Kabanata 7
Hindi ko kasi mapigilan....
Kinalma ko ang aking sarili as if nothing happens between me and my boss.
Bumalik na ako sa working area. Namataan kong nakatingin siya sa area ko. Napansin kong umiwas siya ng tingin. Pero hindi ko na lang iyon pinansin kaysa masira ang buong araw ko sa kanya.
Tinawagan ko ang kausap niya sa phone kanina kasi may email naman at may number na iniwan.
"Maam hindi po ba talaga magagawan ng paraan yan?" Malumay na ani ko sa kabilang linya.
"Maam gagawin po namin ang lahat ng aming makakaya. Nahihiya po ako kasi nabayaran niyo na kami tapos ganito pa ang nangyari." Pahinging umanhin nito.
"Ok lang yun maam naiintindihan ko po kayo. Pero sana maaasahan ko po yung pangakong binitawan niyo sa akin ngayon kasi ako rin ang mayayari sa boss ko maam." Paliwanag ko sa kanya.
"Sige maam maraming salamat po sa pag-intindi pakisabi nalang sa boss niyo na pasensya po talaga at humihingi kami ng despensa sa nangyari."
"Ok po maam ako na ho ang bahala roon. Sige maam bye." At nawala na ito sa kabilang linya.
I emailed him.
"Everything was settle, if you have some problems with that occassion just leave it to me. Kasi trabaho kong mag-organize nun."
"Okay then. Well see what you can do." Nanlaki ang mata ko sa reply niya.
Shoooot! Hinahamon ba niya ako... Parang may sayad na talaga toh sa utak!!!grrr! Kung hindi lang talaga kita boss... sasampalin na talaga kita...
Napakuyom ako bago nagreply sa kanya.
"Okay sir!" Bahala ka kung may padamdam yan... bwisit ka talaga... pinagtuunan ko na nalang ng pansin ang aking trabaho.... naiinis talaga ako sa kanya.
Nang oras ko ng umuwi dahan-dahan kong inaayos ang aking mga files at gamit at nag-log out na sa aking pc. Kasi naka-centralized naman lahat ng computers para sa log-in and out namin.
"Alex may gwapong lalaki sa labas kanina ka pa hinihintay. Gosh... ang gwapo bagay kayo..." ani pa ni Rina nap parang kinikilig.
Napatigil ako ng sandali at napatingin kay Zander. Kumunot ang kanyang noo at binaling ko ulit ang tingin kay Rina. Hindi ko alam kong narinig nyang maigi ang sinabi nito.
"Kaibigan ko lang yun ano." Giit ko sa kanya.
"Kaibigan??? Eh dyan nga magsisimula ang lahat eh... Sus as if ka pa ---" napalakas ata ang boses nito.
"Rina. Will you slow down your voice." Napatigil siya at napayuko.
"I'm sorry sir." Agad na bumalik si Zander sa loob pero hindi niya isinara ang pinto. Nakikiusyuso ba naman.
"Basta bilisan mo dyan kanina pa siya naghihintay sayo. May date ata kayo eh..." ayaw talaga akong tigilan nito.
"Rina aalis na ako ha. Pupwede ba huwag kang makilig ng husto dyan..." ani ko sa kanya.
"Ui.. affected siya..." panunukso niya sakin.
"Hindi ah... cge na mauna na ako." Napatango nalang ito at naiwang kumikilig parin...
Pagkalabas ko nga ng office andoon nga siya sa waiting area. Nakadekuwatrong upo pa. Hahaist Andrew ang guwapo mo talaga pero hanggang kaibigan lang talaga turin ko sayo parang nalungkot siya.
Nang makita siya nito agad siyang kinawayan at ningitian ko lang siya.
"Araw-araw mo bang gagawin toh?" Ani ko ng makalapit sa kanya.
Natigilan ng bigla niyang hinalikan ang pisngi ko. Kumunot ang noo ko.
"Eh sa gusto kong palagi kitang nakikita eh..." ngisi pa niya.
"Once you do that again I'm gonna pluck your nose." Pagbabanta ko sa kanya ng makita niya ang reaksyong ko ay agad siyang napahawak sa ilong niyang matangos...
"No... not my nose..." natatawang wika pa niya. Para talaga siyang bata kung umasta... may mga nakakita sa aming mga empleyado na para bang kinikilig kay Andrew.
"Tayo na nga pinagtitinginan na nila tayo oh.." nahihiyang wika ko...
"Just let them stare..." nakangiti pa siya at agad na hinawakan ang aking baywang.
"Drew dala ko ang sasakyan ko. Hindi ko naman pwedeng iwan rito ang kotse sa building." Ani ko sa kanya.
"Alam ko kaya nga iniwan ko yung sasakyan ko para ako nalang ang maghahatid sayo pauwi." Napabuntong hininga nalang ako hinayaan ko siyang siya ang magmaneho ng aking sasakyan.
"Drew please don't get me wrong. You know that I'm in the middle of something and I know were still good friends but I don't want to ruin our friendship Drew." Pag-aamin ko sa kanya habang patuloy siyang nagmamaneho at lumingon siya sakin saglit at binaling agad ang tingin sa daan.
"Lexi you know me isa pa alam ko naman nung una nating pagkikita kaibigan lang talaga ang tingin mo sakin. Kaya don't worry ok?" Ani pa niya sabay hawak ng kamay ko at inalis na rin yun.
Kumain muna kami bago niya ako hinatid sa bahay.
"Salamat sa paghatid mo sakin Drew." Niyakap niya ako...
"Lexi someone brought you some flowers." At lumingon ako kung saan siya nakatingin.
I saw a bouquet and its not just a flower, but its more likely an expensive flowers. It was beautiful and it has a basket also. Tulips and roses... parang nalula ako sa ganda nito.
"I didn't know that you have a secret admirer." Nakangiting ani niya at kinuha ang basket.
"And he leave you a note Lexi..." at pinakita niya sa akin ang note kaagad ko yung hinablot.
"You like this guy huh?" Tumaas ang kilay nito.
"Pano mo naman nalamang lalaki yan?." Ani ko at kinuha ko ang basket sa kamay niya.
"Kasi naman walang babaeng magbibigay ng ganyan ka mamahaling bouquet." Inirapan ko nalang siya.
"Sige na alis na... may trabaho pa ako remember?" Ani ko at tinutulak siya papalayo.
"Hay nako... sige na nga basta be careful whoever he is okay?" Ani niya at hinalikan niya ang aking noo.
I nod and wave at him. Pagkuway pumasok na ako sa bahay. Inilagay ko sa mesa ang basket na punung-puno ng mga bulaklak.
Inamoy ko mga bulaklak ang bango ng mga ito. Dahan-dahan kong binuksan ang note...
I'm sorry for what I did to you, hindi ko kasi mapigilang hindi mainis sa kasama mo kanina. Kaya ko yun nasabi and I hope you won't throw he flowers because if you did it will hurt me bad...
From: Zander.
Nalaglag ang panga ko sa last phrase niya. It will hurt him bad raw lihim akong kinilig sa note niya.
Nag-ring ang aking cell. Unregistered number so I answered.
"Yes?" Tanong ko.
"It's me Zander... did you get the flowers?" Mahinahong sabi pa niya.
"Yeah thanks by the way." Medyo malamig ang boses ko ayokong isipin niya na porket may bulaklak siyang pinadala ay agad akung bibigay...
Talaga lang Alexandra ha.
"How did you get my number?"
"I asked Penny. Why? Is it forbidden to ask your number or your boyfriend will get mad at you." Sarcasm na tanong niya sakin.
"You know what Zander kung wala kang magawa sa buhay mo huwag mo akong idamay. Kanina sa opisina pinagsabihan mo ko ng malandi ngayon naman may boyfriend ako. Ano bang problema mo?!" Naiinis kong ani sa kanya na siyang pinagbuntong-hininga niya...
"Nothing I just want to make sure that your at home safely. Bye." At nawala ito sa linya.
"Ano daw yun? Binabaan ako ng phone... may sayad talaga ang taong toh... kahit sangkatutak pang bulaklak ang ibigay mo sakin hindi kita papatulan! Bwisit!" Bulyaw ko sa cell ko. Alam kong wala na akong kausap pero hindi ko mapigilan ang sarili ko sa galit at inis...
Kahit na galit na galit ako sa kanya inayos ko parin ang magagandang bulaklak na iyon. Inilagay ko ang mga iyon sa iba't ibang vases. May sa salas, dining at sa room ko.
Napagtanto ko ang sarili ko na tinetextsan ko ang number na gamit niya kanina lang.
"Alam mo hindi naman siguro parati ka nalang masungit, bossy kung makitungo ng tao. Isa pa, malapit na ang event ng company kailangan masaya tayong lahat roon. Hindi pwede ang magsungit sana man lang Zander magawa mo yun kahit minsan lang." Text ko at hindi na rin ako umasa na magrereply siya but my phone beeped.
"Okay I can do that." Yun lang reply niya... Diyos na lang siguro ang bahalang magpatino sa kanya...
-hello po... comment po kayo... please... para may ideya rin po ako... thanks po sa mga readers...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro