Kabanata 8
#guys thank you talaga sa bumabasa at yung nagvote maraming salamat po talaga... i hope patuloy niyo pong tangkilikin at suportahan ang kwento ko.....please comment po kayo...para malaman ko po kung may nagbabasa po ng kwento ko... Thank you...po.
-----------------
I smell something fishyy...
Hindi ko lubos maisip kong papano ko siya uunawain. Kahit ano pa siguro ang gagawin mo sa kanya hindi tatalab yun kasi ang sungit niya at antipatiko pa... His a man few words na walang ka ekspre-ekspresyon.
Sumunod na araw naging busy na ako kasi inaasikaso ko lahat ng mga kakailanganin para sa event.
Kailangan, lahat ng nasa proposal ay magcoincide sa actual event. I'll make it sure that I can do this more than he expected.
"Lex ano yung usap-usapan na nagkasagutan kayo ni sir nung wala ako... sayang naman hindi niyo ko inintay.." nakasimangot na ani nya.
"Sinimangutan mo pa ko, kung alam mo lang kung anong sinabi ng magaling mong sir." Naiiritang sabi ko. Nasa cafeteria kami ni Penny we having our break.
"Ano naman?"
"Ang landi ko raw. Imagine hindi pa nga niya ako kilala. Sinabihan niya ako ng ganoon. Napaka-unpredictable talaga niyang tao. Nung umalis ako ang bait bait. Ngayong andito na ako ang lupit-lupit... " hindi ko nacontrol sarili ko't napabagsak ako ng kamao sa mesa. Napatingin ang mga taong naroon.
"Sorry..sorry.." hinging paumanhin ni Penny.
"Ang sama naman pero baka naman nagseselos dun sa sumusundo sa'yong gwapo." Ani niya na katulad ni Rina.
"Nagseselos? Sino si Zander? Bakit naman niya pagseselosan si Andrew eh magkaibigan lang kami. Isa pa Penny wala namang karapatang magselos si Zander dahil hindi ko naman siya boyfriend." Giit ko sa kanya.
"Basta kung kaibigan mo lang si Andrew pakilala mo ko sa kanya ha." Humirit pa siya.
Tinanguan ko lang siya at pinagpatuloy ang aking pagkain. Nang matapos na kaming kumain ay bumalik na kami sa working area.
Panay ang trabaho ng lahat at si Zander naman ay nasa kanyang opisina na parang hindi mapakali. May kausap siya sa phone kahit napatingin ako sa kanya ay hindi niya yun napansin.
Tumayo siya sa pagkakaupo niya kaya binawi ko ang aking tingin at nagmamadali pa itong lumabas sa opisina niya.
"Miss Mendoza please take over." Baritong ani pa niya.
"Yes sir." Tanging sagot ko at agad itong umalis.
Nilapitan ako ni Penny.
"Miss Mendoza please take over." At inulit pa nito ang sinabi ni Zander.
"Loka... magtrabaho ka nga."
"Alam mo I smell something fishy between you and sir Zander uie..." tinutukso pa niya ako.
"Tigilan mo nga ako Penny..."saway ko.
Bumalik na kami sa trabaho. Marami-rami ang mga paper works ko ngayon kaya halos hindi na ako makatayo sa swivel chair ko. Makatayo lang ata ako kapag pupunta ng restroom.
Nag-ring ang phone ko at naputol rin ito kaagad. Kaya hindi ko nalang tiningnan. Naghapon nalang ay hindi parin bumabalik si sir Zander.
Para saan pa bakit ko ba inaabangan kung babalik ba siya o hindi...
Nang pauwi na kami ganoon parin naroon si Andrew sa waiting area. Kapag nasiĺayan na niya ako ang laki talaga ng ngiti niya. Kung titingnan mo kaming dala we're couples but we are not.
"Alex...sandali uwi na kayo" tawag sakin ni Penny.
"Oo bakit Penny?" Ngumiti ako.
Sumenyas siya sakin gamit ang kanyang mga mata pakilala ko raw siya.
"Oh..I almost forgot Penny this is Andrew my bestfriend Andrew this is Penny my workmate." Naglahad si Andrew ng kamay para makipag-shake hands tinanggap naman iyon ni Penny na may mapupungay na mga mata.
Napangiti nalang ako sa reaksyon niya.
"You should come with us Penny and grab some dinner." Sabi pa ni Andrew. Hindi ko dala ang kotse ko kasi yun ang sabi ni Andrew sakin kaninang umaga. Napahawak si Andrew sa aking baywang hindi ko naman iyon inalis dahil alam kong ganun lang talaga siya sakin.
"Sige sama ako dyan." Nakangiting wika ni Penny. Nang nasa hallway na kami nakasalubong namin si Zander ngayon pa siya babalik sa opisina.
"Sir Zander uwi na po kami." Paalam pa ni Penny rito. Napansin ni Zander ang kamay ni Andrew sa aking baywang. He look at him angrily.
"Okay." Malamig nitong ani at nagpatuloy sa paglakad pabalik sa opisina.
Napangising umiling si Andrew at napalingon ako sa kanya.
"Anong ningisi-ngisi mo dyan?" Taas kilay kong tanong sa kanya.
"Nothing I just remembered something and I think it was really fun." Pilyong ngiti pa ni Andrew. Napatingin rin sa kanya si Penny.
Kumunot ang noo ko dahil gusto kong malaman kung ano na naman ang naisip nitong kapilyuhan.
"Lex why don't you invite Andrew for our Family day." Ani pa ni Penny nang nasa restaurant na kami para kumain ng panghapunan. Tapos na rin kaming umorder hinihintay nalang namin yung pagkain.
"Parang yan nga ang dahilan kung bakit siya sumama sakin pabalik ng Pilipinas Penny." Nakangiting ani ko.
"It's because I just wanted to be with my bestfriend." Ngiting ani ni Andrew sabay akbay sakin.
"Hay nako ang sweet niyo namang dalawa talaga bang mag-bestfriend lang kayo?" paninigurado pa ni Penny daig pa niya ang sigurista ha.
"Sanabing oo nga, ganyan lang siya kung maglambing parang bata."
"Wait. Is that your boss?" Wika ni Andrew sabay turo sa kinaroroonan ng mga ito.
Shit... huwag sana rito papunta...
"Ay... may girlfriend na pala si sir Zander nakakalungkot naman." Nanghihinayang na ani pa ni Penny.
"So they're here also Lexi why don't we invite them to join us in our table." Sabi pa ni Andrew na may pilyong ngiti.
Sira talaga ang Andrew na toh!.
"Tama... sige tatawagin ko si sir." Natutuwang wika pa ni Penny.
"Isa ka pa maupo ka na nga riyan." Saway ko.
"Sus... kill joy naman sige na para masaya ano ka ba." Tumayo na ito at pinuntahan sila Zander. Hindi ko mamukhaan yung babaeng kasama niya.
"Ikaw talaga umaandar na naman niyang kapilyuhan mo parehas lang kayo ni Penny sarap pag-uumpugin alam mo ba yun." Ani ko't inirapan siya.
"It will be fun." Sabi pa niya na may kapilyuhan ang mga mata.
Ano kayang binabalak ng mokong na toh... nakakainis... bakit pa kasi inimbita.. pwede naman sa ibang table sila maupo. Bwisit talaga. Naiinis na ani ko sa sarili.
"What a coincident dito pa tayo nagkita. Actually we have a reservation but Penny insisted. By the way I'd like you to meet Trisha."
Nakareserved na pala sila rito...
"Hello." Nakangiting ani pa nito.
"Trish this is Penny, Alexandra and --" ningitian ko lang siya at binaling ni Zander si Andrew.
"Andrew." Sambit pa ni Andrew sabay lahad ng kanyang kamay.
Magkatabi kami Andrew si Penny ang nasa gitna at magkatabi rin si Zander at yung Trisha buti nalang hindi siya ang kaharap ko....
Dumating na ang inorder namin kanina at pati rin ang kanilang order.
Date pala nila nakasira pa tuloy kami ng moments. Bakit Alex naiingit ka ba?
Ani ng aking sarili.
"So how you two meet?" Tanong pa ni Zander habang hinihiwa ang steak.
"Actually were childhood friends." Nakangiting wika ni Andrew tingnan ko naman si Zander na walang reaksyon sa mukha.
"So kabisado na ninyo ang isa't isa kasi sa tagal ng pinagsamahan niyo diba?" Tanong pa ni Trisha.
"Oo, kaya nga ganito kami kaclose." Sabi ko sabay hawak sa braso niya't napasandal ako sa kanyang balikat.
Kitang kita ko na nag-iba ang timpla ng mukha ni Zander. Na parang galit siya sa ginawa ko.
"Ang sweet niyong tingnan sana nga kami rin." Papuri niyang ani na may pinaparinggan.
Tumikhim si Zander at tinignan ko siya.... habang si Andrew naman ay tahimik na ngumingiti.
"Yan nga ang sinabi ko sa kanila kanina pa." Sambit pa ni Penny.
Halos hindi ako makakain ng maayos dahil sa ginagawang pagsulyap ni Zander sakin.
Marami nga kaming napag-usapan pero panay naman ang paglalambing ni Andrew sakin. Nilalambing naman ni Trisha si Zander pero kaswal lang ang pakikitungo niya rito.
Iba sa nakita ko noon sa coffee shop. Siguro nga ganun talaga ang mga lalaki hindi nakokontento sa isa.
Nang matapos na kaming kumain nagpaalam na kami kina Zander at Trisha.
Nakipagkamay lang si Andrew kay Zander. At umalis na kami ng reataurant habang ang dalawa naman ay naiwan, pero bakas sa mukha ni Zander at sa mga mata niya na iba ang nararamdaman niya sa pag-uusap na naganap kanina sa dinner.
Andrew held a hand for me to open the door and i saw Zander still looking at us without knowing of Trisha.
"Ano ba kasi yung mga ibig sabihin ng mga ngiti mo kanina Andrew, akala mo lang hindi ko napapansin yun". pagtatakang tanong ko kay Andrew.
"It's just nothing don't even think about it. Atleast we are having a good time tonight." Ningitian niya ako.
"Andrew pwedeng ako na lang muna ang ihatid bago si Penny kasi pagod na talaga ako at gusto ko ng magpahinga." Katwiran ko sa kanya at pinagbukas ako ng pinto sa may front seat at si Penny naman sa may backseat.
"Sige pero talagang okay ka lang?" Tanong niya sakin ng nasa loob na siya ng kotse.
Tinanguan ko na lang siya at umalis na kami roon. Gaya ng sabi ko hinatid muna ako ni Andrew bago si Penny.
Lumabas na ako ng sasakyan at pinatransfer ko si Penny sa front seat. Para makapagkwentuhan naman ang dalawa.
Pumasok na ako sa bahay hindi ko talaga lubos maisip kung ano ang ningingitian ni Andrew kanina sa dinner. Nagtext ako sa kanya kasi hindi talaga ako mapakali.
Ako:
Ano ba kasing ibig sabihin nung mga pilyong ngiti mo kanina. Huwag na huwag kang magsisinungaling sakin dahil kilalang kilala kita kung may iniisip kang hindi maganda. Babatukan talaga kita kapag hindi mo sinabi ang totoo.
Ang haba ng text ko sa kanya. Bahala ng hindi siya mag reply kasi alam kong nagmamaneho siya. Nilagay ko ang bag ko sa mesa at pumanhik sa banyo para maligo.
Pagkatapos kong naligo at nagtuwalya ako at dumako sa closet. Hinanap ko ang aking damit pantulog. I like silk nighties kasi dun ako komportable. Ayaw ko kasi nung balot na balot yung aking katawan na para akong nasasakal.
I comb my wavy blonde hair. Napagtanto kung may text pala sa phone ko.
Andrew:
Gusto kong ikaw mismo ang makakaalam sa natuklasan ko. Promise you will thank me one day :)
Ako:
May smiley face ka pang nalalaman... hindi na kita pipilitin pero pag nalaman ko talaga yun makikita mo babatukan talaga kita ng sobrang lakas Andrew!
Andrew:
Hahaha sige na magmamaneho pa ako. Dumaan kami ni Penny sa gas station kaya ako na ka pagreply sayo.
Ako:
Take care... at ingatan mo yang kaibigan ko Andrew ha...
Humiga na ako sa kama kahit na gusto kong unawain yung mga ngiti Andrew at mga titig ni Zander. Napabuntong hininga na lang ako sa palaisipang iyon hanggang sa nakatulog ako ng mahimbing....
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro