Forty Three
"Alis na ako, mamsh." Nakangiting sabi ni Kristina kay Amanda pagkatanaw ng kanyang sundo. Coding sya ngayon kaya nagbook nalang ito ng grab. "Sigurado kang ayaw mong sumabay pauwi?"
Amanda nodded and smiled appreciatively at her friend.
"Yep. Ingat ka, mamsh." Kumaway pa ito sa kaibigan hanggat mawala ito sa kanyang paningin.
Napabuntung-hininga si Amanda at nilakasan ang kanyang loob na magkunwaring nag-abang ng masasakyan.
Kinakabahan man pero nilakasan nito ang loob na gawin ang nasa isip.
Umihip ang malamig na hangin kasabay ang malakas na kulog. Matapos ang ilang minuto ay nagsimula ng umulan. Mahina ito nung una ngunit ito din ay lumakas kinalaunan.
Mahigpit man ang hawak sa bag at payong, sinimulan nyang maglakad papuntang sakayan mula sa kanilang building.
Saktong pagdating niya sa waiting shed, namataan nya ang isang kaopisina mula sa kabilang departamento.
Hugo ata ang pangalan nito o Hero?
Nakapamewang na nakita sya nito habang sumisimsim sa beer in can na hawak nito. Binigyan sya ng hilaw na ngiti nito at tango lang ang sinagot ni Amanda.
Mula sa kanyang kinatatayuan, naaaninag nya ang bulto ng katawan ni Romeo isang kanto ang layo mula sa kanila. Pasimple itong nagkukubli sa likod ng poste ng gas station.
Napahinga ng maluwag si Amanda ng mapanatag ang kanyang loob.
Ilang mga bus at jeep na ang nagdaanan sa harap niya pero pinanatili nyang kalmado ang sarili.
May hinihintay syang signal mula sa mga kasamahan bago sya kumilos.
Lumalakas na din ang ulan at nababasa na din ang maong nyang pantalon at itim na rubber shoes.
Nang makita niya ang isa pang kasamahan nila na sumakay sa bus na madalas nyang sinasakyan papunta sa lola niya sa Bulacan, umubo sya ng bahagya at nagtangkang umakyat na din.
Pagka-akyat sa loob ng bus, lihim na napangiti si Amanda nang napansin niyang sumunod si Hugo sa kanya na umakyat.
Palinga-linga siyang naghanap ng upuan sa bus.
Nang makitang may dalawang bakanteng upuan sa bandang likod ng bus, agad syang naglakad papunta dito.
Kinuha ni Amanda ang pwesto sa tabi ng bintana ng tumayo ang isa sa tatlo nyang kasama at pinauna syang umupo.
Habang nakaupo, tanaw niya ang mariing titig ni Hugo sa kanya at lumapit pa sa kinaroroonan nya.
Labis ang kaba ni Amanda sa takot na baka may patalim ito. Kita niya na ang isa sa mga pasahero ay natabig si Hugo pagkatayo pababa ng bus.
Napakunot ang noo nito at tumayo na lamang sa aisle ng bus imbes na umupo sa bakanteng pwesto.
"Relax, Amanda." bulong ng lalakeng katabi niya. "Sundin mo na lang ang plano ng matapos na pare-pareho ang problema naten."
Amanda nodded and looked out the window.
Amanda paid her fare when asked by the conductor where she was heading to.
Hindi pa nagtatagal nagkunwari ang kasama niyang lilipat ng upuan at nakita niyang nginitian siya ni Hugo at tumabi sa kanya.
"Hello, Miss Amanda." Masayang wika nito at akmang makikipagkamay ngunit tinitigan nya lamang ang kaopisina. "Hugo nga pala, taga-IT Department."
Amanda nodded. She adjusted the sleeves of her dress shirt and crossed her arms over her chest.
"Saan ka pala umuuwi, Ma'am?" Tanong pa ni Hugo sa kanya.
Amanda didn't answer and looked straight.
"Baka pagod ka na po, Ma'am. Sige po, pikit ka muna." Natatawang banggit ni Hugo at nag-alok pang isandal ang ulo nito sa balikat nya.
Pinanatili ni Amanda na tumahimik sa kinauupuan.
Pito na lamang silang natira sa bus makalipas ang ilang oras sa byahe pa-Bulacan. Ang lalaking katabi nya kanina, dalawa pang kasama nya, dalawang civilian, si Hugo, at sya.
Nang maramdaman ni Amanda na nagsimula na si Hugo na hipuan sya, tumayo sya bigla at lumipat ng upuan.
Ngunit sadyang makulit ito at sinundan siya sa upuan sa harap.
"Pwede ba, 'wag mo akong sundan!" Inis na sambit ni Amanda na ikinangisi ni Hugo.
"Nag-aalala lamang ako sa'yo, Ma'am." May himig ng lambing sa tono ng pananalita ni Hugo.
Yamot na pumara si Amanda ng makita ang kanto nila. Tumayo sya at naglakad pababa ng bus.
Hindi natitinag si Hugo at sinusundan pa din si Amanda pauwi.
Sa hindi kalayuan, tanaw ni Amanda ang mansion nila Toniboy at binilisan ni Amanda ang lakad ng hablutin siya ni Hugo sa braso.
"Nakakabastos ka naman, Ma'am. Pansinin mo naman ako oh." Pangungutya na may halong pananabik na wika ni Hugo.
Akmang sasampalin ni Amanda si Hugo ng makita sa likuran ng binata ang tatlo niyang kasama. Tumango ang isa sa kanya hudyat na magpatuloy. Walang pagdadalawang-isip na sinampal nya si Hugo sa bastos niyang bibig.
"Masakit ka pala manampal, Madam!" halakhak ni Hugo ng palagutukin ang leeg habang hinihimas ang parte ng mukha nyang nasampal ni Amanda.
Umatras si Amanda at siya naman ang tumango sa mga kasamahang naghihintay lamang ng kanyang go signal para kunin at dakipin si Hugo.
"Pambihira! May dala ka pa lang mga bata mo dito, Madam!" Maingay na tawa ni Hugo. "Angas mo, pre ah! May pa-baton ka pa dyan. Cheerleader ka pre?" Pang-aasar ni Hugo sa balbas saradong lalake na mas malaki pa ang katawan sa kanya. "Ikaw? Ano naman ang peg mo sa bolang hawak mo? Ano yan, may laro ba ng basketball dito? Pa-liga, ganern?" Turo nya sa isa pang kasamahan ni Amanda na may kapayatan ng kaunti, hawak ang tila bola sa kanyang mga kamay na pinaglalaruan pa nito habang sumisipol.
Hindi pa nakuntento si Hugo at pinansin ang lalaking katabi ni Amanda sa bus kanina. Sa tatlong kasama nya, ito ang pinakamatanda. Kita sa puting buhok nito na subok na ito sa mga rambulan at isa pang patunay ang malaking peklat na makikita sa kanyang kanan na braso. Imbis na peklat ay pina-tattoo na lamang nya ito upang maitago ang sugat.
"Uy, tatang! May curfew ang mga seniors, hindi ba kayo na-inform?" panunudyo ni Hugo at prenteng umupo sa tambak ng gulong na nasa daan.
"Ang yabang, ampota." sambit ng lalaking kasama ni Amanda na malaki ang katawan.
"Na-bobore na ako, paps." Wika naman ng binatilyong may hawak na dalawang bola.
"Simulan nyo na, mga bata." Nakangiting sabi ng pinakamatanda.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro