Five
Tatlong araw na ang lumipas simula ng nalaman ni Amanda ang sitwasyon ng kanyang ama. Tatlong araw na rin hindi siya mapanatag kung paano pagkakasyahin ang pera sa bangko ng kanyang mga magulang pati na rin ang pension.
Hindi sapat ang kinikita niya sa trabaho para sa bayarin sa kanilang bahay at gastusin sa ospital.
Bukod dito, may hospital bill pa syang kailangang isipin.
Habang tumatagal ang ama nya roon ay ganoon din ang taas ng bill nito kada araw na lumipas.
Wala syang choice kundi ang bumale ng ilang buwan para matustusan ang mga bayarin nila.
Wala syang ibang aasahan dahil nag-iisa syang anak. Ang kanilang mga kamag-anak ay mas pipiliing intindihin ang kanilang mga sarili kesa mag-abot ng tulong sa kanilang kapatid.
Mahirap ang buhay. At ramdam ni Amanda kung gaano ito kahirap sa sitwasyon nila ngayon.
Ilang buntung-hininga na rin ang pinakawalan niya at tulalang nakatingin sa pintuang nasa harap nya mula sa cubicle nya sa opisina nila.
Office of the COO
Katapat lang ng kanilang opisina ang opisina nito.
Alam nyang suntok sa buwan ang makaharap ito dahil bibihira itong makita sa kompanya nila. Mas madalas pa niyang makita ang sekretarya nito kahit na madalang pa sa isang quarter ito bumibisita.
Sinubukan na ni Amanda na mag cash advance sa HR Manager nila kaso dahil sa walang higher ups na nag-aapprove nito, dumaraan ang araw ng paglalagi sa ospital ng kanyang ama.
Hawak ang C.A. request, lumapit si Amanda sa sekretarya nitong si Hilary Somera.
"Hi, Miss Somera." Amanda smiled brightly as if to fight back tears.
"Hil nalang, Amanda, nagmumukha akong manang nyan eh." nakangiting bati ni Hilary sa kanya at napabuntung-hininga na lang si Amanda sa sagot nito.
Mukhang hindi sya mahihirapang kausapin ang sekretarya nito. Sana. Sana nga.
"Ano nga pala ang sadya mo? May papa-pirmahan ka ba?" Banggit ni Hilary at pakunwaring sinilip ang papel na hawak ni Amanda.
"Ah, oo. Andyan ba sya ngayon? Kailangang-kailangan ko na kasi ito." Amanda nodded at napahigpit ang hawak sa papel.
"Oo. Pero ayaw ni Boss nagpapapasok ng walang appointment eh. Ano ba 'yan?" sagot ni Hilary at pina-upo sya sa couch sa tapat ng pwesto nya.
"Ah, sige. Wag na lang. Salamat." Amanda sighed and was about to turn to her department when she heard the door to the COO'S office opened.
"Hey, Hil." narinig nya ang baritonong boses ng lalaki na kausap ni Hilary. "Do I have any other meetings scheduled today?"
It was all Amanda could take not to turn around and run to him for help. May hiya at delikadesa pa naman sya kahit papaano.
Amanda decided to listen in to their boss and Hilary's conversation even if that means eavesdropping to them just so she can talk to him.
Amanda stepped back as quietly as possible. Cautious not to hear a sound.
Pinikit ni Amanda ang kanyang mga mata at umikot pabalik sa pwesto ni Hilary na nasa tapat lang ng opisina ng COO.
"Yes. Miss?" liningon sya ng lalaki at nginitian ng matamis.
Amanda gulped at na-starstruck sa kagwapuhan ng tao na nasa harapan nya.
"Sya nga po pala si Amanda, Sir." sabi ni Hilary and smiled at her. "Tamang-tama, Sir. May sadya nga pala po sya sayo. Go na, girl."
"Really? To what do I owe a beautiful girl like you a visit?" the man said and gestured his head to his office as to say to follow him.
Amanda's mouth gaped open and she heard Hilary's laugh.
"Wag masyado obvious, girl. Oo, gwaping si boss naten." Hilary giggled and shooed her inside their boss' place.
"Uhm... Uh.. Hi." Walang nasabing pumasok si Amanda sa room ng kanilang COO.
Pinanood nya itong iadjust ang necktie nya at ituro ang upuan sa harapan nya.
"Take a seat, Miss Catalin." The COO said and smiled genuinely.
Binasa ni Amanda ang pangalan na nasa harapan niya bago umupo.
Park So Young
Chief Operating Officer
"Uh.. Good morning, Mr. Park. I would like to request for a cash advance but our HR Manager said that we need the signatories first before it could be encash." Amanda said as she carefully chose her words.
Inabot nya ang cheke sa kanilang boss and looked into his eyes.
Hindi naman inalis ni Mr. Park ang kanyang tingin sa kanya habang pinirmahan ang cheke.
"Done." Ngumisi ulet si Mr. Park at binalik sa kanya ang cheke.
Akmang tatayo na si Amanda ng may banggitin si Mr. Park sa kanya.
"Please fix your skirt. You're exposing too much skin. Wear something a little longer next time."
Amanda's eyes widened and turned around to face him. She was about to answer back when she remembered na boss niya ang kausap niya at nagbow na lamang bilang pagsang-ayon.
"Noted, Sir. Thank you po. " Amanda said and let out an exasperated sigh.
"I'll go ahead po. Thanks again."
Tiningnan ni Park So Young si Amanda habang palabas ito ng kanyang opisina. Through the glass door, nakikita nya ang mga nangyayari sa labas.
Nakita nyang nagpasalamat si Amanda sa kanyang sekretarya at tika nagtawanan pa ang dalawa bago siya umalis.
Park sighed and rested his head on his Executive Chair and prepared to doze off. Meron pa syang apatnapu't limang minuto bago ang meeting nya kasama ang investor ng kompanya nila. He might as well took his nap.
Pinindot nya ang intercom at binilinan ang sekretarya na gisingin sya matapos ang 40 minutes bago kausapin ang investor.
On the other side, ngiting-ngiti si Amanda ng ibalik nya ang approved and duly signed na cheke kay HR Manager nila.
"Talagang desidido ka na agad, Amanda ha. Diniretso mo kay Bossing ang pakay mo." ani ni Miss Gretchen Toledo, HR Manager nila, at ginawan ng note ang requisition form para iutos sa isang ka-opisina nila na dalin ito sa Finance Department Head. "Hintayin mo nalang yun. Lumabas lang siguro sila Anita. Advise kita pag pirmado na at for encashment na sya ha."
"Maraming salamat po, Madam. Kailangang-kailangan po talaga dahil sa nangyare kay papa." Amanda said and did not hesitate to give her boss a quick hug.
"I understand. Hope he gets well soon, dear." Miss Gretchen said and patted her shoulder. "Oh, masyado ng cheesy. Balik ka na sa post mo. Sabihin nila, magkakapalit na tayo na naman ng mukha."
Amanda laughed and wiped the tears that has fallen her cheeks.
"Aye, Aye, Captain!" Amanda agreed and marched back to her post.
Bago pa man maupo si Amanda bigla nyang naalala ang sinabi ni Mr. Park.
"Miss Catalin"
Paano pala nya nalaman ang apelyido ko? napaisip si Amanda habang tinatapos ang kanyang gawain.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro