding was drawing nearer. At parang habang papalapit na yung araw ng kasal nya, parang unti-unti akong nanghihina. I decided na hindi ko pala talaga kaya. She may never forgive me for ditching her wedding pero hindi ko rin mapapatawad ang sarili ko kung papanuorin ko syang makasal sa iba habang ako eh walang magawa.

But before I go, I decided to tell her everything. Tapos... hindi na 'ko babalik. It will be a clean break. She'll get married and I'll move on...

Sana.

"Talagang sa bachelorette party mo pa ako kinidnap? Adik ka ba? Magtataka sila dun for sure. Bachelorette party na absent ang bride. Psh," naiiling nyang sabi. As usual, nasa tambayan ulet kami.

"May importante kase akong sasabihin sa 'yo."

"Sobrang importante ba na hindi pwedeng pagkatapos na ng kasal ko?" Tanong nya. Tumango ako.

"Melissa... I'm going."

"San?"

"Seattle."

Lumungkot sya bigla. "Ah... tutuloy ka pala."

Tumango ako. "Andyan na naman si Kian eh. He'll take care of you for me.."

She pouted. "Pero iba pa rin kase kapag ikaw eh."

I sighed. "Well, kailangan mo na 'kong pakawalan kase ikaw... papakawalan na kita."

"Sobra ka naman. Parang sinabi mo na rin na hindi na tayo magkikita—" Tapos bigla syang natigilan. Like she was smacked in the face. "You're not coming back, are you?" It sounded more like a confirmation that a question.

Tumango ako.

"Bakit?"

"Kase mahal kita..."

Nagulat sya sa sinabi ko. Then she bit her lip, restraining herself to cry.

"Kung mahal mo 'ko.... bakit mo 'ko iiwan?"

"Kase mahal talaga kita," sagot ko.

"Mahal din naman kita ah."

I smiled at her. "Alam ko. Pero mahal kita... hindi bilang isang kaibigan."

"W-What do you mean?" Kunot noo nyang tanong.

I drew a sharp breath. "I mean that I love you too much that it would kill me to see you get married to someone else."

Napalunok sya. And all her choking tears flowed out and escaped her eyes. "K-Kelan pa?"

"Ever since."

"And you didn't say anything? Tapos ngayong ikakasal na 'ko... saka mo sasabihin yan?! Do you think that it would change my mind about marrying Kian?" galit nyang tanong.

At the back of my mind, yun na yun ang dahilan ko. Maybe I was hoping that I could change her mind. Pero... mahirap talagang umasa.

Umiling ako.

"Sinasabi ko lang sa 'yo para kahit papano alam mo. Para hindi ako magsisi sa huli na hindi ko man lang nasabi sa 'yo. Don't worry... hindi na naman ako umaasa. Ikakasal ka na nga di ba?"

Yumakap sya sa 'kin. Umiiyak. Naramdaman ko na lang na tumutulo na ang mga luha ko.

"Kelan ka aalis?"

"Bukas na."

Bigla syang humiwalay sa 'kin tapos tiningnan ako na parang nang-aakusa. "Bakit bukas pa? Pano na lang ako bukas? Hindi ako sasaya kapag wala ka dun."

I patted her head. "Matutuloy pa rin naman ang kasal kahit wala ako dun eh. Kesa naman pumunta ako dun at pigilan ang kasal nyo. Gusto mo ba yun?"

Umiling sya saka yumakap ulet sa 'kin.

"Mamimiss kita sobra...."

I choked back another tear. "Me too."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro