Epilogue
Shit.
That was my first reaction nung sinabi ni mama hindi pa tapos ang kasal. Akala ko kase tapos na kaya bigla akong tumawag. Kanina pa 'ko sa bahay. Pagkadating ko pa lang ng airport kanina, napaatras ako agad.
Nakakatakot palang lumayo.
And with the prospect of never seeing her again... mas natakot ako. Kaya bumalik ako dun sa taxi na sinakyan ko at pinabalik ko sa bahay. Nagtataka man, sumunod na lang yung driver. Akala ata may nakalimutan lang ako.
But then she said na si Kian at Cynthia daw ang kinakasal. Ang tagal bago nag-sink in sa 'kin. At ang una kong naisip nun eh pano si Issa? Baka umiiyak na naman yun. Mahal nya si Kian eh. She chose him, right?
Saka ko narealize na pano na lang sya kapag wala na 'ko? Kapag nasaktan sya... kanino sya tatakbo? So I went back to the airport. Sabi ni mama nagpunta daw sa airport si Issa. Maybe to seek comfort from me. Tama nga ako, sa akin sya unang tatakbo kapag nasaktan sya.
Pagdating ko naman sa airport, wala sya dun. Nagtanong-tanong ako sa guards. May ilan daw na nakakita ng isang babaeng naka-wedding gown kanina. Tapos umalis na daw.
Nagpunta ako sa bahay nila. Sarado. Walang tao. Where could she be?
And then I remembered. The cliff!
Shit. If she ever tries to jump off that cliff—Arrgh! She can't do that! I stepped on the gas pedal and drove in full speed. Wala pang 10 minutes, nakarating na 'ko. At nakita ko sya, nakatalikod sa 'kin. Veil still intact. Nakatayo sya sa may edge ng bangin. It looks like she was about to jump.
Dali-dali ko syang nilapitan at hinila papunta dun sa safe na lugar.
Umiiyak sya.
I embraced her. So tight na feeling ko hindi na sya makahinga. But she didn't complain. "Sige... iiyak mo lang yan."
"A-Andre..."
"Sssh... he doesn't deserve you."
Kumawala sya sa 'kin. Kunot ang noo nya habang nagpapahid ng luha.
"Sira ulo ka talaga! Ano na naman yang pinagsasasabi mo?" iritado nyang tanong. Nalito ako bigla.
"Umiiyak ka kase iba ang pinakasalan ni Kian, di ba?"
To my surprise, she laughed.
"Ano, nabaliw ka na?" naiinis kong tanong sa kanya. Tss. Dapat kase umattend ako ng kasal nya ng nasuntok ko na yung Kian na yun. How dare he marry someone else?
She stopped laughing and smirked. "Akala mo ba si Kian ang iniiyakan ko?"
Umiling ako. "Ako lang naman ang iniiyakan mo eh. Si Kian... sya yung dahilan.."
"Hindi kaya."
"Ha?"
"I was crying because of you.. stupid," sabi nya sabay poke sa noo ko.
"Ha? Bakit?"
Bigla syang yumakap sa 'kin. "Akala ko kase mawawala ka na talaga..."
Napabuntong-hininga ako. Saka ko hinagod ang likod nya. "Ano ka ba... di ba sabi ko sa 'yo hindi ako aalis sa tabi mo? I nearly broke my promise but then I came to my senses. Pangako, kahit masakit, hindi na kita iinjanin sa kasal mo. Kahit bestman lang ako..."
She looked up to me. Confused. "Is that even possible?"
"Oo naman. Titiisin ko na lang ang sakit."
Umiling sya. "No. Not that."
I frowned. "Eh ano?"
"Bestman ka na, groom ka pa. Posible ba yun?"
Bigla akong natigilan. Ngumiti sya.
"What are you saying?"
"What do you think?"
I began thinking. Tapos ayun... narealize ko na kung ano'ng gusto nyang iparating. "Ayaw mo ng bestman... gusto mo proxy? Panakip-butas kay Kian ganun?"
She rolled her eyes. Saka sya sumimangot. "Ang slow mo grabe."
"Eh meron pa bang ibang dahilan? Since iniwan ka ni Kian, sa 'kin ka bumabaling ngayon kase alam mong hindi kita kayang iwan. You even have the nerve to make me your groom. Panakip butas lang naman...."
Napasapo sya. "Haynaku. You're so stupid!" She released me from her embrace saka nilagay yung mga braso nya sa leeg ko. Her face was so near na halos magkadikit na ang mga ilong namin.
Napalunok ako. I was having this irrisitable urge to just kiss her. Pero hindi pwede kaya pinigil ko ang sarili ko.
She smiled. Sanay na 'kong makita syang ngumiti but this one really got me. Ngumingiti lang sya ng ganito kapag feeling nya in love na in love sya. I've seen this many times but it was never meant for me.
But now she's actually smiling at me like this.
"I got you Andre..."
She kissed me. And before I could even savour the moment, she ended the kiss.
"I got you... and that's more that enough."
She kissed me again and this time, I kissed her back. With everything I have... I ended the kiss. Then I looked at her intently. What is this? Is she blushing?
"Then... will you marry me?"
She looked away, tipong nahihiya.
"Hmm... ewan. Should I marry you?" she smiled to herself.
I smiled too.
"Bakit ako ang tinatanong mo? Syempre magye-YES ako. Eh ikaw?"
She shrugged. "Tingin mo ba magandang tingnan na hindi naman kita boyfriend tapos papakasalan kita?"
I gave her an exasperated look. Natawa sya. Talagang ngayon pa sya nagpakipot? "Eh di 'will you be my girlfriend?' muna."
"Tsk tsk." Nailing sya. "Girlfriend agad eh hindi ka pa nga nanliligaw?"
Sinimangutan ko na sya. Para namang kulang pa yung mga ginawa ko para sa kanya. Kahit pagsama-samahin pa nya yung efforts ng mga naging boyfriend nya, walang makakapantay sa mga efforts na ginawa ko.
"Ayaw mo ata eh. Sige, aalis na lang ako." I took a step back.
"Uy teka! Hindi ka na mabiro..."
"Papakasal ka ba sa 'kin o ano?"
"Ano," natatawa nyang sagot.
"Babatukan kita—Isa!"
"Dalawa!"
Nakakabaliw naman 'tong babaeng 'to.
"Last ng tanong. Seryoso na."
Sumeryoso siya.
I went down on one knee. Saka napabuntong-hininga. "Will you marry me? Sagot!"
Napa-pout sya. "Fine."
"Para namang napilitan ka lang eh."
"Daya mo walang singsing. Ano kaya yun?"
I sighed again for the nth time. Saka ako dumukot sa bulsa ko. Syempre walang laman. Hindi naman planado 'to weh. "Bukas na yung singsing."
"Adik ka rin eh. May paluhod-luhod ka pa dyan wala ka naman palang singsing."
"Eh ikaw kase. Binigla mo 'ko." Tumayo ako at pinagpag yung pantalon kong nadumihan na ng lupa.
"Ako pa daw? Eh sino kaya yung nag-confess kagabi?"
"Tss. Ending na nga eh.. pinapatagal mo pa. Ano ba talaga?"
"Beginning palang 'to noh. Saka yes na nga sabi ko kanina ah. Oo na. I'll marry you. Just not today, baka bukas. Makiki-celebrate muna tayo kina Kian," nakangiti nyang sabi.
"Oo nga pala. Sino yung pinakasalan ni Kian? And why did he marry her instead of you?"
She smiled. "Si Cynthia, best friend nya."
"Eh?"
Tumango sya tapos yumakap sa 'kin. "Parang ikaw lang, nagtapat din yun sa kanya kagabi. Maybe for closure. But then he realized that he love her... parang ako lang. Ayun. Galing noh? Gaya-gaya ka."
I chuckled. Well... who would have guessed? Somewhere out there, someone else's best friend took a stand like me. At hindi kami nabigo.
"So kaya ka umiiyak kanina kase akala mong umalis na 'ko?"
Tumango sya.
"Pano 'pag sinabi kong aalis ako ng bansa to work.. papayag ka?"
Umiling sya.
"Eh pano yun... baka wala akong maipampakain sa 'yo? Ang takaw mo pa naman."
Pinandilatan nya 'ko. Her reaction made me laugh. But what she said made me smile and say finally to myself.
"Mas gugustuhin ko namang magutom kasama ka kesa naman magpakabusog ng wala ka sa tabi ko. Basta... hindi ko kayang wala ka sa tabi ko. Mahal nga ata talaga kita. Ngayon ko lang narealize..."
Finally...
Finally, my heart was soaring... Finally, it's free to love her the way I want to love her.
Finally, I could say that this love story ended in tears... but happy ones.
*end*
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro