Seven
Third week na nagtututor si Amanda sa anak ng kanyang mga ka-opisina.
And the pay is actually good. Nagpasya syang magtutor ng half-day lang tuwing Sabado para may oras pa rin syang alagaan ang kanyang mga magulang at bumawi ng pahinga.
Hindi pa nya nababalikan ang lalaking tumulong sa kanya noon sa elevator noong nagpass out sya.
It's that time of the month na at bestfriend nya ang calculator at mga due dates ng expenses sa bahay.
Meralco, Maynilad, Internet, pati na rin ang amilyar ng bahay.
Mabuti nalang at natanggap na nila ang pension ng kanyang mga magulang at kahit papaano ay nabawasan ang isipin nya.
Halos nasa 20,000 din ang bayarin nila kada buwan.
Hindi din naman ganoon kalaki ang kita nya kada buwan sa tinatrabahuan kaya na-enganyo din sya sa pagtutor kahit hectic ang work schedule.
Awa ng Diyos ay nakakabawi pa sya ng tulog kahit papano.
"Anak, meron pa ba tayong extra dyan? Nakalimutan kong maggrocery ng mga kailangan natin sa bahay. Hindi ko maiwanan mag-isa ang papa mo rito." nahihiyang sabi ng nanay nya at tinabihan sya sa dining table nila.
Ngiti at tango ang sagot ni Amanda sa ina.
"Paki-lista na lang ang mga kulang natin, 'Ma. Ako na po ang bibili sa supermarket. May mga kailangan din akong bilhin sa bookstore para sa opisina." sabi nya at nagpatuloy sa pagkakalkula ng bayarin.
"Salamat, anak." ani ng kanyang ina at sinimulang maglista ng mga kailangan.
Matapos mananghalian, agad naligo si Amanda. Matapos maligo, ginawa na nya ang skincare routine at namili ng komportableng damit na susuotin.
Suot ang kanyang paboritong blue jeans at simpleng dark blue shirt, pinaresan nya ito ng kanyang flesh sandals.
Agad na kinuha nya ang cellphone at wallet at nilagay ito sa sling bag nya. Bago pa nya makalimutan ang payong, kinuha nya na ito at nagdala na din ng tatlong pirasong ecobag nila.
"Eto nga pala anak yung listahan." sambit ng mama nya at ngumiti. "magluluto ako ng paborito mong tinolang manok mamaya para hapunan natin."
"Gusto ko yan!" Amanda exclaimed to lighten the atmosphere. "Alis na po ako, ma. Baka biglang umulan."
"Ingat ka anak." sagot nito at hinatid sya hanggang garahe nila.
---
On the way to the supermarket, napadaan sa department store si Amanda at nakita ang isang napakagandang dress.
She always loved the color pink. And black. And red.
When she saw the wide array of colors in the window of the department store, her eyes shone with delight.
Gustuhin nya man bilhin iyon pero alam nyang may priorities sya ngayon.
Ang maitawid ang sitwasyon nila ng magulang nya ngayon.
Financial crisis.
Napabuntung-hininga na lang si Amanda sa pagkadismaya.
Napakaganda pa naman ng dress na yon.
Isang old styled black and red checkered type of dress. Old. but elegant.
Red and black checkered ang front part and full black at the back. It's an A-line type of dress but comfortable to wear.
Hindi rin naman ito masyadong maiksi. One inch below the knee ang haba and ma-eemphasize ang kaputian nya dun.
Simple pero eleganteng tingnan.
Aalis na sana sa store na yun si Amanda nang mapansin sya ng saleslady.
Nginitian sya nito at binati.
"Hello, Ma'am. Bagay na bagay po sa inyo yang damit na yan. Try nyo po sya sa fitting room mam." ngiting bati nito sa kanya.
Napailing nalang si Amanda.
"Hindi na ho, salamat." Amanda smiled back to acknowledge the saleslady's offer.
"Sige na ho, Ma'am. Sukat nyo lang po. Pwede nyo naman hong balikan pang gusto nyo ng bilhin." ngiting sagot ng Saleslady sa kanya.
Walang nagawa si Amanda but to surrender to the saleslady's offer.
"Sukat lang po ah. Hindi ko po ito kukuhanin." natatawang sagot ni Amanda at agad na kinuha ng maid ang size nya. Binigay nya ang size na pinakuha nya sa kanya at giniya sya sa fitting room.
Pagkasara ng cubicle ng fitting room, agad na nagpalit si Amanda.
Nakita nya ang sarili sa salamin.
Imbes na matuwa ang mata sa nakita nya sa salamin, tumulo na lang bigla ang luha nya.
Doon nya narealize na malungkot pa din pala sya.
Kahit gaano pa kaganda ang damit na suot nya, hindi pa din nya magawang ngumiti ng totoo.
Hinubad nya ito agad nagpalit na ng damit na suot nya kanina. Pinunasan nya ang luha nya at sinuot na din ang sling bag nya.
Dala ang damit, binalik nya ito sa saleslady.
"Hi, Ma'am. Maganda po, 'di ba?" the saleslady winked at her and Amanda tried to smile.
"Salamat ho." Amanda said and went out the department store and head straight to the supermarket.
---
Abala si Amanda sa pagkuha ng mga nasa listahan sa food racks sa supermarket.
Tulak-tulak nya ang blue cart na may kaunting laman na feminine essentials nya at ilang toiletries para sa bahay nila.
Nasa poultry section sya at hinihintay ang one whole chicken na pinapakilo nya at nilagyan ng price tag ng nag aassist sa mga iyon.
Ganoon din ang ginawa nya sa fish section.
Hindi sya naghintay ng matagal dahil kaunti lang ang tao sa mga oras na iyon.
Ilang saglit lang at nasa counter na sya para magbayad. Nilagay nya sa cart nya ang tatlong ecobag laman ang mga binili ng matapos itong bayaran.
Napangiti lang si Amanda ng bigla nyang makasalubong ang isang kaopisina nya sa IT Department.
Malapit lang sa mall ang opisina nila at hindi na nakapagtataka pa kung may bigla na lang babati sa kanya.
Napanguso siya nang makarating sya sa exit ng mall. Malakas ang ulan.
Napabuntung-hininga na lang siya nang maalala na kailangan nyang makauwi kaagad.
Kanina pa nya gustong mahiga at manood ng Kdrama. Namimiss nya na ang mga mata ni Lee Jong Suk.
Ilang linggo rin syang naging busy sa trabaho. She needs a diversion right now.
Iikot na sana sya sa foodcourt para maghanap ng mauupuan habang pinapatila ang ulan ng makita sya ng kalabitin sya ng security guard ng mall.
"Yes po, kuya?" tanong ni Amanda na nagtataka.
Tinuro ng Guard ang isang sasakyan na nagbaba ng window sa passenger seat at tinawag sya.
"Amanda Catalin!!" sigaw sa kanya ni Mr. Park at ng isa pang lalaking kasama nito.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro