06
"Please?" Ulit ko kay Gustave.
I'm trying to make him drink the medicine Randal made.
Pero sobrang pait nito ng tikman ko, at hindi halos mainom ni Gustave ang isang punong mangkok na pinaglalagyan ng gamot.
It's been a week since Randal arrived, and finally he was able to find the herbs needed to counter the effects of the crimson weed. Pero mas mukhang nakamamatay pa ito kumpara sa pinapainom ni Perez eh.
Hindi ko rin sinabi na gamot ito para bumalik ang paningin at boses niya. Ayaw kong umasa si Gustave. Sabi kasi ni Randal ay mayroon lamang 35% chance na bumalik ang nawalang panangin at boses ni Gustave.
But, should I just tell him the truth? I do feel he has the right to know.
"Madam, para saan po ba ang gamot na yan?" Neor asked.
Of course he'll be curious. Baka nga naman harap harapan ko ng nilalason ang amo niya ngayong binigay ni Gustave sa akin ang karapatan para pamunuan ang buong Grand Duchy.
Nagkatinginan kami ni Randal.
He gave me a nod. Sa aming dalawa kasi, siya ang may gustong sabihin dito ang totoo. As a doctor it's his job to tell his patients their condition, regardless if it's good or bad. Ako lang talaga ang pumipigil.
Sandali akong napaisip.
"Fine. But first, ensure that no one is listening outside." Utos ko kay Neor.
Agad naman niya iyong sinunod. At nang masigurong walang nakikinig mula sa labas ay pinaliwanag ko sa kanila ang tungkol sa Crimson weed.
"Gustave, please calm down!" Eto na nga ba ang sinasabi ko!
The moment he heard all about it, hinawi niya ang mga nakapatong sa lamesa. The medicine is now all over the floor. Hindi pa siya nakuntento at pati ang lamesa ay binalibag niya. Agad akong hinagit ni Randal palayo mula kay Gustave dahil baka matamaan ako ng mga bagay na ibinabato niya.
"Your Grace, please calm down!" Si Neor naman ngayon ang nakiusap. Sinubukan niyang lapitan si Gustave, pero parang papel lang itong natumba ng itulak siya ng galit na galit niyang amo.
"Gustave!" Lumapit ako at niyakap siya. "Please?" Pakiusap ko.
Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at para bang gustong itulak, pero hindi niya ginawa. Mariin lang ang mga kamay niya sa balikat ko.
"Calm down. Hm?" Tumingala ako upang tingnan siya.
He also lowered his gaze to me. Mabilis pa rin ang paghinga niya.
"Perez and the maid are already paying for their crimes. The Crown Prince can no longer hurt you. Pangako ko yan." Pag-aalo ko pa rin. "For now, please continue drinking the medicine Randal made for you. I know there's a slim chance, but let's take it. Okay?" Pumayag ka na!
Pero kinakabahan din ako sa pwede niyang gawin sakali mang gumaling siya. Dapat ata ay dalhin ko nalang si Gustave sa napakalayong lugar para hindi na siya makabalik pa sa kaharian.
I asked the maid to boil some chamomile tea. Fortunately, Gustave drank it without resisting. He calmed down, and fell asleep. I spent the rest of the afternoon in his room. Hindi ako umalis dahil napapraning ako na baka sa oras na magising siya ay magpatawag siya ng Knight or hired killer to murder Cassius.
Though that would be great, but I don't want him to commit more crimes.
It became even more suspicious when days passed but Gustave never opened it up again.
He obediently drinks the medicines Randal provides. Which is good, dahil napakamahal ng mga herbs na ito, at ang hirap pang mahanap.
"What do you want?" Tanong ko ng marating ang opisina ni Randal.
He suddenly called for me.
Ako pa talaga ang pinapunta, kasi busy daw siya. Mas busy pa siya sa isang Grand Duchess?
"Oh, good you're here." Nakangiti ito. Mukha namang hindi busy, tinatamad lang atang pumunta sa akin.
"What?" Ulit ko nanaman.
He offered me to sit, so I did.
"I'm going to check on you." Sabi niya.
"For what?" Nagtataka kong tanong.
"Nung nakaraang araw ko pa sana gustong gawin, but the Grand Duke was having a fit, kaya nawala din sa isip ko."
"Ang alin ba?" Sinamaan ko na siya ng tingin dahil sa pagpapaliguy ligoy nito.
"Well you see," Pabulong niyang sabi. "I heard from the maids about your marital night, and it's been over a month. As the family doctor, I'm going to check if there's a bun in the oven." He continued.
"Bun in the oven?" Nagtataka kong tanong. "Bakit? Nagugutom ka ba?" Pagpapatuloy ko.
"You've gotta be kidding me, Evangeline!" Hindi makapaniwala niyang sabi.
"It's Grand Duchess Evangeline." Pagtatama ko. "At bakit sa akin mo sinasabi? If you're hungry, you can ask the cooks for some buns if that's what you want." Tumayo na ako.
"Seryoso ka ba? Nag-asawa ka lang, natunaw na ang utak?" He hit his palm on his head in disbelief.
"Ano ba kasi yun?" Nag-init ang pisngi ko sa hiya. Hindi ko kasi maintindihan ang sinasabi niya.
Bagong salita ba yun?
"Eve, what I'm saying is, I'm going to check if you're pregnant." Diretso niyang sabi.
"P-Pregnant? Me?" Ulit ko.
"Syempre ikaw! Alangan namang ako!?" Reklamo niya.
"Randal! Ssshhh!" Saway ko dahil masyadong malakas ang boses niya. "It's okay, you don't have to." Dugtong ko.
"What do you mean I don't have to? It's my job." Pagpapaalala niya.
"I'm not pregnant." Klaro kong sabi.
"We have to be sure. It's been over a month. Pansin ko kasi masyado kang abala. If you're pregnant and you don't know it, tapos ganyan ka kabusy, at magkasakit ka, maaapektuhan ang baby." He explained.
"I'm not pregnant. There's no baby!" Ulit ko uli.
"Pano mo nasabi?" Nagtataka niyang tanong.
"I will not get pregnant." Tumingin ako sa paligid kahit kami lang naman sa loob ng opisina niya. "I drank a contraceptive during our marital night." Hininaan ko ang boses.
"What?!" Napatakip siya ng bibig dahil napalakas ang pagkakasabi niya nun.
Randal ran towards the door at sumilip sa labas. When it was clear that no one is in the hallway, he closed the door again.
"What do you mean you drank a contraceptive? Why would you do that?" Sunod sunod niyang tanong.
"W-Well, naisip ko lang na baka kung sakaling gumaling si Gustave at makita niya ako ay marealize niyang ayaw niya sa akin bilang asawa niya kahit sa papel at obligasyon lang. So, I did it." Paliwanag ko.
"You slept with him! If you have that kind of thoughts, then you shouldn't have slept with him!" Sermon niya. "By then, annulment would be easier!" Hindi pa din siya makapaniwala.
"Well, it happened. Anong magagawa ko?" I also got carried away.
"My god, if the Marquess heard of this!" Napaupo siya sa sobrang kunsimisyon.
"He won't. So shut your mouth!" I warned him.
I'll be in trouble if my father heard of this.
Matapos mapilit si Randal na walang pagsasabihang iba ay lumabas na ako ng opisina niya.
I went to Gustave's office and started working.
When Gustave lost his eyesight, Neor has been doing all the paper works, and other state duties he cannot attend to. Kaya laking tuwa ng Butler ng ipasa sa akin ni Gustave ang pagiging Head of the House.
"Come in." Pagbibigay pahintulot ko sa sino mang kumakatok habang hindi inaalis ang tingin sa mga dokyumentong binabasa.
Sumasakit ang ulo ko sa dami ng mga issues na hindi pa nalulutas. Maraming Nobles ang umalis sa teritoryo ng Grand Duchy sa mga nakalipas na buwan ng parusahan ng banishment si Gustave. I ordered to cease all the lands abandoned by the Nobles. Sa oras na magawa ko ang mga balak ko, who you kayong lahat sa akin!
Napaangat ako ng tingin ng may marinig na kalampag ng kubyertos.
Oh, the maid brought in some desserts.
Kung hindi pa nagkaroon ng anino sa mga dokyumentong binabasa ko ay hindi ko mapapansing nasa harapan ko pala ang asawa ko.
"Gustave!" Tumayo ako at lumapit sa kanya.
Nakasanayan ko ng agad ibigay sa kanya ang palad ko kapag nagkikita kami.
L.E.T.S H.A.V.E S.O.M.E T.E.A
He wrote.
Napatingin ako sa mga documents. Sobrang dami kong kailangang gawin.
"Okay." Pagpayag ko.
I don't have the heart to say no, since it's the first time he asked me to have tea with him.
Nag-inat ako ng mga kamay at paa. Kanina pa ako nakaupo, at nakakangalay na.
"Gusto mo bang lumabas sa may garden? It's a little stuffy here." The snow has finally stopped, though it's still chilly sometimes, but today the weather is quite nice.
Tumango siya, kaya naman inutusan ko ang mga maids na ilipat sa may garden ang dinala nila.
Nang makarating kami sa garden ay agad na tumaas ang mga kilay ko sa nakita. Sinamaan ko ng tingin ang tatlong maids na umaasikaso sa amin. Do you even call this place a garden? Eh parang sementeryo ang itsura!
There are lots of flowering plants that can survive during winter, and the budget was released too. There's a drastic change in the North's economy, but according to the documents I read earlier, the current wealth of the Daumschlac could still last for years.
'What's wrong?' Pagbasa ko sa sinulat ni Gustave sa notebook na dinala namin.
"Nothing. I was just so impressed with how beautiful the garden is." Sagot ko sa kanya without breaking my gaze at the maids.
'I'm glad you like it.' Muli niyang sulat.
I signaled the maids to leave, at baka hindi ako makapagtimpi. In my Father's house, the garden is my favorite place. I always made sure na maganda ito at puno ng mga bulaklak. So this sight is very depressing. Nakakasira ng mood.
"The sweets look delicious." Sabi ko nalang para hindi makapansin si Gustave. I poured him a cup, and a slice of a yummy looking cake.
Naglagay din ako sa tasa ko at uminom ng tsaa.
"Isn't it almost time for your medicine?" Bigla ko lang naalala.
Hindi agad maipinta ang mukha ni Gustave dahil sa sinabi ko. Yes he's been drinking it, but he still doesn't like it's taste. Sa sobrang pait ay susumpain mo ang gamot na yun tuwing iinumin mo.
"How do you feel?" I know it's only been days but I hope there are changes.
'Same.' Pagsulat niya.
Sinarili ko nalang ang pagbuntong hininga.
"Wag tayong mawalan ng pag-asa. Randal promised me that he will do his best. At lagi niyang timutupad ang mga pangako niya sa akin." I assured him.
Kumunot ang noo ni Gustave.
"What's wrong?" I didn't let it slide. Baka may masama siyang nararamdaman.
'You seems close with that annoying doctor. He's even using a nickname to call you.'
"He's annoying, right? Ugh!" I rolled my eyes remembering all the headaches Randal gave me.
'Let's fire him.' He wrote with a serious face.
"We can't do that." Tumatawa kong sabi. Pasaway si Randal pero napakabait at mapagkakatiwalaan ito.
Kumunot ulit ang noo niya ng hindi ako pumayag.
Ibinalik ni Gustave ang pahina sa nauna niyang sinulat at paulit ulit iyong itinuro.
Binasa ko naman ulit.
"Umm, it's because we grew up together. His older brother is our family doctor." Sagot ko sa tanong niya. "I was homeschooled, and the Marquess wants me to have a friend while studying, so when he learned that Viscount Falcon has a son my age who is also homeschooled, they decided to had us taught together." Pagdadagdag impormasyon ko.
I wonder why he is asking. Pati pagtawag ni Randal ng Eve itinatanong pa niya.
He scribbled something, and when he gave me the notebook, a huge angry face was drawn on it.
Tumawa ako kasi yung isang mata ng angry face nasa labas ng bilog.
"Did he do something to you?" Though I doubt it. Kung meron man ay baka nasuntok na ni Gustave si Randal. So far, mukha namang walang damage ang kababata ko.
Isang iling lang ang isinagot niya.
Galit lang talaga siguro siya sa lasa ng gamot na ibinigay ni Randal.
Nakatingin ako sa kanya habang umiinom ng tea. He's writing something again.
'Can I also call you Eve?'
Muntik na akong masamid sa nabasa.
Hindi agad ako nakasagot.
Pano ko sasabihin sa kanya na hate ko ang nickname kong yan?
"H-How about you give me a nickname that only you can call me?" Suhestiyon ko. "I don't really like being called Eve." Alangan akong ngumiti.
He didn't move his hand to write anything at mukhang nag-iisip.
Hinayaan ko na muna siya at nagslice din ng cake para sa sarili ko.
He wrote something and passed the notebook to me. Dali dali akong nagsubo ng cake bago ko binasa.
'Angel.'
I think my cheeks are going to explode on how cringe it is.
"W-Well, if you like it, you can call me that."
He wrote something again.
'My Angel.'
Pakiramdam ko ay nag-over heat ang utak ko sa nabasa. Hindi ko mapigilan ang pagngiti ko.
Jusko kung may twitter lang dito, hashtag kinikilig na this!
Wait!
Inayos ko ang sarili at pinigilan ang kilig.
Umayos ka self, at wag kang assuming!
Bored lang siguro si Gustave kaya kung ano ano ang iniisip.
_____
VOTE. COMMENTS. RL
are highly appreciated.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro