Forty Four
Nakalayo na si Amanda sa kasalukuyang eksena kung saan pinapahirapan ng mga kasama niyang lalaki si Hugo ngunit parang ang layo nya pa din sa mansion ng mga Del Mundo.
Pagod na pagod na ang kanyang mga paa at napasandal na lamang sya sa sirang yero na nakagilid sa daan.
Habol ang hininga, pilit na tumayo si Amanda at mahigpit na hinawakan ang kanyang bag.
Hawak na niya ang kanyang cellphone para tawagan sila Toniboy ngunit may kamay na tumakip sa kanyang bibig bago pa man sya makapagsalita.
Pilit na nagpupumiglas upang makawala si Amanda ngunit sadyang mas malakas ang lalaking bumihag sa kanya.
Hinang-hina siyang sumuko sa panlalaban sa lalaki at ang maliwanag na buwan ang kanyang huling nakita.
Lumipas ang gabi at nagising si Amanda na nasa isang abandonadong warehouse siya. Nakatali ang mga paa at kamay sa upuan.
Sa kanyang harapan ay may isang bilog na lamesa kung nasaan namamahinga ang tatlong lalaki habang may mga bote ng alak sa kanilang harapan.
Halatang lasing na ang mga ito dahil lahat sila ay bagsak ang mga ulo sa upuan.
Dahil may duct tape na tumatakip sa kanyang bibig, hirap huminga si Amanda habang palinga-linga na naghahanap ng paraan upang makawala.
Inobserbahan nya ang paligid at napansin ang isang tipak ng baling plywood na nasa likuran nya. Agad na pinilit ni Amanda na buhatin ang sarili paatras sa nakausling plywood upang makalagan ang sariling mga kamay na nakatali sa lubid.
Hirap man sa sitwasyon, ginawa ni Amanda ang lahat ng makakaya para maalis ang nakatali sa kanya. Matapos ang ilang minuto ay nakalagan nya ang kanyang sarili. Yuyuko na sana sya para tanggalin ang nasa paanan nya ng makarinig sya ng takong ng sapatos na papalapit sa kanya.
Nagkunwari si Amandang tulog at bumalik sa dating pwesto na nakatali kunwari ang mga kamay sa likod.
Rinig nyang hindi lang isa ang papalapit sa kanyang direksyon kundi tatlo.
Ang isa ay tila babae na may manipis at matining na tunog na takong. Samantalang ay dalawa ay parang mula sa mga lalaki.
Pikit-matang napasinghap si Amanda ng maramdaman ang tubig sa kanyang mukha matapos syang sabuyan nito.
"Hello, bitch." Malutong na pangungutya ng hindi inaasahang tao na nasa harapan nya. Marahas na tinanggal nito ang duct tape sa bibig nya.
"Mi- Miss Gretchen.." Naghahalong gulat, kaba, lungkot at takot ang himig ng tono ng boses ni Amanda habang tinatago ang mga kamay sa likod.
Gretchen, Amanda's HR Manager, smirked and sat lazily on the wooden chair in front of her. She toyed with the loose strand of her hair and met her eyes.
Her supposed-to-be big tummy due to pregnancy is no longer visible in her eyes.
"Long time, no see, Catalin." Gretchen said.
--
Amanda looked at the two guys behind Gretchen and her forehead creased with confusion and familiarity at the tall, fair-skinned guy.
She knew she had seen him before. Aching to remember where she had seen him, she seemed to forget about her situation now.
"Lutang lang, Catalin?" Gretchen laughed and pulled out a whip given to her by the other guy behind her.
As if to wake her up, hinampas ni Gretchen ang binti ni Amanda at napahiyaw na lang sa sakit ang dalaga.
Her legs sting with the excruciating pain from the whip and she was sure that it will soon bleed out.
"Miss Gretc- Aaah!" Amanda felt hot tears sprung from her cheeks as she received another strike from her former boss.
Gretchen only laughed louder when she heard Amanda cried out in pain.
If she only know how pleasurable it was, she will gladly volunteer to kill out the lady her husband wanted to aim for.
Yes. Gretchen is married to Alfred Young-Rivas of the Young-Rivas, Inc. Simula pa lang pinlano na ng mag-asawa ang pagtatrabaho nito sa kumpanya ni Mr. Park upang masubaybayan ang kalakalan sa loob nito.
"Goodness! This is madness!" Gretchen squealed in glee and strike another whip at Amanda, this time, on her back.
Puno na ng sugat at pasa ang katawan ni Amanda kasabay ng matitinding palahaw nya gawa ng whip na hawak ng torturer nya.
"Tama naaa po!" Amanda cried. "Patayin nyo na lang ako! Ayoko na po!" Amanda's painful cries filled the room.
But Gretchen is deaf to her pleas and continued inflicting pain on her employee.
Amanda saw blood seeping out on her blouse and jeans and she could only whimper in pain.
She prayed her friends would save her. She prayed Mr. Park would be there to save her.
Amanda felt another wave of pain will hit her again so she decided to fight back. With both her hands free, sinalubong nya ang whip na hawak ni Gretchen.
Gretchen's eyes widened ng mahawakan ni Amanda ang dulo ng whip niya. With tired and vengeful eyes, nagawa ni Amanda na pantayan ang lakas ni Gretchen. Kahit na nakatali ang dalawang paa sa upuan at alanganin ang kanyang tayo, gamit ang natitirang lakas, hinigit nya ang dulo ng tali dahilan para mabigla si Gretchen at mapalapit sa kanya.
Nang mahawakan ni Amanda si Gretchen sa bewang, walang pagdadalawang-isip na haplusin ang tiyan at saka nya tinulak ito. Kung totoo mang buntis ito at ang tsismis na ito ay na-ceasarian siya, malamang ay sariwa pa ang tahi nito sa tiyan.
Masama man ang mag-isip at magnais sa ibang kapwa, natuwa sya ng makitang namimilipit ito sa sakit sa sahig kaya minabuti niyang kalagan ang mga paa at tumakbo palayo sa abandunadong warehouse.
Rinig nya ang utos ni Gretchen sa dalawang lalaki na sundan siya at binilisan pa ni Amanda ang pagtakbo kahit na iika-ikang maglakad.
Nakarating na siya sa harapan ng warehouse ngunit mataas ang gate nito. Naghanap ng matutungtungan si Amanda sa paligid at nakakita ng malaking tipak ng bato at nilagay iyon sa pasamano upang makaakyat sya.
Akmang aakyat sya ngunit bigo sya dahil sobrang taas nito. Minabuti nyang maghanap ng iba pang matatakasan na lugar na mas mababa.
"Amanda!" Napatigil si Amanda sa pagtakbo ng makita si Mr. Park sa likod nya.
Nakaramdam si Amanda ng paghihina at may halong tuwa ng makita ang taong matagal nya ng gustong makasama.
Mukha ni Mr. Park ang huli nyang nasilayan bago sya nilamon ng dilim at nawalan ng malay.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro