HIGH SCHOOL
"Hi. I'm Jervi."
Nakangiting pakikipag kilala nito sakin. He's gonna be my new seat mate.
Tumaas yung isang kilay ko nang ilahad nya yung kamay nya for a shake hands. I just rolled my eyes and..
Ignore him. At muling bumaling kay Ma'am Hernandez na nagdidiscuss sa harap.
He's Jervi. Yeah i know kakapakilala nya pa lang sa harap his a transferee anyway.
Nakita ko sa gilid ng mga mata ko kung paano syang napangiwi at napakamot na lang sa batok.
"Hey! Jervi, I'm aira." Pakilala sa kanya ng babaeng nasa harap in a very low voice. Haist. Basta may taglay na kagwapuhan hindi talaga makakaligtas kay Aira. She's a hmmm.. I don't know how to describe her but, she's kind and.. Uhmm a little bit flirty. Hahaha anyway she's a friend of mine.
They keep on talking talking and talking , GOSSSSSH! too noisy.
"Shhhhh Ingay!" I said in a low voice but they heard it. Kaya pareho silang napatingin sakin. Aira rolled her eyes.
"Don't worry Jervi. Ganyan talaga yan she's a .... KJ." She said na hinead to toe pa ko.
She's pissing me off.
"Cute nga eh. By the way what's her name again?" He said with a smirk. Nanlaki ang mata ko sa tanong nyang yun. And in that, nagkatinginan sila na sabay pang tinignan ang reaksyon ko at after few seconds nagpigil na sila ng tawa. I pouted when they keep on talking again but this time about.... Me,
They really getting into my nerves.
I don't know how they keep on talking without our teacher noticing them until the class dismissed.
"Can you both pls. Shut up!" Asar na sigaw ko sa kanila. Kanina pa ko nagpipigil eh. Aira is my friend yet she keep on talking with Jervi imbis na ako dapat. And then I walk out.
"Annie, saglit!" And oh that's my name.
I heard Aira called me. I just rolled my eyes without facing them.
Nakakainis Sila.
Lalo na yung Jervi na yun. Unang kita ko pa lang sa kanya alam ko nang mang aagaw sya ng kaibigan. TsSk! Asaaaaaar.
Don't get me wrong, I'm not jealous! Well it's just a kind of a..... Hmm. Something like uhm..
Gosh! Oo na, I'm jealous. Selosa talaga ako. I don't know! Bastaaa na te- threaten lagi ako kapag may nakikita akong kausap yung kaibigan ko lalo na kung nag eenjoy sya dun.
I'm an anti social. Well, not so really. Marami akong nakikilala, Oo, nakasundo ko pa nga yung iba but only Aira can understand this attitude of mine. Like duh! I have my daily mood wings.At isa pa, It is hard for me to trust any one. Kaya Iba ako mag treasure ng kaibigan. I feel like I should guard them to any one so that they can't find someone better than me.
"Here." Utomatikong umangat ang tingin ko sa taong nagbibigay ng lunch meal sakin.
I rolled my eyes when I finally saw him. Nakangiti itong abot hanggang tenga. Weird.
"Huh! Para saan naman yan? Suhol? To take away my friend to me?" Tuloy tuloy na sabi ko na tinutukoy si Aira.
"No! Of course not. W-wait..." He looked at me na parang kinikilatis ako.
Padabong kong tinanggal yung tingin ko sa kanya. And I crossed my arms.
"Hahahahahahaha" He laugh hard. I gave him my dead glare.
"Are you serious?" Nakangiting tanong nito. I just rolled my eyes on him. "Hey! Wala akong balak agawin kaibigan mo, gusto ko lang rin ng mga bagong kaibigan." Nakangiting sabi nito.
I pout. After realizing what I've said. This is embarrassing. I just manage to looked away.
Nang mapansin nya yun ay agad nyang itinikom yung bibig nya at inayos ang sarili.
Pero hindi nya pa din naiwasang tumawa dahil sa reaction ko.
Umupo sya sa kaharap na chair. "Why are you laughing that hard? What's funny?" Naiiritang tanong ko.
"hahahaha chill Okay, Damn. HAHAHAHAHA hindi ko aagawin yung kaibigan mo, if that's what you think." Hindi napapagod na ngiting Saad nya.
"First time kong nakakilala ng babaeng takot maagawan ng kaibigan" natatawa habang naiiling na sabi nya.
He didn't say anything wrong but, ugh! I've feel like his insulting me.
I seriously looked at him. Pero bago pa naman ako makapagsalita eh may umupo na sa gilid koo, our table were square with four chairs.
"Anong mukha yan, Annie?" It's aira..
"W-what? I didn't do anything." I said na nagkibit balikat..
"Che! Kilala kita Annie.."
"Shut up! And Stop calling me that, just ANN okay?"
"What ever!" She said then start eating.
"Hahaha bakit parang natagalan ka ata Aira" Tanong ni Jervi na nagpapalit palit ang tingin samin. He's weird.
"Yun kasi oh! that cashier girl. Napaka bagal nyaa like duh! As if naman na napakadami ng binili ko diba? Isang meal lang 'to oh! Look." Inis na kwento ni Aira. Na tinuro pa yung cashier at pinakita pa samin yung pag kain nya.
"TsSk. Arte mo," Bulong ko at pinagpatuloy na din ang pagkain
"What did you say?" Nanliliit na mga matang tanong nya sakin.
I just continue eating. Narinig ko naman tumawa si Jervi. Walang ibang ginawa to kundi tumawa. May saltik ata.
"Sigurado ba talaga kayong magkaibigan kayo?" He hesitately ask with a smile na pigilan ang pagtawa.
"Of course." Sabi ni Aira ang bilis magbago ng reaksyon. Hindi naman ako tutol dun " Ganyan lang yan si Annie per...."
"Ann! I said call me ANN okay?" I interrupted then pinanlakihan pa sya ng mata
"R-relax" Natatawang saad nya, pati si Jervi nakitawa na din. They enjoying pissing me off.
"You've always known I hate calling me Annie gosh! But you keep on doing it" Asar na sabi ko
"B'coz you still keep on coming with me" She smirk. Hindi na matanggal ang pagkabusangot ko.
"As if I have a Choice" Bulong ko wala naman akong ibang kaibigan
"Then bare with it HAHAHA" tumawa ito ng parang bruha bulshit! ... "Chaka ka na umarte pag may choices ka na". My death glare land to Jervi when He laugh too..
And in that....
Our friendship with Jervi... starts
Lagi na itong nakadikit samin, I mean kay Aira. Mas close na sila pero dahil mas nakikilala ko na rin si Jervi , I didn't get jealous any more. I found him as a friend of Aira.
Not until,
"Marunong ka pala nyan?" Tanong ni Jervi nakatingin sa screen ng phone ko. I'm playing an online game of chess. Real Human yung kalaban ko sa app kaya minsan may katagalan tumira. At yung kalaban ko ngayon is yung user na never ko pang natalo.
"Obviously." Plain na sabi ko, we're not yet that close maybe sila ni aira but not us.
"Ah." Off guarded na sabi nya.
He silently watched me playing. "Observe the horse. One move and you will win." He unconsciously said. Weird pero I did what he said. And luckily I won.
"Waaaaaaaah!" Sigaw ko sa tuwa na payakap pa ko sa kanya na agad ko din namang binitawan any way nandito kami sa canteen, si Aira ayun nandun sa CR. "Thanks." Abot langit ang ngiting sabi ko.
But he just stared at me. Like an idiot.
I snap may fingers in front of his face while laughing. "Hey!" Pero lalo pa ata syang natulala dahil sa ginawa ko.
"A-raaay! Bakit mo naman ginawa yun?" Asar na tanong nya habang hinihimas himas yung pisngi nya. Yeah! I slap him. Hahahaha
"kasi parang nahihipnotize ka so, I decided to slap you para naman magising ka at bumalik na sa reyalidad" I said and laugh again pero parang natutulala na naman sya...
"Hephep Hep! Okay na yung isang sampal ah! Abusado na pagdalawa." Sabi nya nang akmang sasampalin ko na naman sya. Agad nya pang kinover yung palad nya sa pisngi nya. Kaya natawa na lang ulit ako and eventually nakitawa na din sya.
He's weird but now, he slightly turning into normal. We started being closed friend.
"Ann, patingin nga ng sagot mo sa essay number 3. Kuha lang ako idea" Bulong ni Jervi since kami yung magkatabi napasulyap naman ako kay Ma'am Hernandez nang masigurado kong safe, agad kong inabot sa kanya yung papel ko at ganun din sya sakin, in simple terms nag exchange paper kami.
"Gagi! Ang dami mong wrong grammar. Hahaha" Natatawang sabi ko nang aasar lang. Pero totoo yun.
"Wow! Yabang. Ikaw na perfect sa grammar. Yaan mo na yan pinasasakit nya ulo ko dahil sa pagpapagawa nya ng essay, pasasakitin ko din yung malapad nyang noo sa pamamagitan ng pagbasa nya sa baluktot na grammar ko buwahahaha" Pabirong sagot nya. Napalakas pa ata yung tawa nya at naalerto si Ma'am kaya napalingon sa gawi namin agad akong sumubsob sa papel na hawak ko. Laitero talaga yung isang 'to. HAHAHA
"Stop TALKING!" Pasigaw na saway ng guro.
"Siraulo. Iko-correct ko nang lapis baguhin mo na lang may correction tape ka naman eh. Or ulitin mo na lang" Bulong na sabi ko kanya ng mapansing nabusy na ulit si ma'am.
Nang matapos ko na ay pasimple kong siniko si Jervi dahilan para mahulog ang braso nya na nakatanday sa table ng arm chair ko. Na syang kinagulat nya.
"Ayy! Palaka!" Gulat na sigaw ni Jaybie. Pinigilan ko ang nagbabadyang pagtawa.
"Yes, Jervi?" Tanong ni Ma'am,
"Sabi ko palaka hindi balyena" Bulong ni Jervi na halatang hindi narinig ni Ma'am dahil nakakunot pa din ang noo nito. Natawa ako ng mahina.
"Ah! Wala po Ma'am, naiistress lang ako sa english. Jusmiyo!" Napakamot kamot sa batok na sabi nya na kinatawa naman ng ilan sa mga classmate namin.
"Well maistress ka pa sana lalo b'coz you only have 5 mins to finish it" Ma'am said with a smirk. Nakita ko naman yung pagkataranta sa mukha ni Jervi. Pfffft. Pagpipigil ko ng tawa but unluckily I can't stop it but laugh.
"Hahahaha--" My laugh was interrupted when Ma'am speaks.
"What's wrong with you Annie? Are you sick?" She ask na kinunotan ko ng noo
"P-po?" Balik na tanong ko.
"Kasi sa pag kakatanda ko first time kitang narinig tumawa" Nakangising sabi nya. Ganun ba ko ka anti social that I even forget to laugh in public?
"Hindi yun totoo, echusera lang yun si Ma'am" Bulong ni Jervi na kininditan pa ko. Hinampas ko lang sya at mahinang tumawa
-------
"Tignan mo nga kung kabisado ko na dali!" Sabi nya sakin at ipinatong yung notes nya sa notes ko.. Aba!
May kakabisaduhin kasi kami for recitation ngayon kaya busy ang lahat.
"Ayoko! Nagkakabisado din ako, kay Aira na lang" Sabi ko na tinanggal yung notes nya at binalik sa table nya.
"Ihhh! Tignan mo sya! She's with Aron chaka isa pa, Ikaw gusto ko." Sabi nya na nakapagpaangat sa ulo ko mula sa pagkakayuko.
"...guluhin hehe" Dagdag nya
"Tigilan mo nga ko--"
"Libre kita mamaya da---"
"San ka na ba banda?" Tanong ko at kinuha ang notes nya chaka ito binuklat.
"Hahahahaha" Tawa nya habang nakatingin sa kin. Bigla nya naman pinisil ang pisngi ko.
"Oh! Tamo 'to bastaaaa libre ang bilis daig pa sa ninja hahahaha" Komento nya.
"Araaaay ko namaaaan!" I said and rolled my eyes on him.
----------
"Sa tingin mo ba okay na yung border na to?" Tanong ko gumagawa kasi kami ngayon ng school project.
"Pwede na yan." Sabi nya na sa cp nya nakatingin. Nandito kami ngayon sa bahay, sa sala.
"Ah. Pwede na?" Sarcastic na tanong ko
"Oohm--" Sagot nya pagtapos ko syang mabato ng unan
"Buset ka! Wala kang dulot puro ka ML dyan, dapat si Aira kapartner ko eh kung hindi lang dahil sa Aron-Asungot na yun tsk" Iritang daing ko..
Ginawa nya na naman yung signature laugh nya bago nagsalita. "Selos ka na naman, konti na lang iisipin ko na iba tingin mo kay Aira."
Nagkatinginan kami pagtapos nya sabihin yun. "Yucckk/kadiri" Sabay naming sabi at maya naya lang eh sabay kaming natawa.
"Anyway, if ever ba na may lumapit din sakin mag seselos ka?" Out of nowhere na tanong nya.
"Nope." Taklesang sabi ko na nakapagpalaki ng mata nya sa gulat " Joke. Hahaha" Sabi ko sabay peace sign.
"Ano ng kasi!???" Naiinip na sabi nya.
"Teka nga bakit ba gusto mo malaman?"
"I just want to, daliiiiii na yung sagot!" Apuradong sabi nya
Napabuntong hininga na lang ako ang weird ng tanong nya at hindi ko alam pano sasagutin yun, never pa yun tinanong sakin ni Aira. At ang Weird din dahil kinakabahan ako.
"H-hindi ko alam." I just said at binalik ang atensyon ko sa laptop na nasa table. Halata naman na disappoint sya sa sagot ko dahil nakabusangot syang bumalik ulit sa paglalaro nya. Bumuntong hininga para makahugot ng tamang sagot
"But I guess, I would be jealous too, lalo na kung sya yung yayain mo magchess over me." I said na hindi tinatanggal ang tingin sa screen ng laptop. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na napatingin sya sakin at ngumiti.
"A-araay! What's wrong with you!" Iritang daing ko pag tapos masalo ng mukha ko yung unan.
Hindi nya ba nagustuhan sagot ko.
He laugh hard. Chaka tumayo para kuhain yun laptop sakin.
"H-hey!"
"Ako na bahala dito." He said then wink. Nakinainit ng pisngi ko kaya dali dali akong tumayo.
"Ikaw bahala K-kuha lang ako m-meryenda" I said na hindi tumitigil yung kabog ng dibdib ko.
This thing is one of the things we always do but my heart was acting..
..... different and it's weird.
-------
"Nasan si Jervi?" Tanong ni Aira nagkibit balikat lang ako
"Hindi ko alam hindi ko pa sya na kikita mula kanina eh." Sagot ko na lang.
"Si Jervi yung narinig kong hinahanap nyo?" Sabay kaming napatingin kay Aron ng sumingit ito sa usapan. Agad naman tumango si Aira.
"Yeah, may alam ka ba kung asan sya?" Agad na tanong ni Aira nakapag pabusangot kay Aron.
"Tsk!" Usal ni Aron na bigla na lang nabadtrip tinotoyo din pala yung mga lalaki? "Nakita ko sya kanina sa entrance gate he's with a girl," Tuloy na saad ni Aron na nakangising sabi nito na deretsong nakatingin kay Aira. I smell something fishy between them.
He's with a girl? Yun ba yung dahilan kung bakit hindi sya pumasok ngayon?
"What?" Hindi makapaniwalang tanong ni Aira.
"Lalapitan ko sana sya kanina pero hinila sya ng babe sa kung saan eh" pagkukwento ni Aron
Napairap ako sa hindi malamang dahilan.
Nagkamali ako nang akalaing first subject lang liliban ng klase si Jervi , dahil hanggang second subject ay wala sya at hindi ako nakapagfocus dahil sa kawalan ng presensya nya.
Nag mag lunch break ay agad. kaming pumunta ni Aira sa Cafeteria para kumain.
"Annnnnnnnnn!" Hindi ako magkandaugaga sa paglingon sa pinagmulan ng boses na yun ni Jervi.
Hindi ko na pinigilan ang pag ngiti ng magtama ang paningin namin.
Pero ganun na lang kabilis na nawala ang ngiting yun nang makitang hindi sya nag-iisa. Nasa tabi nya ang babaeng nakahawak sa braso nya at malawak ang pagkakangiti nito. Ang ganda nya.
"Ann, Aira... Meet Maurie, my girlfriend." Parang nagpaulit ulit sa pandinig ko ang linya nyang yun. Tumitig ako sa mga mata nya at nakita ko yung kakaibang saya mula doon.
At sa pagkakataon yun, sinampal ako ng realization ko.
That, I've been too attached to him that I didn't even notice my heart falling in love.... with him, I fall. I fucking fall,
It's funny right? Gusto kung tawanan yung sarili ko ngayon.
Because after realizing it, I just found out that he's... Taken.
And that breaks me into pieces.
-------------------->
:)hey,
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro