Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

IGY: A Hinder Called Best Friendship

"AHH! Mamatay ka na! I hate you! Sana mawala ka na sa mundong ibababaw impakto ka! Ampanget mo! Mamatay ka na ngayon na!"

She breathed in deep... saka sumigaw ulit. This time, she picked up some rocks saka ibinato sa bangin. Opo. Bangin. Nakaupo kase kami sa edge ng isang bangin... favorite tambayan namin. Kase kahit sumigaw ka ng sumigaw, walang magagalit sa 'yo.

In this case... sa kanya.

"Ano okay ka na?" tanong ko sa kanya. Tumingin sya sa 'kin. Galit pa rin. Inakbayan ko sya. "Umiyak ka kase ng mawala yan..."

 Pinalis nya ang kamay ko. "Ayoko nga! Bakit ko sya iiyakan?! Hello! Kung ayaw nya na sa 'kin eh di 'wag! Hindi naman ako ang nawalan kundi sya! Sa ganda kong 'to, ipinagpalit nya pa 'ko?! At sa mukha pang butiki! Fine! Mahilig pala sya sa mga mukhang animal... eh di dun sya!"

I gave out a laugh. At dahil dun, nag-glare na naman sya. I held up my hand. "Whoa. Sorry. Natawa lang ako sa sinabi mo."

"Tulak kita dyan eh," sabi nya ng nakasimangot.

"Subukan mo lang ng mawalan ka ng gwapong best friend," natatawa kong sabi sa kanya. She crossed her arms.

"Tseh!"

"Umuwi na kase tayo. Gabing gabi na oh." Mag-aalas-dyes na kase. Apat na oras na ata kami dito. Kase kanina, bigla-bigla nya 'kong tinawagan. Sobrang galit ng boses nya kaya alam ko agad na boyfriend nya na naman ang dahilan. Kaya dito kami nagpunta. Tatalon daw sya eh. Kaso natakot. 

"Eeee... ayoko umuwi sa 'min."

"Bakit na naman?" Ano yun, pati sa bahay may problema pa rin?

Sumandal sya sa balikat ko saka yumakap sa bewang ko. "Ayoko dun... nag-aaway na naman sina mama."

I brushed her hair then kissed the top of it. Hmmm... kabango talaga ng best friend ko. "So anong plano mo?"

Tumingala sya. "Sa inyo na lang ako."

"Neh hindi kami evacuation center."

Dumila sya with a matching crinkle of nose. Ang cute... Saka sya sumimangot. "Sige na... Kahit sa sala nyo lang ako matulog. Sige na...." pagpapaawa nya.

Alam naman nyang papayag ako kahit anong tanggi ko eh. I sighed. "Sige na nga."

At dahil dun ngumiti na sya. Sa sobrang ngiti nya para lang syang batang binigyan ng imported chocolates. "Yan naman eh... kaya mahal kita eh."

I love you too, sagot agad ng puso ko.

"Sus. Nambola pa."

"Hindi nga... I love you talaga best friend..." Siniksik na naman nya yung ulo nya sa may kili-kili ko.  

"Oo alam ko. Tara na, inaantok na 'ko."

"Okay!" She said enthusiastically. Ako muna ang unang tumayo saka ko sya itinayo at sumakay na kami ng kotse. Ako ang driver, syempre. Habang ako nag-da-drive, kumapit sya sa braso ko at sumandal sa balikat ko. Maya-maya, tulog na sya..

Ngalay na ngalay na ang balikat ko pero bakit naman ako magrereklamo? Kung para naman sa ikaliligaya ng mahal ko eh... kahit ipaputol ko pa ang balikat ko ayos lang.

Pumara na 'ko sa tapat ng bahay namin pero tulog pa rin sya. Hindi ko na muna sya ginising. Tinitigan ko na lang. Mahirap tsumempo kapag gising sya eh. Baka kung anong isipin. Well, tama naman yung mako-conclude nya pero... ayoko.

Tinapik ko ng mahina yung kabila nyang pisngi. "Issa, gising na."

Umungot sya.

"Oy mahal kong best friend... bumangon ka na. Nandito na tayo..."

She opened one sleepy eye tapos inalis yung pagkakapatong ng ulo nya sa balikat ko. "San?" she asked in her sleepy voice.

 "Sa bahay ko malamang."

 She pouted.

"Halika na," aya ko sa kanya.

I removed the key from the ignition saka ko sya hinila palabas dun sa katabi kong pinto. Hila-hila ko pa rin sya hanggang makarating kami sa sala. Nandun si mama, natutulog sa sofa. Inaantay ata ako.

Ginising ko si mama.

"Ma... lipat na po kayo sa taas. Malamok dito.."

Bumangon si mama. At nagmukhang concern ng makita kung sinong kasama ko. "Oh! Issa. Ba't di ka pa umuuwi? Gabi na ah!"

"Dito daw sya tutulog ma."

"Okay lang po ba ma? Kahit sa sala lang po ako," sabi nya. Mama din kase tawag nya sa mama ko. Feeling anak eh. Pabor naman. Sarap sa tenga.

"Naku! Anong sa sala? Dun ka sa kwarto ni Andre."

"Tabi tayo," nakangiti kong sabi kay Issa. At dahil dun sinapok ako ni mama.

"Anong tabi? Gusto mong ma-shot gun ng daddy mo?"

"Joke lang ma! Sya.. matulog na kayo. Inaantok na 'ko."

Niyakap muna ako ni mama saka tumingki para halikan ako sa noo. Tapos she did the same to Issa. "Good night mga anak. Matulog na kayo ha!" Tapos umakyat na sya.

"Oh. Akyat ka na dun." Sabi ko kay Issa na nakatayo pa rin.

"Samahan mo 'ko."

"Ha? Bakit na naman?"

She shrugged. "Wala lang. Sige na... kahit hanggang makatulog lang ako tapos alis ka na."

"Hanep..."

Ngumiti sya. "Please?"

I sighed. Why bother complaining? Tss. "Fine." Umakbay sya sa 'kin. Nakatingki na nga sya kase matangkad ako. Kaya ang ginawa ko, tinanggal ko yung kamay nya sa pagkakaakbay at ako na lang ang umakbay sa kanya.

Umakyat na kami at nagpunta sa kwarto ko. Palagi naman syang natutulog dun kaya at home na at home na at nauna pang mag-dive dun sa kama ko. Tinanggal ko pa yung sapatos nya kase madudumihan yung higaan ko. Tapos nagtanggal na rin ako ng sapatos at tumabi sa kanya.

Humarap sya sa 'kin. "Kantahan mo 'ko," utos nya.

"Ng..?"

"Kanta. Malamang. Alangang kantahan mo 'ko ng sayaw!" natatawa nyang sabi.

"Sira ka talaga. Ano nga?"

"Hmmm..." Nag-isip sya sandali. "Bahala ka na kase..." Tumalikod sya tapos hinila yung kamay ko para iyakap sa kanya. I looked over to see her face. Nakapikit na sya at handa ng matulog. "Kanta na bilis..."

I sighed. One.. Two.. Three...

Twinkle, twinkle little star

How I wonder what you are

"Adik ka ba? Ano 'ko bata?"

 I chuckled. "Arte nito."

 "Eee... ayusin mo kase..." Sabi nya saka naghikab.

Tumikhim ako at kumantang muli.

A place to crash, I got you

No need to ask, I got you

Just get on the phone, I got you

Come and pick you up if I have to

"Nice song..."

"Sssh. Tulog na."

 "Opo." Tumahimik na sya ulet. Nagpatuloy ako pagkanta.

What's weird about it is we're right at the end

I'm mad about it, just figured it out in my head

I'm proud to say I got you

 

Mabagal lang ang pagkanta ko to emphasize all the words. Kanta ko yan sa kanya eh...

Go ahead and say goodbye, I'll be alright

Go ahead and make me cry, I'll be alright

And when you need a place to run to

For better, for worse I got you, I got you

 

Ain't falling apart or bitter

Let's be bigger than that and remember

The cooling outdoor when you're all alone

Won't survive it, no drama, no need for a show

Just wanna say I got you

 

Her shoulder rose and fell softly. Mukhang tulog na sya. But just to make sure, nagpatuloy lang ako pagkanta.

Go ahead and say goodbye, I'll be alright

Go ahead and make me cry, I'll be alright

And when you need a place to run to

For better, for worse I got you

 

Go ahead and say goodbye, I'll be alright

Go ahead and make me cry, I'll be alright

And when you need a place to run to

For better, for worse, I got you

"Issa?" I whispered in her ear. She didn't answer. So I removed my hand from her waist then I stooped down and kissed her forehead. "Good night."

Saka ako bumaba ng sala para matulog sa sofa. Pagbaba ko dun, may nakalagay ng kumot at unan. Tapos may nakahanda ng electric fan. Si mama siguro ang naglagay.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro