Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 10


Fall...

Halos di ako makagalaw sa mga titig na binibigay niya sakin. Kahit anong gawin kong wag pansinin ang mga titig niyang ubod ng lalim.

"Are you okay? You look uncomfortable." Batid ni Zander ang tensyon ko.

"Wala okay lang ako." Pagsisinungaling ko.

"Are you sure?" Paninigurado niya.

"Yeah I'm sure." ani ko. Tumingin ako sa kinaroroon nung taong kanina pa kung makatingin parang may kasalanan ako sa kanya.

"Eto Lex... masarap to." Ani pa ni Zander na may pagkain siyang nilagay sa aking pinggan. Talagang marunong siyang mag-alaga ng tao... este babae pala. Sa likod ng pagiging bossy at moody ay may tinatago pala siyang sweetness and romantic gesture.

"Alam mo Alex ngayon ko lang nakitang ganyan si Zander. Nung dumating yan rito halos ayaw lumapit sa babae." Pamumuking ni Ciarra.

"Ciarra I can see that your not keeping your promise." Matigas na ani ni Zander at bahagya namang napatahimik si Ciarra.

"Kuya that's not what I mean. I'm just happy seeing you that your okay right now." marami pa talaga akong hindi alam sa pagkatao ni Zander lalo na ang kanyang nakaraan.

"Patay... so Ciarra napagalitan." Asar ng ilan sa magpipinsan.

"Ewan... makaalis na nga lang para wala akong masabing ikasama ng ego niyo." Nakataas ang kilay nitong tumayo sa kinauupuan at umalis sa mesa.

"Jed, I though you told Ciarra about that..." baling ni Zander sa katabi ni Ciarra bago ito umalis.

"Zan, I already told her hayaan mo na siya minsan hindi niya mapipigilang magsabi ng totoo alam mo na yun. Hindi marunong tumago ng sekreto lahat ng narinig buking." Katwiran ni Jed at napatawa nalang sina Carlo at Nathaniel.

"Zander where's the restroom?" Naiihi na talaga ako kanina pa gustong bumigay ng pantog ko.

"Sa hallway na yun turn right." Turo niya sa direksyon ng restroom.
Tumungo na ako sa kinaroroon ng restroom. Pumasok ako namangha ako sa ayos ng kanilang restroom para sa mga bisita. Bumungad sa mga mata ko ang native style nito at marmol na mga dingding. Sobrang ganda talaga ang pagkakadesign nito.

Pinagpatuloy ko na ang sadya ko sa lugar na yon. Pagkatapos ay nagretouch ako ng konti. Akmang lalabas na sana ako may narinig akong boses...

Parang boses ni Rommel... my Gosh... siya yung lalaki kanina..

Lumabas siya at napalingon sa kanya ang lalaki. Gusto niyang mapatalon sa saya dahil sa inaakala niyabg si Rommel ay hindi pala talagang kaboses lang niya yun.

Napahawak siya sa kanyang dibdib para maibsan ang kaba. Nakita ang papalapit na si Zander.

"I'm so worried, baka kung napano kana." ani pa niya na nag-aalala.

"Grabe ha... nag-cr lang ako, Zander sandali lang yun."

"Ayaw kong mawala ka sa mga paningin ko Lex." Ani niya sabay hawak sa aking pisngi. Napangiti ako sa sinabi niya. Alam kong wala ngang kami pero may kasiyahan akong nadarama sa kaibuturan ng aking puso.

"Tara na... kinikilabutan na ako sa mga sinasabi mong yan." Nakangiting ani ko.

Hindi nalang siya umimik at hinawakan na lang niya ang aking baywang napatigil ako dahilan ng kanyang paghawak. Pero ang sama ko naman ata kung hinawi ko ang kamay niya.

Nang dumako na kami babalik sa aming mesa. Wala na roon ang taong panay kung makatitig sa akin kanina.

Sa bawat sandaling iyon naging maingat at maalaga sakin si Zander. Ayaw kong magsinungaling sa sarili kong hindi ko iyon nagustuhan pero masaya ako kapag ganun siya sakin.

Masaya ako sa gabing iyon, talagang sinigurado ni Zander na magiging masaya ako. Ipinapakita niya sakin na mabait nga siya na hindi siya ganun kasalbahi di gaya ng iniisip ko.

Nagsimula na ang liveband isa-isang tumayo ang mga taong naroon para magsayaw.

"May I dance with you Lex?" Yaya niya sakin.

Nag-aalangan akong tanggapin yun. Never pa kasi akong naaisayaw ng lalaki promise.

"Tanggapin mo na Lex... magwala yan dito pag di mo tinanggap." Ani pa ni Carlo at tinitigan ni Zander si Carlo napangisi nalang ito.

"Oo na wag ka ng magalit sa pinsan mo." Tinanggap ko ang kanyang kamay at tumungo kami sa dance floor.

"Ahmm Zan, hindi ako marunong sumayaw. Hindi ko alam kung papano toh..." nahihiyang ani ko.

"Just relax I will teach you. Just put your hands in my shoulder" habang nagsasalita siya kasabay rin ang paggalaw ng kanyang kamay para ilagay ang aking kamay sa kanyang balikat.

"Akong bahala slow dance lang naman toh..." dahil slow dance lahat ng mga pinatugtog ng dj ay lovesongs.

"Did you enjoy?" Tanong niya sakin habang sumasayaw kami.

"Yes... nag-enjoy ako sa party mo. Salamat pala ha." Ani ko.

"Ako ngang dapat magpasalamat, coz you filled my life with gladness, Lex."
Lihim akong kinilig sa sinabi niya.

"You know what, hindi ko talaga inaasahan na may ganyan ka palang pag-uugali."

"Every man has its own attitude especially to the person they love." Diretsahang sabi nito. Napatitig ako sa kanya.

"Alexandra, I want to be honest with you." Nagsimulang kumabog ang aking puso na parang tambol sa sobrang bilis.

"Zander... don't"

"Why? Its because of Andrew? Lex I want you to know that I always think of you. The first time we met I know I'm horrible but you are the only who stand up infront of me that makes me felt something." pag-aamin ni Zander sa kanya.

"Ayaw ko ng masaktan sa pagkakataong toh... so please don't ..."

"Why don't you let me in. Just open this heart for me Lex." Sabay hawak sa puso niya. Kitang kita ko sa kanyang mukha ang lungkot na nadarama.

"I know that you felt the same way for me you just won't admit it. Your just afraid, what's holding you back?" Nalulungkot niyang tanong.

"Its not that important Zander."

"It's so important to me. You have no idea how much you mean to me. Hindi ko na kaya dahil habang tumatagal lalong lumalala. Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa twing makita kang kasama mo siya. Habang ako nasa sulok umaasa na sanay mapansin mo." Napaluhang ani niya

Shit. Umiiyak siya... ang sama kong tao. This is my first.

"Are you crying? Zander para naman akong naging masama nito. Kasi birthday mo nga pinapaiyak kita." Pinunasan niya ang munting luha sa kanyang mga mata. At hinawakan niya ang aking kamay at inilapat sa kanyang pisngi.

"Daig ko pa ang pinaparusahan Lex... hindi ko mapigilang malungkot..." napayakap na lang ako sa kanya. Tama nga siya I felt something for him too. Takot lang ako baka kung ibigay ko lahat sa kanya. Iwan niya rin ako. Sasaktan. Paiiyakin.

"Ayaw kong masaktan ulit Zander." Nangingilid ang luha sa aking mga mata at mabilis ko iyon pinunasan ng panyo.

Patuloy parin ang sumasayaw ang karamihan na naroon.

"I won't hurt you. The thing is I don't want too lose you." humigpit ang yakap niya sakin.

Hinagod ko ang kanyang likod at napasandal sa kanyang balikat. Ang bango niya parang gusto kong paligi ko siyang kayakap.

"Lex. I won't stop until you will open your heart to me." Ani niya at kinalas ang yakap niya sakin.

"Alam mo masaya ako hindi dahil sa inimbita mo ko sa birthday mo. Masaya ko dahil may tinatago palang kabaitan ang boss kong ubod ng tigre." Napangiting pag-amin ko.

"Ano... ako tigre?" Natatawang ani pa niya.

"So I'm a tiger to you pala ha... I can't visualize myself as a tiger." Natatawa parin siya at niyakap ako uli.

"I know this might be strange feeling but I'm falling for you. Kahit hindi mo sagutin sa ngayon ang nararamdaman ko para sayo, okay lang maghihintay ako."

His begging at me at this moment.. my boss... was in love with me... I can't believed it...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro