Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

IGY: Replacement

Hindi na 'ko umaasang mapapansin nya na 'ko after nyang makipag-break dun sa last boyfriend nya. Kase, ang lagay eh hahanap lang sya ng panibago.

Syempre hindi ako yun.

"San na naman ba tayo pupunta?"

"Maghahanap ng mabo-boyfriend!"

I looked sternly at her. Di ba pwedeng ako na lang? Ang dali-dali ko na ngang hanapin. Hindi na nga ako nagtatago para makita mo agad eh...

"Di ba pwedeng pahinga muna?" tanong ko sa kanya.

"Ayoko. Di ako sanay."

"Batukan kaya kita? Hindi naman tatakbo yang mga lalaking yan eh.."

Nag-pout sya. "Hindi nga tumatakbo, nagta-transform naman."

Bigla akong natawa sa sinabi nya. Come to think of it, parang karamihan na ng mga lalaki ngayon eh appearance na lang ang lalaki.

"O 'wag kang tumawa. Baka isa ka na dun." nakasimangot nyang sabi.

"Hindi noh. Madaming iiyak 'pag nagkataon." nakangiti kong sabi. Hinding-hindi ako magiging bading. May mahal ako eh..

"Psh. Madami daw."

"Talaga lang! Hindi mo ba pansin na gwapong-gwapo 'tong best friend mo?" Nag-po-pose pa 'ko para matawa sya. But my efforts are to no avail.

"Eh bakit hindi ka mag-girlfriend kung talaga?"

Natigilan ako sa sinabi nya at napaseryoso. "Bakit? Gusto mo ba?"

"Syempre ayoko. Akin ka lang eh," sagot nya naman.

"Napaka-selfish mo talaga," nasabi ko bigla. Pabiro lang pero may konting katotohanan. Dati kase... nasubukan ko ng magka-girlfriend. Ilang beses na nga... pero hindi tumatagal. Ang dahilan? Eh di sya..

Syempre, habang sya may boyfriend, nawawalan na sya ng time sa 'kin. Ayoko namang palagi na lang bumuntot sa kanya kase baka ako pa ang maging dahilan ng pagbibreak nila ng boyfriend nya. So naisip kong manligaw ng iba.

Kaso... tuwing may girlfriend naman ako, parang bigla syang nagpapapansin. Tuwing may date ako for example, saka sya tatawag sa 'kin at magpapasama kung saan. Syempre, sya ang uunahin ko. Mahal ko sya eh.

At yun yung palaging idinadahilan ng mga nagiging girlfriend ko kung bakit sila nakikipaghiwalay sa 'kin. Sabi pa nga nung isa, bakit hindi na lang daw yung best friend ko ang ligawan ko? Tutal din naman, sya palagi ang inuuna ko.

Ang sagot ko? Di pwede. Best friend ko eh.

"Kapag kasal na 'ko... saka ka lang pwedeng mag-girlfriend," sabi nya na nakapagbalik sa 'kin sa present. The thought saddens me pero hindi pwedeng ipakita.

"Ang daya mo naman."

Ngumiti na sya. "Ganun talaga..."

I sighed saka pumasok sa kotse ko. Sumunod naman sya at naupo sa passenger's seat. "San tayo?"

"Let's go clubbing. Parang trip ko sumayaw."

Kumuha ako ng maliit na flash light sa compartment ng kotse ko. Tapos itinaas ko yun at ini-on. "Oh sayaw na. Tugs. Tugs tugs tugs tugs." Saka ko pinaikot-ikot yung flashlight para gumalaw yung ilaw. Natawa sya bigla.

"Adik ka talaga. Cornetto much?"

Pinatay ko yung flashlight at ibinalik sa compartment ko. "Eh bakit pa kase sa club tayo pupunta? Mga party-goers lang ang nagpupunta dun. Wala kang matinong lalaki na mahahanap dun."

"Weh... pano kung meron?" tanong niya.

"Eh pano kung wala?" ganti kong tanong.

She shrugged. "Eh di you can say... I told you so." Ngumiti sya ulit. "Let's go na kase.."

Sighing again, I turned on the ignition and drove away.

As expected, the club we went to was all hot and stuffy. Maraming tao. Mga nagsasayaw at umiinom. Not exactly my kind of place but she likes it here. Hindi ko naman sya iiwanan ditong mag-isa.

Nagpunta kami dun sa bar na kokonti lang ang tao kase nasa dance floor na halos lahat. "Isang beer nga bro," sabi ko sa bartender. He handed me a bottle.

"Ako din." Sabi naman ni Issa.

"No." I stopped the bartender from giving her a bottle.

"Why?!"

"You can't drink here."

Pinamay-awangan nya 'ko "Oh and you can?" tanong niya sa tonong nasusuya.

Tumango ako. "I can handle myself," sabi ko.

"And you think I can't?!" naiinis nyang tanong. Tumango ulit ako. She gave out an exasperated sigh saka pasalampak na naupo sa isang stool sa tabi ko. Sa sobrang busangot ng mukha nya kelangan pang padaanan ng pison para maunat yung kunot ng noo nya.

"Give her a ladies' drink instead," sabi ko sa bartender. Sumunod naman ito.

"Ayoko nga!" pagrereklamo naman nya.

"Fine. Umuwi na tayo."

Pinanlisikan nya 'ko ng mata saka nag-pout. "I hate you."

"No you don't. Now behave, magsi-CR lang ako."

I was hesitant to leave her there pero naiihi na talaga ako. Alangan namang isama ko sya sa men's room para mabantayan ko lang? Malaki na naman sya eh. She can take care of herself for a few minutes.

After peeing, nagmadali na 'kong bumalik sa bar. Pagdating ko dun, wla na sya. Tinanong ko agad yung bartender kung nasan sya. Itinuro naman nito agad sa 'kin. From across the room, I saw her dancing with some guy.

Naka-cut-off shirt yun tapos maraming tattoo sa magkabilang katawan. Napailing ako.

Then I saw the guy grab her hips and started grinding her. I felt my blood boil. I don't want to make a scene but I swear I'd punch the teeth out of that guy's mouth!

Palapit na sana ako ng biglang may isang lalaking lumapit sa kanila. He took her from the other guy at sumama naman sya dito. I could tell by her face that she was relieved. Napahinga na rin ako ng maluwag. Saka ko sila sinundan.

"Ano, okay ka lang?" Tanong ko sa kanya ng makalapit ako sa kanila. Nakaupo sila sa isang table sa tabi.

"Andre!" Tuwang-tuwa sya ng makita ako. Tumayo pa sya at yumakap sa 'kin.

"Ikaw kase." I kissed the top of her head.

"Sorry," paghingi niya ng paumanhin. I brushed her hair with my hand. Nakita kong tumayo yung lalaki na tumulong sa kanya.

I let go of her saka ko nilapitan yung lalaki. "Salamat nga pala pre." I held out my hand. Kinuha naman nya yun.

"No problem."

"Andre nga pala."

"Kian," pakilala niya. "Are you guys together?" Curious nyang tanong. Umiling ako.

"We're best friends," sagot naman ni Issa sabay yakap sa bewang ko.

"Ah..." Ngumiti si Kian. "In that case, can I have your number?" tanong ni Kian sa best friend ko. Syempre nainis ako bigla. Kaso ano namang magagawa ko kung gustong ibigay ni Issa yung number nya? At the very least, mukha namang matino si Kian.

"I'll go grab some drinks." Sabi ko na lang. Iniwan ko muna sila para makapag-usap. Kahit naman siguro maging sila, magbi-break din sila agad. I know Issa, hindi sya nagtatagal sa isang relationship. Ewan ko dun. Takot ata sa commitment.

Umorder ako ng whiskey. Pagkainom ko nun, saka ako umorder ng tatlong beer. At bumalik na 'ko sa kanila.

I could take it if I saw her alone, lungkot na lungkot dahil umalis na si Kian.

I could even take it kung makita kong binabastos sya ni Kian.

But what I saw was something else...

She was laughing merrily at his jokes at parang ang saya-saya nya. Babalik na lang sana ako sa bar but then she saw me. Kinawayan nya 'ko so I have no choice but to go to them. Naupo ako sa tapat nila kase magkatabi na sila.

Nakaka-OP nga eh. Tawa sila ng tawa habang ako hindi makarelate. Napansin ata ni Issa yun.

"Best friend, sayaw ka kaya? Para hindi ka emo dyan."

Aray. Pinapaalis nya 'ko just because she's having a good time with this guy she just met? How unfair can she be?

"No I'm good." Kahit sa loob-loob ko gusto ko na ngang umuwi... Haaay...

Mga bandang 2am, nag-aya ng umuwi si Issa. Gusto pa nga syang ihatid ni Kian but of course I protested. Nakarating na kami ng kotse pero nakangiti pa rin sya.

"So... what do you think of Kian?" tanong nya.

I shrugged. "He's okay."

"Tingin mo boyfriend material?"

I shrugged again.

Biglang tumunog ang phone nya. "Hello? Oh hi! Namiss mo 'ko agad?" she giggled. Si Kian ata yun. Tss. "What? Bukas? Eh bukas na ngayon ah. Haha... *pause* Okay sige. I'll see you... Bye."

"Ano'ng sabi?"

"I got a date!" Umirit sya tapos pinanggigilan ang braso ko.

"Stop that! Masakit." I was referring to my heart.

"Ooops. Sorry." Not really getting it, bumitaw sya sa braso ko. Pero ngumiti sya ulit. "I think I like him. And he likes me too! Waaah!! Magdiwang tayo best friend!!"

"Psh."

"Wag kang magselos. Wala namang makakapalit sa 'yo weh. Pangako, kahit ikasal pa kami ni Kian, hinding hindi kita kakalimutan!" tuwang-tuwa nyang sabi.

Napabuntong-hininga na lang ako.

Then I started the car hoping that the noise could somehow drown the aching sound of my heart. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro