Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

IGY: Regrets and Realizations[Melissa's POV]

One o'clock in the afternoon ang flight nya. I still have time to see him off after the wedding. Sasaglit muna ako sa airport pagkatapos ng kasal.

Actually... pwede nga syang pumunta eh. There's still plenty of time. Umaga naman ang kasal ko... pero ayaw nya.

Para tuloy... nagdadalawang-isip ako.

It just... doesn't feel right when he's not around. Even the dress seemed too unlike me. Tama nga sya. Dapat yung isa na lang ang pinili ko. But I never trusted his taste. Kahit saang bagay. Pero mas mahirap aminin sa sarilli ko na palagi syang tama.

Sa lahat ng naging boyfriend ko, may nasabi syang hindi maganda. Noong una, nagagalit ako kase nangengealam sya... pero after sometime, every relationship I've had in the past just seemed to fall out. At palagi syang nandun para damayan ako.

Kay Kian lang sya walang nasabi.

And I was so happy that for the first time, I made something work. And it was all going out well until... well... until last night.

Kagabi... nagtapat sya sa 'kin. And he was saying goodbye at the same time. I wanted so bad to chain him para hindi na sya makaalis ng bansa. I don't know... I just feel so lost without him. Sya lang kase yung tao na nakapagpapangiti sa 'kin sa tuwing malungkot ako.

Sya lang yung for better or worse... laging nandyan. Laging ako ang inuuna. Laging kaligayahan ko ang nasa isip. Laging ako.

Mas mahal nya nga ata ako kesa sa sarili nya eh...

Haaay... eto na naman. Sumasakit na naman ang lalamunan ko kakapigil ng luha. Ang sakit. Parang may malaking bubog na nakabikig sa lalamunan ko.

Hindi ako makahinga...

Hanggang ngayon... hindi ko pa rin maisip kung pano tatakbo ang buhay ko ng wala sya. Parang tanga lang eh noh? Here I am... already getting married... and yet still having second thoughts about the whole thing.

"Melissa?" I heard someone call. Paglingon ko, tuloy-tuloy ng tumula ang luha ko. Si papa, nakatayo sa may pintuan. Nakabihis. Patakbo akong yumakap sa kanya.

"Papa!"

"Tahan na anak. Baka masira yang ayos mo." Pinahid nya ang luha ko.

Pano naman ako hindi iiyak? Eh matapos ang ilang buwan na hindi ko sya nakita, bigla-bigla syang susulpot... tapos sa kasal ko pa? Eh matagal ko ng pangarap na kapag ikakasal ako, he would walk me down the aisle.

Sino ba namang daughter ang hindi nangarap ng ganun di ba?

"Papa kase eh... buti dumating ka!"

Ngumiti si papa sa 'kin. "Actually, gusto ko naman talagang pumunta kaso hindi ko lang magawa dahil alam kong galit sa 'kin ang mama mo."

Umiling ako. Hindi man aminin sa 'kin ni mama, alam kong namimiss nya si papa. Siguro kahit disfunctional marriage lang ang meron sila, sobrang mahal pa rin nila ang isa't isa na mas gusto nilang nasasaktan ng magkasama...

"Eh bakit ka pumunta?"

"Abah syempre! Kasal ng kaisa-isa kong anak eh. Hindi ko nga lang planong ihatid ka sa altar pero sabi ni Andre, malulungkot ka daw kapag hindi ko ginawa yun."

"Nagka-usap kayo pa?"

Tumango si papa. "Kanina lang."

Namilog ang mata ko. "Nandito ba sya?"

Lumungkot ang mukha ni papa saka umiling. "Pinipilit ko sya pero ayaw nya talaga. Hindi nya daw kaya..."

Ayan na naman ang bikig sa lalamunan ko.

"Anak... sigurado ka bang si Kian ang mahal mo?"

Napatingin ako kay papa. Hindi ko alam ang isasagot ko. Kase... sa tagal na naming magkaibigan ni Andre, hindi ko na alam ang pinagkaiba ng friendship sa love. Parang nagkahalo-halo na. Hindi ko alam kung may time na naramdaman kong mahal ko sya o kung friendship on steroids lang yung nararamdaman ko.

"Pa... ikakasal na nga ako di ba?"

He sighed. Tapos hinawakan nya ang kamay ko. "Oh sya... halika na."

Everybody rose from their seats when they saw us. Garden wedding kaya nasa labas kami. Nakangiti silang lahat. My eyes went to the altar. Unti-unting bumaling si Kian. And for a split second... I thought I saw Andre instead. Pero si Kian nga pala ang groom ko.

Funny... it didn't feel right.

And how can I put it? The sound of the organ playing was like a death march. It was like I am walking towards my death.

But we kept on walking... until we reached the altar at ibinigay ni papa yung kamay ko kay Kian tapos tumabi sya kay mama. Napasulyap ako sa kanila at nakita kong magkahawak sla ng kamay.

Napangiti ako. At least something turned out all right.

 

Oh no. Why did I just think that? Ibig sabihin ba subconsciously... iniisip kong mali lahat ng 'to?

We were asked to face each other. Hindi ko alam kung bakit ganun ang expression ni Kian pero feeling ko feel nya din na mali 'to.

O baka naman ako lang yun?

Wedding jitters perhaps?

"If someone in this room didn't want this two to be together for whatever reason... speak now or forever hold your peace."

I looked at the people. Then I looked at the gate. Why? I don't know... maybe I half-expected someone to be there and save me from this mistake.

Yes... I finally realized that this is a mistake. Pero wala akong magawa. Dala siguro ng guilt? O baka naman kase hindi ko kayang gawin yun kay Kian. He was just too good for me to do that.

Kaya hindi ko kayang tumutol. I need someone to do that for me.

Someone like Andre...

May iba ding lumingon sa tinitingnan ko... but after a few minutes, walang Andre na dumating. And I was on the edge of crying...

"Ako po tumututol."

I heard gasps. My own included.

"Excuse me?" I asked him. Hindi talaga ako makapaniwalang sya mismo ang gagawa nun.

Kian looked at me apologetically. He smiled. "I'm sorry Melissa but I can't do this."

"B-Bakit?"

"Because you don't love me."

Nagulat ako. I didn't do anything to make him say that. But why?

"And I don't love you. I thought I do... pero... hindi pala talaga. And I know you feel the same way. So why should we make this mistake kung iba naman talaga ang mahal natin, di ba?"

"W-What do you mean?" So all this time... he's in love with someone else?

And I'm in love with Andre?

"Yesterday... I get to talk with my best friend. She said that she love me."

That earned him another collective gasps from the crowd. Yung ibang nakakakilala sa bestfriend nya ay tumingin dito. How ironic. My maid of honor pa. Napatungo si Cynthia. Nangingilid ang luha.

"And you know what..." Pagpapatuloy ni Kian. "Nung paglingon ko kanina, I was half-expecting it to be her and not you..." Itinuro nya si Cynthia. "And then it all became clear. I was in love with her all along. At alam kong ikaw... ganyan din ang nararamdaman mo para kay Andre. Kaya siguro parang palaging may limit sa mga ginagawa natin. We can't love each other fully because we weren't in love with each other in the first place."

"Bakit ngayon mo lang sinabi? Hindi pa kahapon?"

"Sorry. Akala ko kase masasaktan kita. But then, I looked at you earlier... and I saw that you're not happy."

Napatungo ako sa sinabi nya. So ganun pala ka-obvious?

Hinawakan nya ang kamay ko and then he kissed my forehead. "May isang oras ka pa para mapigilan syang umalis. I was fortunate enough to have her here. Pero ikaw, aalis na yung mahal mo. So go..."

At hindi ko na napigilang umiyak.

I hugged him tight. "Thank you," I whispered in his ear. Saka ako tumakbo. I didn't think of what would happen. I just ran. Bahala na si Batman.

"Melissa!"

I stopped on track. Paglingon ko, patakbong lumapit sa 'kin si papa.

"I'll drive you to the airport."

Bigla-biglang napangiti ako. Ewan... sobrang saya.

Only five minutes remain before he was gone for good. Alam kong pinagtitinginan na ako ng mga tao. Sino ba naman ang hindi titingin? Halatang-halata na runaway bride ako. Pero wala akong pakialam sa kanila.

Tinanggal ko yung sapatos ko para mas madaling tumakbo. Pero hinarang ako ng security. Bawal dun syempre. Hindi naman ako aalis.

Ilang ulit akong nagmakaawa sa kanila pero...

Rules are rules.

Then someone shouted. Palampasin na daw ako. The lady guards immediately let me go. Supervisor ata yung sumigaw. I don't know. And I don't care. But I gave him my silent thanks.

Kaso... nang makarating naman ako... wala na.

Nakaalis na sya...

*meanwhile... at the wedding*

Biglang nag-ring ang phone ng isang ginang. She looked at her phone and saw her son calling. She answered it.

"Hello ma?"

Nagulat sya. "A-Andre?" She could hear resignation in his voice. Naawa sya sa anak nya.

"Ma hindi ako tumuloy... mas hindi ko pala kayang lumayo sa kanya."

Nanlaki ang mata nya at napatingin na lang sa kanyang asawa. Kunot naman ang noo nito at inaantay ang paliwanag nya.

"Anak nasan ka?"

"Nasa bahay po. Tapos na ba ang kasal?"

"Hindi pa."

She heard him sigh. "Ah ganun po ba?"

Ngumiti sya. "Pero malapit na ring matapos ang kasal nina Kian at Cynthia."

Silence.

More silence.

.

.

.

"Ma, nasan si Issa?"

Nakahinga sya ng maluwag. "Nasa airport."

----tut tut tut---

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro