Kabanata 4
Kinuha ko ang cell ko sa purse ko't nakita kong si Ate Cheska ang tumatawag. Ni hindi ko halos mabitiwan yun'g panyong hawak ko..
"Sir Zander I need to take this call."
"Sure." Tumayo ako at lumayo sa kanilang mesa. Nasa may bandang pintuan ko sinagot ang tawag.
"Lex you need to come over. May nangyaring masama kay Ate Angela."
"Ano! Paano---" hindi ako makapagsalita. Balisa ako at nag-aalala para kay Ate Angela.
"She's suffering too much. At hindi maganda ang pagbubuntis niya Alex. You need to come, please. Hinahanap ka niya and I already booked you a ticket at na-email ko narin sayo kanina lang." Ani niya sakin.
Ramdam ko ang pagkalito at pangamba. Napatingin ako kina Zander at nagtama ang mata namin. Kaagad din akong umiwas.
Hindi ko alam ang gagawin ko, pano na si ate at ang baby? Kinakabahan ako na baka hindi ako payagan ni Zander na umalis at makita ang pamilya ko.
But my family needs me. Kahit man lang sa bagay na yun napadama ko sa kanila ang suporta ko.
Habang kausap ko si Ate sa phone ay para bang nangangatog na ang binti ko sa nerbyos. Hinahagod ko ang aking dibdib. Tumalikod ako..
"Yes ate pupunta ako dyan. Magpapaalam lang muna ako ng maayos sa boss ko." Napaiyak kong ani at naputol ng bigla ang pag-uusap namin dahil naka-long distance call lang siya.
"Is everything alright?" Sabi ni Zander mula sa likuran ko.
Pinunasan ko muna ang mga luha ko bago ako humarap sa kanya.
"Okay lang ako sir. And I really need to talk to you ." seryosong ani ko sa kanya.
"Sure.. Tungkol saan?" Malumanay na tanong niya sakin.
Kahit na kaharap ko siya ngayon. Pakiramdam ko na unti-unti nang nawawala yun'g inis ko sa kanya.
"Sir I need to leave the country." Ani ko. Hindi siya kumibo. Sa halip umalis siya sa harap ko't kinuha ang purse ko kung saan ako nakaupo kani-kanina lang.
"Zander where you going?" Reklamo ni Kezha at narinig ko yun dahil di naman masyadong malayo yung kinatatayuan ko. Nakita ko kung paano dinedma ni Zander si Kezha.
Binitbit niya ang purse ko't hinawakan niya ang braso ko't lumabas kami sa coffee shop..
"Here's your purse. What did you say? Aalis ka ng bansa?" Aniya sakin at binigay niya sakin yun'g gamit ko.
"Yes sir. Kailangan ako ng pamilya ko't hinahanap kasi ako ng kapatid kong nagdadalantao. It's my way to support her." Esplika ko sa kanya't tinanggap ko ang gamit ko. Nakalimutan ko na yun'g kamay na may panyo yun'g pinaglahad ko para kunin yung purse ko...
Nanlaki ang mga mata ko't kumunot ang noo niya't nakita niya ang dugo sa panyo ko..
"What's this?! Don't tell me kanina pa dumudugo toh?!" Asik niya sakin. Di ako nakapagsalita agad.
At mabilis niyang hinawakan ang kamay ko't hinila niya ako patungo sa kotse niya.
"Sir! Nasasaktan po ako."
Ngunit parang wala siyang narinig at patuloy lang siya sa paglakad at napapasunod na rin ako sa kanya.
Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya.
"Get inside." He demand like I'm one of his possession.
Matalim ko siyang tinitigan.
"Get inside, wag ng matigas ang ulo mo. Kailangang mapalitan niyan."
Aniya sabay tingin sa kamay ko.
Hindi na ako kumontra pa at pumasok din sa kotse niya. Umikot siya patungo sa drivers seat.
Akmang magsi-sit belt na sana siya.
"You didn't fasten your seat belt." Mahinang sabi niya sakin. Nang mapansin niyang hindi ko nalagay yung akin.
"H-a??" Nagulat ako ng bigla siyang lumapit. Halos magkalapit na ang mga mukha namin. Lumakas ang pintig ng puso ko kaysa sa hapding nararamdaman ng kamay ko.
Kukunin na niya sana ang seat belt na nasa uluhan ko. But I need to do it on my own.
"Ako nalang po sir. Kaya ko naman po." Yung isang kamay ang ginamit ko para di lagyan ng dugo ang upuan niya.
Tumikhim siya at umayos ng pagkakaupo't pinaandar yung makina ng kotse.
Umalis na kami sa lugar. At isang nakabibinging katahimikan ang bumalot sa loob ng kotse.
"Bakit hindi mo sinabi sakin na napapadiin na pala yun'g paghawak ko sa sugat mo?" He open up a conversation.
"K-asi ayaw kung mag-abala ng isang tao. Isa pa malayo naman ito sa bituka. Hindi ito nakakamatay."
"But not me..." Seryosong sabi niya sakin.
"Uhmm.. saan mo ba ako dadalhin, sir? Gusto ko lang malaman mo na aalis na ako ng bansa. And I really need your answer."
"You need an answer? I will tell you later." He look at me in the eye and smiled.
Kumunot ang noo ko. Ano na naman ba ang binabalak niya ngayon?. Diyos ko hihimatayin yata ako sa kakaisip ko kung anong tumatakbo sa utak niya...
Dinala niya ako sa isang malapit na ospital.
"You don't need to do this. May first aid kit naman ako dun sa bahay. "
"Kahit na, besides we're all ready here. Your wound is bleeding and it need to clean that up. Infact, it's not nice if I just let you do it on your own. Mas mabuti na ito para mabigyan ka ng antibiotic." Saad niya sakin.
Hindi na ako kumontra pa, bubuksan ko na sana ang pinto nga kotse.
"Just let me do it..." Marahang sabi niya.
Nagpakagentleman si beast. Ano kaya ang nakain niya at bigla siyang bumait.
"O-okay." Ikling sabi ko't pinagbuksan niya ako ng pinto. Inalalayan pa niya ako hanggang sa makapasok kami sa emergency room ng hospital.
"Miss, I need you to take care of her wound." Diretsahang saad niya sa nurse. Ito naman'g si Miss nurse ay parang nakakita ng multo o ano at napanganga pa.
Loading teh???! Ganun nalang ba ang epekto ng lalaking ito sa mga babae! Nakakalaglag panty ba talaga ang pagmumukha niya!?
"Miss? Are you alright? Or you need to take a rest.?" Sarkastikong sabi pa ni Zander sa nurse.
Napailing ang nurse. "Pasensya na po sir. Sige kami na po ang bahala sa girl friend niyo." Biglang sambit ng nurse.
"G-girlfriend? Ay miss nagkakamali ka.." ani kong napapahiya't napailing pa.
Napalipat-lipat pa ng tingin ang nurse samin'g dalawa ni Zander..
"Don't listen to her, just do what I say. I'll wait for you outside, okay.." Tanging sambit nya sakin at lumubas na ito ng ER..
Nabigla ako sa sinabi niya't namula sa hiya. His so straight forward yet he gives me kilig factor.
"Ma'am ang sweet naman ng boyfriend niyo. Sana ganyan din ka yun'g jowa ko. Kahit may pagka-antipatiko pero romantiko naman." Nakikilig pang komento ng nurse. Kimi lang akong napangiti.
Nakita ko rin ang ibang nurse na kinikilig ng sobra...
"Ma'am, linisin na po natin yun'g sugat mo baka magalit samin yung boyfriend mo't ma report pa kami." Napangiti pa siya at napatingin ako sa kanya.
Pinakita ko sa kanya yung sugat ko. At yay! Dumudugo na talaga ng husto.
"Ma'am kailangan po namin kayong bigyan ng antibiotic po. Kasi malakas na po yun'g lumalabas na dugo. Okay lang po ba?"
Tumango ako. Nang malinisan na nila ang sugat ko't binigyan niya ako ng gamot. She injected with me an antibiotic. Napangiwi ako sa sakit. Bago nila benendahan ang sugat ko.
"Ma'am dito lang po muna kayo ha? Tatawagin ko muna ang doctor."nakaupo ako sa upuan at ilang saglit ang humarap sa akin ay isang doctor.
"Hi ma'am, kumusta na po yun'g pakiramdam niyo?"
"Medyo okay na po doc. May konting hapdi pa po..."
"For now kasi sariwa pa yung sugat mo. Bibigyan kita ng tablets for your pain reliever and antibiotic. You should take this once a day after meals. Good for one week."
Napantango ako habang nagsusulat ang doctor ng resita.
"Salamat po doc."
"You can visit us again for follow up check up. Let's just say two weeks from now."
"Thank you doc." Nang matapos na ang pag-uusap namin ng doctor ay lumabas na ako ng ER.
Napalinga-linga ako sa lobby dahil wala siya roon. Sabi niya hihintayin niya ako sa labas.
Hinanap ko siya sa may entrance area at wala rin siya roon. Napabagsak ang balikat ko sa pagkadismaya.
"He left me..." mahinang usal ko. Nang lumingon ako sa loob ng ospital.
Nakita ko siyang lumalakad papalapit sakin.
Damn! Even his simply walk makes my spine shivers. He is so damn gorgeous. Para ban'g nasa isang fashion ramp ako ng Bench.
Habang tititignan ko siya'y tila bumabagal ang paglapit niya sakin. Para mas lalo ko pa siyang matitigan ng mabuti.
His simple sways makes him so freaking hot. That makes my heart beats so fast! Napatulala ako't napapantasya ng kaunti sa kanya.
"Are you okay?" Tanong niya sakin...
Napakurap ako ng namalayan ko'ng nasa harapan ko siya.
"Y-yes. I'm fine. Tapos na palang napalitan yun'g benda. Matanong ko lang kung ano ng sagot mo?"
"Hmmm..." nag-isip pa talaga siya. Nang napansin niya ang dala kong resita.
Hinawakan niya ang kamay ko.
"Saan na naman tayo pupunta?" Napipikon na ako. Kasi padalus-dalos na hinahatak yung kamay ko. Ni hindi man lang marunong magsalita.
"Basta... and this." Sabay hablot niya sa recitang hawak ko.
"Let me take care of this." Saad niya sakin. Kukunin ko sana pero nilalayo niya sakin ang papel. Pinipilit kong kunin halos napapatalon na ako dahil sa sobrang taas niya kaya.
"Ang gulo mo!" Mataray na sabi ko at nagsimula na akong magwalk-out.
Lumakad na ako palabas ng hospital.
"Anong gusto niyang mangyari!? Ni hindi ko naman siya kaanu-ano." Nang makakita ako ng taxi ay kaagad akong pumara.
Bakit ko siya hihintayin para saan pa?!
"Saan ho tayo ma'am?" Magalang na tanong ng driver. Nang biglang bumukas ang pintuan ng passengers seat sa likod.
"Pasensya na po manong. Hindi po siya sasakay." Aniya.
Pinandilatan ko siya at hinawakan niya ang kamay ko.
"Ano ba!? Bitiwan mo nga ako!" Ani ko na nakaupo parin sa loob ng taxi.
"Kung di ka lalabas, kakargahin kita."
"Ma'am okay lang po ba kayo? Kilala niyo po ba ang lalaking ito?" Tanong ni manong driver.
"Wag kang makialam dito. Ayaw mag-asawa ito." Asik niya sa taxi driver at napaawang naman ang bibig ng driver at naupo na lamang.
"Ano ba!?" Hinila niya talaga ako. Malakas ang pwersa niya kaya hindi na ako nakapagpigil at napasunod na ako sa kanya...
"Ano ba talaga ang gusto mo!?
"Kanina tinatanong kita kung anong sagot mo. Parating mamaya nalang. Ano ba talaga ang gusto mo!?"
Naiinis na asik ko sa kanya habang hawak-hawak niya ang kamay ko. Nawalan na ata ako ng respeto sa kausap ko. Nakalimutan ko ng boss ko nga pala ang nasa harapan ko ngayon.
Tapos sinisigawan ko lang... Bang! Bukas mag-eempake na ako ng gamit dahil sinisisante na ako dahil sa ugali kong di maganda.
"It's just... I don't want you to leave." Mahinang usal niya sakin...
"Ano? Anong sabi mo?! Look! Sir, kung hindi mo ako papayagan. Sabihin mo sakin ng diretso, sir..."
"It's not like that. If you want to go, then you go. I won't stop you." Seryosong sabi niya at humarap siya sakin. Blanko ang mukha niya at mga mata. Ni walang ka-emosyon.
"Totoo po ba yun sir?! God! Thank you sir.!" Bakas sa aking mukha ang kasiyahan...
"Wag po kayong mag-aalala sir. Yung mga naiwan ko po'ng trabaho. Gagawin ko parin yun doon sa States."
"No. You better take a vacation leave. You need to relax and spend time with your family. If you'll let me, drive you home." Pormal nitong sabi niya sakin. Na siyang pumutol ng aking kasiyahan.
"Sir? Magtataxi nalang po talaga ako. Nakakahiya naman po sa inyo."
"No. I insist.." kibit balikat nalang niya akong napapayag na ihatid niya ako sa bahay...
Habang papauwi na kami. Di ko mapigilang mapa-hum dahil sa sobrang katahimikan.
"I'm so sorry." Ani pa niya sakin. Nagtataka talaga ako sa kanya bakit ba kung kami lang dalawa yung nag-uusap para bang ibang tao ang kaharap ko. Nawala na yung suplado at may pagka-arrogante kong boss.
"Sorry saan? Alam mo sir nagtataka po talaga ako sa'yo." Napakunot noo ako.
"Could you please cut the po word and sir." Sabi niya sakin.
"P-po? Ay este... ano naman ang itatawag ko sa inyo?"
"Hmm... there you go again. Nawala nga yun'g po but the empleyee approach is still there. Why don't you try to call me by my first name."
"I'm sorry. But I can't do that. Your my boss and still I going to respect you." Seryosong saad ko sa kanya. Nang namataan ko na malapit na ako sa bahay.
"Dito nalang po ako sir. Tsaka salamat po sa paghatid. I glad that you've approved my vacation leave." Ani ko at binuksan ko ang pinto. Akmang bababa na sana ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko.
"The truth is.... I don't want you to go..." he said it perfectly with a simple gesture and it suddenly made me a pause.......
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro