Kanabata 3
Di naman pala siya bakla..
Pagdating ko sa bahay nilinisan ko kaagad yun'g sugat. Hindi pa gaano'ng humuhupa yun'g sakit. Kaya kinuha ko yun'g alcohol at nilagyan ko nang betadine at bandage.
Pagkatapos kong linisan yung sugat ko. Ay pabagsak akong napahiga sa kama para matulog. I feel tired, exhausted and pain. Dahil sa sobrang hapdi ng sugat ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng toxic simula nung umalis si Miss Tracy.
Mas gustuhin ko pang itulog ito kaysa isipin ko ang taong yun. Nang biglang tumunog ang cellphone ko.
"Nakakainis matutulog na yung tao may tumatawag pa..." padabog kong sabi sabay kuha sa phone ko na nasa side table.
Ay si Ate Angela pala..
"Hello ate napatawag po kayo? May problema po ba?"napahikab kong sabi.
"Wala naman na miss ko lang ang magandang bunso namin." Masayang ani niya sakin.
"Si ate naman... namiss ko rin po kayo."
"Lex...wag kang mabibigla ha."
"Of course not, ano yun ate?" Tanong ko sa kanya. Ano kaya ang ibabalita niya sakin.
"Lex I'm with child----" hindi niya naituloy pa ang ibang sasabihin. Dahil sa napatili na ako sa sobrang saya.
"Aray ang tenga ko." Saway ni ate Angela sakin.
"Sorry ate... My God lets celebrate, ate congratulations." Mangiyak-ngiyak kong ani.
"Oh... umiiyak ka ba?" Puna niya mula sa kabilang linya.
"Wala po Ate Angela masaya lang po ako sa para sa inyo." Pinunasan ko ang aking luha.
"Salamat talaga Lex ha. Pasensya kana kung naistorbo pa kita. Alam kung pagod ka from work. Pero excited na kasi akong ibalita sa'yo ito eh. Ikaw na lang kasi ang hindi ko pa napagsasabihan. Sobrang busy rin kasi dito." Nalulungkot na aniya sakin.
"Sus si ate naman, okay lang yun. Masayang-masaya ako para sa'yo ate. Sana andyan ako para naman mai-celebrate natin si baby."
"I'm glad that your happy for me Lex." Masiglang ani nito sa kabilang linya.
"Si ate naman syempre masayang-masaya ako para sa inyo ni Kuya Lester. Salamat rin sa masayang balita ate Angela. So, dapat extra careful ka na ngayon ate. Wag na wag ka'ng magpupuyat dyan ok?"
"Yes maam. Sige matulog ka na. May work ka pa bukas. Bye miss you and love you Lex. Take care of yourself okay?"
"I will ate, miss you all and love you more." At naputol na ang pag-uusap namin.
I'm so happy for her. Ramdam ko ang kasiyahan ng ate ko ngayon. Sa wakas ay magkakaanak na siya. Matagal narin kasi nilang pinagdarasal sa Diyos na sana bibigyan na sila. At ngayon natupad narin ang kanilang hiling.
Napaiyak ako nang maikumpara ko ang sarili ko sa iba. Dahil ako nalang pala ang hindi pa successful sa lovelife. Sa tingin ko naman wala naman akong deperensya o problema ba't ganun? Bakit hindi ako pinapalad?
Kasi kung sa career lang naman ang pagbabasihan ko wala namang kaproble-problema. Masaya naman ako sa mga narating ko sa buhay. Pero bakit yung pag-ibig napakahirap.
"Ang gusto ko lang naman ay may makasama ako habang buhay. Yung hindi ka pagtataksilan, hindi ka sasaktan at hindi ka papaasahin. Bakit yun'g napupunta sakin'g mga lalaki'y lahat sila ginaganun ako? May problema ba sakin Lord?" Napaluhang sabi ko sa'king sarili.
Napahiga ako sa kama, dala ang sakit na aking nadarama hanggang sa nabasa ang unan ko sa mga luhang walang humpay sa kakatulo.
Matagal akong dinaanan ng antok. Kaya naman bumaba ako sa kwarto ko at pumunta sa kusina.
Kinuha ko ang isang boteng Margarita at isang baso. Pagkatapos binuksan ko iyon at bumalik ako sa kwarto.
Napaupo ako sa upuan at uminom mag-isa. Hindi ko alam kung makakatulong ito sakin. Pero isa lang ang alam ko sa ngayon. Gusto kong maibsan ang sakit na nararamdaman ko!
Binuksan ko ang laptop ko. At ini-open ko ang facebook account ko. I'm not thinkin' straight at this moment. Nakailang baso na yata ang nainom ko. At halos nakakalahati narin ang bote ng Margarita nang masulyapan ko ito.
Hinanap ko siya. Dahil nasa friend list ko si Tracy. Hinanap ko siya. Oo siya! Hanggang sa makita ko ang profile niya.
I click it. And I saw his profile pic. His wearing a black tuck and his makin' a gesture. Kahit na nakatayo lang siya ay hindi parin siya ngumingiti.
Pinindot ko ang message icon. Dala ng pagkatuliro ko dahil sa alak. Nag simula na akong mag-type.
Gusto kung malayo sayo! Alam mo ba kung bakit!? Dahil sa sobrang dominante mo'ng tao. Your too bossy and too stiff! At tsaka hindi ako isang katulong na kung uutusan mo na parang pagmamay-ari mo ko!!!
I chuckled. Send!
Natulala pa akong tinignan ko ang screen ng laptop. Matagal bago ako natauhan sa ginawa ko.
"Shooot! Ano bang ginawa ko! Bakit ko isinend!!!" Kinakabahan na ako.
Nakita ko sa message na nagtype siya.
Did I bother you, that much? He replied.
"Diyos ko po! Nag-reply nga siya. Anong sasabihin ko?" Parang nabuhay ang dugo ko ng dahil sa kanya.
Palakad-lakad ako sa kwarto ko't hindi ko alam kung anong irereply ko sa kanya.
It took me more than twenty minutes. Bago makapagdesisyon na replayan siya.
Nang magrereply na sana ako. Biglang tumunog ang phone ko.
"Goodness! Gracious!" Napapitlag ako sa gulat.
Tinignan ko yun. Pero private number ang nakalagay. Kinakabahan ako di ko alam kung bakit.
Huminga ako ng malalim bago sinagot ang tawag.
"What's wrong with you? Are you okay?" Halata sa boses niya ang pag-aalala.
Shit siya nga ang tumatawag! Diyos ko magsasalita ba ako o ano!
Pakiramdam ko ngayon para akong teenager na kinikilig. The last time I check. I was fourteen years old that time. Gosh!
Napahilamos ako ng mukha ko.
"Hello? Still there?" Sobrang malumanay ng boses niya ngayon kung ikukumpara kanina sa opisina.
"Hello? Sir, pasensya na po. Naisend ko sa inyo. Actually, na wrong send po talaga ako, pasensya na po sa abala." Pag-aalibi ko sa kanya.
"You're really good in alibies Alex, don't you know that." Narinig ko na napangiti pa siya..
"Hindi naman po sir, pasensya na po talaga, sige po." At pinutol ko kaagad ang tawag niya.
Napatapon ko tuloy ang phone ko sa kama at tumili sa sobrang kaba.
"Ano bang nangyayari sakin? Bakit ako nagkakaganito. Alex! Relax matulog ka na bukas mawawala din yan." Kinalma ko ang aking sarili.
Kinabukasan ay mas inagahan ko pa'ng magising para hindi mahuli sa trabaho. Ayaw kong masermonan sa pagkakataong ito.
Nang natapos na akong magbihis at kumain dumaan muna ako kina Mang Domeng para humingi ng tulong para sa sira kong gulong.
"Tao po?" Tawag ko mula sa labas ng gate nila Mang Domeng. Nakita ko ito na nakaupo sa rocking chair niya. At tumayo nang makita akong nakadungaw sa gate nila't nilapitan niya ako.
"Oh hija, anong problema?"
"Kasi ho Mang Domeng naflat kasi yung gulong ng sasakyan ko. Magpapatulong po sana ako sa inyo kung ok lang po ba?" Ani ko.
"Ah yun lang ba walang problema hija. Ako na ang bahala dyan sa sasakyan mo."
"Salamat po talaga Mang Domeng at ito po yung susi." inabot ko sa kanya yung susi ng sasakyan ko pati yung pera at tinanggap iyon ni Mang Domeng.
"Salamat dito hija ha." Ani niya sakin.
"Walang anuman ho, sige po maraming salamat po ulit Mang Domeng mauna na po ako." Paalam ko sa kanya at pumara na ako ng taxi.
Napatingin ako sa relos ko.
My goodness 7:30 na! Dapat maunahan ko siya this time.
"Manong pakibilisan nalang po." Napatango na lang ang driver. Buti na lang at hindi masyadong matraffic.
Ilang sandali pa ay dumating na ako sa building. Inayos ko ang aking sarili at nagtungo agad sa elevator.
I press the 8th floor button. I hope that I'm just in time before he comes in.
Nakita ko ang lahat ay abala sa kanilang ginagawa. Ang iba ay nakikipagkwentuhan, kumakape, kumakain, nagbabasa ng magazine o newspaper. Kaya medyo binilisan ko ang paglakad.
"Rina andyan na ba si Sir?" Tanong ko sa kasama ko.
"Hindi ko alam Alex eh kadarating ko din kasi. Hindi ko rin siya nakitang pumasok sa opisina niya." Nakakibit balikat nitong ani.
"Actually Alex andito na siya kanina pang alas siete. Nasa conference pa yata siya ngayon kausap ang mga managers ng bawat department." Sambit ni Juliene sakin at umigting ang panga ko sa sinabi niya.
"Sobrang aga naman." Nanghihinayang kong tugon.
"Sinabi mo pa. Anong nangyari diyan?" Ani sakin ni Juliene ng mapansin ang kamay ko.
"Wala toh.. Aksidenteng nahiwa ko ng kutsilyo."
"Grabe naman... Pati kamay mo pinagtripan mo." Ani pa niya sakin.
"Aksidente nga diba? Ikaw talaga.." nakangiting ani ko at kumaway lang siya sakin simbolo ng paglayo niya.
Dumiretso na ako sa cubicle ko at nagprepare sa mga gagawin ko para ngayong araw.
Medyo hectic ang schedule ko, minsan nga I find myself boring na. Kasi naman kung minsan paulit-ulit na lang yung gagawin mo araw-araw.
Plus may sugat pa ako sa kamay. Kaya kahit mahapdi ay sinusubukan ko parin matapos ang paperworks ko ng on time. Iniinda ko ang sakit kapag natataman iyon..
Dahil sa pagkabagot ko di ko mapigilang mapakanta..kahit napapangiwi na.
"I keep falling in love with you Lord.
Every beat of my heart. Breath that I take. Every seasons I change Your love remains my hiding place my all.."
Di ko namalayan na may nakikinig pala sa likuran ko. Nang pumalakpak ito. Napalingon ako sa mismong pinanggagalingan nito.
"I never knew you have such a good voice." Sambit pa niya sakin at tinitigan ako ng mabuti.
Kumunot ang noo nito nang may nakita siya sakin. Kaya mabilis ko tinago ang kamay ko.
"Hindi naman po sir." Sabi ko sa kanya. At tumango-tango lang siya bago tuluyang pumasok sa opisina niya.
"Hooh! Bakit ba sa dami ng pwesto! Dito pa ako nilagay. Aray!" Natamaab ko na naman. Talagang nakakaasiwa na at naiilang nako.
I'm really busy and I never notice that his out already.
Doon ko lang napansin na wala siya sa kanyang opisina. Nang naglunch break na ang lahat.
Hay salamat naman ay wala siya ngayon. Siguro umuwi ng mas maaga. Mas mabuti nga'ng umuwi na lang siya. Ani ko sa sarili sabay irap.
Natapos na ang office hours namin at nagkanya-kanya ng nagsipag-uwian ang iba.
Palinga-linga ako sa paligid. Parang may hinahanap... Wait! Bakit ko ba siya hinahanap?!? Tsk...
Nagpatuloy ako sa paglakad palabas ng building. Habang naghihintay ako ng taxi. Napag-isipan kong pumanhik muna sa coffee shop.
Gusto ko lang magcoffee ngayon, at di naman masyadong malayo yun kaya pwede naman na lakarin lang...
"Good evening maam welcome to Lea's Coffeeshoppe." Bati sakin ng lalaki at ngumiti lang ako sa kanya bilang sagot ko sa pagbati niya sakin.
"Yes maam, may I take your order?"ani ng cashier ng nasa counter na ako.
"One cappuccino and cinnamon with raisin please." Sabi ko.
"It cost hundred and sixty maam." Binigay ko sa kanya ang aking bayad at hinintay ko ang order ko.
Hindi pa ako nakakaupo ay may nakakuha na ng atensyon ko. Isang halakhak ng tatlong lalaki at may kanya-kanya itong kasamang babae.
Dahil sa sobrang ingay nila napalingon ako sa mga ito...
Shocksss.... andito siya!.
Mabilis akong humanap ng bakanteng mesa para hindi niya ako mapansin na nandoon ako.
"Here's your order maam." Binigay na sakin ang order ko.
"Thanks." kaagad akong umalis sa counter at umupo kung saan ang napili kong bakanteng mesa.
Nasa may sulok ako umupo na good for two lang yung pwede. Mas pinili ko roon para di talaga ako mapansin.
Pagkaupo ko kitang-kita ng dalawa kong mata ko kung paano nakadikit sa kanya yung babaeng nakasleeveless habanh ina-akbayan pa niya ito...
Confirmed hindi nga siya bakla. May bakla bang ganyan kung umasta ha. Alex!. wika ko sa sarili.
Kahit na andito ako para magkapag-relax ng isip ko. Hindi ko magawa-gawa dahil sa'twing humahaplos ang babaeng yun sa dibdib ni Zander.
Pakiramdam ko ba na para bang natatamaan ako. Kitang-kita ko sa mokong yun na gustong-gusto niya ang ginagawa ng babae! Kung makabungisngis ang WAGAS!!!.
Napahalukipkip ako. Habang umiinom ako ng kape. Hindi ko namalayan na hindi ko pala iyon nalagay ng maayos sa mesa at nabitawan ko nga ang tasa.
Holycrap... napayuko ako sa mesa. Parang nakuha ko yata ang atensyon ng mga naroon. At kaagad rin'g lumapit ang waitress.
Napayuko ako para kunin na sana ang tasang nabasag.
"Maam ako na lang po." Ani niya sakin.
"Pasensya na talaga ha."
"Okay lang po ma'am kukuha nalang po ako ng panibago." Tumango ako at napansin iyon nang lahat. Kung saan nanggaling yung ingay.
Pag-angat ko ng tingin ay nagtama ang mga mata namin at nakita ko kung paano nag-iba ang mood niya.
Umalis din ang waitress dala ang nabasag na tasa.
"Hindi kasi nag-iingat." Ani pa ng isang babae sa kabilang table at inirapan niya ako.
Hindi ko na ata kayang magtagal rito...
Ramdam ko parin ang tensyon sa pagitan ng nasa kabilang mesa.
Kahit hindi ko nauubos yung cinnamon raisin ko. Tumayo ako at pumunta sa counter.
"Miss paki-cancel na lang yung replacement. Pasensya na talaga ha..."
"Ok lang po yun maam. Kaso lang katatapos lang po kasi. Sayang naman." Ani niya sakin.
"I'll better take it home nalang." Napatango na lang siya't isinalin yung kape sa isa pang cup. Ilang sandali ay binigay niya ito sakin.
Hindi ko agad napansin na may nakatayo na pala sa gilid ko.
"I didn't expect na magkikita tayo rito." Malamig na ani pa niya sakin.
"Oo nga at saka paalis na rin ako. Sige mauna na ako Sir Zander." Sagot ko sa kanya.
"Nagmamadali ka naman yata Alex. Care to join us? By the way, I still remember last night na sobrang na-stress kita. Baka sabihin mo sobrang antipatiko kong tao. Kung yun nalang palagi ang nasa isip mo. So join us." he demanded sabay hawak ng braso ko.
Napatigil ako at napatingin sa kamay niyang nakahawak roon..
Ano bang binabalak niya? Bakit niyaya pa niya akong magjoin sa table nila. Hindi ko naman sila masyadong kilala pa! Kahit boss ko siya, hindi ko siya kaibigan!
Hindi pa ako nakatanggi ay hinila na niya ang kamay ko para mapasunod sa kanya. Napangiwi ako sa sakit. Habang nakahawak siya sa kamay ko na man bandage.
Araaaaay!!!!!
I have no choice but to ride on this crazy thing! Alangan naman'g magpupumiglas pa ako. Mas lalo kung pinahiya ang sarili ko.
"Sir, I need to go now." Mahinang sambit ko sa kanya nang malapit na kami sa mismong table nila..
Pasimpleng pinisil ni Zander ang kamay ko na siyang nagdulot ng kabog ng aking dibdib. At sobrang sakit!
Napatingin sakin yung babae na kanina'y katabi ni Zander. Snob much!
I can't barely breath, dahil hanggang ngayon ay hindi parin niya binibitiwan ang kamay ko. And still his holding my hands... Nararamdaman ko na ang sobrang hapdi ng kamay ko.
Tila kinakabahan na ako. Baka mas lalong dumugo ang sugat ko.
"You can sit here Lex." Sabi pa niya sakin at pinaupo niya ako sa tapat niya tsaka binitiwan ang kamay ko.
Great! At last! Kanina pa talaga sumasakit ang kamay ko. Pasimpleng sinulyapan ko iyon at nagulat ako ng dumugo na ito.
Napalunok ako at dahan-dahan kong kinuyom ang kamay ko.
I can do this I need to be casual.. Hindi ako magpapahalatang nababalisa na talaga ako sa sitwasyong toh. At gustong-gusto ko nang umalis at tumakbo papalayo.
Umupo na si Zander sa harap ko. Pasimpleng kinuha ko ang panyo ko sa aking bag gamit ang isa kong kamay. Nang makuha ko ito ay nilipat ko sa kabilang kamay ko na may sugat.
Hell!.. Dumudugo na talaga siya ng husto...
Nakatingin sakin si Zander. Pakiramdam ko ba na parang nananadya ang mga mata niya ngayon.
I can barely see his tentalizing eyes that his something up to..
Sana man lang hindi kumapit ang dugo sa kamay niya.
Kakainis dapat kasi binawi ko na yung kamay ko kanina pa lang! Panghihinayang kong sabi sa sarili.
"Hello, by the way I'm Carlo. This is my brother Nathaniel" baling ng isang binata sakin at naglahad siya ng kamay para makipag-shake hands. Tinanggap ko iyon gamit ang kanang kamay ko. Kaya medyo nahirapan siya sa pagtanggap nun at siya na mismo ang nag-adjust.
"We're Zander's cousins. This is Ella and Kezha." pinakilala rin niya ang mga babaeng kasama nila at yun'g katabi ni Zander na tila naiirita na andito ako.
"So you are?" Akmang sasagot na sana ako ng iba ang sumagot para sakin.
"She's Alexandra Sophia Mendoza my assistant, actually she's Tracy's assistant and she's already mine." Sarkastikong ani niya sa mga ito at kumindat pa siya sakin. Nabigla talaga ako sa huling sinabi niya.
She's already mine?! What does it mean??? At para saan yung kindat niya. May sayad rin pala itong Zander na toh kung makapagsalita. Akala mo kung sinong nagmamay-ari. Excuse me! Walang pwedeng magmamay-ari sakin kundi ako lang!
Habang busy naman sa pakikipag-usap yung isang kasama nilang si Nathaniel. May naitanong sakin ang isang babae na kanina pa'y parang linta kung makapulupot sa braso ni Zander.
"So boss mu pala si Zander?" Taas kilay na tanong ng babaeng katabi ni Zander sakin..
"Yes. In fact I really need to go. May aasikasuhin pa kasi ako." Rason ko.
"Anong aasikasuhin mo Alexandra eh si Zander nga andito pa. Walang inaasikaso pwera na lang kung gusto mo'ng magpaasikaso sa kanya." Nakangiting biro pa ni Carlo. At tumawa naman ang kumag na si Zander pati narin yung kasamang babae ni Carlo.
"Don't be like that babe. Palabiro ka talaga, baka kung ano pang iisipin ni Alexandra." Ani ni Ella na parang nang-aakit kay Carlo.
I can't take this anymore! God help me please!!!!...
Nang biglang nag-ring ang phone ko.
Thank you Lord dininig Niyo ang panalangin ko...........
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro