Thirty Five
Amanda snuggled back to the covers as she felt the coldness of the aircon in her bedroom.
It's already October and she can't wait for the end of the month to arrive. She booked for a trip to Korea for four days and three nights with the family.
She had promised her parents they will go on a trip before her father's condition got worst. She knows she should save up money for her father's chemotherapy sessions but her parents also kept pushing her to file a vacation leave to see the precious Nami Island which they also get to see in the Endless Love: Winter Sonata that they watched together during the weekends last year.
Amanda can't help but smile excitedly as she remembers her scheduled trip.
"Anak! Nood na tayo ng kdrama! Episode 5 palang tayo!" Amanda heard her mother shout from the stairs.
Amanda yawned and stretched her arms before sitting up and fixing her bed. She headed straight to the bathroom for a quick shower and changed to comfortable pajama and sleeveless blouse. On her slippers, she went down to her parents.
"Mag-almusal ka na dyan. Nauna na kame ng papa mo. Nagutom na ako kanina kasi anong oras ka na nagigising pag Sabado." usal ng kanyang ina habang nakaupo sa sofa katabi ang tatay nya.
Agad na binuksan ni Amanda ang nakatakip na ulam at kumuha ng kanin mula sa rice cooker. Nag timpla na din sya ng kanyang kape bago mag-almusal ng corned beef.
Wala pang labinlimang minuto ay natapos itong kumain at katabi na ang ina sa upuan sa harap ng kanilanb telebisyon.
Kalagitnaan ng panonood nila ng You're all Surrounded kung saan bida si Lee Seung- Gi at Go Ara na kailan lang hinahanggaan ni Amanda dahil sa angking kagwapuhan ng may nagdoorbell sa kanilang gate.
"Puntahan mo na yun, 'pa." Sambit ng ina habang nakatutok pa din sa telebisyon habang ngumunguya ng fish cracker.
"Ganda-ganda ng upo ko dito eh. Kayo na." Ani ng kanyang tatay habang umiinom ng c2 sa kanyang tabi.
"Eto naman. Ako na nga." padabog na sabi ng ina habang tumatayo.
Napataas ang kilay ni Amanda sa pagbago ng mood ng ina na palagi nilang iniiwasang mag-ama dahil ibang klaseng magalit ito. Walang kinakausap ang ina kahit sino sa kanila kada nagagalit ito. Sya ang batas sa bahay nila.
"Ako na ma." sabi ni Amanda sabay tayo at bitaw ng fish cracker sa upuan. "Magbabanyo din ako pagkatapos. Umupo ka na diyan at manood."
Agad na pumunta si Amanda sa kanilang gate at nagulat sa hindi inaasahan nyang bisita.
"I miss you." Mr. Park grinned at her and raised his pasalubong, her favorite, ube custard cake from Conti's.
Mr. Park even dropped down to meet her eyes and without anymore hesitation, kissed her lightly on her lips.
Amanda's eyed widened when she felt his lips on hers. The kiss was only for a brief moment but she felt light as the air.
It took her a moment to realize what Mr. Park had done before she slapped him hard on his stomach.
"Aray ko naman!" Mr. Park yelped and tried to dodge her hits. "Mamaaa oh!" He even shouted for her mom for help.
"Mama ka dyan! Nanay ko yan!" Amanda said and keep on hurting him.
"Ano ba yan! Ang ingay!" Aling Delia complained and stepped out of the house to see what's going on. "UY, PARK! Ikaw pala! Tara na at pumasok ka na sa loob. "
"Rinig mo yon, love?" Mr. Park smirked and even poked her waist. "Tawag na ako ni mama. Bahala ka na dyan ha. " Mr. Park laughed as he went inside their house.
Inis na namumulang sinara ni Amanda ang gate nila at akmang susunod ng marinig ang pagbagsak ng ilang mga gamit sa bahay ni Romeo.
Imbes na sumunod sa loob, nagtataka at puno ng kuryosidad na sumilip si Amanda sa gate ng kanyang kapitbahay at kaopisina.
Napakunot ang kanyang noo ng mamataan ang pamilyar na bulto ng katawan na nakatalikod sa kanya at kasagutan ni Romeo sa sala.
Tila nakalimutan ng taong iyon na isara ang kanilang gate at nakaawang pa ito.
Tahimik na pinagkasya ni Amanda ang sarili sa gate at pumasok sa loob.
Abala ang dalawang tao sa pakikipagbuno sa isa't isa at hindi napansin ang pagpasok ni Amanda sa sala nila.
"Tumigil ka na!" Sigaw ng pamilyar na boses at binawian sya ng suntok. "Wag mo na akong pakialaman sa mga desisyon ko!"
Napailing si Romeo at tinulak ng buong lakas ang lalaki. Kitang kita ni Amanda kung paano nasagi ng lalaki ang lampara sanhi upang mabasag ang glass stall kung saan nakalagay ang ilang mamahaling teacups collection nito.
Hindi alintana ng lalaki ang nangyari at ika-ikang napatayo para gumanti kay Romeo.
Hindi makapaniwala si Amanda sa nakita at napaatras na lamang.
Ang lalaking sugatan na kaaway ni Romeo ay walang iba kung hindi ang kanyang kaibigang si Jessica.
Si Jessica na walang kolorete sa mukha. Si Jessica na malayo sa pagiging maingay at kaartehan na kanyang nakilala.
Napahinto ang dalawang lalaki ng mapansin siyang nakatanaw sa kanila ng may takot at luha sa mga mata.
"A-Amanda!" sambit ni Romeo at pagod na napapunas ng pawis at dugo sa labi.
"Baaks!" Sigaw ni Jessica pero tanging iling ang sagot ni Amanda.
Dahan-dahan ang lakad paatras na ginawa ni Amanda hanggang sa tumakbo sya papunta sa gate.
Hindi namalayan ni Amanda ang paparating na sasakyan at tumama ang kanyang tagiliran nito sa bumper ng sasakyan.
"Amanda!"
"Baks!"
"Shit! Amanda!"
Napatitig na lamang sya sa langit ng may luha sa mga mata bago sya tuluyang kinain ng dilim sa pagdikit ng katawan nya sa kalsada sa malakas na impact ng sasakyan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro