Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 6

Nang pagkarating ko sa States at maging sa ospital. Hindi ko inakala ang lahat.

Tinalunton ko ang paseo ng palapag kung saan ang nasabing room nila.

"Bakit pa kasi siya bumalik sa baba. Eh okay naman na dalhin ko yu'ng mga gamit ko."

"Anong room nga yun?" Papalit-palit ako ng tingin sa magkabilang kwarto.

"Room 328. Room 328."

Parang nakakalulala na ang paghahanap ko. Kasi may kaibahan ang disenyo ng ospital. Para na akong nahihilo kasi paikot-ikot na lang ako.

Hanggang sa malapit na ako sa mismong kwarto.

Pinihit ko ang pintuan at bumukas ang pinto. I'm a little confuse kasi ang dilim.

"Ganito ba talaga ito?"

"Surprise!!!!!!" Biglang sabi ng lahat na andun at lumiwanag ang paligid.

Tila napalitan ng kasiyahan ang kabang naramdaman ko kani-kanina lang.

"At last your here, hija." Bati sakin ni Tita Eunice. Ang pangalawang asawa ni Papa.

"Oo nga po tita."

"Anak! I miss you so much!" Niyakap niya ako sa sobrang galak.

"I miss you too pa. Ano ba naman dapat kayo ang sorpresahin ko. Ako ata ang na-surprise."

"Everything is Andrew's idea." Sabay yakap pa sakin ni Ate Cheska.

"Yun'g kumag na yun talaga. Saan na si baby?"

"She's in the nursery." Nakangiting ani sa'kin ni Ate Angela.

"Ate! Kumusta naman ang pag-delivery mo? Sabi kasi sakin ni Ate Cheska eh. May komplikasyon daw." Nangangambang sabi ko sa kanila.

Lahat sila nagtawanan. Mayamaya dumating na si Andrew...

"Oh! Dumating na ang nagpasimuno ng lahat ng pangangamba mo." Nakangiting sambit pa ni Ate Cheska.

"Hello!" Nagpapa-cute pa siyang papasok sa kwarto.

"Ganoon talaga? Pakana mo ang lahat ng ito?!" Pakunwari na nagagalit ako.

"Mayamaya ka lang talaga sakin." Pagbabanta ko.

Hindi ko na nagawang mag-check ng cellphone ko that time. I'm so busy with my family. This is a first for me. I feel free and happy. No pain. No heartaches. Yun'g masaya lang. Maligaya.

Andrew decided to take me home. Kaya bago pa ako nakauwi. May dinaanan muna kami. Nauna na kasi sila Papa at Tita Eunice.

"Saan mo ba ako dadalhin?" Tanong ko.

"You'll see when we get there." Nakangiting sabi niya sakin.

"Talaga ba'ng pupunuin mo ako ng sorpresa  ha."

Tumawa lang siya habang nagmamaneho. Ilang sandali ay huminto ang kotse niya.

"Nasaan ba tayo?" Bumaba ako ng kotse at humakbang. Napayakap ko ang aking sarili sa sobrang lamig ng hangin.

"Wow!" Namangha ako sa ganda ng kanilang park. Sobrang ganda. Tanaw ko rin ang isang malaking fountain sa mismong gitna ng park.

"Do you like it?" Tinabihan niya ako.

"Yes." I smiled at him.

"Let's go." Sabi niya at nilahad niya ang kamay niya sa'kin.

Tinanggap ko yun. I'm so excited. I merely forgot what I have been through for the past few years.

Dinala niya ako sa gitna kung saan may malaking fountain roon. At nagkataong bumuga ito ng tubig na nagsilbing kaakit-akit na pagmasdan.

"This place is such a romantic gesture." Biglang sabi ko sa kanya.

"Yes it is..." at nabigla ako ng kinuha ni Andrew ang jacket niya't isinabit sa balik ko.

Napatingin ako sa kanya.

"Just in case, para di ka ginawin."


"Gising ka na pala." Ani ni ate sakin.

"Oo napahimbing ang tulog ko. Para saan ba yang mga damit?" Nakita ko ang isang bag na may mga damit.

"Bukas kasi madedischarge si Ate Angela Lex. Kaya dinala ko na yung ibang gamit niya para bukas konti nalang ang dalhin."

Napantango ako at umupo sa sofa.

"Kain ka Lexi i brought some foods for you." Yaya pa ni Andrew sa kanya nasa dining naman ito.

"Babalik agad kayo sa hospital?" Tanong ko at nagtungo ako sa dining. Hinila niya ang upuan para makaupo ako.

"Thanks." Ningitian niya lang ako't umupo rin ito.

"Ang dami ng dala mo ah..." sabi ko habang inihahanda nito ang mga pagkain. Si ate Sophie naman ay tumulong.

"Hay nako Lex... kung hindi ka pa dumating talagang mahihirapan ako. At least kahit papano palit tayong magbabantay sa bata." Ani pa ni ate Sophie. Kasal na siya pero hindi pa sila nagkakaanak ni Kuya Dax lagi lasi itong umaalis ng lugar kwento pa niya.

"Wala akong problema roon ate besides matagal tagal pa naman ako rito."

"So magkakaroon tayo ng time na mamasyal Lexi." Nangingislap na ani pa ni Andrew binigyan ko nalang siya ng kiming ngiti.

"Hanggang kailan ka rito? Hindi ba magtataka yung boss mo niyan?" Tanong ni ate habang kumain sa dinalang pagkain ni Andrew.

"Mga two weeks or more siguro pero babalik rin ako kasi next month may event kami sa Baguio." Dagdag ko pa.

"Can i come?" Sambit pa ni Andrew.

"Pwede naman pero sure ka ba? Baka may maiwan kang trabaho rito kasalanan ko pa." Kaswal na sagot ko sa kanya.

"Ay nako hindi parin kayo nagbabago gaya parin kayo ng dati." Nakangiting ani pa ni Ate Sophie. Sabay kaming napalingon sa kanya.

"Ang cute niyong tingnan." Dagdag pa niya.

"Sige kayo na bahala rito ha. Babalik pa akong hospital sumunod nalang kayo roon. Thanks for the dinner Andrew." Sabi pa niya at humalik si Ate Sophie sa pisngi ko at nagpaalam.

"Drew... bakit mo naman gustong sumama aber?" Tumaas ang kilay ko.

"It's because I want to be with you. To be with my best friend." Ani niya na may pilyong ngiti sa kanyang labi.

"Sus... talaga lang ha.. binobola mo na naman ako... hindi na tayo mga bata ano."

"So what? Isa pa kilala na kaya natin ang isa't-isa. Please say yes hindi ako tatayo hanggang hindi kita mapapa-oo." Ani niya sakin sabay lumuhod.
Parang nagpro-propose pero hindi ganyan talaga si Andrew kung maglambing para lang makuha ang gusto niya. Susuyuin ka talaga hanggang sa bumigay ka...

"Hay nako... maypaluhud-luhod ka pa talagang nalalaman ha... Sige na nga..." nakangiti siyang napatayo.

"Alam ko naman papayag ka basta ako." Tinaas ko ang aking kilay.

"Oo na.. bilisan na natin para makapunta na tayo sa hospital." Ani ko.

Niligpit narin namin ang aming mga pinagkain at dumako muna ako sa masters bedroom. Habang si Andrew naman ay hinihintay ako sa salas. Kinuha ko ang aking phone at nakita ko na may mga messages na pala ako.

Bibuksan ko ang mga messages. May message na galing kay Penny. Hindi ko na pala naalala yung phone ko.

Penny:

Ayan ka na naman mainit ang ulo mo kay Sir Zander. Baka nga kayo ang magkatuluyan niyan ha... hehehehe... ingat ka ha... xoxo...

Nagreply ako sa kanya...

Ako:

Palagi mo nalang akong pinagtutulakan dyan kay sir kung ikaw nalang kaya... pagtulakan mo sarili mo sa kanya. Hmmp! Hahahaha... pasensya na ngayon lang ako nakapagreply kasi medyo busy dito...

Bahagyang tiningnan ko pa kung sino pa ang nagtext sakin.

"Si unknown na naman."

Unknown:

I don't know how to please you but I hope you will give me another chance to prove to you that you are wrong...

"Wow ha kung makapagsalita akala mo kung sino..." napataas ang kilay ko.

Ako:

You know what I didn't know you and I don't care.. if your just trippin then stop texting me as if you know me... dahil nakakadisturbo ka lang...

At agad kung denilete ang mga message niya hindi ko na nagawang basahin lahat kasi nakakasira lang ng araw.

Naging masaya ako kasama ang aking pamilya at si Andrew sa States naging sulit din naman ang leave ko ng ilang linggo.

Nagpasya ngang sumama sa akin si Andrew. Hinatid kami ni papa sa airport... Muntik na akong mapaiyak kasi hindi ko na naman sila makikita o baka nga matatagalan pa...

"Lexi I am so excited to be back..." ani pa niya na inaayos ang sarili sa pag-upo.

"For you maybe Drew but for me??? Its just go back to work and to my lonely life."

"Shooos... what are you talking about? Hindi kaya magiging lonely yang buhay mo kasi andito na naman ako." Aniya nat hinawakan niya ang kamay.

Agad ko rin iyong inalis...

"I know Drew but you have your life hindi naman sa lahat ng oras ay kasama tayo diba..."

"Ang dami mo talagang dahilan Lexi... basta masaya ako na kasama ka ok." Aniya niyang nakangiti batid talaga sa mukha ni Andrew ang saya kapag magkasama kaming dalawa.

Nangnakalapag na ang eroplano sa NAIA... kaagad kaming umuwi sa bahay ko. But his not saying in my house of course he has his own condo...

"So you live here alone huh.."

Napatango ako at nagtungo sa kusina para kumuha ng maiinom at makakain.

"I prepared sandwiches for our snack." Ani ko sabay lagay nito sa mesita. Nasa sala siya at nanonood ng telebisyon.

"So kailan balik mo sa work?" Tanong niya sakin.

"Bukas na...ikaw anong gagawin mo bukas?" Baling ko rin sa kanya at umupo sa kanyang tabi.

We are so comfortable with each other. May mga panahong nagiging malambing si Andrew sakin. Gusto ko ang pakiramdam na may naglalambing sakin pero iba yung lambing talaga ng taong mahal mo.

Para bang nakukuryente ka sa kilig... iba kasi yung epekto nun lalo pa't alam mong nagbabangayan kayo....

But then again I am not ready for that... maybe some time if my heart is ready then I can give my all to the man I love and to spend for the rest of my life...

Nagpaalam na si Andrew hindi na siya nagtagal pa kasi may pupuntahan rin siyang importante...

Kinabukasan maaga akong nagising para makapasok ng maaga sa opisina... Ilang linggo rin akong wala kaya medyo nakakamiss. Wait lang sino ba ang namimiss mo Alex?? If i know...

Hindi nga ako nalate kasi hindi narin ako nagtaxi pa dahil maayos na naman ang sasakyan.

Nasa parking lot na ako ng building at naglakad ako patungong elevator. Hindi ko alam na may nakasunod pala sakin. Nasa tapat ako ng elevator at inayos ko ang aking sarili.

"Your came early." Simpleng ani pa niya. Nagulat ako at napalingon kung sino ang nagsalita. Siya nga wala ng iba ay may ngiti pa sa kanyang mga labi.

"Yes because I know you don't like employees who are tardy right?" Tinaas ko ang kilay ko. At nagbell na ang elevator.

Pumasok kaming dalawa and he press the 8th floor button. Nanatili kaming tahimik at umikhim siya't nagsalita.

"So how's your sister?" Tanong niya.

"She's fine and it's a baby boy. Hindi niya sinabi sakin na malapit na pala ang due date niya. Sinurpresa pa ako kaya laking takot ko talaga baka kung na pano ang kapatid ko at ang bata. They prayed to have a child for long time at ang sakit naman ata kung mawala diba? Kasi first baby nga..." esplika ko sa kanya.

"I know whats the feeling. Thanks goodness they are alright"aniya

"and your here also..." dagdag pa niya sa mahinang boses.

"Huh?" Kumunot ang noo ko pero bumukas na ang elevator. Kung kaya't hindi ko na inusisa pa ang panghuling sinabi niya. Magkasabay kaming nagtungo sa opisina... pero dinahan dahan ko ang paglakad para hindi talaga halatang magkasabay kaming dalawa.

May nag-greet sa kanya at sa akin rin. Umiba talaga ang pakikitungo nito sa mga empleyado ngayon. Parang ang saya-saya niya...

Dumiretso ito sa kanyang opisina at ako naman hinanap ko si Penny.

"Roxie... dumating na ba si Penny?" Tanong ko sa isa pa naming kasama sa trabaho.

"Hindi ko siya nakita Alex eh..."

"Okay." Tinawagan niya si Penny sa landline.

"Pen nasaan ka ngayon?" Ani ko sa kabilang linya...

"Nakasick leave ako Lex kahapon pa. Masama kasi ang pakiramdam ko." Ani pa nito sa kanya.

"Sige dadaanan na lang kita dyan mamaya ha. Ingat ka bye." Sabi ko at binaba ko na ang phone.

This moment naging busy ako kasi nag double check ako sa mga reports ko para sa upcoming event sa Baguio.
Sayang naman kung hindi magiging successful ang event.

Hindi ko mapigilang hindi mapasulyap sa kanyang opisina. May kausap siya sa phone habang tinitingnan ang mga reports.

My day is always been the same and nothing happened so unusual until Andrew came along.

He waited at the waiting area. Kaya kaagad ko siyang pinuntahan. Tutal lunch break ko rin naman.

"Hi..."bati ko sa kanya.

"Hello. How are you?" Baling niya sakin.

"Aren't hungry?"dagdag pa niya.

"Gutom na nga eh...tamang tama talaga ang dating mo." Nakangiting ani ko.

"Syempre so let's go." Aniya sabay hawak sa aking baywang. Andrew is just a gentleman kaya hindi ko nilalagyan ng malisya. Kung sino man ang makakakita samin bahala na sila sa sarili nila kung ano ang iisipin nila.

Kumain kami sa restaurant pagkatapos nagkwentuhan, tawanan. He is really fun to be with. Nang bumalik na ako ng office.

Narinig ko ang malakas ng boses ni Zander sa phone. Lahat ng empleyado umigting dahil sa takot. Kung kaya napayuko na lang ang karamihan sa kanila.

"Bakit hanggang ngayon hindi pa yan tapos!? Ilang linggo nalang event. Ganyan ba talaga kabagal dito sa Pilipinas! Binabayaran kayo ng tama tapos ganyan ang igaganti niyo sa cliyente nyo! Ayusin niyo yan dapat matapos na yan nextweek!" malakas ang tono ng boses niya dinig na dinig ng lahat ng taong naroon kasi hindi nakasirado ang pinto ng kanyang opisina. Galit na galit siya bakit naman kaya? Napailing ako at napapitlag ng tumunog ang phone.

"I want to talk to you right now." Malamig na ani nito. Tumayo ako at pumunta sa office niya.

"Close the door." Utos niya sakin at sinunod ko naman.

"Do you know what happened?" Seryosong tanong niya sakin na nanatiling nakaupo sa swivel chair.

"No why?"kunot noong tanong ko.

"Some of your arrangements just called. Hindi nila magagawa ang proposal na hinihingi ng ating kompany. Hindi ka nila makausap dahil wala ka. Inatupag mo sana yung trabaho mo bago ka nakikipaglandi sa iba!" Singhal niya sakin. Napabuntong-hininga ako at humugot ng lakas bago siya sagutin.

"FYI. Lunch break ko at isa pa kung hindi nila magawa hahanap ako ng ibang option! Huwag mo kong mapagsabihin na malandi dahil hindi yon paglalandi! At wala kang karapatan na pangaralan ako dahil hindi mo ko pagmamay-ari! Isa pa HINDI KITA BOYFRIEND para pagsalitaan ako ng ganyan!!!" Bulyaw ko sa kanya at tinulikuran ko siyang bigla dahil sa galit ko napalakas ang pagsara ko ng pinto. Hindi ko alam kung anong itsura niya dahil sa sunud-sunod kong bulyaw sa kanya. Napalingon ang lahat sa akin at sinundan ako ng tingin.

Dumiretso ako sa cr kasi yun lang ang qrea na wala masyadong tao kasi busy sa kani-kanilang trabaho kung sa cubicle ko naman malalaman nilang umiiyak ako.

"Hayop siya... pagsabihan ba akong malandi eh siya yung napakalandi!" naiinis kong sabi na napaiyak.

"Lex ok ka lang?" Tanong ni Roxie sa kanya.

Pinunasan ko agad aking luha ng narinig ko ang boses niya.

"Okay lang ako." Nilapitan niya ako at hinagod ang likod ko.

"Alam kong nagkasagutan kayo ni sir. Wala tayong magagawa kung ganyan siya empleyado lang nila tayo eh." Ani niya na pinapakalma niya ako.

"Pero hindi tama na apakan nila ang dignidad ng kanilang mga tauhan. Tayo kaya ang nagpapalawak ng kanilang negosyo. Kung walang empleyado walang kompanyang aasensyo Rox." Katwiran ko.

"Kunsabagay may katwiran ka rin. Nagulat nga rin kami kung bakit yun nagalit eh noong nakaraang mga araw ok naman siya makitungo samin. Siguro may problema lang si Sir."

"Hindi problema yun Rox, ugali. Kung hindi maganda ang araw niya idadamay niya tayong lahat. Moody siyang tao at wala ng paraan para magbago yang boss natin na ubod ng sama ang ugali." Galit na galit na ani ko sa kanya. Niyakap na lang niya ako hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na sinabihan ako ng malandi. Eh hindi ko naman talaga gawain yon.

"Ikalma mo muna yang sarili mo riyan ha. Bago kababalik dun baka naman kung saan pa mapunta yun sagutan niyo kanina."

"Oo salamat cge mauna ka na. Okay lang ako." Sabi ko sa kanya na hinahaplos ko ang aking dibdib. Kung wala siya sa lugar manumbat sakin pwes yun ang ibibigay ko sa kanya.

"Sige Lex mauna na ako."paalam niya sakin.

Huminga ako ng malalim at pumikit ng sandali. Hinding-hindi ako padadaig sa isang toh... wala siyang karapatan na pagsalitaan ako ng ganun. If that what you want then thats what you get!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro