Kabanata 5
Natigilan ako sa sinabi niya.
"Nice one sir! Palabiro ka pala" tumawa ako ng bahagya para maibsan yung tensyon namin.
"Sige po sir, mauna na po ako. Ingat po kayo pauwi at salamat ulit." Bumaba na ako ng kotse niya.
I'm walkin' without lookin' back. Hanggang sa, malapit na ako sa gate ng bahay.
Binuksan ko ang gate nang hindi tumitingin sa kotse niya't tumalikod na ako.
Narinig ko ang pag-andar ng kanyang makina't nang paalis na siya. And that's the time I look back. With a wonderin' face. Why is it so sudden? We don't have any connections at all. Para sabihin niya sakin ang bagay na yun. At hindi ko talaga siya maintindihan... He's acting so weird..
"Alexandra wag kang assuming, okay!" Sambit ko sa aking sarili at tuluyang pumasok sa bahay.
Pagkuway umakyat ako ng hagdan at dumiretso sa kwarto ko. Nilapag ko ang aking purse sa mesa at kinuha ang laptop ko't binuksan.
Then, I open my email and as my sister mentioned earlier she send me a flight ticket.
"What!???!! Bukas na ang flight ko!" Nagulat ako sa flight details dahil hindi pa na-set yung pag-iisip ko na aalis ako agad-agad.
Kinuha ko ang maleta ko sa cabinet at nilapag ko sa kama. I need to prepare my stuff. Para akong nataranta habang kinukuha ko ang ilang mga damit at iba pang personal na gamit ko.
While I'm packing my things. Suddenly I receive a message in my fb account. Tinignan ko yung cell ko kasi hindi ko na-off yung wifi connection ng phone ko.
Isang music video na edited kaya pinakinggan ko muna. I'm touched but wait. What for? I'm sure, tripping lang niya ito or wrong send...
Alam ko ang mga ganyang lalaki. Sa umpisa nagpapakunwari hanggang sa mabilog ka at makuha ang loob mo. Hanggang sa mahulog ka na ng tuluyan sa kanya. Saklap diba? Nagbabait-baitan lang, yun pala ubod ng itim ang budhi.
Kaya seen zone lang ako. Nilagay kong muli ang cell ko sa kama at pinagpatuloy yun'g ginagawa ko. Nang may natanggap na naman akong message na galing sa kanya.
I've bought you some medicines. Can you come over for a sec?
Binasa ko iyon. Come over? Where? reply ko sa message niya.
Outside. Reply niya.
Kaagad akong dumungaw sa bintana. At andun nga siya, nakatayo sa harap ng gate ko. Ano ba'ng ginagawa niya? I pouted my lip. Ilang saglit pa'y lumabas na ako ng bahay.
"Sir, bakit andito pa po kayo?" ani ko sa kanya ng makalapit na ako sa gate. Binuksan ko yung gate kahit na makikita ko siya dahil hindi naman talaga sirado yun'g klase ng gate ko.
"It's not necessary---."
Huli na nang makatanggi siya.
"I told you, it's not necessary. For you.." he said bluntly sabay lahad niya sakin ng isang paper bag.
Tingnan mo nga naman. Kailangan pa ba talagang maging masungit.
"Sir, thank you but I don't need that."
"Just accept it. If you want my approval." Pagbabanta niya.
"Bina-blackmail mo ba ako ngayon?"
"Stop asking. Just accept it. Nangangawit na ang kamay ko rito."
"Ano ba kasi toh?" Padabog na kinuha ko mula sa kamay niya ng akmang bubuksan ko na sana.
"Open it when your inside the house not here." He demanded at tumalikod na't hindi man lang nagpaalam.
Ganoon siya ka walang modo!!!.
Tignan mo nga naman ang takbo ng utak ng lalaking ito. So unpredictable, hindi mo talaga siya maintindahan.
Napabuntong hininga na lang akong napasira nang aking pintuan pagkapasok ko sa loob ng bahay.
At umupo ako sa sofa't binuksan ko ang bigay niyang paper bag. Pagbukas ko, isang maliit na black forest cake ang sumorpresa sakin at katabi nun ay isang plastic nang gamot.
Sweet gestures. But I can't, dahil wala siyang modo!. Kinuha ko ang gamot at naroon ang resita ng doctor. Na sinulatan pa talaga niya ng..
Drink your medicines regularly. Get well soon...
Nilagay ko sa ref ang cake at napangiti ako kahit papano.
"Don't assumed girl... Siguradong bumabawi lang iyan sa pagiging masungit niya sayo." saad ko sa aking sarili.
Umakyat na ako ng kwarto, nang ilang sandali pa ay tapos na ang pag-iimpake ko. Kaagad akong naligo at nagbihis pagkatapos.
Nag-set narin ako ng alarm clock para hindi ako malate sa flight. Pagkatapos natulog na ko, apat na oras lang ang tulog ko ng mga panahong iyon.
Hindi ko na namalayan na may mga text messages na pala akong natatanggap at missed call. Nang tumunog na ang alarm clock ko ay agad akong napabalikwas at gumising. Kinuha ko ang cell ko. Napatingin sa five missed calls and three messages. Lahat yun galing sa kanya.
Are you still awake? text niya sakin.
Did you like the cake? second text.
Inform me when you get there. Good night. huling text niya sakin.
Nang mabasa ko lahat ay hindi ko yun nireplayan kahit niisa. Paninindigan ko ang sinabi ko. And I'm not ready to entertain right now. Not now!
Boss ko siya, at secretary lang niya ako. Malaki ang agwat namin sa estado sa buhay. He has the money and charms. Anytime, he can pick or choose a girl anytime, anywhere he wants.
Bumangon na ako't naligo pagkatapos ay nagbihis. Pagkuway nilisan at pinalitan ko ng benda ang aking sugat. Unti-unti narin itong gumagaling. I'm pretty sure it will leave a scar.
Hindi na ako kumain ng agahan. Kaya dinala ko nalang yun'g cake na binigay niya sakin. Kahit na nakakadagdag na ng bibitbitin ko. Hindi ko na lang yun inatubili pa.
Ni-lock ko ang bahay at lumabas na nang gate. Ilang sandali pa ay may taxi na dumaan.
"Manong sa NAIA po tayo."
"Sige po ma'am." Dahil maaga pa at hindi pa masyadong ma-traffic kaya dire-diretso lang ang takbo namin.
I leave a text message to Penny.
"Penny aalis na ako papuntang States, emergency kasi si Ate Angela nahihirapan sa pagdadalantao niya. Kaya kailangan ko munang umalis. They need my support too. And you should take care, especially to our boss na pabago-bago ang ugali. Balitaan mo ko, see you soon.." with xoxo alam kong hindi ako marereplayan nun kasi madaling araw pa and I'm pretty sure na humihilik pa yun ngayon.
Kaya habang naghihintay na makarating sa airport. Kinuha ko muna ang cell ko at nanood ng youtube.
Nang makita ko sa newsfeed ang bagong version ng A Whole New World. Pinakinggan ko yun.
Sobrang ganda talaga ng bagong version. Lalo na't sa kumakanta na si Zayn at Zhavia. Pakiramdam ko tuloy ay naiinlove ako sa chemistry nilang dalawa.
Kahit na sa MV nila'y hindi sila nagkikita. But you still feel the warmth and the sweetness especially the kilig... Sobrang kinikilig ako habang nakikinig ako sa kanta nila..
Sana mapanood ko yun someday. Biglang nahiling ko pa. Nadala kasi ako sa kanta eh. Ilang saglit pa'y dumating na ako. Pagkatapos kung nagbayad ay tinulungan ako ni manong ng ibaba ang gamit ko.
"Salamat ho manong. Eto ho, pang- agahan niyo." Ani ko sa kanya matapos siyang bigyan ng pera.
"Nako! Salamat ineng ha. Mag-iingat ka sa lakad mo." Ani pa niya sakin at pumasok na ako sa loob ng airport.
Ilang sandali pa ay nag-boarding na ako. Pagkatapos ay kinuha ko ang bag ko at umupo sa may lounge area.
Talagang inaantok pa ako. Imagine apat na oras lang ang tulog mo. Nang biglang kumalam ang sikmura ko.
"Gutom na ako.." tumayo ako at naghanap nang makakain. Nang may nakita akong pagkainan roon. Ay umorder kaagad ako ng soup at bread nila.
"Do you charge for corkage?" Tanong ko sa cashier.
"Yes ma'am."
"Magkano, ba ang small size black forest cake?" Ani ko.
"Mga one hundred fifty po ma'am."
Tumango ako at humiram nalang ng plates and fork.
Habang kumakain ako ay nakalimutan ko na ibalik sa vibrate mode yung cell ko. Kasi pinapalitan ko yun ng profiles tune ko kung ayaw kong magpa-istorbo.
Kaya naman nabusog rin ako sa kinain ko pati narin sa cake na ibinigay ni Zander.
When I realized na hindi pa pala ako nakapagreply sa kanya. Kinuha ko ang phone sa bag ko.
May mga text message akong natanggap roon. Karamihan ay sa kanya galing.
Sir, salamat nga po pala sa cake at sa gamot. Sa totoo lang di niyo naman po kailangan pa na gawin yun. Siya nga pala nasa airport na ako ngayon. Pasensya kong hindi ako nakapagreply sa inyo. Naging busy na rin kasi ako sa pag-aasikaso. Kagabi ko rin lang kasi nalaman. Salamat po talaga sir.
Binasa kong muli ang text ko.
"Wait! Kailangan ba talagang mag-explain ako sa kanya!" Napairap kong sabi. Kaya dinelete ko yung paunang text ko at pinalitan ng bago.
Sir, pasensya na ngayon lang nakapagreply. Naging busy po kasi ako sa pag-aayos ng mga dadalhin. Flight ko na po kasi ngayon. Salamat sa gamot at cake. Honestly, you don't need to bother yourself. Besides, it's not your responsibility. Thanks again sir.
Sarcastic reply. I need to do it. Just for the record, hindi ako katulad ng ibang babae dyan na bibigyan lang ng kung anu-ano. Lalambot na agad!
Pagkatapos kong kumain ay kaagad na akong pumunta sa waiting area.
Naroon na ang ibang pasaherong naghihintay rin ng kanilang sasakyang eroplano. Tapos na rin akong nakapag-boarding.
Habang naghihintay ako sa flight ko natatawagin. Nagmessage ako kay Ate Cheska. Na nasa airport na ako at naghihintay nalang ako ng eroplano.
Pagkatapos kong mag-leave ng message ay kaagad akong nakatanggap ng tawag from private number.
"Hello? Who is this?" Ani ko.
"Did you left already?" Tanong niya sakin sa kabilang linya. Nang malaman ko na siya ang tumatawag ay nag-iba na naman ang mood ko.
"No sir, I'm currently waiting for the plane."
" I received your text. Bakit di mo sinabi sakin na ngayon na pala ang alis mo?" tila naiinis pang sabi niya..
"Sir, mawalang galang na po ano? Hindi ko naman po kasi alam na ngayon yun'g flight ko. Infact, nakapagpaalam naman po ako sa inyo diba po?" Ito na naman ang simula ng pag-aalitan namin.
"Yes. But at least you should tell me!." Naiinis na sabi niya sakin.
Bakit ba siya nagkakaganun? Galit siya dahil hindi ko sinabi sa kanya? Ano bang meron samin? Wala naman ah!
"Pasensya na po sir.. Hindi ko naman po alam na lahat pala ng kilos ko ay irereport ko sa inyo!" Hindi na ako nakapagpigil sa inis..
"I didn't mean that! Tsk! Don't mind about it! Just so you know! Hindi kita responsibilidad. Kaya bakit pa kita tatawagan!" At pinutol niya kaagad ang tawag. Napatingin ako sa phone ko.
"Antipatiko pala to'ng taong toh! Ki-aga-aga para'ng sinasaniban! Excuse me! Boss lang kita!" Asik ko habang hawak-hawak ang phone ko sa sobrang gigil.
Ilang saglit pa tinawag na yun'g flight ko. Dinala ko ang iba kong mga gamit na pwede kong mabitbit kasama na rin ang cake ni Zander.
Pumasok na kaming lahat na mga pasahero sa eroplano. I'm sure ilang oras o mahigit isang araw yata kami sa itaas.
"Welcome to Philippines Airlines." Bati samin ng mga cabin crew. Napangiti nalang ako at kaagad kong hinanap yung uupuan ko..
Matagal ko ring hindi nakikita ang pamilya ko at nakakamiss rin ang mga ito.
Pinagdasal ko na wala sanang masamang mangyari sa baby at kay Ate Angela.
Lord sana ok lang ang mag-ina. Dasal ko..
Hindi pa kami nakatake-off. Ay kaagad akong nagtext sa ate ko.
"Ate magte-take off na kami maya-maya. Sana ok lang si ate Angela at ang baby..." text ko sa kanya.
Then I switch my mobile phone to airplane mode at inihanda ang sarili sa pag-alis ng eroplano kasi nakakalula talaga yung pag-angat sa ere...
Nakalipas ang mahigit na dalawampu't dalawang oras ay nakalapag na kami sa Los Angeles International Airport.
Dala ko ang aking mga maleta matapos kung hintayin ang paglabas nito. Kinuha ko yun at lumabas agad ng airport. Nakita ko ang lahat ng mga kamag-anak nasinasalubong nila ang mahal nila sa buhay.
Hinagilap ko naman kung may susundo ba sakin. Pero nang may nakita akong isang lalaki na may dalang plakard at nakasulat roon ang aking pangalan agad ko siyang nilapitan.
"Hi. I am she." ani ko sa kanya. Hindi ko masyadong nakilala kung ano ang itsura niya kasi naka-shades siya.
Nang tinanggal niya ang kanyang avaitor. Napasigaw ako sa saya ng naalala ko ang kanyang mukha.
"Oh my God!!!! Andrew... ikaw na ba yan?!.." sobrang humanga ako sa kanya.
"Of course. Sino pa nga ba?" Sagot niya sakin na napakaslang pa.
"Gosh. Andito ka pala sa States ha. Hindi mo naman ibinalita sakin." Ani ko at tinapik ko ang balikat niya.
"It's apart of my surprise. So! Surprise!." Nakangiting ani niya't niyakap niya ako.
"May pasurprise ka pang nalalaman ha."
"Aba! Syempre ako pa!" at kinuha niya ang aking maleta. Hinawakan ko ang braso niya. Habang patungo sa may waiting area ng mga taxi.
And true, we are so close together since when we are young. Dahil sa kakulitan namin lahat ng mga bagay-bagay napag-uusapan namin. Napagdidiskitahan noong araw.
"Ang laki ng pinagbago mo ah." Ani ko sa kanya sabay suntok sa braso niya.
"Oo nga medyo and I don't know how to speak in Tagalog." Slang na sabi niya pero at least he can used some tagalog naman kahit papano. Kundi aba'y ewan ko nalang dudugo talaga ilong ko...
"Napansin ko nga." At nagtawanan kaming dalawa. Pumara siya ng cab at pinagbuksan niya ako ng pintuan. Siya na mismo ang naglagay ng mga gamit ko sa trunk. Sinabi niya sa driver kung saan ang punta namin.
"How are you?" Ani ko na nasa cab na kami.
"I'm fine Lexi.. how about you? I've heard about the wedding thing. I'm really sorry about that guy is such a coward." naiinis niyang sabi sakin. Lexi ang nakasanayan niyang itawag sakin dahil cute raw at saka bagay rin sakin...
"Nah... don't worry about him I overcome the failure of love Drew. So ikaw? How about your love life?" Ani ko naman.
"I don't have the time. Maybe I'm just too busy with my work and everything."
"Good for you. Ako nga rin inaalala ko lang ngayon ay si Ate Angela I'm so worried about her and the baby."dagdag ko pa.
"Lexi she's actually suffering for her labor right now." Nakakalungkot na sabi niya sakin.
"What!? For real!!!" Tumango pa ito
"Bilisan na natin makapunta roon. Akala ko contraction palang. Sabi kasi sakin ni Ate Cheska di pa naman niya due." Nag-aalala na talaga ako sa kanila.
Napangiti pa siya sa mga sinabi ko. His eyes we're dazzling.. Inaamin ko na noong mga bata pa kami crush ko na siya pero hangang doon lang yun.
Nang marating na namin ang ospital. May iba akong naramdaman. It's more likely that someone is eyeing us... Kinuha na niya ang mga gamit ko sa trunk.
Palingon-lingon ako sa paligid.
"Are you okay, Lexi?"
"Y-yes. Maybe it's just a jetlagged."
"Don't worry. As long as I am here. I will make sure that this is your best vacation ever." Saad pa sakin ni Andrew.
"Bolero ka talaga kahit kailan." Nakakangiting ani ko sa kanya't sabay kaming pumasok sa entrance ng ospital....
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro