Prologue
"Bakit ang tagal niyang nakabalik?" Ani ko at hinahanap ko siya sa venue kung saan yung rehearsal dinner namin. Ngunit hindi ko parin siya mahagilap.
Halos nalibot ko na ang sulok ng hotel wala parin'g Rommel akong nakikita. Hanggang sa dumako ako sa may hardin. Nang may narinig akong boses ng babae na umiiyak, nagmamakaawa na parang bata.
"Rommel please wag mo'ng ituloy ang kasal. Hindi mo lang alam kung gaano ako nasaktan ng makita ka na may kasama kang iba. The worst thing is you're going to marry her instead of me!." Humagulhol pa ito sa harap ng kasintahan ko.
Shit! At ang Rommel naman walang kareact-react! Ano toh!!! Ginaganahan siya na pinag-aagawan?!
Humalukipkip ako sa aking narinig at na-estatwa sa kinatatayuan ko! I just can't believe that he keep on seeing her!!! Kung mali man ako, bakit hanggang dito nasundan pa siya! Kung hindi na sila nagkikita diba?!
"Bakit ngayon mo lang sinabi sakin ang lahat-lahat Trina. I thought hindi mo na ako mahal. At ngayon, na malapit na akong ikasal. Ngayon mo sasabihin sakin ang mga iyan? Bakit?" bakas pa sa boses ni Rommel ang paghihinayang.
Nanghinayang pa talaga ang mokong! Hinintay niya pa talagang umaabot sa puntong ito! Ang kapal ng muka!!!! Napakuyom ako ng kamao at unti-unti nang bumabagsak ang luha ko sa lupang tinatayuan ko.
"Please Rommel hindi ko kakayanin. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin sayo ang totoong nararamdaman ko. I still love you, and I still do. Infact, when you left I didn't stop loving you Rommel.." she keep on pursuing my damn fiancee! Upang balikan siya ni Rommel!
Nakita ko ang paglapit ni Rommel sa kanya at ang paghagod niya sa kanyang likod. At ang paghaplos nito sa pisngi niya.
Pakiramdam ko pa ngayon ako ang naging kontrabida ng kanilang pag-iibigan. Parang may kung anong matulis na karayom na tumusok ng unti-unti sa puso ko upang dumugo ito at masaktan ng labis. Sa nakita ko sa dalawa.
I can truly say they we're so in love. In love in the sense that even if they weren't together for a long time. They still love each other!!! Damn it hurts me big time!
Ibang-iba ang mga titig ni Rommel sa kanya. Punong-puno nang paghihinayang at pagmamahal. Ang sakit, ang hapdi, ang kirot at ang pait.
Nakita ko ang taong mahal ko ay may mahal palang iba. HIndi ako nakapagtiis, kundi ang harapin silang dalawa para magliwanagan na! Hindi pwedeng habang buhay lang akong nakatayo rito! At iiwan lang ang eksenang toh sa ere!
"Walang hiya ka Rommel! Pagkatapos ng lahat-lahat ito ang igaganti mo sakin! Hindi pa ba sapat ang pagmamahal ko sa'yo! Lahat ibinigay ko na! Wala na kong tinira sa sarili ko ni isa!!! Bakit mo nagawa sakin toh!? Sana sinabi mo sakin noon pa!!" Nangingiyak kong sigaw sa kanya nang malapitan ko silang dalawa.
"Alex let me explain." Ani pa niya at sinampal ko siya
Pak!!!
"Hindi ko sinasadya na sirain ang relasyon niyo. Nagkataon lang-" dagdag pa ng bruha.
"Isa ka pa!!! Anong nagkataon ang pinagsasabi mo!? Ikaw mismo ang nakipaghiwalay sa kanya! Ngayon, babalik-balik ka! Anong tingin mo kay Rommel kanin?! Kapag naisubo mo at napaso ka, iluluwa mo! Dahil sa napaso ka! Eh! Pucha ka pala eh!" Galit na galit na tinuturo ko siya.
Pumagitna si Rommel saming dalawa.
"Ayaw kong maging masama sa'yo. Pero para matapos na ito. Papipiliin ko si Rommel." Mahinahong ani pa ng babae.
"Ano?! Papipiliin mo si Rommel?! Ang kapal din naman ng apog mo ano!? Niluwa mo na nga lulunukin mo pa ganun?!" Insulto ko sa kanya. Hindi siya ang dehado dito kundi ako.
"Alex... tama na pag-usapan natin toh mamaya." Mahinang sabi pa sa kin ni Rommel.
"Ako pa ngayon ang may mali, ganon? Habang kayo naglalambutsingan rito! Ako naman si tanga, aasa-asa sa pagmamahal mo! Ni minsan Rommel hindi kita pinagtaksilan! Ni minsan wala sa buong buhay ko! Tapos itong babaeng toh!" Sabay turo ko sa ex niya. Napapaluha sa sobrang sakit at galit.
"Umaaligid-ligid lang sayo! Bumigay ka na agad!? Hindi pa ba sapat ang mga gabing ako ang kasama mo! At gusto mo pa ng isa pa?!" Nang dahil sa galit ko di ko namalayan napapalakas na pala ang boses ko.
"Rommel please, pumili kana samin kung sino samin'g dalawa. Para matahimik na siya." Sabi pa nito na akala mo siya yung biktima.
Uminit ang tenga ko sa narinig ko't hindi ko napigilan ang sarili ko na masabunutan ko siya.
"Ang kapal din naman ng mukha mo!" Sabi ko na gigil na gigil sa kanya! Sabay sabunot sa haba niyang kulot na buhok.
"Aray!!! Ano ba!" Napangiwi siya sa sakit ni hindi man lang nanlaban ang bruha.
"Alex! Stop! Sumosobra ka na!" Ani ni Rommel at di niya napigilan ang sarili naitulak niya ako ng malakas.
Natumba ako't dumaosdus ang kamay ko sa batuhang parte ng hardin. Ipinagtanggol pa niya ang kanyang ex kaysa sakin. That's my biggest mistake! Ang mahal siya ng buo at totoo.
"Okay ka lang?" Mas concern pa siya sa ex niya.
"Okay lang, hindi naman ako nasugutan."
"Alex, ewan ko ba kung magiging tama ang desisyon ko. Pero ni minsan minahal rin kita. Ngunit, hindi ko akalain na ang Alex na nakilala ko ay basagulera palang babae. I didn't see you as my wife kung ganyan ka umasta."
What the hell!?! Bakit parang ako pa ang may kasalanan ng lahat!
Sumakit ang dibdib ko ng todo sa sinabi niya. Sobrang kapal ng pagmumukha niya. Siya pa ang may ganang magsabi nun sakin!
Ininda ko ang sakit ng kamay at paa ko't tumayo ako at hinarap ko silang dalawa.
"Kung ganon, magsama kayong dalawa sa imperno! Siguraduhin niyo lang na talagang magiging kayo hanggang dulo!!! JUST MAKE SURE THAT YOU WILL SPEND HER THE REST OF YOUR LIFE!!! I WON'T FORGIVE!" Galit na galit kong sabi sa kanila. Lumakad ako patalikod nang may maalala ako bumalik ako.
"Rommel! I think you better have this." Hinubad ko ang engagement ring at binigay sa kanya't malakas na lumipad ang palad ko patungo sa mukha niya. Hapit na hapit ito sa sobrang lakas dahil mas malakas pa kanina at dumiretso na akong lumalakad papalayo sa dalawa.
"SANA MAKATULOG KAYO NANG MAHIMBING SA KATAKSILAN NIYONG DALAWA! HARLOT!" Dagdag kong sabi na nanggigigil sa galit at poot at tuluyan na akong umalis...
--------
Hi po... please comment or vote po para malaman ko po kung ano po ang hindi maganda sa kwento ko... Maraming salamat po...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro