Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 9


Party...

Sumunod na araw mas naging hectic na ang sched ko kasi malapit na talaga ang Family Day ng TZM Corporation.

"Alex may problema tayo." Ani pa ni Roxie sakin. Kararating ko lang sa opisina.

"Ang mga investors nagsidatingan na, hanggang ngayon wala pa si Sir Zander." mahinang ani ni Roxie sakin.

"Wala bang tumawag sa kanya???" Tanong ko. Kibit balikat ang sinagot ni Roxie.

"Sige nasa conference room na ba sila?"

"Oo halos kompleto na sila si Zander na lang ang hinihintay."

"Ako na lang ang haharap sa kanila. Ready na ba ang lahat doon?"

"Everything was set Lex."

"Okay." Pagkuway nagtungo kaagad ako sa conference room na sana ay si Zander ang nandito.

Bumuntong hininga ako at napailing ng bubuksan ko na sana ang pinto. Nabigla akong may humawak sa kamay ko.

"Good morning Alex I'm sorry if I'm late. Ako na ang bahala rito." Nakangiting ani pa niya.

"Sige balik na ako sa trabaho." Ang gwapo niyang tingnan lalo pa't magkalapit lang kayo. Ngayon ko pa lang siya nakitang ganun. Penny's right his totally handsome.

Ginawa ko na ang trabaho ko at ilang oras din ang nakalipas. Lunch break na, while I'm encoding some files at my computer.

May inilapag siyang paper bag sa aking mesa.

"This is for tonight." He said. Napatingin ako sa kanya.

"For what?" Tinaas ko ang kilay ko.

"Just wear it tonight I want you to come with me. May pupuntahan akong party at isasama kita." Walang pagaalinlangan niyang ani para ba niya akong inuutusan na kung ano ang sasabihin niya ay dapat ko talagang sundin.

"Ayaw kong sumama sayo at pupwede ba iba nalang ang yayain mo huwag ako." Sagot ko at tinalikuran siya.

"Ayaw mong sumama sakin dahil dun sa Andrew mo." Mariing ani niya.

"Wag mong idamay si Andrew dito ha." Mariing ani ko sa kanya.

"It's just a party Alexandra nothing more I thought your a professional."
Panunukso nya sakin. Loko talaga.

"Fine!" Sabi ko sabay hablot sa paper bag na nasa mesa.

"Love that." Nakangiting siyang tumalikod sakin. Humalukipkip nalang ako sa inis.

Magkasabay kami naglunch ni Penny. Nakinig ako sa mga kinuwento niya tungkol kay Andrew. Wala ako sa mood magsalita kaya nakinig nalang ako sa kanya.

Nakakaboring talaga kung minsan ang trabaho kasi araw-araw paper works ang kaharap mo. Lalo pa't may isang asungot na parating ganoon ang ugali.

Grrr. Kakainis talaga.

Nagtext ako kay Andrew na hindi na lang ako susunduin. Hindi naman siya nangusisa pa. Hindi ko dala ang kotse ko kaya't nagtaxi na lang ako pauwi.

Tiningnan ko ang laman ng paper bag.

Wow... this dress is so beautiful and elegant... Nang matapos ko na yung tingnan inilapag ko sa kama ng maayos.

I take my bath and I felt a strange feeling. Kung bakit sa dami-dami niyang babaeng kinakasama ako pa ang napili niyang isama ha. Pagkatapos kong maligo nagmake-up na ko na talagang babagay lang sa damit na isusuot ko.

Pagkuwa'y sinuot ko ang damit nang tapos na ako sa aking ritwal. Okay most woman has a hard time in makin' theirselves comfortable and beautiful. Dapat lahat ng angulo tama hindi nagkulang o sumobra.

It was an above the knee cocktail dress and a light brown lace cloth with matching some sequence in the lower chest.

Hulmang hulma talaga ang katawan ko dahil tamang tama lang ang sukat nito. It was a daring dress because of its cleavage.

Napabuntong hininga na lang ako ng malalim dahil roon. This dress was so perfect, simple yet elegant.. my phone beep.

Zander:

I'm outside...

Ako:

Sinabi ko bang kukunin ko mo ko? Kaya ko namang magdrive.

Zander:

Alam ko yun pero alam mo ba kung nasaan ang location???

Nakakaisa talaga siya arggghhh.. asar....

Ako:

Maghintay ka...

Tiningnan ko muna ang aking kabuuan sa salamin. Hindi naman ako pangit tingnan dahil talagang bagay sakin ang damit at ang heels ko. Kinuha ko ang aking bag at umalis.

Hinintay niya lang ako sa labas ng bahay. Nang nakita na niya akong lumabas. Natigilan siya't parang nakakita ng multo. Multo ba ako o diwata? palihim akong napangiti.

"Oh bakit para kang natigilan ka't you look like you've seen a ghost?" Nakangiting ani ko.

"Definitely not... and your not ghost so please don't say that... You have no idea how beautiful you are Lex. Thanks for accepting my invitation." Nakangiting ani niya. Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kanyang volvo.

"Thanks." Nakangiting ani ko.

Nang nasa loob na siya ng sasakyan.
Ningitian niya ako at pinaandar na ang makina ng kanyang sasakyan.

Nanaig sa amin ang katahimikan. But he clears his throat.

"Are you still mad at me?" Basag niya sa katahimikan.

"Hmmm... maybe hindi ko alam." ani ko sa kanya.

"Please don't get mad at me." Napalingon ako sa kanyang nasabi. At nilingon niya rin ako. Nagtama ang aming mga mata. Binawi niya rin at napangiti.

"Lex..."

"Yes?"

"Sana mapatawad mo ko these past few days." Seryosong ani niya at nagsimulang kumabog ang aking puso.

"A-ahm. Hindi naman mahirap ang magpatawad Zander. Pero sana naman kung may problema ka sa akin. Sabihin mo wag mung idaan sa ganun." Pilit kung kinalma ang aking sarili.

"If I'll tell you the truth are you goin' to believe me?" Ani pa niyang may kung anong laman ang bawat katagang sinasabi.

"Why not at least your not hurting someone else feelings right." Hindi ko alam papanong ganon ang lumabas sa aking bibig.

"Thanks for that." Napabuntong hininga siya na tila nabunutan ng tinik sa dibdib.

" Finally were here." Dagdag pa niya at ngumiti siya.

Pinasidahan ko ng tingin sa party na pupuntahan namin. Nakabukas ang malaking gate. Hindi ko alam kung ano o pano ako magreact.

Papasok kami sa napakalaking bahay.

Siguro bahay nila ito grabe hindi ata ako nararapat dito. Nakaramdam ako ng konting balisa.

"Don't be shy ok." Ani niya at napatango nalang ako't napalunok. Lumabas siya sa driver seat para pagbuksan ako ng pinto....

"Your so gorgeous Lex." Puri niya sakin napangiti nalang ako sa kanya at hinawakan ang kamay ko para ilagay sa kanyang braso.

"Is this your place?"

"Yes..." ani pa niya. Dahan dahan naman ang paglakad ko at napapisil ako sa kanyang braso kasi medyo nakakanerbyos toh ha...

My God!kaya ko naman makipagsalamaluha ng mga tao. Pero ibang usapan na toh... Lord...

Napangiti siyang nilingon niya ako.

"You look tense... Please don't be. Andito naman ako hindi kita iiwan." Ngiting sabi niya na pinapagaan ang kalooban ko at hinawakan niya ang kamay ko. Para maibsan ang konting kaba na nararamdaman ko.

Kitang kita ko ang mga taong naroon talagang nga mga high class ang mga bisita.

"What's the occasion?" Tanong ko. Nang papasok na kami sa kanilang bahay.

"It's my birthday ayaw ko sanang magcelebrate pero sina mama at papa ang may gusto, kaso lang wala sila rito kaya mga tita ko ang nag-organized." Nalaglag ang panga ko dahil birthday niya pala. Wala man lang akong regalong maibigay sa kanya.

"Why you didn't tell me na birthday mo pala ang party na pupuntahan natin hindi tuloy ako nakabili ng gift." Ani ko na napasuntok sa kanyang braso.

"Your presence is enough for me as your birthday gift Lex." Ani niya. Kitang kita ko ang kislap ng kanyang mga mata. That simple phrase makes my heart moved. Uminit ang pisngi ko't palihim na kinilig.

Hindi ko akalaing na may tinatago pala siyang sweetness. May lumapit sa aming isang babae na may edad na pero kahit medyo nagkakaedad ay maganda parin itong tingnan.

"Oh hijo. Andito ka na pala." At nagmano si Zander rito.

"Oo tita kadarating ko lang po. By the way tita Leila si Alexandra po my friend." Pakilala niya sakin at nakipagkamay ako rito.

"Nice meeting you po."

"Nice meeting you too hija, wag kang mahiya ha... feel at home ka lang ok." Napangiti nalang ako sa sinabi niya.

"Sige dito na muna ako, siya nga pala Zander tumawag yung mama mo kanina hinahanap ka. Tawagan mo raw siya pag dumating ka na." Ani pa nito.

"Sige tita. Salamat po." Sagot ni Andrew. Ito pala ang buhay niya napakapormal at talagang hindi mo makikita na iba ka sa paningin nila.

"Ang bait pala ng pamilya mo ano pero isa lang ang taong alam kung parang lumiko ang ugali." Natatawang sambit ko.

"Oo na, alam ko na yan, ako yung tinutukoy mo. If you could let me, I will show you my true colours."

"Hhmm" binigyan ko nalang siya ng kiming ngiti.

Hindi niya talaga ako iniwan. Dumako kami sa kanilang garden ang lawak talaga ng kanilang bahay medyo hindi ko maaninag kung ano ang kabuuan nito kasi sa sobrang daming tao hindi ko mahagilap ang kagandahan ng paligid.

"Hindi naman pala halatang marami ka rin palang mga friends sa kabila ng pag-uugali mong yan."

"Of course... I have friends kilala na kasi nila ako pero ikaw hindi pa. Kaya sa tingin mo masungit ako." Ningitian na naman niya ko. His so freaking handsome everytime he smiled at me.

"Halika ka pakilala kita sa mga cousins ko." Naging maingat sa kanya si Zander talagang inaalalay siya nito kahit sa paglakad niya. Daig pa niya ang prinsesa pero naging malaprinsesa siya ng gabing iyon sa mga mata ni Alexander.

"Carl, you remember Alexandra right?"

"Yes... oh my... unang kita ko palang sayo nabihag muna ko pero mas nabihig mo ako ngayon dahil sa ganda mo." Ani pa ni Carlo sakin sabay lahad ng kanyang kamay tatanggapin ko sana pero hinawakan niya yun at hinalikan.

"Nice meeting you." Tanging sagot ko.

"That's enough Carlo napapasobra na yang biro mo kay Alex." Sinaway niya ang kanyang pinsan at napaupo nalang ito at ngumisi.

"This is Nathaniel, Ciarra and Jed. Yung ibang cousins ko nasa States." Pakilala ni Zander sakin.

"Alex... pagpasensyahan mo na si Carlo ha. Ganyan talaga yan kahit walang hangin nagpapahangin." At tumawa ang lahat sa biro ni Ciarra. Pinaupo ako ni Zander sa tabi niya.

"Ciarra naman... parang hindi tayo close niyan."

"Close yang mukha mo. Palibhasa modelo napakaraming bola sa bibig." Nainsulto ata si Carlo at natahimik ito sa sinabi ni Ciarra. Habang ang iba panay parin ang tawa.

"Ganito ba talaga ang mga pinsan mo?" Tanong ko.

"Oo pero mamaya magiging ok na yan." Sagot niya. Nang hinatid na samin ng mga waiter ang aming mga pagkain. May napansin akong isang tao na kanina pa nakatingin sakin. Hindi ko lang mamukhaan yung mukha niya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro