Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 17


I hope this won't be the last. Ani ko sa sarili.

From now on, I will show to him what I can really give in comes to love. Yun ang pangako ko sa aking sarili. I hope nothing and no one will ruin our relationship.

Wait! Kami na ba? Basta mahal ko siya.

"Lex  I love you so much and please say that I am yours and only yours." Namungay ang kanyang mga mata na punong puno ng pagmamahal.

"I am yours babe only yours." Napangiti ako sa aking sinabi. Niyakap niya ako mula sa aking likod we were standing sa may bench ang ganda talaga ng tanawin.

Habang akap niya ako may kung anong hangin akong naramdaman sa aking leeg at napatili ako.

"Jesus Christ!... nakaisa ka na naman ahh.. bakit mo ba ako inaasar." Ani ko sa kanya.

"Dyan pala ang kiliti mo babe?" Ngisi niya.

"Now you know.." umirap ako sa kanya.

"Ay nagalit agad. Bakit ba ang ganda mo kapag naaasar. I love you so much Alexandra." Ani niya at ginawaran niya ako ng isang halik. Halik ng punong-puno ng pagmamahal bago siya tumigil naramdaman ko ang pagkagat niya ng aking pang-ibabang labi.

Napatigil ako dahil sa sensasyong iyon. It was fast yet it makes me weak.
Weak to the extent that I cannot even moved my body. We were so connected with each other.

Napahawak ako sa kanyang batok at tumugon rin sa kanyang maalab na halik.

Pumikit ng mariin si Zander para matauhan.

"Babe I really respect you I really do... but this is way out of control." Yumuko siya sa harapan ko.

"Babe I am so glad that you treat me as I never expected. Don't worry about me okay. We don't need to rush about this." Hinaplos ko ang kanyang pisngi at ningitian ko siya.

"I am sorry babe but promise pinipigilan ko talaga. It doesn't mean that I don't like it. But I want to marry you first before doing it." Seryoso niyang sabi.

"Are you serious?" Hindi makapaniwalang ani ko.

"I am damn serious, ayaw kong maghintay ng gaano katagal para lang subukan ang pagmamahal ko sa'yo. Dahil hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag pinakawalan pa kita." Seryoso ang mga katagang pinakawalan niya. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin.

Napakurap ako sa kanyang sinabi alam kong mabilis ang pangyayari. Hindi ko mapigilang maiyak sa tuwa.

"Lalong lalo na sa taong inangkin ko na. Kahit alam kong magkaibigan lang kayo ni Andrew. Way back then, I am fucking jealous. But when you open your heart to me. Nawala ang tinik sa puso ko, dahil ayaw ko ng pansamantalang pagmamahal lang babe. Takot akong mawala ka sa piling ko at makuha ng iba." Ani niya...

Napaiyak ako ng mga sandaling yon hindi ko inaasahan na sasabihin niya sakin ang mga yon.

"Babe why are crying? Did I say something wrong that hurt your feeling?" Nag-aalalang ani niya.

"Its nothin' babe they're just tears of joy." Hinaplos niya ang aking pisngi at pinunasan ang aking luha.

Marahan niya akong niyakap even if my body shivers of the cold breeze. Umaapaw parin ang init ng kanyang katawan na nakapulupot sa aking kabuuan.

"Babe tayo na kakain pa tayo ng dinner." Aniya.

Pumunta kami sa malaki na restaurant kung saan ako kumain kahapon.

Siya na mismo ang umorder sakin ng pagkain... nang gabing iyon magkatabi lang kaming natulog.

Kinabukasan naging successful and event namin simula nung nakarating kami dito sa Baguio. Zander decided for the last day na mag enjoy nalang rito sa Baguio ng husto...

When everybody is so busy with their business. Iniwan muna ako ni Zander sandali kina Penny.

Nakaupo kami sa may duyan na pwedeng kawilihan ng mga gustong magpahinga sa mga pumupunta.

"Tama nga talaga ang hinala ko may gusto sayo si Sir." Ngumisi siya.

"Sabihin na natin na oo nga Penny, pero---"

"Oh ayan ka na naman. Wag ngang negative thinker pwede ba Lex. Kahit ako nga assuming na mapapansin ng kaibigan mo. Eh ikaw, talagang pinansin ka na, niyakap at minahal ka pa." Giit pa niya.

"We didn't know what will happen next Penny." May kung anong kalungkutan akong naramdaman.

"Hay nako.. alam ko na yan. He will ask your hand in marriage one of these days Lex. So please, be happy besides you don't have to be a lifetime loner, you know." Tugon pa ni Penny.

Napabuntong hininga na lang ako sa kanyang sinabi. Sa pangangatwiran niya ay may punto naman siya.

"You know what Lex, I'm so happy for you kasi diba for all those bitter years na pinagdaanan mo, just to forget those mem'ries of your idiot bf ay ex bf pala. Is that there is someone who's right here pala that would come for the right time." Sabi pa niya.

"Ayokong pangunahan ang panahon Penny dahil mahirap ang umasa. Tatanggapin ko ng buong pagkatao ko kung siya nga ang para sakin. I don't want to jump to a conclusion na hindi pa nangyayari." Ani ko.

Natigilan rin siya sa aking mga sinabi.

"Marahil ay tama ka, ipalagay nalang natin nga tama ka nga. Pero paano kung mali ka? Hindi mo ba paniniwalaan kapag siya na mismo ang nagsabi sa'yo? Alam mo Lex ang pag-ibig kapag tinamaan ka. Tatamaan ka talaga at sa nakikita ko kay Sir Zander. He is madly inlove with you. Siguro nga ayaw mo lang paniwalaan ang lahat-lahat dahil sa nasugatan na ng tuluyan ang puso mo at may allergic ka na sa salitang kasal." Mahabang turin sakin ni Penny. Totoo ang lahat ng sinabi niya. Gusto kong maiyak pero pinipigilan ko.

Dahil hindi ko pa talagang  lubusang kilala si Zander. Anu naman ang ipapanama ng days or weeks naming pagkakakilala. Eh kahit si Rommel mismo ay ilang taon kaming nagkasama.

But still he lied to me, he made me believed that everything in him was mine. Damn! He still cheated on me! Perhaps its my lesson after all. But does it mean that I did learned from my past relationship? And here I am now, with Zander for just a day or a weeks... and now I am falling crazy in love with him...

Napahinga akong malalim, tahimik parin kami ni Penny. Malayo ang tingin niya at ganun  din ako. Tumikhim ako ng sandali.

"Penny? Is there something wrong?" Natauhan ata siya sa tanong ko.

"H-ha? Did you say something?"

Great! She's not even listening.

"Ang sabi ko si Andrew ba ang pinoproblema mo?" I guess.

Umiling siya.

"So what's bothering you?"

"Nothing important Lex." Aniya. Napakibit balikat ako sa kanyang sagot. Nang sandali lang, lumapit sa amin si Andrew. His right behind where Penny was sitting.

Hinawakan niyang bigla ang dalawang balikat nito. I know him, his sweetness makes Penny fall in love but he can make that to me. Coz I see him as a friend.

Nagulat pa si Penny at napamura.

"Holy shit.. your makin' me nervous!!! Asik niya kay Andrew. Ang cute nilang tingnan sobra. Para akong nanunuod ng teleserye sa telebisyon.
Umupo si Andrew sa tabi niya.

"I know what your thinking." My friend teased her.

Kumunot noo siya, talagang pinagmasdan ko lang silang dalawa. Kahit ako kinikilig sa kanila.

"I don't know what your talking about. Andrew!" Mariing ani niya.

"Lexi... is Penny had a boyfriend?" Baling sakin ni Andrew. Nalaglag pa ata ang panga ni Penny dahil sa tanong ni Andrew sakin.

"Bakit ako ang tinatanong mo? Why don't you ask her. Anyways, I will leave you too so that you have a privacy." Humagikhik ako at umalis.

I'm wondering where did Zander go. Pero bumalik ako sa suite namin. Dahil hindi ko siya mahagilap. He didn't tell me where he went. Kaya hinayaan ko na lang.

Nasa loob na ako ng suite namin. A phone ring. Nasa mini table yun nakalagay. Naiwan niya phone niya.

Unknown Number ang nasa screen. Nagdalawang-isip ako kung sasagutin ko ba o hindi. Baka important

"Hello?" Ani ko.

"Who's this?" Boses babae na paramg galit ata.

"Is Demitri's around? I want to talk to him!" Singhal niya sa kabilang linya. Kumalabog ang aking dibdib pero pinilit kong huminahon. Sino ang babaeng ito??? Ano siya sa buhay ni Zander???.

Demitri?  Tama second name nga pala yon.

"May I know who's on the line please?" Magalang kong tanong.

"I don't want to answer your question. I asked you first! Now your asking me question?! What a jerk! Where the hell is he?!" Galit niyang tanong sakin.

"His not around and if you want to know where the hell is he. I do not know besides it's not my problem anymore." Mariing ani ko sa kanya agad kong pinindot ang off button.

Huminga ako ng malalim, sino ang babaeng tumawag sa kanya. Hindi ko alam ang pangalan niya dahil hindi ko na ako nakapagpigil. Nangibabaw ang pride ko kanina.

Napaupo ako sa kama at nag-beep ang phone niya.

Unknown number:

Demitri!!! Where the hell are you???!!!! We're not done yet!!! Its not over between us!!!

Shiiit! May relasyon siyang iniwan sa States!!! may relasyon sila ng babaeng toh!

Namuo sa aking puso't isipan ang galit kay Zander. He  never mentioned it to me that he has a past relationship. Of course how could he be, because he always drop the subject!!! Shit. What a fool am I? Niloko ko lang sarili ko akala ko ako lang ang mahal niya. Yun pala may iniwan siyang babae sa States. Tapos pag ayaw na niya sa bababe mawawala lang siyang bigla na parang bula. At gagawin din niya sakin ang ginawa niya sa babaeng ito!!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro